125

12-24 (Next Year)

Sobrang ingay na sa likod ng bahay nila Tita Adi, dito nanaman kasi ginanap ang yearly Christmas party namin. Naghahain si Tita Adi at Tita Via samantalang si Mama, Tita Kelly at Tita Pau prenteng nakaupo lang habang nagtatawanan, ang lakas nga ng mga tawanan nila nakakagulat minsan. Sino nanaman kaya pinagtsitsismisan ng mga 'to?

"Tati tig dadalawa lang lagay ng kanta ah" pagbabanta ni Paige sa akin, sinimangutan ko siya. Kanina pa nila inaayos ang rules and regulations pagdating sa videoke.

"Ang damot niyo," singhal ko pero okay lang naman talaga. Kaya lang naman kasi dumadami ang nasasalang ko sa videoke ay dahil ang babagal nila mamili ng kanta e ako may listahan na ako ng mga number ng pangmalakasan ko sa notes ko.

Mayamaya lang ay umalis si Kean bigla, andiyan na siguro si Maddie. 2nd Christmas na namin kasama si Maddie buti okay lang sa family niya. Madalas busy talaga siya kasi siyempre artista e kaya bilib din ako na napapapunta pa siya ni Kean para makicelebrate sa amin.

Habang kumakanta si Paige na sinusuportahan ni Primo na nagtatambourine ay tinignan ko ang phone ko kung nagtext na si Archer, ang sabi niya kasi malalate raw siya kasi may appointment siya ng umaga.

Isa pa 'yan, busy rin masyado pero naiintindihan ko naman at walang kaso sa akin, sa katunayan sobrang appreciated ko na kahit ang busy niya ay hindi pwedeng wala siyang oras para sa akin. Kaya kahit busy rin ako, gusto ko mayroon pa ring oras para sa kaniya.

to: Mr. Romero 💖

Done ka na?

Kakasend ko pa lang ng text ay sumagot na siya agad, mukhang tapos na nga siya roon.

Fr: Mr. Romero 💖

Yup, ipick-up ko lang leche flan ni Kean

Natawa na lang ako sa nabasa ko, pangatlong pasko na niya 'to sa amin pero pangalawa pa lang ever since naging kami at palagi siyang may leche flan na dala.

Hanggang ngayon ay sinusuhulan niya pa rin si Kean. Ewan ko ba doon kay Kean napakahadlang, talo pa si Papa na kulang na lang ipamigay na ako kay Archer.

Bumalik si Kean na kasama na si Maddie. Grabe ang ganda talaga ni Maddie. Friends naman kami pero kahit gano'n kapag nakikita ko siya talagang nafefeel ko na celebrity siya pero dahil lang 'yon sa itsura niya, sa ugali hindi naman kasi sobrang bait ni Maddie ang daling pakisamahan parang literal na anghel. Feeling ko talaga niligtas ni Kean 'yung buong sambayanan noong past life niya at nainlove sa kaniya si Maddie e.

Tumayo ako at nakipagbeso sa kaniya "Merry Christmas, Tati!" bati niya sabay abot ng regalo. Binati ko rin siya pabalik at bumalik ako sa pagkakaupo nang pumunta silang dalawa sa mga magulang namin para rin batiin sila.

Hindi ko alam kung ang role ko ay maging audience lang ng dalawang naglalandian na tropa ko rito. Ang epal naman kasi ng leche flan ni Kean, wala pa tuloy akong partner!

Si Averie at Quentine kasi sabay na pupunta rito, siyempre hindi na rito nakatira si Averie. Mamaya pa ata ang dating nila.

Nakaakbay si Primo kay Paige habang nasa baywang ni Primo ang kamay ni Paige. Kumakanta na si Primo ngayon kasi magkasunod sila ni Paige na nagsalang ng kanta, kailangan ko tiisin ang landian nila na tatagal ng apat na kanta. Parang may sariling mundo talaga sila, mayamaya ay tumabi na sa akin si Maddie.

"Pupunta si Archer?" tanong niya at tumango naman ako at narinig ko ang singhal ni Kean at kung anu-ano nanaman ang binubulong-bulong kaya siniko siya ni Maddie.

Sus kunwari pa siya pero expected na lagi niya na kasama namin si Archer tuwing pasko, nakita ko kanina pangalan ni Archer doon sa isang paper bag na dala niya. For sure naitanong na niya si Archer kung pupunta o hindi.

Ganiyan lang siguro ang reaksyon niya kasi tropa niya si Archer, siyempre hindi uso sa kanila ang maglambingan kaya inaaway na lang niya.

Nang matapos ang pangalawang kanta ni Primo, excited ako na tumayo. "Okay ako na!" sabi ko at kinuha ang mic mula kay Primo. Hindi naman kagandahan ang boses ko pero feeling ko naman nasa tono naman ako at iyon ang mahalaga. Gustong-gusto ko talaga magvideoke, something na napagkakasunduan naming magkakaibigan. Last year nga videoke regalo ni Kean at Maddie sa akin.

Nasa kalagitnaan na ako nang pagkanta nang tumunog ang cellphone ko na nasa lamesa. Tumatawag na si Archer, baka nasa may gate na siya.

"Sagutin mo," mabilis na utos ko kay Kean bago bumalik agad sa pagkanta. Aba matagal-tagal pa ulit bago ako makakakanta dahil sa 2 songs per person policy na pauso ni Paige hindi pwedeng i-stop ko 'to no!

"Andiyan na raw siya," sabi ni Kean na parang labag na labag sa loob niya na andito nanaman si Archer.

"Papasukin mo," utos ko sa kaniya ulit at pinagpatuloy ang pagkanta ko. Kahit labag sa loob niya ay tumayo siya at pinapasok si Archer, siyempre andiyan si Maddie dapat mabait siya.

Nasa pangalawang kanta na ako nang dumating na si Kean at si Archer, nakita ako ni Archer na kumakanta kaya natawa na lang siya at napailing nang kawayan ko siya. Pumunta siya kung nasaan sila Mama tapos kayla Papa naman, medyo napatagal pa siya roon kasi feeling bff silang dalawa ni Papa bago niya pa ako pinuntahan. Agad din na lumapit si Teigan sa kaniya at nakipag-apir, isa pa 'yan feeling bff din pero nakakatuwa nga na makita silang ganiyan na gustong-gusto nila si Archer kasi same!

"Anong nakain ni Ke at willing siyang papasukin ako rito?" natatawang tanong niya. Hindi ako makasagot kasi busy ako sa pagkanta. Inakbayan niya ako at hinalikan sa sentido. "Merry Christmas," bulong niya bago sinabayan ako sa kinakanta ko.

Sa wakas may kaakbayan na rin ako at hindi na ako maiirita kayla Primo at Paige kapag naghaharutan sila.

Huling dumating ang bagong kasal at kumpleto na kami, ang tagal ko na rin hindi nakita silang dalawa kasi ilang buwan lang sila rito tapos aalis nanaman ulit, minsan pa kahit andito sila hindi mapagtugma-tugma ang mga schedule namin. Gano'n yata talaga kapag adulting, hindi katulad noon na isang aya lang sa GC makakapagkita na kami.

Excited na lumapit sa amin si Averie, as usual napakahyper pa rin, samantalang si Quentine ay dumiretso kay Tito JT.

"Paganda ka nang paganda Maddie," kumento ni Averie nang batiin siya ni Maddie.

"That's my bebe," pagmamayabang ni Kean. "Sino ka? Bago ka rito?" pang-aasar ni Averie kay Kean. Minsan na lang silang dalawang magkita pero hindi pwedeng hindi sila mag-aaway, normal na nila 'yan.

Habang nagbabangayan ang dalawa, bumaling na lang ako kay Archer na naghahanap ng makakanta sa song book kaya nakitingin ako.

"Alam mo 'to?" tanong niya sa akin, naghahanap kasi kami ng duet na kanta, ayaw niya kasi kumanta mag-isa, hindi ko alam ano kinakahiya niya e maganda naman ang boses niya. Kumakanta nga siya sa harap ng maraming tao pero kapag kami-kami lang ang kaharap nahihiya siya, ang cute lang.

Kumanta ako ng isang linya para itanong kung iyon ba 'yon at tawa naman siya nang tawa kaya narealize ko na hindi iyon ang tinutukoy niya. "Bwisit ka," natatawang sabi ko

Nang makapili na kami, pinasa ko kay Maddie ang songbook, kinukulit kasi siya ni Kean na kumanta e hindi confident si Maddie sa singing skills niya kahit na ayos naman.

Sa bahay na 'to kapal ng mukha lang ang puhunan. Si Tito Franco nga babanat pa ng touch by touch mamaya kapag lasing na e

Napuno lang ng kwentuhan at tawanan ang bahay nila Tita Adi hanggang sa magnoche buena na, sobrang daming pagkain, for sure ang dami nanaman ipapabalot sa amin at ilang araw iinitin pero ayos lang naman.

Natapos ang kainan at bukasan ng regalo kaya nasa sala lang kami ni Archer, ang gulo na kasi sa likod kasi nagsisimula na sila mag-inuman. Ayaw pa sumali ni Archer kasi raw kapag sumali na siya wala nang atrasan, hindi na nga raw makaalis si Quentine roon.

Nanonood kami ng Christmas movie na palagi niyang pinapanood noon no'ng lagi pa siyang mag-isang nagpapasko. Tinignan ko siya at nakangiti siya at mukhang good mood siya habang pinapanood iyon.

"Ang saya mo ah," kumento ko. Hindi naman kasi iyon ang first time na panoorin niya ang movie na 'yon baka nga kabisado na niya 'yon e.

Tumawa siya nang bahagya. "Oo naman, dati mag-isa ko lang 'tong pinapanood kapag pasko pero ngayon kasama na kita." Napangiti na lang ako sa sinabi niya.

Lahat yata ng gawin ko, maliit man o malaking bagay naaappreciate niya. Sinandal ko ang ulo ko sa balikat niya at naramdaman ko ang paghalik niya roon.

Sabay kaming natawa nang marinig namin ang malaks na pagcheer ni Kean kasi sa wakas ay kakanta na si Maddie sa videoke.

"Ay nga pala, gusto mo na ba makita regalo mo?" Kanina pa nagbukasan ng regalo pero hindi ko pa naibigay 'yung kaniya, hindi ko alam kung napansin niya ba na wala akong naibigay kanina sa sobrang daming nagbigay sa kaniya.

"Kaya pala hinahanap ko kanina kasi gusto ko na buksan tapos wala akong nakitang galing sa'yo," kunwaring pagtatampo na sabi niya, tumayo ako mula sa sofa at hinatak ko siya papunta sa taas kung nasaan ang mini theater room nila Averie.

Nagpaalam na ako kanina kay Tita Adi kaya naman naayos ko na rito ang regalo ko sa kaniya.

Pinaupo ko siya sa isa sa mga reclining chair na naroon at inayos ang projector at plinay ang video na ginawa ko.

Simple lang naman ang ginawa ko, kinompile ko lang lahat ng video at pictures namin ngayong taon. Nilagyan ko rin iyon ng mga video niya na madalas galing sa concert nila na lagi ko nang pinupuntahan.

Doon ko na rin nilagay ang message ko sa kaniya, mas vocal kasi siya sa nararamdaman niya kaysa sa akin kaya dinaan ko na lang dito. Madalas kasi hindi ko talaga maipaliwanag ang nararamdaman ko, parang sasabog na lang ang puso ko sa daming emosyon na nararamdaman no'n.

Basta ang alam ko lang, I pray every night na let Archer be my first and last. My constant.

Hindi ako papayag na hindi.

Nakita ko ang pasimpleng pagpunas niya sa mga mata niya kaya napangiti ako dahil sa naging reaksyon niya. Tumayo siya at niyakap ako nang mahigpit at hinalikan ang sentido ko.

"Salamat sobra sa'yo, kasi pinaramdam mo sa akin yung pagmamahal." Dahil totoo naman, siya naman talaga ang unang nagparamdam sa akin nang ganito at gusto ko na siya na rin ang huli.

"Ganito pala pakiramdam magmahal," natatawang sabi ko bilang first timer ako sa ganitong bagay.

Humiwalay siya nang kaunti para matignan ako sa mata, sinuklian niya ang ngiti ko. "Ganito pala ang pakiramdam," simula niya, hinawi niya ang buhok na humaharang sa mukha ko.

"Hmm?"

"Ganito pala pakiramdam ng mahalin mo."

_____

The End

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top