Chapter 13
"Hayaan na lang natin siya pumili ng kurso. You know we can't force her into something she doesn't like!"
"No, Riesa. She needs it, believe me."
"Nariyan naman si Emmett!"
"Hindi sapat iyon, Riesa. Paano kung may mangyari at wala si Emmett? Dapat matutunan rin ni Eri ang siste ng negosyo."
"Just let her be, Emerson! Huwag mo nang ipagkait ang gusto ng bata gaya ng nangyari sa'kin!"
"Are you blaming me for not pursuing your own dream, Riesa?"
"I'm not saying that! I know from the very start na kailangan mo ako sa kompanya mo kaya ako na mismo ang bumitaw sa simpleng pangarap ko!"
"What are you implying, then?! Hindi ko kasalanan na pinili mong bitawan ang gusto mo para sa gusto ko, Riesa! It was your damn choice!"
"Yes! And I think I regretted it!"
"Ano pala ang gusto mo? Buy a franchise of a known pastry coffee shop? Go ahead! Use our money! Spend it all! Just stop with all the annoying nonsense!"
"Annoying nonsense? Do you even hear yourself?! Hindi 'yan ang gusto ko! Alam mo 'yan! I wanted to build my own name, but I didn't even get the chance to because I married you!"
Tila isang suntok sa pader ang nakapagpatahimik sa loob ng kuwarto nila Mommy. Napaatras ako sa pakikinig mula sa pinto, takot na baka kung saan umabot ang usapan na 'yon.
"Too early... Emerson. Too early..." Her voice broke.
"Hindi ba 'yon ang gusto mo? Bakit mo tinanggap ang pag-alok ko ng kasal kung hindi pala bukal sa loob mo?"
"I didn't say that... Gusto ko ang mapakasal sa'yo, Emerson, pero... ang dami ko pang hindi nagagaw—"
"That's not my problem anymore, Riesa. You can always choose to leave the company and I won't even question you for it, but you didn't. And now you're blaming me, our marriage, which I will not ever do because that would only mean that I regret having you and our children."
Tumulo ang luha ko sa narinig. Growing up, I've always thought that my parents doesn't go through stuff like this. Palagi kasi silang masaya sa harap namin. But right now, I've realized that marriage isn't always perfect. Marriage is about staying committed while embracing each other's imperfection which makes them perfect for one another.
Ilang sandali pa ay narinig ko na ang mga hikbi ni Mommy.
"I'm sorry... I'm so sorry! I don't regret having you and our children. For God's sake! Pagod lang ako, Emerson. I didn't mean what I've said. Please. I'm sorry..."
"Love... You should've just told me about this. Hindi 'yung wala akong alam na ganito pala ang nararamdaman mo. I think it's quite unfair because I tell you everything. Lahat lahat. I thought you love what you're doing, I thought you love working with me..."
"I know, I'm sorry... I don't know what's happening to me. Maybe I'm just frustrated. Hindi ko na rin maintindihan ang sarili k—"
"Shhh. I know, I know. I'm sorry, too. I was naive, I should've asked you about these things, but I wasn't paying attention. I do understand you now. Do you want to take a break? Tell me, Love. We can do that. I can always make an exemption for you, just tell me. Please... Everything."
Lalong lumakas ang iyak ni Mommy pero panatag ako dahil hindi naman lumala ang pag-aaway nila ni Daddy. In fact, it was a healthy argument. Mas lalo akong namangha sa mga magulang ko. They were fighting but it turned out fine at the end. Nagkasigawan at sumbatan man, at least their emotions weren't suppressed.
After that night, I was awake until dawn and I've decided to take Business Ad as a course. I don't know if that was an impulsive decision pero bahala na.
Ayaw ko lang na mag-away pa ulit sila Mommy tungkol dito. I can always pursue my passion whenever I want. Pero kung ang pagkuha ng kursong ito ang makakapagpapanatag sa magulang ko, I'll take it. Mahirapan man ako.
Tumunog ang bell sa eskwelahan hudyat ng dismissal. Hindi na kami classmate ni Leslie dahil ibang kurso ang kinuha niya pero lagi pa rin naman kami nag-uusap.
Tumingin ako sa paligid. Nagsitayuan ang mga kaklase ko, nagliligpit ng mga gamit at isa isang lumabas ng classroom.
It was a huge adjustment for me dahil sanay ako na kakilala lahat ng mga kasama. Ngayon, halos walang pamilyar na mukha sa room na 'to. Hindi pa madaldal ang katabi ko at mukhang seryoso lagi sa pag-aaral!
"Lunch?" Napalingon ako sa lalaking nagsalita mula sa likod ko.
He looked at me from head to toe. Umangat ang isang kilay niya. I noticed how thick it was, on fleek pa nga, halatang naaalagaan o baka natural? Ngumisi siya nang mapansin niya ang paninitig ko.
"Keanu pala. Eanthie, right?" We shook hands at ngumiti na lang din ako.
Gwapo siya. Mukhang malinis at mabango. Sa ibang pagkakataon, I would feel intimidated pero sakanya hindi.
"Ah, oo. Hello! Sorry, hindi kita napapansin sa likod masyado."
"Paano mo mapapansin, tulala ka lagi tuwing pumapasok." Tumawa siya at hinawi ang buhok pataas.
Nanlaki ang mata ko sa biro niya. Nabigla dahil kung makapag joke naman 'to kala mo close kami. Natawa na lang din ako kasi totoo nga naman!
"Grabe ka naman sa tulala lagi, minsan lang tuwing umaga!" Binuhat ko ang bag ko habang nakangiti.
"Mukhang bored ka kasi sa course na 'to. Napilitan ka ba?" Nanliit ang mata niya, tila nanunuri.
"Bakit? Ikaw din ba?" Balik ko.
"Kaya nga kita kinausap eh." Kumindat siya at sabay na kaming lumabas ng room.
Mabilis akong napalagay kay Keanu! Maybe it was his aura or something? I don't know. At hindi na rin masama kasi dahil do'n, hindi na ako tinatamad pumasok at bearable na rin ang college life ko.
Unang taon ko sa kolehiyo, si Kuya naman graduating na. Pati na rin si Archeus.
Pagkatapos ng nangyari no'ng birthday ko, tinawagan ko siya at kinamusta pero no'ng bigla niyang balikan ang ginawa kong kabaliwan, pinutol ko agad ang tawag.
Hindi ko kaya magpaliwanag kaya mabuting iwasan at kalimutan na lang. Mukha rin namang 'di niya naalala dahil hindi na siya nangulit tungkol do'n.
Feeling ko hindi naman niya nasabi kay Kuya dahil panigurado pagsasabihan ako no'n. At ang kapal naman niya kung magsusumbong siya?! Humalik nga siya pabalik! Mahiya naman siya 'di ba?!
I can't even imagine Kuya's reaction kung malaman niya!
Mabilis na nag-init ang pisngi ko sa naalala. Napahawak ako sa labi nang hindi namamalayan.
"There she goes. Again. Always spacing out. Ano ba tinitira nito?" Kumaway sa harap ko si Keanu saka lang ako natauhan.
"Alam mo ganyan na 'yan no'ng Senior High. May tililing 'yan, maganda lang pero laging sabog." Segunda ni Leslie na katabi niya.
Yep! Keanu and Leslie became friends also. Dahil nakakasama ko na siya lagi, hindi naging malabo para maging close din sila ni Les since iisa lang din naman ang vibes ng dalawa.
Kinagatan ko ng malaki ang sandwich na hawak. Free time namin ngayon kaya nasa canteen kaming tatlo. Buti nga at kasabay ng break namin si Leslie.
"Basher talaga kayong dalawa, 'no?! Magkasama nga kayo tutal ako lagi ang puntirya niyo!" Umirap ako pero natatawa.
"The hell. Kaya ko lang naman naging kaibigan 'yan dahil laging nakabuntot sa'yo! Say arf arf, Keanu!" Biro ni Leslie.
"Talaga? Okay. Si Eanthie naman ang gusto kong kaibigan, hindi ikaw." Bawi ni Keanu.
Natawa ko kasi kinurot ni Leslie sa tagiliran niya.
"Ang epal mo talaga!"
"O, ba't pikon? Ba't pikon?" Pilit lumalayo si Keanu pero natatawa na rin.
Sa tuwa ay nagawa kong video-han ang dalawa. Tumatawa na rin ako pero natigilan nang mahagip ng camera ko si Archeus.
Mabilis kong binaba ang phone at tahimik na kumain. Nakayuko.
Hindi nagtagal napansin na rin ni Leslie ang gumagalang demonyo!
"Uyyy, sino ito na walking enemy ni Eri at mukhang may hinahanap pa nga sa canteen?" Sinamaan ko ng tingin si Leslie.
'Di ko rin maiwasan ang pagtingin kay Archeus at sa malas nga naman, nagtama pa ang mata naming dalawa!
Agad kumabog ang dibdib ko. Ayaw ko talaga siyang harapin. Nagawa ko naman siyang iwasan pagkatapos no'n, e. Tuwing pumupunta naman siya sa bahay tinataon ko na umalis rin at gumawa ng kung anong lakad para lang 'di siya makita.
Sa eskwelahan naman tuwing palapit siya bigla akong makikipag-usap sa katabi kahit hindi ko kakilala.
"Sino 'yan?" Tanong ni Keanu.
"Tanungin mo 'yang kaibigan mong nanahimik bigla." Tumawa si Leslie.
Hindi alam ni Leslie ang nangyari pero simula no'ng debut ko, tuluyan na niya akong inasar dito.
"Eanthie, sino 'yan? May boyfriend ka?" Naalarma ako sa tanong ni Keanu kaya napalakas ang sagot ko.
"Hindi ah! May iba akong gusto!"
Ngumuso si Keanu, nagpipigil ng ngiti. "Sino? 'Yong Avery?" Patutsada niya dahil nakilala rin niya ito.
Architecture ang kinuhang kurso ni Avery. Simula no'ng 'di siya nakadalo sa party ko, panay ang paghingi niya ng pasensya. Nalaman ko rin na nagkaroon sila ng emergency sa pamilya kaya't 'di siya nakapagsabi agad.
Naintindihan ko naman 'yon kaya nagpatuloy ulit ang pag-uusap namin sa messenger at text. Sabi ko na at hindi niya ako inindyan! Si Archeus lang naman ang nagsasabi no'n! Hindi ko tuloy mapigilan na mainis ulit sakanya!
Hindi ako makapaniwala na hinalikan ko siya no'ng gabing 'yon! I even had a realization about love and hate! Yuck! Hindi na 'ko iinom talaga! Cross my heart!
"Bakit? May gusto ka ba kay Eanthie? Tanong ka ng tanong, ah?"
Naubo si Keanu at natawa sa sinabi ni Les. Hindi siya sumagot. Instead, he licked his lips.
Nakalapit na si Archeus sa puwesto namin. Umangat ang tingin ko sakanya habang nakaupo, nakatitig naman siya sa'kin habang nakatayo.
"Ehem." Parinig ni Leslie.
Umangat ang kilay ni Keanu at sumandal sa backrest ng upuan.
"Sino ba 'yan? Mas gwapo pa 'ko diyan, e." Bulong niya kay Leslie na malakas naman at siguradong narinig ni Archeus!
Napalunok ako. Huwag naman sanang uminit ang ulo nito at baka mabugbog pa ng wala sa oras ang kaibigan ko! Bakit hindi ko ba kasi siya nakwento no'n kay Keanu!
"B-bakit ka nandito?" Kumunot ang noo ko. Kinakabahan.
"Nagpapansin." Tinapik agad ni Leslie ang katabi at linakihan ng mata.
"Aray! Bakit ba?" Binalingan na siya ni Archeus, sanhi ng paninigas ni Keanu sa kinauupan.
"Shut up, nosy. I'm here to talk with Eri." Mabilis na akong tumayo dahil mukhang napikon si Keanu sa narinig at sa paraan ng pagngiti niya.
"A-ahh, okay. Sige. Sandali lang, Keanu.. Les." Tumango si Leslie habang kinakalma si Keanu na bumubulong bulong na.
Hinigit ko ang pulso ni Archeus at dinala sa mas tahimik na lugar. Sa harap ng malawak na fields.
"Sino ba 'yon?" Ang sama ng tingin ni Archeus sa'kin. Akala mo naman may karapatan magalit!
"Kaibigan ko! Bakit ba!?" Hindi ko maiwasan ang pagsigaw.
"Pangalan?" Umirap ako.
"Bakit kailangan pang malaman? Basta kaibigan ko! Wala ka nang pakialam do'n!" Para akong batang nagtantrums sa harapan niya, nakayukom pa ang palad.
Huminga siya ng malalim at bumaling sa gilid. Parang hirap na hirap akong pakitunguhan ah! E, siya nga 'tong biglang dumadating at gustong makipag-usap!
"Ano ba kasi 'yon? Sabihin mo na at mag ta-time na!" Tumingin ako relo ko para lang makaiwas sa mga mata niya.
Hindi ako puwedeng tumiklop. Baka malaman pa niyang apektado ako sa halik na 'yon. Kung wala lang naman sakanya 'yon, hindi na dapat pang palakihin! Hindi na dapat pag-usapan!
Sandali niya akong tinitigan pero 'di ko sinusuklian 'yon. Hindi lang halata pero tila may karera nang nagaganap sa dibdib ko.
"Look at me, Eri." Mahina niyang utos.
At bakit ako susunod? Sino ba siya para manduhan ako?
"A-ano ba 'yon? Sabihin mo na nga kasi." Sa halip na sundin siya, tumingin ako sa paligid, naghahanap ng taong puwedeng tawagin para makaalis sa puwesto.
Gusto kong makatakas! Pakiramdam ko 'di ko kakayanin marinig ang tungkol dito kung 'yun man ang sasabihin niya!
"Tignan mo muna ko." Pilit niyang hinahabol ang mata ko pero umiiwas ako.
"Eh kung sabihin mo na kaya para matapos na?!" Yumuko ako at pinaglaruan naman ang kamay.
"Tumingin ka nga muna kasi sa'kin!" Aniya sa hirap na tono.
Hinawakan niya ang kamay ko. Sa gulat at init na dala no'n, napaangat ang tingin ko.
"Bakit mo ako hinalikan no'n?"
Nanuyo ang lalamunan ko. Ang marinig 'yon mula sakanya ay mas lalong nakapagpainit ng pisngi ko. Hindi ko alam ang isasagot!
Lalo na nang lumapit na siya ng tuluyan. Napaatras ako, tila nahirapan sa paghinga, hindi makagalaw.
"Bakit, Eri? Bakit mo ako hinalikan?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top