Chapter 14

"H-huh? Ano bang sinasabi mo diyan?" Halos mautal ako nang makabawi ng lakas.

Agad kong hinila ang sariling kamay mula sakanya. Pinagpag ko ang uniporme ko at pilit kinunot ang noo.

Huminga ng malalim si Archeus.

"Stop playing with me, Eri. Alam kong alam mo ang sinasabi ko." Tumalim ang titig niya sa'kin, animo'y magagalit kapag hindi ako umamin.

"H-hindi ko alam ang sinasabi mo! B-baka nagkakamali ka lang! Hibang ka na ba?" Umiwas ulit ako ng tingin pero kinabahan ng hilahin niya ako sa mas pribadong lugar.

Nasa likod na kami ng podium ng fields. Wala ni isang makakita sa amin mula dito kaya mas lumakas ang kaba sa puso ko.

"B-bakit mo ko dinadala dito! Do'n nga tayo sa may tao!"

"Wala akong gagawin sa'yo, huwag ka mag-alala. Gusto ko lang mag-usap tayong dalawa."

"E, puwede naman sa maraming tao! Bakit dito pa?!"

"Hindi mo naman ako matignan pag maraming tao kaya dito na lang! Huwag ka nang magreklamo!" Parang napigtas ang pasensya niya sa'kin kaya't kitang kita ko rin ang pamumula ng leeg niya pataas sa kanyang tainga.

"A-anong hindi matignan! Bakit naman ako iiwas?!"

"Really?! Akala mo ba hindi ko nahahalata, Eri? You think I was not paying attention?" His brows furrowed.

Napahinto ako. Sa ibang pagkakataon, hindi ako magpapatalo pero para akong natauhan. Hindi nga naman ako mapakali! Baka lalo akong magmukhang defensive nito!

"You were avoiding me for months. Kahit sa bahay niyo..." I looked down because he was right. He cursed under his breath.

"Natahimik rin." Bulong niya at muling binaling sa'kin ng buo ang atensyon.

"Bakit nga, Eri? Bakit mo ako hinalikan?" His voice was hoarse and deep, enough to send shivers down my spine.

Pakiramdam ko lalagnatin ako sa paraan ng pagtatanong niya. He seemed frustrated about it. Bakit? Big deal ba 'yon para sakanya? Bakit parang gustong gusto niya malaman ang rason?

Sabagay, kung ako naman din naman ang sa posisyon niya magtatanong rin ako pero hindi na para ungkatin pa ang rason! Nakakahiya!

Gusto lang niya yata ako asarin kaya't hinding hindi talaga ako aamin na sinadya ko 'yun!

"I was drunk. Okay? Now, let me go. Tapos na ang break time namin."

"But you're not drunk enough to forget what you did." His eyes pierced through me.

Pakiramdam ko mali ako ng sinagot. Wrong move ka talaga, Eri! Bigla akong kinabahan, 'di nanaman mapakali.

He bit his lower lip, looking at me intently. I felt my knees weaken the moment he closed the distance between us.

"Can you further explain why you did that? Why did you kiss m—" I snapped.

Pulang pula na sa kahihiyan. Tinulak ko siya kaya't napaatras siya.

"Lumayo ka nga! Lasing nga ako no'n! Ano bang gusto mong marinig? That I liked kissing you? Na magaling kang humalik? At hindi ko makalimutan na sinuklian mo ang halik ko?!" Tuloy-tuloy ang pagsagot ko, tumaas baba pa ang balikat sa pinaghalong inis at paghabol ng hininga.

Sa huli, pinagsisihan ko rin. Mali yata ang mga lumalabas sa bibig ko at mas mabuti na lang na manahimik na lang ako dito!

Unti-unti kong nakita ang pagsilay ng ngiti ni Archeus. Here we go again. Him and his evil smile. I don't think I will ever get used to it.

"Sa'yo nanggaling 'yan." Ngumuso siya at kitang kita ang pagpipigil ng tawa.

He likes teasing me! At hindi rin ito iba sa mga nakaraang pangbubwisit niya kaya mas lalong kumulo ang dugo ko ngayon!

"Gago!" Magkasalubong na ang kilay ko sa galit. Umamba na para layasan siya do'n pero hinigit nanaman niya ako.

Tumama ako sa dibdib niya pero mabilis rin akong nakalayo.

"Stop it, Eri. No cursing please, you have no idea how it sounds to me now." He whispered.

Pero nang lingunin ko siya, biglang tumawa. Walang hiya talaga! Sigurado ako, hindi na ako tatantanan nito!

"Don't worry. This will be our little secret. No one's gonna know. Ako lang... at ikaw." His brows wiggled.

Naramdaman ko ang init sa tainga ko. Hindi ako papayag na manalo siya kaya't sumagot ulit ako pabalik.

"I was drunk sabi! Bakit naman kita hahalikan kung nasa matino akong lagay?! I thought you were Avery that's why I kissed you! I will never give my first kiss to you! Ano ka, hilo?!" I spat.

His smile suddenly turned into thin line. 'Yan ganyan nga. Akala mo ba na sa'yo ang huling halakhak, Archeus?! No way!

Nag ring ang bell. Bigla na rin kumalat ang tao sa fields kaya may iilang napadaan na rin sa aming banda.

Hindi na nakasagot si Archeus nang dumating si Kuya.

"Kanina pa kita hinahanap, nandiyan ka lang pala!" His eyes were directed to Archeus, then to me.

"Oh, ano'ng ginagawa mo dito, Eri?" Bakas sa mata niya ang kuryosidad.

Kinabahan ako bigla! Baka mamaya malaman niya pa ang nangyari pero hindi naman siguro sasabihin ni Archeus 'yon? Baka mag-away sila ni Kuya pag nagkataon!

"W-wala! Nag CR lang. Una na 'ko, ha!" Kumaway ako at sandaling tinapunan ng tingin si Archeus.

Kahit papaano, umaasa na hindi siya magsasalita.

Gano'n nga ang nangyari pero bakas ang talim ng titig niya sa'kin. Nang makalayo ako do'n, saka lang ako nabunutan ng tinik sa lalamunan!

Days have passed at ang tanging inaabangan ko na lang sa araw-araw ay ang mga lunch time kasama si Keanu at Leslie.

"Kala ko ba si Avery? Bakit parang problemadong problemado ka kay Archeus at hindi pa maalis sa isipan mo?" Hinila ni Leslie ang dulo ng buhok ko.

Tinampal ko naman ang kamay niya.

"Les! Hindi nga sabi. Mali ka nang iniisip tungkol kay Archeus. Hindi ako gusto no'n at hindi ko rin 'yon gusto! Puwede ba?" Umirap ako kasi paulit ulit siya.

"Oo nga naman, Leslie. Wala namang kagusto gusto dito. Maiintindihan ko pa kung si Avery ang gusto ni Eanthie." Sabat ni Keanu habang nag i-stalk sa facebook wall ni Archeus.

"Mukhang nag-aaya ng away lagi." Natawa ko sa sinabi ni Keanu dahil gano'n rin naman siya! Mabait siya sa'kin pero pagdating sa mga lalaki, maangas siya. Hindi lang kay Archeus ha! As in sa lahat!

"Coming from you?" Pinitik ni Leslie ang noo niya. Umilag naman siya agad.

"Oo, bakit? Totoo naman." Umirap siya habang nakatingin pa rin sa phone.

"Si Archeus!" Sabay kaming napatingin ni Keanu kung saan sa sinigaw ni Leslie.

Ako nanigas. Si Keanu nataranta at nahulog ang phone sa sahig sa pagmamadaling maibaba 'yon.

"Chariz! Kayo naman hindi na mabiro!" Humalakhak si Leslie at sa panahon na 'yon gusto ko biglang ipasak sa bibig niya ang kulot niyang buhok.

"Nakakatawa 'yon, Les? Nakakatawa 'yon?" Nag peace sign lang siya at nagpatuloy sa pagkain habang si Keanu naman ay umayos ng upo. Pilit inaayos ang phone na natanggalan ng baterya sa pagkahulog.

"Miss Hulleza," Napaangat ang tingin ko sa lalaking tumawag sa apelyido ko.

At hindi nga ako nagkakamali dahil isa lang naman ang tumatawag sa'kin no'n. Si Avery.

Sinalubong niya ako ng ngiti. Ginantihan ko naman iyon. "Uy, hi? 'Di ba may klase ka?"

"Meron."

"E, bakit ka nandito?" Kumunot ang noo ko dahil wala naman siyang nasabing kikitain niya ako ngayon.

Napansin ko ang pagpula ng pisngi niya kasabay ng paglabas ng dimples niya. Dati lagi ko lang siyang tinitignan sa malayo kasama si Leslie, pero ngayong malapit na siya, hindi ko alam kung bakit parang hindi na tulad noong SHS ako.

Hindi ko naman pinakita 'yon sakanya. Simula no'ng birthday ko napatunayan ko na gano'n na nga ang pakiramdam ko, siguro dahil sobrang umasa ako na dadating siya pero biglang hindi? Sobrang nag expect siguro ako to the point na nawalan ako ng gana nang hindi na-meet 'yon.

Ayos lang sa'kin pero parang may nagbago na tuloy simula nang mangyari 'yon. I tried to be casual as much as possible. Kinausap ko pa rin naman siya no'n pero hindi na gaya dati na sobrang kulit ko.

Hindi ko mapigilan pero talagang pumasok nanaman sa isipan ko si Archeus. What could be the reason? Ayaw kong dumating nanaman sa puntong naiisip ko na kasi baka hindi naman talaga ako galit sakanya? Na baka gusto ko siya kaya ako ganito pero hindi! Hindi talaga. Malabo! Imposible!

Nabalik lang ako sa reyalidad nang magsalita ulit si Avery.

"Gusto lang sana kitang ayain sa freshmen ball. I didn't make it on your birthday kaya sana dito mapagbigyan mo ako. Kung ayos lang sa'yo." Muntik nang mahulog ang panga ko sa gulat.

My eyes widen. Gano'n rin kay Leslie. Si Keanu naman ay nakataas ang kilay kay Avery.

"H-huh?" Tama ba ako ng rinig?

"Kung papayag ka sana." He scratched his nape. Tila nahihiya ngunit lakas loob pa ring sumubok.

"G-ganon? Uhh, sige ba. A-ayos. Ayos lang sa'kin! Siyempre!" Hindi ko alam kung bakit ako nautal. Awkward rin akong natawa pero gulat pa rin sa narinig.

"Okay. See you." Matamis niya akong nginitian at umalis na nang tahimik.

Ilang segundo pa bago kami nagkatinginan ni Leslie.

"Anong nangyayari?!" Kwestyon ni Leslie. "Ang haba ng buhok mo! Ito na nga ba ang simula ng love life mo?!"

Lumipat ang tingin ko kay Keanu na ngayon ay busangot na ang mukha.

"Akala ko ba ako?" Bulong niya ngunit narinig ko.

"Nandiyan naman si Leslie, Keanu." Hinawakan ko ang kamay niyang nakapatong sa mesa. Mabilis niyang inalis 'yon, para bang napaso o guni-guni ko lang 'yon.

Ilang sandali pa ay lumapit rin si Jackson sa table namin.

"Hello, Leslie. Classmate ako ni Eanthie. Puwede ba kitang partner sa freshmen ball?" Ngumiti ito.

Hindi ko alam na kilala pala niya si Leslie. Teka, kilala ba siya ni Les?

"A-ako? Bakit ako?" Gulat niyang sagot. Nagtataka.

Napalunok si Jackson at sandaling bumaling ng tingin kay Keanu na sa ibang direksyon nakatingin.

"Gusto ko lang. Puwede ba?" Ngumiti ulit siya.

Well. Mabait naman 'to sa klase kaya tingin ko walang masama kung tanggapin ni Les ang alok niya.

Tama nga ako dahil kalaunan napapayag rin ito.

"U-uh, okay. Sige." Namula ang pisngi ni Leslie pagkaalis ni Jackson.

Mapang-asar ang ngiti ko kay Leslie ngunit nang mapapad ang tingin kay ko Keanu napawi bigla ang ngisi ko.

"Uhh. Sorry, Keanu! Akala ko kasi walang partner si Leslie. Kayo sana."

"Alis lang ako." Kumunot ang noo ko dahil sa reaskyon niya. Anyare do'n?

Tatawagin ko pa sana pero nakalayo na siya agad. Hindi ko na lang pinansin kahit nagtataka. Hindi na rin naka-react sa agarang pangungulit ni Leslie. Na-pogi-an yata kay Jackson!

Sa mga sumunod na araw ay napadalas ang pag-uusap namin ni Avery. Hindi ko alam kung nagkakataon lang ba o talagang napapadalas ang pagkikita namin kahit hindi planado.

Wala namang mali dahil kahit ako ay unti-unti ring nalilibang sakanya.

Lunch time ngayon at nang makita ako ni Avery mag-isa dahil wala ang dalawa kong kaibigan ay inaya niya ko sa table niya.

"Saan ka ba natuto mag drawing?" Ngumuso ako habang pinipilit dungawin ang plates na ginagawa niya.

Kakatapos lang namin kumain at may gagawin muna raw siyang assignment.

"Hindi ko rin alam, e. Basta natuto na lang." Ngumiti si Avery habang patuloy na gumuguhit, ayaw ipakita sa akin.

Tumango ako.

Kung babalikan ko siguro ang Senior High na Eri, malamang ay magtatatalon na'ko sa kilig dahil kausap ko siya nang malapitan.

Pero ngayon hindi. Mangha pa rin naman ngunit mas kontrolado na. Tanging ang galit ko na lang yata kay Archeus ang hindi ko maintindihan!

At iyon na nga, nasali nanaman siya! Sa lahat ng bagay na lang, parang lagi siyang nandiyan!

"Ayos ka lang? Bakit mukhang naiinis ka?" Mabilis akong napalingon sa harap para tignan siya habang binababa niya ang lapis niya.

Napansin ko ngang kumunot ang noo ko sa pag-iisip kay Archeus, grabe na talaga ang epekto niya!

"A-ah, hindi! May naalala lang." Ngumiti ako ng malawak. Agad namang natawa si Avery.

Matagal niya akong tinitigan, sinusuklian ang ngiti ko kaya kinabahan ako.

"B-bakit ka ganyan makangiti? May dumi ba sa mukha ko?" Nag panic ako habang pinupunasan ang mukha.

"Wala." Lumingon siya sa gilid at muling binalik sa'kin ang tingin.

Nagtaka ako ngunit dinaan ko na lang sa biro.

"Sus! Huwag mo akong daanin sa ganyan. Kala mo ba napatawad na kita sa 'di mo pagpunta ng birthday ko no'n?" Tinaasan ko siya ng kilay na ikinatawa niya.

"Hindi mo pa rin ako napapatawad?" Lumabas ang dimple niya. Nagkibit balikat lang ako.

"Baka may girlfriend ka lang no'n kaya 'di ka pinayagan pumunta sa birthday ng may crush sa'yo!"

It was supposed to be a joke! Kaso bigla siyang tumahimik at na-realize ko rin ang sinabi ko! Ang kapal talaga ng mukha ko!

"H-huy! Joke lang! Nagbibiro lang ako!" Umiwas ako ng tingin at napaayos bigla ng buhok.

"Eanthie." Napahinto ako dahil madalas Miss Hulleza ang tawag niya sa akin.

Nanlaki ang mata ko. Kinakabahan sa sasabihin niya!

"Sinabi ko na noon, wala nga akong girlfriend. Pero may gusto ako at nagsisisi akong hindi ako nakapunta sa birthday niya."

Ultimo mata niya ay nakangiti na, habang ako, hindi mapakali. Anong nangyayari?!

"This is my peace offering. Sana mapatawad niya ako."

Binaba niya ang papel na pilit kong sinisipat ngunit ayaw niyang ipakita kanina.

It was a drawing of me, showing my side profiles habang nakangiti.

Kumabog ang dibdib ko. Hindi malaman ang isasagot ngunit agad ring nabawi ng ngiti.

"A-ano?" Tila naging babaeng babae ang boses ko, malayo sa nakagisnang tono nila Leslie.

Ngumuso si Avery. Namumula ang pisngi at hindi makatingin ng diretso.

"I think I like you, too, Miss Hulleza."

Suddenly, the bell rang. Hindi ko maalala ang naging reaksyon ko sa sinabi ni Avery pero alam kong natuwa ako sa narinig ko kahit papaano.

It wasn't the reaction I'm expecting dahil hindi ganoon ang nakikita ko sa mga pelikula o sa mga istoryang narinig ko, pero iba naman ang bawat tao, 'di ba?

Hindi naman gano'n kabilis humuhupa ang pagkagusto. For years, matagal kong hinintay ang pagkakataong 'to.

It was him I truly like from the very first day. Maybe, I was just distracted by the thought that he isn't gonna be my first kiss anymore if we end up together. And that's on Archeus! Panira talaga ang taong 'yon at kung ano-ano ang naiisip ko kapag nariyan siya!

May kung ano akong naramdaman sa aking tiyan. Hindi ko alam kung kilig ba o ano.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top