Chapter 1
"Doings na 'to, guys! Ganahan niyo naman! Ka'y lalamya?!"
Ang malakas na tugtog galing sa speaker ay dumadagundong sa buong sulok ng studio kasabay nang pagkaluskos ng aming mga rubber shoes sa sahig.
"Sa isip kayo magbilang! Dios mio Marimar! Kumain naman kayo 'di ba? Gayahin niyo nga si Eanthie!"
Habang umaalon ang katawan ko sa ritmo ng mabilis na kanta ay hindi ko napigilan ang pagtawa.
Natatakpan naman ng nasa unahan ang repleksyon ko sa harap ng malaking salamin kaya ayos lang.
"Eight, seven, six, five, four, three, two, one! Pose! Awra!"
Huminto ang musika.
At pagtapos ng ilang malalim na paghinga ay pabagsak kong ibinaba ang kanang braso ko mula sa aking ulo.
Hiningal ako ro'n! Ramdam ko rin ang pawis na tumutulo sa noo ko dahil wala namang air con dito.
"Bravo! Bellissimo! Bukas ulit, 4PM. Don't be late! Ang ma-late, alam niyo na!"
"Yes, Coach Roy!" Sigaw naming lahat.
Nagsimulang kumalat ang mga kagrupo ko sa studio, ang iba ay lumapit na sa kanilang mga bag at ang iba naman ay nakipagdaldalan na.
Sandali kong sinintas ang sapatos ko bago tuluyang lumapit sa kanina pang nang-aapura sa pagsasayaw ko.
"Water?" Tanong ni Kuya Emmett habang winawagayway ang isang itim na tumbler sa harap ko.
"Thanks, Kuya." Mabilis kong kinuha 'yon at sinimulang tunggain ang laman.
Buti na lang at may dala siya. Kanina pa ako inuuhaw, 'di naman ako makabili sa canteen dahil walang break ang practice namin.
Biglang natigilan si Kuya Emmett at ang katabi niyang sugo ni satanas na kasalukuyang tumatawa-tawa na ngayon.
"Bakit? Anong nakakatawa?" Tanong ko at patuloy na uminom.
Inirapan ko si Archeus dahil kahit hinahangaan ang kagwapuhan niya sa school namin ay nauurat ako sa kapangitan ng ugali niya.
"Kanyang tumbler 'yan, Eri." Sabi ni Kuya.
Nanlaki ang mata ko at kahit na nasa kalagitnaan ako ng pag-inom ay mabilis kong naibato 'yun sakanya.
Hindi pa sarado ang takip!
"Kuya naman! Ba't 'di mo agad sinabi?!" Singhal ko.
Ayoko ng kahit anong may kinalaman sakanya kaso imposible naman dahil best friend siya ni Kuya.
Tumawa ang dalawa dahil sa pagkabasa ng uniporme ni Archeus sa ginawa ko.
"Eh kinuha mo agad. Tinatanong pa nga lang kita para bilan kita sa canteen." Ani Kuya.
Nanlisik ang mata ko kay Archeus dahil nakangisi pa rin siya hanggang ngayon.
Apat na taon ang agwat namin pero hinding hindi ko siya tatawaging Kuya!
"Sa dami nang gustong makainom sa tumbler ko, ikaw lang ang nakagawa. Luge ka pa do'n, Eri?" He chuckled.
"Ang kapal ng mukha! Kala mo naman ginto laway mo. Kadiri kaya! At saka don't call me Eri. Mga close ko lang ang tumatawag saakin no'n!"
Halos mamula ang maputi kong balat sa inis na nararamdaman.
"Okay, Eri." He grinned and licked his bottom lip.
Talagang inulit pa! Bwisit talaga!
"Give me your bag. Nasa gate na ang driver, kanina ka pa hinahanap nila Mommy sa'kin. Ako nanaman ang kinukulit."
Inabot ko kay Kuya ang bag ko saka nagpunas ng pawis gamit ang bimpo ko.
Paglabas ng studio ay sumalubong sa balat ko ang malamig na hangin sa school. Marami kasing puno dito kaya presko.
Ang mga tao naman sa hallway ay tila nahati sa gitna no'ng dumaan kami. Ang ibang babae ay naghagikgikan, siguro dahil sa dalawang kasama ko.
Parang ngayon lang nakakita ng mga college students ah!
"Nagpaalam naman ako, Kuya. Alam na nila 'yon." Hilaw ko siyang nginitian.
Ang totoo ay hindi ako nakapagpaalam kanila Daddy.
Hanggang ngayon, hindi pa rin yata sila sanay na after class lagi akong dumidiretso sa org ko. Member kasi ako ng dance troupe at sa biyernes may laban kami outside the school.
Sana manalo!
"Nagpaalam. Tss! 'Wag ako, Eri." Ngumuso ako at tinusok ang tagiliran ni Kuya.
"Kilalang kilala mo talaga ako eh 'no?" Pang-aasar ko sakanya.
Kuya Emmett and I are so close. Siguro dahil dalawa lang naman kaming magkapatid sa bahay.
Sabi nila magkamukha talaga kami at nagmana pareho kay Daddy Emerson kaya ang mga first name namin ay sakanya nanggaling.
I have the softer version of Kuya's features. Ang pinagkaiba lang talaga namin ay ang kulay ng balat dahil mestiza ako at may pagkamoreno naman si Kuya dahil sa hilig niya sa sports.
May ilang nagsasabi pa nga na hawig ko raw si Lily Collins no'ng teenager at kung magpapakulay pa raw ako ng buhok gaya ng kanya ay baka mapagkamalan na kaming kambal.
Kapag sinasabi nila 'yon, umiiling ako pero ang totoo niyan, kinikilig ako. Syempre! Diyosa kaya 'yon! Isang pribilehiyo ang masabihang kahawig niya.
"Pagdating sa bahay mag-explain ka kanila Mommy, sabihin mo na rin na baka late na ako makauwi mamaya." Ani Kuya.
"Bakit?"
"May pupuntahan lang kaming magkakaibigan."
"Saan?" Napatingin na sa'kin si Kuya.
Hindi naman ako matanong na tao pero dahil kasama niya ang demonyong si Archeus ay mabuti nang makasigurado. Baka kung saan pa niya dalin ang Kuya ko 'no!
"Ang dami namang tanong, Eri." Archeus smirked.
"Anong madami do'n, dalawa lang 'yong tanong ko!" Inirapan ko siya gaya ng palagi kong ginagawa sakanya.
'Di ako mataray pero pagdating sakanya talagang 'di ko mapigilan ang pagtirik ng mga mata ko.
"'Pag lagpas ng isa, madami na 'yon." Sinamaan ko siya ng tingin dahil talagang sumasagot pa siya.
"Kuya, ba't mo ba kasi naging kaibigan 'yan?" Sumabat pa ulit siya pero 'di ko na siya inintindi dahil nasipat ko si Avery palabas kasama ng mga kaibigan niya.
Huminto ako sa paglalakad at mabilis pa sa alas kwatrong nagtago sa likod ni Kuya. Kahit na mabigat siya ay talagang inipon ko ang lakas ko para gawin siyang human shield.
'Di niya ako pwedeng makitang haggard! Hindi ako makakapayag!
"Eri! What are you doing?!" Singhal ni Kuya.
'Di ko siya pinansin at napakagat na lang sa labi ko habang patuloy kong minamanmanan ang bawat kilos ni Avery sa malayo.
Nakikipagtawanan siya sa mga kasama niya. Ano kayang pinag-uusapan nila?
Grabe. Ang gwapo talaga! 'Yung ngiti niya, nakakahawa. Pwede siyang mag model ng toothpaste kung gugustuhin niya pero tingin ko 'di niya hilig.
Mahiyain kasi 'yon at baby boy. For sure, camera shy din pero kapag napasaakin na siya, 'di siya pwedeng tumanggi sa isang libong selfies.
"Eri! Stop pulling my uniform!"
Para akong lumilipad sa kalawakan habang pinapanuod si Avery. He's my crush ever since! Madami naman sila pero siya ang nagwagi. Ewan ko kung alam niya, 'di ko naman tinatago pero 'di ko rin pinapangalandakan.
Mga iilang kaibigan ko lang ang nakakaalam at ang buong dance troupe ng school.
"Wanted kapatid mo, Em?" Rinig kong pang-aasar ni Archeus.
"May ginawa ka bang kalokohan, Eri?" Hinarap na ako ni Kuya dahil sa sinabi ng demonyo niyang friend.
Paepal talaga kahit kailan!
"Kuya, wala!" I shouted.
"Eh ba't ka nagtatago?" Namula ang pisngi ko.
Close kami ni Kuya pero syempre 'di ko ikukwento lovelife ko sakanya! I can tell him anything but not this!
Napatingin ako sa likod niya kung saan naiwan nang mag-isa si Avery. Wala pa ba ang sundo niya? Kanina pa ang uwian namin ah.
Same year level kasi kami kaya alam ko kaso 'di ko siya classmate. STEM ang strand niya at ADT naman ako. Pinigilan pa nga ako ni Daddy 'cause he wanted me to choose a strand na connected sa business.
Sabi kasi nila hindi raw praktikal ang makukuha kong kinabukasan pag 'yon ang pinagpatuloy ko sa kolehiyo pero nasa sining talaga ang puso ko.. Saka kay Avery.
"Did you hear me, Eri?" Nahihiya akong umiling kay Kuya habang 'di inaalis ang tingin sa aking future asawa.
Napansin ko na sinundan ni Archeus kung saan nakapokus ang mata ko. After that, he smiled evilly.
"Hmm.. 'Di nagtatago pero may tinatago. Boyfriend mo? Ba't mukhang bakla?" Nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya. Walanghiya talaga!
"Pasmado talaga 'yang bibig mo. Pakisara na lang kung walang magandang sasabihin! Kainis ka! Mas gwapo pa nga sa'yo 'yan." I rolled my eyes.
Nagsinungaling ako.
Gwapo naman si Avery. Good boy looking pero mas malakas talaga ang dating ni Archeus lalo na't mas may edad siya rito at well-built na ang pangangatawan.
Nakakasuka mang aminin pero 'yun ang totoo.
"Boyfriend? May boyfriend ka na, Eri? Alam ba 'to ni Daddy?" Gulong-gulo na ang pagmumukha ni Kuya pero halata sa boses ang pagbabanta.
"No, Kuya. Hindi. Hindi pa. I mean, no. Hindi nga! Crush ko lang 'yon, okay? 'Di na kailangan malaman ni Daddy!" Halos mabulol kong sagot.
Humagalpak sa tawa si Archeus at talagang humawak pa sa kanyang tiyan.
"Asa naman na magiging boyfriend mo. Ilang taon ka na ba? Mukha ka pa ngang nene." Pinasadahan niya ng tingin ang katawan ko mula ulo hanggang paa.
Tumingin ako kay Kuya para humingi ng pagtatanggol pero natatawa rin siya.
I can't believe it! I feel betrayed by my own blood!
"Ugh! Kuya! Ano ba 'yang kaibigan mo?! Magsama nga kayo! Bahala kayo diyan!" Nagpapadyak ako ng paa at tumakbo na sa gate nang makita ang kotse namin.
I immediately hop inside. Hinatak ko rin ang bag ko mula kay Kuya kaya nasubsob siya sa back seat ng kotse.
"Eri!" Sinamaan niya ako ng tingin pero tinawanan ko lang siya.
"Bye, Kuya! Reminder lang. No to peer pressure. Kahit anong isulsol sa'yo ng kung sinong demonyo, 'wag susunod. Okay?" Sabay tapon ko ng tingin sa katabi niya.
Hindi ko na sila hinintay makapagsalita at sinaraduhan ko na sila ng pinto.
Habang papalayo ang kotse, nakita kong nailing na lang si Kuya habang 'di naman maalis ang ngiti sa mukha ni Archeus.
Umirap ako at isinandal na lang ang likod sa back seat.
Naging madali ang byahe. Wala namang traffic 'di katulad kaninang umaga.
Kaagad na may nagbukas ng malaking gate sa bahay para makapag park ang kotse.
Mabilis at maingat akong humarurot papasok ng bahay habang nakalagay ang hintuturo sa labi para pigilan ang pagbati sa'kin ng mga kasambahay naming nakasalubong ko.
Para sana 'di ako mapagalitan nila Mommy kaso sa kalagitnaan pa lang ng pag-akyat sa hadgan nahuli na ako.
"Eanthie Ria! Bakit hindi ka nanaman nagpaalam? Make that your habit at hindi na talaga kita papasalihin sa org na 'yan." Dahan-dahan akong bumaba pabalik sa pwesto ni Mommy.
"Sorry, Mommy! Nawala na kasi sa isip ko.. Forgive me?" I gave her my best iconic puppy eyes. Effective 'to. Proven and tested.
"Okay.. But next time, you tell us. You have a phone. 'Di ka nga nauubusan ng load 'di ba? Text me or your Dad. Kuya mo lang lagi ang sumasagot eh."
See? Lagi lang naman ganyan ang tono ni Mommy pero hindi naman siya malupit. Sobrang hinhin pa rin nga kahit sumisigaw. Gano'n lang talaga siya.
I glanced at her. Ang ganda talaga ni Mommy. Her aura screams sophistication. Siguro kung 'di ako kamukha ni Dad, okay lang. Hindi rin naman ako luge kay Mommy.
She really looks younger than her age!
"Speaking of, where's Daddy?" Ginala ko ang tingin sa buong living room.
Our house is big kaya hindi namin mabilis makikita ang isa't isa kung tatayo lamang sa isang pwesto.
"Still at work. Pauwi na rin 'yon. Where's Emmett? Your Kuya?" Umupo si Mommy sa sofa at uminom ng kape sa mug niya.
"Oh. Late daw po siya makakauwi kasi may pupuntahan daw po silang magkakaibigan. 'Di po niya sinabi kung saan eh." I stated. Emphasizing the last sentence.
Hinintay ko ang reaksyon ni Mommy pero tumango lang siya. Bakit 'di nagalit? 'Di nagtanong? Walang paki? Ang daya ah!
Siguro dahil babae ako kaya mas overprotective sila sa'kin. Pero kahit na 'no! I demand equal treatment for men and women!
Ilang sandali pa ay pumanik na ako sa kwarto ko. Mabilis akong naligo at nagbihis ng white loose shirt and track shorts.
These are my comfort clothes! Pag pagod kasi ako gusto ko maluwag ang mga damit ko. Like this shirt, abot na siya sa gitna ng hita ko.
I sat on the bed while drying my hair with a towel. Binuksan ko ang phone ko at sumabog ang notifs ko sa dami ng nag pop-out.
I checked my messenger first. Ang daming chat galing sa mga kaibigan ko at may iilan ring tungkol school pero syempre 'di ko muna binuksan.
I know my priority that's why I clicked on Avery's name and composed a message for him.
Eanthie Ria Hulleza:
Hi. Saw you earlier sa gate. Late yata dumating sundo mo? Hope you had a great day today! :)
Walang pag-aalinlangan kong sinend ang mensahe. Routine ko na 'to. Ginagawa ko siyang human diary dahil alam ko namang hindi active sa socmed si Avery.
'Di rin naman niya ako friend kaya sigurado akong sa message request lang papasok lahat ng kakulitan ko.
Wala namang masama sa mga sinasabi ko. Hindi ko rin siya hina-harass. Siguro sa susunod na lang 'yon, kapag kami na.
"Eri, kumalma ka. Mahaba pa ang oras. 'Di ka nagmamadali. Sa'yo rin babagsak 'yan." Ngumuso ako para pigilan ang ngiti habang tinitignan ang nag-iisang profile picture niya sa facebook.
He's not directly looking at the camera. Naka side view siya at makikita sa background ang kagandahan ng kagubatan.
Hind ko tuloy maiwasang isipin kung nature lover ba siya? Kasi kung oo, sisimulan ko na magtanim ng mga halaman sa bahay kahit magmukha pang jungle ang garden namin!
Willing akong maging certified plantita para sakanya!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top