53
11-28
Kean Santillan
9:15 pm
Hoy ano ginawa mo kay Tati?
Hoy wala ah
E bakit galit 'yung isa?
Masama pa naman magalit ang
isang 'yon
Kaya nga e
Medyo natakot ako
Ano ba nangyari kasi?
Kasi 'di ba magkasama kami
sa coffee shop
Sa baba lang ng building natin
Tapos ewan ko bakit andoon si Elle
Oh?
Ano ginawa?
Parang galing kasi si Tati sa CR tapos nagkabanggan yata sila
sinadiya yata ni Elle kasi ang lawak naman ng daanan
Tapos ang sama ng tingin
sa kaniya
Tanong mo nga ex mo kung may death wish ba siya
Galit nga si Tati e
Kung masama tingin ni Elle
Mas masama 'yung ganti niya
Buti walang ginawa?
Jusq mahabagin
Naiisip ko pa lang kinikilabutan na ako
Ayaw niya daw gumawa ng eksena
Kasi kasama niya ako
Ayaw niya na makuha namin atensyon ng mga tao
Kasi celebrity pa rin daw ako
Kinausap mo ex mo?
Hindi
Ang inalala ko kasi si Tati
Hindi ko na napansin si Elle
Kasi nga galit na si Tati
Baka mahal ka pa ng ex mo
Tanga
Tagal-tagal na e
Ano ka ba
Pagkatapos niyo wala na sumunod na nalink sa kaniya
Pati sa'yo
Baka kaya umaasa pa siya
Move on na ako
Sinukuan niya ako 'di ba?
Ako pilit nang pilit na ilaban 'yung meron samin tapos iniwan lang ako amputa
Gago
'wag ka iiyak ha
Mahahawa ako
Tanga hahahaha
Okay na ako
Masaya na ako
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top