Lena0209's Special Chapter
THE WANTEDS
(Special Chapter)
Codename: Lena
#TWFBP2020 #TWFBPYore
"What's this?" takang tanong ni Cas habang nakikita ang papel sa mesang nakapagitan sa kanila ni No. 99. Hinubad niya agad ang salamin at tinaasan ng kilay ang bagong problemang inilalatag sa kanya.
"Let's say . . . an unofficial marriage contract," sabi ni No. 99. "Joseph married somebody else. Alam mo na ang susunod na mangyayari sa 'yo. May kasunduan na ang pamilya mo at ang mga Wolfe."
"Wala akong Wolfe na pakakasalan, maliwanag?" inis na sinabi ni Cas at inismiran lang si No. 99. Ibinalik niya ang atensyon sa mga papel na binabasa. Masyado iyong marami upang matapos sa iisang araw lang, at mukhang sisingit pa ang papel na hawak ngayon ng Guardian na kausap.
Napailing si No. 99. Kinuha niya ang mga papel, binulat iyon sa alam niyang may importanteng pahina, at ipinakita ulit kay Cas. "Then marry somebody else. Hindi ka nila titigilan hangga't hindi ka naikakasal. At hangga't wala kang maipakikitang anak sa angkan mo, kahit sinong Pilato na lang ang ilalahad nila sa harapan mo."
Tumaas agad ang kilay ni Cas sa narinig at mabilis na hinalbot kay No. 99 ang kontrata. "Bakit ba ikaw ang nag-aasikaso nito, ha?" inis niyang tanong habang binabasa ang content ng joint agreement na tinawag na unofficial marriage contract ng Guardian. Maliban sa alam niya ang tipikal na laman ng ganoong kontrata, alam din niyang napakarami nang idinagdag doon ang Citadel para pahirapan ang buhay niya.
"Joseph asked me to do it for him."
Natigilan si Cas at tiningala si No. 99 na pirmi lang ang pagkakatayo sa harapan ng mesa. "Joseph asked you?" Ibinagsak niya ang papel sa mesa. "Why you? Bakit hindi siya? Ano? Busy ba siya sa asawa niya?"
Napahugot ng hininga si No. 99. "Anjanette's pregnant."
"What?" di-makapaniwalang tanong ni Cas.
"Joseph's wife is pregnant, and that's enough to put a pressure on you." Inabot ni No. 99 ang asul na fountain pen kay Cas. "Sign that and I'll put a name for your spouse if you don't want a Wolfe. I'll file a divorce after a year. We'll work on your child after the official declaration of your position as a Superior."
Napahugot ng hininga si Cas. Naalala niya ang kasunduan. Oras na ikasal siya, opisyal na siyang idedeklarang Superior ng guild. Ang malas lang niya dahil sila dapat ni Joseph Zach ang pipirma roon, ngunit iniwan siya nitong mag-isa sa ere.
"Sign it after me," sabi ni Cas at pinirmahan na ang kontrata.
"It's not for me to sign," sagot ni No. 99.
Padabog na inilapag ni Cas ang kontrata sa harapan ng lalaki."Sign it," mariin niyang utos.
Nagtama ang tingin nilang dalawa. Walang ibang reaksyon ang mababasa sa mukha ng Guardian. Matalim naman ang tingin ni Cas at halatang naiinis sa ideya ngunit wala nang ibang magagawa kundi umoo na lang.
"Why would I?" mapanghamong tanong ni No. 99 at nagtaas pa ng mukha.
"Marry me."
Unti-unting tumaas ang kilay ni No. 99 sa sinabi ni Cas. "I'm not playing with you, milady."
"Kung magpapakasal lang naman ako, bakit pa sa ibang taong hindi ko lubos na kilala?"
"That's not a good idea. I can support you both but not this."
"What's the matter with that?" hamon ni Cas at sumandal sa inuupuang malambot na swivel chair.
"I'm not gonna get married to anybody else, especially to a running candidate for a Superior position. Guardian Decurion ako."
"Mukha ba 'kong may pakialam kung Guardian Decurion ka?" mataray na tanong ni Cas at humalukipkip pa.
Hindi si No. 99 ang klase ng taong nagpapakita ng kahit anong emosyong mababasa ng mata ng tao, ngunit sa mga sandaling iyon, bakas na bakas na sa mukha niya ang pagkainis sa tigas ng ulo ni Cas. "Lady Cassandra Armida Zordick, gusto mo bang sabihin ko sa 'yo isa-isa ang mga dahilan kung bakit hindi mo 'ko dapat idamay sa problemang 'to?"
"Sign it," pagpipilit ni Cas.
"Never."
"Sign it, Hwong Yoo-Ji, that's an order."
"No . . . way."
"Sign it or I'll kill myself."
"You can't do that."
Kinuha niya ang pistolna nakatago sa drawer ng office table at itinutok sa sentido. "Dare me."
"Lady Cassandra," babala ni No. 99.
Ibinaba na ni Cas ang safety ng baril at hindi pa rin nagpatinag.
"Cas, will you stop—"
Seryoso pa rin si Cas at kinalabit na ang gatilyo.
Masyadong mabilis ang mga pangyayari. Nakita na lang ni Cas ang sariling nakatayo na sa kinauupuan habang kuyom-kuyom ng lalaki ang kuwelyo niya. Bakas ang pagkagulat sa kanya habang pinandidilatan ng mata si No. 99. Dahan-dahan niyang iginilid ang mata sa kanan nang marinig angpaisa-isang pagbagsak ng bala sa wooden table niya. Dahan-dahan din niyang ibinalik ang tingin sa seryosong mga mata ng Guardian.
"Wala kang karapatang mamatay hangga't humihinga ako, naiintindihan mo?" babala ni No. 99 sa kanya. "Hindi ngayon, hindi rito, hindi sa harapan ko."
Sinanay ang lalaking kaharap upang pumatay at mamatay. Isa sa mga sundalo ng Citadel at isa rin sa pinakamalalang nilalang na bahagi niyon. Malas lang nito dahil may mas nakakatakot pang nilalang sa guild na kinatatakutan nilang lahat. At wala siya sa listahan ni Cas ng mga taong dapat katakutan.
Binitiwan na rin si Cas ng lalaki at bumalik ito sa diretsong tindig. Umirap lang ito sa kanya at akmang dadamputin ang pinirmahan niyang dokumento nang bigla niya iyong bawiin.
"Promise me you'll sign it," muling pamimilit ni Cas.
"Ano ba?" inis nang sigaw ni No. 99 dahil naroon na naman sila sa pagtatalong iyon. "You can have anybody in this world!"
"But not Joseph!"
Natahimik silang dalawa. Hiningal bigla si Cas at ibinagsak ang sarili sa office chair at ang hawak, sa mesa. Napapikit na lang si No. 99 at pilit na kinalma ang sarili.
Paikot-ikot sila sa usapan at bumabagsak ang problema kay Joseph Zach na nagpakasal sa ibang babae.
Naiintindihan ni No. 99 kung saan nanggagaling si Cas. Alam niyang masama ang loob nito dahil sa nangyari. Kahit siya ay masama rin ang loob dahil kung may isang bagay na ikinagulat niya ay ang biglaang pagbabago ng isip nito. Isang araw lang desidido itong pakasalan si Cas, walang pasa-pasabi, ikinakasal na pala ito sa babaeng hindi nila kilala ang pagkatao at ayaw rin nitong ipakilala sa kanila nang personal. Kung hindi pa sila dadalo sa mismong kasal nito ay hindi pa nila makikilala kung sino ang pinakasalan nito.
"Trust me, pinilit kong intindihin ang lahat," sabi ni Cas, halatang dismayado ang tinig. Kinagat na nito ang kuko sa kanang hintuturo upang itago ang panginginig ng labi. "We're just waiting for the wedding." Tumango-tango pa siya. "We're just waiting for it. Pero bakit ako lang yung nahihirapan ngayon?"
Nagbuntonghininga lang si No. 99 bilang tugon doon.
"I won't buy that 'For sure, he'll gonna regret leaving you' because I know Joseph," pagpapatuloy ni Cas. "I knew him too well, and this is not something he'll gonna regret until his final breath."
"But this is something we will gonna regret until our final breath," paliwanag ni No. 99 sa mas mahinahong tinig. "Alam nating pareho na hindi ako ang tamang tao para pakasalan mo. At mas lalong hindi ako ang tamang tao para maging ama ng magiging anak mo."
"Wala na yung tamang tao. Bakit pa 'ko lalayo kung lahat naman ng natitira, mali?"
Napahimas na ng noo si No. 99 dahil ayaw talaga niya sa lahat ay iyong hindi makaintindi ng isang salita. "Cassandra, saang banda ng salitang hindi puwede ang hindi mo maintindihan?"
"I've had enough misery in my life, okay?" galit na sinabi ni Cas at naglahad na ng palad at nagsisimula na namang hingalin. "I can't trust anybody here! Lalo na ang mga Wolfe!" Dinuro niya ang Guardian. "Kilala mo sila. Alam mo kung ano ang puwedeng mangyari oras na pakasalan ko ang kahit sino sa kanila."
"At iniisip mong walang magiging problema kung ako ang pakakasalan mo? Iniisip mo bang wala kaming pinagkaiba ni No. 25?" mapanghamong tanong ni No. 99.
Hindi agad sumagot si Cas, tinitigan lang ang seryosong mga mata ng Guardian. Napakahirap talaga nitong pilitin kahit kailan. Kung sana lang si Joseph ang kausap niya, hindi pa man siya nagpapaliwanag, may oo na siya rito.
"Pinagkatiwalaan ka ng Fuhrer. Pinagkatiwalaan ka ni Joseph. Alam nating pareho na hindi basta-basta nagtitiwala ang mga Zach sa kahit sino."
"At ikaw?"
Naibaba ni Cas ang tingin at binalikan na lang ang binabasa niya—kahit na hindi niya naman alam kung papasok pa ba iyon sa utak niya kahit pasadahan niya ng tingin.
"Kung wala kang tiwala sa 'kin, mas lalong huwag mo 'kong pakasalan," huling kontra ni No. 99 sa plano ni Cas. Kinuha na niya ang dokumentong napirmahan na ni Cas. "We'll schedule a dinner with Mikhail Wolfe."
Napahimas ng noo si Cas nang makitang tinalikuran na siya ni No. 99 at patungo na ito sa pinto. Bumalik siya sa pagkakasandal sa swivel chair at nagpahabol ng salita. "Ilang tao na ba ang nakapasok sa bahay ko mula nang bantayan mo 'ko?"
"Aside from Joseph, nobody," sagot ni No. 99 na hindi man lang nag-abalang lumingon.
"Babantayan mo pa rin ba 'ko kapag nagpakasal ako sa iba?"
"Don't start that argument with me."
"Why?"
Huminto si No. 99 at binuksan na ang pinto. Bahagya siyang lumingon sa kanan bago sumagot. "Just don't."
ILANG PAALALA NAMAN ang natanggap ni Cas buong araw para sabihing kailangan niyang daluhan ang hapunan kasama ang mga Wolfe. At alam na agad ng lahat na hindi siya interesado dahil tatlong oras niyang pinaghintay ang mga ito sa grand dining hall ng Zordick palace.
Walang tao sa Citadel ang nakahanap sa kanya sa buong tatlong oras na iyon at talagang dismayado ang mga Zordick at Wolfe sa hindi niya pagsipot sa itinakdang oras.
Alas-diyes pasado na ng gabi at sinusubukang makatulog ni Cas kaya uminom na siya ng gamot na pampatulog. Sinasamantala ang katahimikan sa apartment niya sa Zilina na limampung kilometro lang ang layo sa Citadel at sampung kilometro naman ang layo sa palasyo ng angkan nila. Ilang buwan na rin mula noong makabalik siya sa maliit niyang tirahan. Mas gugustuhin pa niyang manatili sa sirang bahay kaysa sa impyernong pinaganda lang ng nagkikinangang gintong haligi at brilyanteng aranya.
"Hanggang kailan mo balak bigyan ng sakit ng ulo ang lahat ng nasa Citadel, Lady Cassandra?"
Napadilat agad si Cas nang marinig ang pamilyar na boses ng lalaki. Hindi na siya nagulat nang makitang nakaupo sa tabi ng kama, doon sa wooden ladderback na upuan niya sa munting kusina, si No. 99.
"Puwede ba kitang bayaran para patayin na lang ako?" balisang tanong ni Cas nang tulalaan ang kisame niyang binahayan na ng lumot.
"We all know you're better than this."
"You all expect me to be better than I should be," mahinang sinabi ni Cas, namumungay na ang mata dahil sa gamot. "I'm just an adult without a childhood, a faux princess of a fallen monarch, and you all want me to make another failure."
"Huwag mo 'tong personalin."
Sinubukan pa ring tapunan ng masamang tingin ni Cas si No. 99 dahil sa sinabi nito kahit nahihilo na siya sa antok. "You . . . want me . . . to marry . . . somebody else. And you're asking me . . . to not take this . . . personally?"
"They want the best for you and your family."
"They . . . and you?"
"Alam mo kung ano ang sagot diyan."
"Pinagkatiwalaan kita . . ." Kusa nang napapikit si Cas dahil bumigat na nang tuluyan ang mata niya.
"Why did you take that drug?" huling tanong ng Guardian na narinig ni Cas bago siya tuluyang nilamon ng kawalan.
SANAY NA SANAY na si Cas sa ugali ni No. 99. Papasok sa bahay niya nang walang paalam at ang gagawin lang ay manermon, pagkatapos ay aalis sa bahay niya nang wala ring paalam ngunit parating may inihahandang pagkain para sa kanya. Mga bagay na iniisip niyang pagkatapos siyang bigyan nito ng sakit ng ulo, iyon lang ang paraan nito upang humingi ng tawad nang hindi nagsasalita.
Maganda ang epekto ng ininom niyang pampatulog, wala siyang masamang panaginip, at nagising siya nang maaga sa inaasahan. Pasado alas-sais ng umaga, natural na gising ng katawan niya kapag walang nira-rush na trabaho. Hindi pa man siya nakakadalawang hakbang paalis sa higaan ay nakita na niyang puno ng pagkain ang munti niyang mesa. Lagi siya nitong pinagsasabihan na kumain nang maayos dahil pinapatay niya ang sarili niya sa trabaho. Saglit muna siyang naghilamos at umupo na rin sa mesa niya upang kumain nang mag-isa.
Masarap magluto si No. 99, hindi niya kukuwestiyunin iyon. Iniisip niyang sapilitan lang din siguro itong natutong magluto ng masarap na pagkain dahil kailangan ng mga Guardian na maging magaling sa napakaraming bagay, kung hindi man sa lahat.
Bigla niyang naalala ang sinabi niya rito kinahapunan lang.
"Marry me."
Sa mga sandaling iyon lang nanuot sa isipan niya ang alok sa isa sa pinakakinaiinisan niyang tao sa mundo. Hindi siya nahihiyang nag-alok siya rito ng kasal dahil nagmumukha siyang walang pagmamahal sa sarili. Kung may ikinahihiya man siya, malamang ay iyon na ang paulit-ulit nitong pagtanggi sa alok niya.
Saglit siyang napahinto sa pagsubo nang maisip na baka tumatanggi si No. 99 dahil alam nitong ginagawa lang niya itong panakip-butas sa pag-iwan sa kanya ni Joseph Zach sa ere. At hindi si No. 99 ang tipo ng taong sumasalo ng ibinasura na ng iba. Kung siya rin naman kasi ang nasa kalagayan nito, tatanggi rin siya.
Tinapos na lang niya ang pagkain at nag-asikaso na upang bumalik sa Citadel. Hinahanda na rin niya ang sarili sa mahaba-habang sermon ng pamilya ng mga Zordick at Wolfe dahil sa hindi niya pagsipot sa itinakdang hapunan.
Isa't kalahating oras ang biyahe mula sa apartment niya hanggang Citadel. Naiinis siya sa ideyang kailangan niyang manatili sa lugar na iyon dahil sa kasunduan nila ni Joseph Zach habang nasa kung saang lupalop ito at nagpapakasaya kasama ang napangasawa nito.
"Good morning, Lady Cassandra," pagbati sa kanya ng mga nakakasalubong na Guardian. Malamang na alam na ng mga ito ang tungkol sa hindi niya pagsipot sa hapunan. Segundo lang naman ang kailangan upang malaman ng mga Guardian ang isang balita.
Naalala niya ang sinabi ni No. 99 sa kanya bago siya makatulog. Huwag nga raw pepersonalin ang mga nagaganap—kahit pinanghihimasukan na ng libo-libong taong bumubuo ng Citadel ang personal na buhay niya. Kung sana lang ay kasintapang niya si Joseph Zach pagdating sa personal na problema.
Sinasabi ng lahat na impyerno ang Citadel, at naniniwala naman siya roon. Maagang ehersisyo na para sa kanya ang lakarin ang hardin ng Matricaria na kalahating kilometro rin ang haba. Naghahalo roon ang iba't ibang kulay ng camomile, rosas, lily, at sa dulo na ang mga lavander na paboritong halaman ng tiyuhin niya sa pamilya ng ina. Malamig pa rin ang hangin para sa alas-nuwebe ng umaga. Humahalo ang amoy ng mga bulaklak sa simoy na nagpapakalma sa kanya.
"Good morning, Lady Cassandra," pagbati sa kanya ni Xerez pagtapak na pagtapak niya sa munting tarangkahan papasok sa kastilyo ng mga Zach paglagpas sa hardin. Napahinto si Cas at tiningnan ang Guardian Centurion ng Fuhrer na may maaliwalas na ngiti. Mabango na ang pinanggalingang hardin ngunit wala talagang kayang pumantay sa humahalimuyak na amoy ng ginoong kasing-edad lang ng ama niya.
"Good morning," walang ganang pagbati ni Cas at nagtuloy-tuloy na sa pagpasok sa loob ng matayog na kastilyo. Napapansin niya sa dulo ng kanang mata na nakasunod sa kanya si Xerez kaya huminto siya at pinaningkitan ito ng mata. "May kailangan ka ba?"
Bahagyang tumungo ang Guardian at binalikan siya nang may matipid na ngiti. "Maniwala kang inaasahan namin ang nangyari sa inyo ni Joseph."
Ang bigat ng buntonghininga ni Cas at umirap na lang saka nagpatuloy sa paglalakad. "Alam mo ba ang sinabi sa 'kin ng isa sa mga Guardian dito? Huwag kong personalin ang lahat."
Nakasunod pa rin sa kanya ang Guardian at sinabayan na siya sa bilis niya. "Alam mo, Xerez, gusto kong malaman ang sikreto kung paano n'yo natitiis na huwag makaramdam sa lahat ng maling nangyayari dito. Gusto kong malaman kung paano kayo nakakatulog nang tahimik at kung paano kayo nagigising na parang may magandang mangyayari pagdilat n'yo sa umaga."
Binaybay nila ang loob ng kastilyong maaari nang manalamin ang kahit sino dahil sa kintab ng marmol na sahig. Yumuyukod ang mga nakakasalubong nila para magbigay-galang sa kanya. Mataas ang kisame ng lobby at umiikot ang lamig ng air-conditioning system sa buong lugar.
"Nais kitang makausap nang personal, milady. Sana'y mapagbigyan ako kahit kaunting oras lang," pakiusap sa kanya ni Xerez.
Minsan lang makiusap ang Guardian Centurion sa kahit sino sa kanila. At kapag nakikiusap ito sa kanya, alam niyang may nangyaring hindi kailangang ipagpaliban. Kahit na gusto niyang kabahan dahil kinakausap lang naman siya ni Xerez kapag may masamang balita, imposible talagang maramdaman iyon ng sistema niya dahil may kung anong meron dito na pinakakalma siya kahit hindi niya gustong kumalma.
Dinala siya nito sa Oval, walang tao sa malawak na meeting room na iyon pero may nakahandang mga papel at folder sa kabisera ng mahabang mesa. Mukhang inabangan nga talaga siya ni Xerez sa hardin mula nang makabalik siya sa Citadel.
"Alam kong pinagtatawanan na 'ko ngayon ng Fuhrer dahil umasa akong paninindigan ako ng anak niya," naiinis na sinabi ni Cas nang maupo sa kanang panig ng kabisera kung saan naupo si Xerez.
"Uulitin ko, Lady Cassandra, inaasahan na namin ito." Iniabot nito kay Cas ang isang plain folder na nasa tuktok ng mga papel.
Sinilip ni Cas ang laman at nakitang agreement iyon sa pagitan ni Joseph Zach at ng Fuhrer. "Hindi ko na kailangang basahin 'to." Inurong niya agad ang folder palayo sa kanya. "Sinabi na niya noon na ayaw niya 'kong maging manugang niya. Siya na ang naunang tumutol."
"Mali ang pagkakaintindi mo, milady. Ayaw niya si Joseph para sa 'yo. Magkaibang bagay iyon. At matagal nang alam ng Fuhrer na hindi ka paninindigan ng anak niya." Isinunod ni Xerez ang mga papel na inipit lang ng metal paper clip at inilapag sa harapan niya. "Sinusubukan kang kunin ng mga Wolfe. Masama ang loob nila dahil hindi ka sumipot kagabi sa hapunan."
Mas lalong hindi na tinangkang buklatin pa ni Cas ang papel na iyon. Umirap lang siya at humalukipkip. "Ayaw ni Adolf Zach na mapangasawa ko ang anak niya. Tapos pinagpipilitan ng mga Wolfe ang anak nila sa 'kin. Ikaw ang nagbabalita sa 'kin ng mga 'to. Tapos maririnig ko na lang sa iba na huwag ko 'tong personalin?"
"Sinusubukan naming mapabuti ka, Lady Cassandra. Desisyon mo pa rin ang masusunod gaya ng ginawa mong hindi pagsipot sa hapunan kagabi."
Marahas ang buntonghininga ni Cas dahil doon at umismid na naman habang pinahihigpit ang pagkakahalukipkip sa mga braso. Nakatikim na siya ng paunang sermon kagabi kay No. 99. Sinimulan na siya nitong umaga ni Xerez. Malamang na nakaayos na ang schedule niya ng sermon mula sa mga Zach, Wolfe, at Zordick sa buong araw.
May inilapag na namang papeles si Xerez na naka-clip at inilapag sa harapan niya. Nakataas ang kilay niya nang sulyapan iyon. Kumunot ang noo niya nang makitang iyon ang dokumentong pinirmahan din niya kahapon. "Binigyan ka rin ba ng kopya ni Yoo-Ji?" Inangat niya ang tingin para salubungin ang kalmadong tingin ni Xerez. "Wala talagang lihim ang Citadel na hindi dumaraan sa 'yo, hmm."
"Revoked na ang kontrata ni Hwong Yoo-Ji bilang Serving Guardian mula sa pagiging Guardian Decurion ni Hwong Byun-Ho."
Lalong naningkit ang mga mata ni Cas dahil sa nabalitaan. "Kailan pa?"
"Higit isang buwan na," kaswal na sagot ni Xerez na lalong ikinakunot ng noo ni Cas. Higit isang buwan, at alam ni Cas na Guardian pa rin si No. 99 dahil parati rin naman nitong ipinaaalala sa kanya ang bagay na iyon. "Nakiusap siya sa 'king bigyang-bisa ang kontratang 'yan."
"Wala siyang sinasabi sa 'kin," sabi ni Cas at noon lang binuklat ang dokumentong nauna na niyang pinirmahan. Wala mang pirma roon mula kay No. 99 ngunit naroon naman sa katapat ng pirma niya ang seal ng mga Hwong. Pakiramdam niya, may humatak ng kaluluwa niya mula sa likod at buong puwersang ibinalik sa katawan niya kasama ng matinding kalabog ng dibdib. "Paano yung mga Wolfe?" balisa niyang tanong habang nakatitig sa pulang selyo katabi ng pirma niya.
"Kinausap niya ang mga Zordick, Zach, Wolfe, Hwong, at ako bilang kinatawan ng mga Guardian kagabi. Malaki ang pagtutol ng mga Zordick at Wolfe sa selyadong kontrata. Suportado naman iyan ni Lord Adolf at ni Lord Byun-Ho."
"At ikaw?" Sinalubong ni Cas ang tingin ni Xerez na nananatili pa ring kalmado habang nagpapaliwanag sa kanya.
"Gaya ng sinabi ko, gusto naming mapabuti ka," nang-aamong tugon ni Xerez. "Higit pa sa isang tunay na anak ang turing sa iyo ng Fuhrer, at alam niya kung ano ang makabubuti para sa 'yo—kung hindi man iyon kayang ikonsidera ng sarili mong mga magulang bilang tunay nilang anak."
Bumigat nang bahagya ang paghinga ni Cas at hindi na naiwasang pangiliran ng luha. Naninikip na rin ang lalamunan niya habang iniiwasang damdamin ang naririnig. Ayaw talaga niyang napapasok sa usapan ang pamilya niyang pinababayaan siya, at ang Fuhrer na sumasalo sa lahat ng problemang kinasasangkutan niya.
"Hindi tatanggapin ng mga Zordick si Hwong Yoo-Ji bilang mapapangasawa mo, at naiintindihan iyon ng mga Hwong. Kaya kagabi sa hapunang hindi mo dinaluhan idineklara ng Fuhrer si No. 99 bilang bagong Superior. Sinasabi at ipinakikita ko lang sa iyo ang proseso at mga pirmadong kasunduan para malaman mo ang lahat bago ko bigyang-bisa ang kontratang hawak mo ngayon."
Napaawang ang bibig ni Cas at gulat na gulat na tiningnan si Xerez.
"May ceremony para dito mamayang alas-singko sa Eastern Wales, at kailangan mong dumalo. Pinaghahanda na ng Fuhrer ang mga Guardian para pagsilbihan ka." Tumayo na si Xerez at inilahad ang pinto ng meeting room. "Pasensya na kung biglaan ang magiging kasal mo ngayong araw, Lady Cassandra."
###
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top