TheCatWhoDoesntMeow's Special Chapter

KOKO TALES
(Special Chapter of Candy Series)


Codename: Translator ni Koko

#TWFBP2020 #TWFBYore



(As told by Koko. Translated from doggo language to human language. Some lines are supplemented by the author for clarity.)

Tale 1: Why you not feed mem?

Time: A few days after Iya and Jacob became official

     Umaga na. Arf. Bango ng bini-bake Auntiem kahit bawal sa 'kin. Hingi ako mamaya basta wala Warrem. Hehe.

     Nag-stretch ako tapos naamoy ko 'yong higaan ko. 'Di na mabango, ah. 'Di nilalabhan Warrem, ah. Puro Mimim siya, ah. Kagatin ko siya mamaya.

     Sinipa ko 'yong mabahong higaan sa ilalim ng hagdan. 'Tapos may gumulong na bola. Boring naman habulin. Kagatin ko Warrem mamaya.

     Pupunta dapat ako kusina para humingi cake Auntiem pero Jacom, nasa pinto namin.

     Bakit 'andito Jacom? Wala siyang trabaho ngayon? Ipe-pet niya 'ko ngayon? Woof.

     Lumapit ako Jacom, 'di naman ako napansin. Kinalabit ko siya sa binti.

     'Arf! Ba't ka nandito sa pinto? Naghihintay kang pamkain ko?'

     "Koko."

     Kinamot Jacom ulo ko at baba ko. Sarap. Hehe.

     "'Wag ka masyadong tumahol. Maaga pa," sabi.

     ''Di naman ako tatahol kung ipe-pet mo 'ko. Woof.'

     Hinahaplos niya pa rin ako pero nakatingin uli siya sa labas. Pagtigil niya, sumilip ako. Wala namang pamkain pero may—

     'Ipis! Jacom! May ipis!'

     Ang bilis ng lakad ng ipis. Tumawid sa may harap pinto. Hinabol ko 'tapos pumasok sa may paso Auntiem. Umakyat sa halaman. Kinamot ko 'yong halaman.

     'Arf! Labas diyan! Hindi ka paruparo, woof!'

     'Di naman sumagot 'yong ipis. Kinamot-kamot ko 'yong paso, nauusog lang. May lumabas na bulate sa ilalim. 'Di lumalaglag 'yong ipis. 'Yong bulate, pinaikot ko sa paws ko.

     'Tapos pagtingin ko sa may katawan ng halaman, grr, may uod. Lumingon ako sa bahay namin. Nakita na kaya 'to Auntiem? Kakainin ng uod 'yong rose niya. Gusto pa naman niya 'yong rose, woof.

     'Arf! Auntiem! May uod halaman mo! Mataba!'

     "Koko!" saway Jacom.

     'Jacom! May uod halaman Auntiem! Mataba!' Kinamot ko 'yong halaman pero 'di ko abot 'yong uod. Gumagapang lang pataas. 'Tapos si Jacom, 'di tumutulong. 'Jacom! Arf!'

     "'Wag kang masyadong maingay, Koko. Baka tulog pa si Iya."

     'Baka tulog pa pala, eh. Ba't nakasilip ka na sa bahay nila? Aga-aga pa. 'Di mo pa nga ako pinapakain.' Pinabayaan ko na 'yong uod. Boring eh. 'Di tumutulong Jacom. 'Puntahan mo na lang Iyam mo. Gisingin mo.'

     "Koko, behave. 'Wag kang masyadong maingay." Lumapit Jacom sa 'kin 'tapos pinet uli ako. Hehe. "'Wag ka na masyado tatahol muna. Baka tulog pa si Iya. Saka 'wag mo sirain halaman ni Auntie. Lagot ka."

     'Heh. Fake news. 'Di ko naman sinisira.' Ikiniling ko ulo ko para abot ni Jacom leeg ko. Hehe. 'Laro na lang tayo. 'Di ka papasok sa office mo? May ipis sa paso. Saka may uod. Pet mo pa 'ko. Sa tiyan pa, dali.'

     Humiga na 'ko 'tapos pini-pet naman ako Jacom pero lagi siyang nakatingin sa bahay nina Iyam. Tumingin din tuloy ako. Bumukas pinto 'tapos lumabas sina Tito Louiem at Tita Rosem. 'Tapos lumabas Iyam. Nagkatinginan sila Jacom. Nagngitian sila 'tapos dumiin kamot Jacom sa 'kin. Kagatin ko 'to, eh.

     Tumayo na lang ako bago ko kagatin Jacom. Lumapit siya papunta kina Tita Louiem at Tita Rosem at Iyam. Nag-usap-usap sila, tapos–

     'Yong ipis! Ang bilis ng takbo galing sa paso. Tinatapakan ko dapat pero 'di ko mahuli. Mataba naman paws ko, ah. Paliko-liko 'yong ipis. Kagatin ko 'to. Nahuli ko 'unte 'yong pakpak pero nakatakas pa rin. Ang bilis, eh.

     Paglingon ko uli sa kapitbahay, Jacom at Iyam na lang nasa labas. Nag-uusap sila 'tapos masaya sila. Hinawakan Jacom kamay ni Iyam. Aga-aga pa, eh. 'Di pa nga ako kumakain.

     'Arf! Jacom! 'Di pa 'ko kumakain! 'Di pa tayo naglalaro! 'Di ka na nga papasok, 'di pa rin tayo maglalaro?'

     Tumawa lang Jacom sa 'kin. Lumapit ako 'tapos tumahol. Kagatin ko 'tong dalawa, eh.

     "Ano 'yon, Koko?" sabi Iyam.

     'Kagatin kita.'

     Tumalungko Iyam 'tapos hinaplos ako sa ulo. "Hello, Koko... Ano 'yon, Koko?"

     Ang lambot ng haplos Iyam sa ulo ko. Hehe. 'Hello, Iyam...'

     "Ba't ka tumatahol? Tinatawag mo si Jacob? Na-miss mo siya?" sabi Iyam.

     'Haplos ka pa diyan. Hehe.'

     "Sabi ni Tita, 'di ka pa nag-breakfast," sabi Jacom kay Iyam.

     Tumingala Iyam sa kanya 'tapos boring na no'ng haplos. Mabagal, eh. Gusto ko mabilis. Kinalabit ko Iyam.

     "Oo, hindi pa. 'Di ako nakasabay sa kanila kasi ang aga nilang nagising. Nag-coffee pa lang ako," sabi Iyam.

     'Nagkape ka na kaya haplusin mo pa 'ko. Dito pa sa may leeg, o.' Lumapit ako lalo kay Iyam 'tapos nilagay ko paws ko sa tuhod niya. 'Haplos ka lang. 'Wag mo pansinin Jacom. 'Di mo naman siya pet.'

     "Si Jepoy?"

     "Mas maaga raw umalis..." sabi Iyam.

     "Ah. Makikialmusal ako..." sabi Jacom at ngumiti.

    'Pulubi Jacom. Makikialmusal, eh daming pamkain sa bahay. Lagot ka kay Auntiem. Ayaw mo ng almusal niya?'

     Tumawa nang mahina Iyam dahil sa tahol ko. "Ayaw yata ni Koko na dito ka mag-almusal, o..."

     'Ayaw talaga. Mas maraming pamkain sa bahay. Mas masarap kumain do'n.' Tumigil na Iyam sa paghaplos. Kagatin ko na 'to siya.

     "Uwi ka na sa bahay, Koko. Dito 'ko kina Iya kakain," sabi Jacom.

     Grr. 'Paladesisyon ka. 'Di ka naman inimbita Iyam.' Tumingin ako kay Iyam. ''Wag kayo magsolo sa bahay, Iyam. Naaamoy ko kayo. Gagawa kayong anak. Bawal pa 'yon.'

     "Cute-cute ni Koko," sabi Iyam at tumayo. Tumingin siya kay Jacom at kumagat sa labi niya.

     Woof! Bawal! Tumingin ako Jacom. Lumunok siya, eh. Kagatin ko 'to siya. Sinukat ko pangil ko sa binti niya. Tumingin naman siya sa 'kin.

     'Joke lang 'yong kagat, lods. Pipigilan lang kita matukso. Lagot ka Jepom.'

     "Sabayan kita kumain," sabi Jacom kay Iyam. "Pa-coffee na rin. Hindi pa 'ko nagkakape."

     "Kanina ka pa yata gising, 'di ka pa nag-coffee?"

     "Hindi pa. Hinihintay kita, eh."

     Woof. Pakilig Jacom, 'di pa nga ako kumakain.

     "Nag-text naman ako sa 'yo no'ng magising ako..." sabi Iyam.

     "Oo nga. Kaya nga lalo kitang hinintay."

     Woof. Pa-fall.

     "Tara sa loob," yaya Iyam.

     Tumingin sa 'kin Jacom. Naaamoy ko kaba niya, eh. 'Di naman sila gagawang anak.

     "Uwi ka muna sa bahay, Koko."

     'Aw! Awit! Ang aga-aga, gusto mo halikan Iyam. Iyam! Hahalikan ka niyan nang marami! Sumbong ko kayo Auntiem. Auntiem!'

     Mahina lang tumawa Iyam, 'tapos nahawa Jacom. Hoomans. 'Di takot matukso 'pag sila lang. 'Di naman sila gagawa anak kasi narinig ko sabi Auntiem at Tita Rosem, bawal pa. Gusto ko pa naman ng batik.

     Pumasok sila sa bahay nina Iyam 'tapos naiwan ako sa pinto. Sayang lang kahol ko.

     Puntahan ko na lang aso sa tindahan sa kanto. Aawayin ko pa 'yon, eh.

     Woof.


Tale 2: Why you not play mem?

Time: A few days after Iya and Jacob became official

     "Are you sure gagawin mo 'yan? Kaya ko naman, Jacob..." sabi Iyam. Nakaupo siya sa kahoy na sala set sa loob ng bahay nila.

     Si Jacom, nakaupo sa katabing upuan, malapit kay Iya.

     'O, kaya naman daw niya, Jacom. Paladesisyon ka na naman, ah... Uwi na tayo. Laro tayo. 'Di naman kayo makakalaro Iyam. 'Di naman 'yan siya humahabol ng bola at frisbee.'

     "Akin na 'yang kamay mo," sabi Jacom kay Iyam. May hawak siyang panlagay na kulay sa kuko.

     'Di na naman namamansin 'tong Jacom na 'to. Porke kumain na 'ko, 'di ako papansinin. 'Di pa nga niya 'ko pinapaliguan. Lagi na lang si Maxwem nagpapaligo sa 'kin, ah. Parang 'di siya amo, ah.

     Humikab ako. Kaantok kina Iyam. Walang mabangong pamkain. Walang meryenda. Butiki lang meron saka gagamba. 'Di naman masarap meryenda 'yon.

     "Marunong ka ba nito?" tanong Iyam.

     Tumingin ako sa kanila. Hawak Jacom isang kamay ni Iyam. Bukas na 'yong maliit na lalagyan ng kulay sa kuko. Nilapitan ko.

     "Koko, behave," saway Jacom.

     'Behave agad, aamoy lang naman. Dilaan ko 'yan, eh, kahit 'di masarap.' Ayoko ng amoy no'ng panlagay sa kuko. Amoy-surot.

     "Nagpaturo ako kay Auntie..." sabi Jacom.

     Woof. Sinungaling. 'Di naman siya nagpaturo kay Auntiem. Bumili lang siyang gano'n no'ng nakaraan 'tapos nagpraktis siya. Nilagyan niya kuko niya. Tinawanan pa siya Warrem at Maxwem.

     Nilagyan na ni Jacom kulay 'yong kuko ni Iyam. Masaya Iyam, eh. Naaamoy ko 'yong kilig. Kagatin ko 'to siya.

    Parang ube 'yong nasa kuko ni Iyam. Sarap meryenda.

     Nilapitan ko Iyam pero sinitsitan ako. "Bakit 'yon, Koko? Gusto mo lagyan ka namin sa kuko?"

     'Arf, sige! Ako rin, Jacom!'

     Mahinang tumawa Iyam dahil sa tahol ko. 'Tapos si Jacom, ngumiti. Woof, kinikilig.

     Nilagay ko paws ko sa maliit na mesa. 'Arf! Lagyan mo rin akong ube, Jacom! Ipapainggit ko sa aso sa may tindahan.'

     "Mamaya ka na," sabi Jacom at hinaplos ako sa ulo.

     'Awit. Wala namang mamaya. 'Di ka na nga nakikipaglaro sa 'kin, 'di mo pa 'ko lalagyan ng ube sa kuko.'

     Humiga na lang ako uli sa sahig. Kaantok. Mamaya ko pa maaaway 'yong aso sa may tindahan.


Tale 3: Why you only Mimim?

Time: A few days before Mimi went to study abroad

     "Koko, hello..."

     Ganda ngiti Mimim pagpasok ng bahay, ah. Umupo ako 'tapos hinanap ko si Warrem. Nasa may kusina 'yon kanina, eh. Malakas tainga n'on kay Mimim, eh.

     Lumabas Warrem sa may kusina. Kunwari, 'di siya masaya kaya 'di siya nakangiti. Pero kanina, nahilo ako kakaikot at kakabuhat niya sa 'kin kasi pupunta Mimim. Sabi pa niya, wabyu. Woof. Landi.

     "Mi, nandito ka na..." sabi Warrem.

     Woof. Plastik Warrem.

     Hinaplos ako Mimim sa ulo kaya pumikit ako. Sarap. Hehe. Malambot humawak si Mimim. Tiningnan ko si Warrem, parang 'di siya masaya kasi ako pini-pet. 'Di naman siya pet.

     'Hehe. Inggit ka, lods?'

     "Tama na 'yang pet mo kay Koko. Nagse-shed 'yan ngayon. Baka mapunta sa damit mo lahat ng balahibo niya," sabi Warrem. "Ang dami nga niyang balahibo sa higaan niya."

     'Woof! 'Di ako nagse-shed ngayon, Warrem. 'Di mo lang nilalabhan tulugan ko. Puro ka kasi Mimim!'

     "'Di naman daw siya nagse-shed, Warren," sabi Mimim. Tumatawa siya. "Baka hindi pa nalalabhan higaan niya..."

     Woof.

     Tumayo ako 'tapos dumikit sa may paa ni Warrem. Bakit naiintindihan ako ni Mimim? Naririnig niya 'ko? 'Di naman siya aso.

     "Bakit 'yon, Koko? Ayaw mo nang i-pet kita?" sabi Mimim.

     Humiga ako sa likod ni Warrem. 'Diyan ka na lang kay Warrem. Baka naririnig mo 'ko, lagot ako.'

     "Cute ni Koko," sabi uli Mimim.

     Siyempre. Hehe.

     "Si Auntie?"

     "Nasa kuwarto. Halika na sa kusina, Mi." Hinawakan Warrem kamay ni Mimim kasi walang tao. "Kunin natin 'yong cake."

     Ang pula Mimim, eh. Sarap kagatin.

     Nag-stretch ako at sumunod sa kusina. Baka magki-kiss sila, hulihin ko. Isumbong ko kay Auntiem.

     Nagnakaw kiss Warrem sa pisngi ni Mimim. Tumahol ako 'tapos tumakbo kay Auntiem sa may sala.

     'Arf! Auntiem! Si Warrem, malandi! Kiniss niya Mimim!'

     Tumingin Auntiem pero pumalatak lang. 'Tapos balik mata niya sa may TV. Nanonood kasi siya.

     'Auntiem!'

     Pagbalik ko sa kusina, magka-holding hands pa rin Mimim at Warrem. Binalikan ko uli Auntiem.

     'Auntiem! May malandi sa kusina mo!'

     Nanonood pa rin siya. Kapagod na.

     Humiga na lang ako sa may paanan Auntiem. Kinamot-kamot ko 'yong may tsinelas niya. Binaba naman niya kamay niya 'tapos hinaplos-haplos ulo ko.

     Sarap. Hehe.

     May nagbarilan sa TV. Woof. 'Di pa rin patay bida sa may palabas. Enrile.


Tale 4: Doggo joke better

Time: A few days before Yanyan and Jesuah became official

     Boring. Walang tao sa bahay. May date Jacom at Iyam. Si Warrem at Maxwem, nag-deliver. Si Auntiem, natutulog. 'Tapos 'yong aso sa may tindahan, 'di nakikipag-away.

     Jepom lang tao rito. Nakaupo sa may labas ng bahay nila. Pagod na 'ko maghabol ng ipis, at pusa, at gulong, at butiki. Nakalkal ko na mga bagong tanim Maxwem. Binilog ko mga bulate na naglabasan. Natumba ko na 'yong kaldero sa may kusina na may lamang ewan ko.

     Lumapit ako Jepom. May kausap siya sa phone. Girlfriend niya 'yon, si Yanyan.

     "Anong pagkain ang may tunog?" tanong Jepom.

     Humikab ako at humiga sa may paanan niya. Kaantok. Jo-joke na naman Pato.

     "Pud–ding!" Siya rin tumawa sa joke niya.

     Heh. Mas magaling pa 'ko mag-joke.

     'Ano'ng tawag sa aso pag mag-isa?'

     Hehe.

     'Aso.'

     'Ano'ng tawag sa aso 'pag marami?'

     Hehe.

     'Asosasyon.'

     Hehehehehe.

     Nagkatinginan kami Jepom. Ibinaba ko mukha ko sa semento nila.

     "Ano 'yon, Koko? Parang ngumiti ka, ah. Parang natuwa ka sa joke ko, ah."

     'Heh. 'Di ako matutuwa. 'Di naman ako si Yanyan.'

     Tinusok niya 'ko sa tagiliran ko kaya humiga ako. Hehe. Hinaplos niya 'ko sa tiyan.

     "Si Koko 'to, nagpapahaplos," sabi Jepom sa phone.

     Arf!

     "Oo. Hintayin na lang kita mamaya. I love you."

     Nag-I love you yata Yanyan kasi ngumiti Jepom. Lalo akong hinaplos. Woof. Kinikilig.

     "Praktis ako ng joke sa 'yo, habang damang-dama mo 'yong masahe ko," sabi Jepom.

     Kinagat ko mahina kamay niya at tumayo.

     ''Yoko ng pangit na joke.'

     "Hoy, Koko! Pa-joke lang!"

     Awit. Tumakbo na 'ko.


Tale 5: Fluffy

Time: A few days after Pfifer became part of the compound

     Higpit hawak Ivam sa kamay ni Pfifem. Tumitikim lang naman sila pamkain. Saya siya magka-lovelife, ih.

     "Okay na ito ihanda para madala sa inyo, Pfifer," sabi Tita Rosem.

     Mga matatanda lang nasa compound, saka Maxwem. Nagluto sila kasi manliligaw daw kina Pfifem. Dadalhan nila pagkain. Sana all.

     'Arf! Okay na rin 'yan sa 'kin! Penge!'

     Si Pfifem lang tumingin sa 'kin. "Gusto mo rin ng pansit, Koko? Sandali..."

     Kumuha Pfifem maliit na manok na sahog, puwede naman 'yong malaki. Inihagis niya sa sahig. Hinabol ko. Sarap eh. Chickem.

     "Ito pa..."

     Naghagis uli Pfifem chickem. Sinalo ko sa ere. Hehe.

     "Galing Koko, ah!" Pumalakpak Pfifem.

     Sadya yata siya hindi nakikinig sa pinag-uusapan ng matatanda. Si Ivam, nakahawak lang sa kamay niya kahit habang kausap sina Tita Judym at Tito Herbem.

     "Nakahanda na rin ang cheesecake na dadalhin," sabi Auntiem na lumabas sa bahay. Nagpupunas siya leeg. Pawis eh. Napatingin siya sa 'kin at kay Pfifem. "'Wag mo masyado bigyan ng pagkain si Koko, Pfifer. Kumain na 'yan. Tumataba na si Koko. Busy pa naman si Maxwell sa school. Bihira siya mailakad sa park."

     Woof. 'Di naman ako mataba. Fluffy lang balahibo ko ngayon. Si Maxwem, 'di masipag sa park kasi wala crush niya.

     Naghagis isa pang chickem Pfifem. Hehe. Wabyu.

     "Last na muna 'yan, Koko," sabi Pfifem.

     'Sige, woof. 'Pag nahihiya ka uli, bigyan mo 'ko uli chickem.'

     Naghanda sila mga pamkain. Si Ivam, umalis para kunin sasakyan. Naiwan Pfifem sa compound.

     Nagkatinginan kami.

     'Chickem?'

     "Here, Koko. Dito ka sa 'kin," sabi Pfifem.

     Nakaupo siya sa mahabang upuan sa may labas. Tumapat ako sa kanya 'tapos nilagay paws ko sa tuhod niya. Hinawakan niya paws ko. Lamig niya.

     Nakangiti siya 'tapos nilalaro paws ko.

     'Chickem?'

     Wala na siya hawak chickem. Parang malungkot siya. Heh.

     'Ivam! Girlfriend mo, malungkot!'

     "Shhh..." sabi Pfifem.

     Tumigil ako sa kahol.

     "I'll only tell you this."

     'Woof, secret, sige.'

     "Nakakahiya rito sa kanila. I'm imposing and... it might be more problematic later on."

     'Woof. English.'

     "I can barely look them in the eye because it's seriously hitting me how tedious this ligawan is going to be."

     'Woof, woof! Okay lang 'yan, Pfifem.'Pag mahal ka dito sa compound, mahal ka. Ako nga, kahol-kahol lang, lagi pinapakain. Hehe.'

     "Don't tell them..."

     Woof.

     Pagbalik Ivam, kumahol ako. Sinabi ko sinabi ni Pfifem, 'di naman ako naintindihan. Pero binigyan ako chickem uli.

     Hehe.


Tale 6: You no play

Time: A few days after Warren went to Singapore

     "Okay na leash mo?"

     Inayos Maxwem collar ko. Bagong gupit balahibo ko eh. 'Tapos niliguan ako. 'Tapos nakabihis siya maayos at nakapabango siya. 'Tapos 'di niya dala music player niya. Parang...

     "Tara na. Punta tayo sa park."

     Woof. Nando'n Auroram niya sa park. Awit.

     "Auntie, ilakad ko lang Koko sa park!" sabi Maxwem.

     Woof. Sinungaling. Siya ang ilalakad ko sa park.

     Hila-hila ako Maxwem paalis ng compound. Lumakad kami sa gilid ng kalsada. May ibang aso na hila ang mga amo nila. May mga cute akong kinahulan. Hehe.

     Pagdating sa park, tanaw ko agad tindahan na pupuntahan namin. Nakabantay Auroram.

     Woof. Props.

     "Hello, Aurora..." sabi Maxwem.

     Laki ng mata ni Auroram, eh. Nginitian lang naman Maxwem. Ako nga, lagi nia-I love you, sawa na 'ko.

     'Arf! Pahinging siopao!'

     "Uh..." Tumingin sa 'kin Auroram. "Hello, Koko..."

     Awit. Walang hello kay Maxwem. Lagi na lang. 'Hello, Auroram. Pengeng siopao. Hehe.'

     "Gusto mong meryenda?" sabi Auroram. Tumingin siya kay Maxwem na tinititigan siya. Woof. Landi. "Ano... nagmeryenda na si Koko?"

     "Hindi pa. Ako rin, hindi pa," sabi Maxwem.

     ''Di naman ikaw tinatanong. Ako lang. Heh.'

     "Ah. Dito kayo bibili ng meryenda?"

     "Oo sana..."

     'Siopao ako! Arf!'

      Mahinang tumawa Auroram. "Siopao kay Koko?"

     "Oo. Sa 'kin, waffles."

     "Okay. Upo lang muna kayo diyan."

     Kumuha siopao Auroram saka waffles. Kumuha rin inumin. Nanonood Maxwem sa kanya. Saya niya, eh. 'Di naman libre pamkain.

     Pagbigay ng meryenda, pinakain ako Maxwem siopao. Hehe. Sarap. Nanonood Auroram sa kanya. Kilig, eh. Pababayaran pa rin naman pamkain.

     Heh.

     Magsusulyapan lang 'tong dalawa maghapon 'tapos tataba ako. Tatakbo-takbo na lang ako mamaya.

     Sarap siopao. Hehe.

     "Ito pa'ng isa. Libre ko na..." sabi Auroram. "Parang gutom pa si Koko, eh."

     'Mas malakas kumain Maxwem. Bigyan mo rin siya maraming waffles. Hehe.'

     Pinakain ako Maxwem hanggang dumating 'yong aso sa may tindahan. Dala-dala ng pinsan ni Aling Tere.

     "Hello, Sofia. Magkasabay uli kayo kakain ni Koko," sabi Auroram.

     'Awit. 'Di ko naman gusto kasabay 'yan.'

     'Ew. 'Di rin kita gusto kasabay,' sabi Sofia.

     Tumawa Maxwem kasi nagtatahulan kami. Si Auroram, namumula sa tawa Maxwem. Kilig siya eh.

     Hehe. Buti dumating na aawayin ko. Hindi na boring. #

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top