Chapter 18
We are having fun. Mahigit isang oras na yata kaming nananatili ni Avery dito sa billiards.
My hands were shaking habang pinupuwesto ko nanaman sa tama ang porma ng kamay niya sa cue stick. Our body's almost touching. Sa sobrang lapit namin ay hindi nakakatakas sa ilong ko ang pabangong gamit niya. He smells so good!
"U-uh, ganyan dapat ang kamay mo ha? Kasi kapag ganito, hindi mo nanaman maasinta 'yan." Hinawakan ko ng maingat ang daliri niya para ayusin, nakatingin lang siya sa'kin habang nakangiti.
"Yes, ma'am." Nag-init ang pisngi ko at nag-iwas ng tingin.
Maliit ako kumpara kay Avery kaya halos mayakap ko na siya sa pag-ayos ng puwesto niya. Kanina pa kami rito pero tuwing titira siya nakakalimutan niya nanaman ang proper hand position niya.
"Ganito?" Pinakita niya nanaman ang puwesto ng mali. E halos hindi naman nakatapat ang cue stick sa cue ball!
"Nakalaro na tayo kanina. Sinasadya mo naman yata, eh?" Tumawa siya dahil sa pagsimangot ko at nalaman ko ngang niloloko na lang niya ako.
"Ang cute mo kasi. Tara na nga." Hinawakan niya ulit ang palapulsuhan ko para kumain sa table namin.
Nagkapalit na kami ng puwesto, kaya nakaharap na ako sa banda kung saan tanaw ang billiards at siya naman ngayon ang nakatalikod do'n.
Masarap ang pagkain dito. Kaya nagtataka ako kung bakit kaunti ang tao rito kumpara sa mga coffee shops na puro kape lang naman ang offer. Siguro kasi may alcohol at may age limit! Bawal sa mga minor. Buti na lang at nag debut na ako!
Habang inuubos ang aming order, nagkuwentuhan kami tungkol sa mga plano namin after college, or should I say, nagkuwento siya dahil wala naman akong plano pa.
Puro rants nga lang ang nasabi ko sakanya tungkol sa course ko!
"Tapos hindi ako makasunod lalo na't 'yung prof namin sa huling subject, nakakaantok. 'Yung boses niya parang nanghehele, magugulat na lang kami tapos na pala 'yung discussion at uwian na pala..." Bahagya siyang natawa habang nakikinig.
"Sorry. Masyado na yata akong madaldal..." Pinasakan ko ng french fries ang bibig ko saka ngumuya.
"Hindi. Magsalita ka lang. Nakikinig ako." Ngumuso siya nagpipigil ng ngiti.
Ngumiti rin ako at patuloy na nagkuwento. Hindi na namamalayan ang oras at gano'n rin si Avery, halos hindi mga sumagi sa isipan ko si Archeus, not until lumapit sila ng mga kaibigan niya sa billiards.
Si Nancy naman ay mabilis na lumingkis sa braso ni Archeus na parang linta. Nakita niya ako at pekeng bumati. Plastic.
"Oh hello, Eri! Nariyan ka pala? Sino 'yang kasama mo? Date?" Sarkastiko akong tumawa. Piniling huwag magsalita.
"By the way, I'm Nancy." Inabot niya ang kamay niya kay Avery na agad ko namang gustong putulin.
Tumingin sandali si Avery sa'kin bago nakipagkamay kay Nancy at mabilis ring inalis iyon. Buti naman!
"Avery."
Tumango si Nancy. "Honor student ka, 'di ba?" Siguro ay pamilyar sa kanya ang pangalan ni Avery gayong student council itong bruhang 'to.
Ngumiti lang si Avery bilang sagot.
"Nice. I-tutor mo naman siya para tumaas ang mga grado sa business. Kayang kaya mo 'yun kahit architecture pa ang kinukuha mo." Ngumisi si Nancy na agad kong inirapan.
"Dito na ako. Maglalaro pa kami nila Archeus, eh." Maarte siyang kumaway, nagpapaalam.
Sa ginawa niya ay muntikan ko na siyang masapak. The nerve of this girl! Ipapahiya pa ako kay Avery!
"Do you know her?"
"Hindi naman. Kabatch lang ng Kuya ko." Singhal ko, medyo nagtataray na ikinatawa niya naman.
"May subject ka bang nahihirapan?" He sounded hesitant to ask, siguro iniisip na ma-o-offend ako pero hindi naman.
"Oo. 'Di ba nga hindi ko gusto ang business." Natawa nanaman siya ng umirap ako.
"Saang subject ka ba hirap?" Kumunot ang noo niya at nagseryoso.
Tumitig ako ng masama sakanya. Medyo lumalabas na ang ugali ko sa harap ni Avery, sana hindi siya manibago. Tumikhim ako.
"Sa lahat." Hinintay ko ang reaksyon niya pero ngumuso lang siya.
"Do you want me to help you with that?"
Nag-init ang pisngi ko nang maalala ang homework na pinagawa ko kay Archeus no'n.
"H-hindi na. Kaya ko naman..."
Tumango siya at napatingin naman ako sa gilid nang marinig ang tikhim ni Archeus. He was standing behind Nancy, lecturing her how to play billiards.
"This is how you properly do it. You bend a little and you put your hand this way." Hindi pa nga siya tapos magsalita ay agad nang tumuwad ang bruha, tumama tuloy ang puwitan niya sa harapan ni Archeus!
"Ooops. Sorry!" Humagikgik si Nancy kasabay ng sigawan ng mga kasama nila. Lumayo naman ng kaunti si Archeus do'n, hindi natatawa.
Aba! Dapat lang! Alangang hayaan niyang gano'n ang puwesto nila! Mahiya naman siya!
Nagpaalam sandali si Avery para mag CR. Tumango lang ako at patuloy na pinanuod sina Nancy do'n.
Hindi pa rin tumitingin si Archeus sa'kin kahit alam niyang malapit lang ako sa kanila. Nalipat tuloy ang mata ko kay Joaquin na unti-unting kumaway sa akin. He looked a bit tipsy. Namumula at namumungay na ang mata.
Tumayo siya at lumapit sa table namin para maupo.
"Hey! What are the odds? Nandito ka rin pala. Sino ang kasama mo? Boyfriend?" Nailang ako sa paraan ng pagbati niya.
Kahit kailan talaga ay feeling close 'to! Ilang beses ko pa lang siyang nakakasalamuha dahil kina Kuya pero kung umasta, kala mo kababata.
"Uh, hindi. I'm with a friend." Ngumiti ako ng tipid. Based on his smell, mukhang naparami na ito ng inom.
"Boy or girl?" Hindi ako sumagot. Ngumiti siya ng malapad.
"A boy, then. Just make sure he's not playing you, okay? Marami ang loko-loko sa ngayon."
Gaya mo. Tssk! He suddenly stretched his arms and rest his back on the chair.
Nanatili akong nakaupo kahit na nakikita ko ang minsanang pagbaling ni Archeus sa'min ni Joaquin. Now he's checking on me, huh?
"Marunong ka na sa archery dahil tinuruan kita no'n, hindi ba?" Umiling ako dahil una, hindi naman siya ang nagturo sa'kin! Sa umpisa lang siya! At pangalawa, sa isang session na 'yun, hindi naman agad ako natuto lalo na't distracted ako sa pagtuturo ni Archeus.
"Hindi pa rin? Paaano ba 'yan? Sa susunod tuturuan nanaman kita. Sama ka kapag napunta ulit kami nila Emmett do'n ha?" Tumango lang ako at hinayaan siyang dumaldal mag-isa.
I am getting uncomfortable. Dagdagan pa ng mga paninitig niyang malagkit.
"How about billiards? You know how to play? I can teach you. Right now. Magaling din ako riyan!"
Sino? Sino'ng nagtanong? Umirap ako sa yamot. Hindi naman niya nakita 'yon pero hindi ko talaga gusto ang mga mayayabang na tao.
"I am good with billiards. I don't need a mentor." Ngumiti ako kahit nagtitimpi na.
"Really? Pakita mo nga kung totoo." Ngumisi siya habang tinuturo ang isa pang billiard's table sa tabi ng kanila Archeus.
Ano siya? Bakit kailangan pang ipakita? I'm not going to prove him that I'm good with billiards. Kung hindi siya naniniwala, edi huwag.
Nakita ko muli ang paglipat ng tingin ni Archeus sa banda ko. I looked down. Ayaw kong mapatingin sa kanya.
"Okay. Maybe nextime. Sayang at gusto pa sana kitang turuan."
I was tapping my fingers on the table. Naghihintay kay Avery bumalik para umalis na ang mokong na ito sa harapan ko.
Nagulat na lang ako nang hawakan 'yon ni Joaquin para pigilan. Hindi ko kaagad naalis 'yon sa gulat.
"Are you nervous? Am I intimidating you?" Nanlaki ang mata ko lalo na nang ilapit niya ang mukha niya sa akin.
Mabilis akong umiwas. Hawak pa rin niya ang kamay ko.
"Huh? Hindi. Bakit naman?" Tumaas na ang isang kilay ko sa yabang niya. Hindi ko pinakitang nagulat ako sa ginawa niya.
Dahil do'n, kusa niyang binitawan ang kamay ko pero mas lalong niyang nilapit ang mukha niya sa mukha ko.
"'Cause it seems like you are." Bulong niya habang ngumingisi.
Ilang pulgada na lang ay mahahalikan niya na ako kung wala lang kumuwelyo sa kanya! Hindi ko napansin, masyadong mabilis ang pagtalsik niya sa sahig!
"What the fuck?!" Singhal niya kay Archeus habang pumupunas sa labi niyang may dugo. Tumama yata sa edge ng billiard's table.
Sa gulat ay napatayo ako. Nataranta ako dahil mukhang mag-aaway pa sila. Pinigilan naman ng ibang kaibigan nila si Joaquin na patayo na at pasugod.
Si Nancy ay nagtatago sa likuran ni Archeus, nakalingkis sa kanya na kala mo siya ang aatakihin. Umirap ako. Gustong sabunutan ang buhok niya.
"What is your problem, Archeus?! Huh?!" Inangat ni Joaquin ang manggas ng damit niya.
"You. You are the problem. Fucking maniac." Isang kalas lang sa pagkakahawak ni Nancy ay nasapak niya sa mukha si Joaquin.
Tumili si Nancy. Napasinghap naman ako sa nakita. Hindi nila mapigilan si Archeus kahit ilang lalaki pa ang umaawat sa kanya.
Ayaw ko sanang mangialam pero kung wala akong gagawin ay baka mapuruhan pa niya si Joaquin at mapagalitan nanaman siya sa school, or worse, ni Tito Chester!
Sinubukan siyang pigilan ni Nancy pero hindi siya nagtatagumpay ro'n.
"Stop it, Archeus!" Sigaw niya habang nagpapapadyak.
Ilang beses niyang ginawa ngunit tila lumalabas lang sa kabilang tainga ni Archeus 'yun.
Kaya kahit na labag sa loob, inusog ko si Nancy at pumalit sa puwesto niya. Hinila ko ang damit ni Archeus.
"Tama na." Mahina lang ang boses ko.
Hindi siya natitinag! At mukhang aamba pa ng suntok kay Joaquin! Palapit na rin sa banda namin ang ilang staff ng bistro kaya nagpakita na ako sa kanya.
Bago pa niya magawang suntukin si Joaquin, hinawakan ko na ang kamay niya.
Halos manginig at manlamig ang kamay ko sa ginawa. His hand were fisted in a very hard way. Kaya laking gulat ko nang lumipat do'n ang tingin niya, mabilis itong nawala sa pagkakakuyom.
His lips parted. Chest is heaving.
Masama ang tingin ko sa kanya. May pagtatanong naman sa mga mata niya at kung kanina nanlilisik sa galit ang mga 'yon. Ngayon, unti-unti na 'yong nawala.
Mabilis ko siyang hinila palabas do'n, hawak ng mahigpit ang kamay niya at nagpatianod naman siya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top