69

01-24

“Tangina mo pre mambuburaot ka lang tuwing pasko e.” Ininom ni Kean ang tagay na nilapag ko sa harap niya.

Tumatawa siya pero alam ko may dahilan bakit niya ako biglang inayang mag-inom pagkatapos kong aminin na may gusto ako sa kaibigan niya.

Naiintindihan ko siya nung sinabi niya ang dahilan niya. Si Kean kasi ‘yung taong gugustuhin mo talagang maging kaibigan kasi kapag kaibigan mo siya tunay talaga, parang gago lang minsan pero siya 'yung kaibigan na kapag walang-wala ka sa kahit na anong aspeto, hindi ka iiwan. Kaya gets ko na ganiyan siya pagdating kayla Tatiana.

Bago ko pa makilala si Kean, kaibigan na niya sila Tatiana. Kaya noong naging kaibigan ko siya nakilala ko na rin ang mga kaibigan niya. Una kong nakita si Tati no'ng highschool pa lang kami. Nagjajamming kami sa bahay nila Kean nang dumating siya dahil may hiniram siya kay Tito Lucas, pero hindi naman kami naging close agad dahil lang doon.

Kitang-kita ko kung paano silang lima, tinuturing niyang mga kapatid ang mga iyon lalo na ‘yung tatlong babae, alagang-alaga nila ni Primo silang tatlo kahit na si Averie ang pinakamatanda sa kanila.

Alam kong hindi ganoon kababaw si Kean para tumutol nang todo, alam kong may dahilan pa siya.

“Mag-aambag na lang ako ng pagkain sa susunod!” sagot ko sa kaniya habang pumapapak ng sisig habang hindi niya pa napapansin na puro ako pulutan.

“Anong susunod? Walang susunod. Kila Judiel ka makipasko.”

Napailing na lang ako at ininom ang tagay na nasa harapan ko. Lumalalim na ang gabi, sinipa ko ang paa ni Kean sa ilalim ng lamesa dahil patulog na siya, ayoko mag-alaga ng sobrang lasing no!

Sumandal siya sa sandalan ng inuupuan niya at tinuro-turo ako. “Alam mo kung bakit ayaw ko sa’yo?” Hindi ako sumagot at nagbukas na lang ng beer na inorder namin nang maubos ang alak na kanina naming iniinom.

“Kasi ayoko na may masabi silang masakit kay Tati.” Natigilan ako sa sinabi niya. Lahat ng pinagdaanan namin simula nang mapunta kami sa industriyang 'to bumalik.

“Ayoko na pagdaanan niya ‘yung napagdaanan ni Maddie pati na rin ni Elle.”

“Hindi biro ‘yon Chie.”

“Okay kami ni Maddie pero hindi pa rin naman nawawala ‘yung may nasasabi pa rin sa kaniya dahil lang kaming dalawa.” Yumuko siya, akala ko tulog na pero nagsalita pa siya ulit.

“Si Tatiana? Palaban ‘yon at kaya niya ang sarili niya pero hindi niya gusto na may atensyon na napupunta sa kaniya.” Tahimik lang akong nakikinig sa kaniya dahil wala akong maisagot kasi tama naman siya.

“She loves the camera very much, but she only loves it when she’s just behind it.”

Ayoko rin ‘yon para kay Tati, ayoko maranasan niya iyon. She is an amazing person. She’s beautiful inside and out and even the way she thinks is beautiful. She’s majestic.

Hindi niya deserve masabihan ng kung anu-ano at kahit na alam kong kaya naman niya, paano ako? Hindi ko kaya na masabihan siya ng kung anu-ano dahil lang sakin. Hindi ko na ulit kaya 'yon.

***

Sorry I needed to put a narration kasi alangan namang nagchachat/text sila habang nag-iinom magkasama hahaha

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top