JoeyJMakathangIsip's Author Interview
The Wattpad Filipino Block Party 2020
#TWFBP2020 #TWFBPYore
1. Ano-ano ang mga pinaka-surprising na mga bagay na natutunan ninyo sa paggawa ng mga kuwento?
-Una, natutunan ko na hindi palapara sa mga tamad at pagsusulat o paggawa ng mga kuwento. Paulit-ulit ko 'tong nare-realize every time nakakatapos ako ng mahahabang chapters o kapag inaabutan ng madaling araw sa pabubuo ng isang update. It requires your time and effort which means it also requires your life. Kung ayaw mo itong paglaanan ng oras at atensiyon, maglaro ka na lang ng Chinese Garter.
Pangalawa, natutunan ko na ang pagsusulat ay parang girlfriend na palaging may mood swings. Makaligtaan mo lang itong paglaanan ng saglit na atensiyon ay hindi ka na nito papasinin. Magiging mailap na ito sa 'yo. Kaya dapat, palagi mo itong inaalagaan at higit sa lahat, minamahal ng sobra-sobra. This way, aalagaan at mamahalin ka rin nito pabalik.
Pangatlo, gawain ito ng mga may sayad sa utak. Hindi ako nagbibiro. If you are claiming that you are a writer and that you have a sane mind, maghanap ka na lang ng makaka-partner mo sa paglalaro mo ng Chinese Garter. Crafting stories requires a bit of insanity. Your imagination needs to run riot or else, your output will become a chore to your readers. (PS: Kaya 'wag po kayong ma-jowa ng mga manunulat. Hahaha.)
2. What do you prefer to write: Series or Standalone stories? Why?
-Standalone stories inside a series. Ay, magulo. Hahaha. Uhm, ano ba? 'Yong tanong na ganito, para akong pinapapili kung mas gugustuhin ko bang long term relationship o short term. Hmm. Gusto ko ng long term relationship pero sa palagay ko, wala pa akong sobrang tatag na maturity para sa bagay na iyon kaya pipiliin ko muna 'yong maikli lang at mabilis matapos pero sobrang meaningful. Masasaktan ako the moment na matatapos iyon pero ayos lang kasi, for sure, it will prepare me sa isusulat kong mahabang-mahabang series kung sakaling magsusulat man ako ng gano'n.
3. Ano ang weird writing habit ninyo? (side comment: kailangan niyo rin bang uminom parang si Edgar Allan Poe bago magsulat?)
-Usually, inaabot ako ng dalawa hanggang apat na oras sa pagsusulat ng isang update at sa loob ng panahong 'yon, kailangan na kailangan kong makinig ng iisang kanta. Only one song. Sa loob ng ilang oras. Paulit-ulit na naglo-loop. Gaya ng sentence na ito.
At hello pala sa tropa kong si Edgar Allan Poe! Bro! Tagay tayo mamaya!
4. Among your stories, what particular scene is difficult for you to write?
-Endings. Ang hirap kasingi-let go lalo na kapag naging invested ka roon sa sinusulat mong kuwento. Writing the ending (kahit happy ending pa ito) feels like bidding a goodbye to a very good friend of yours na mangingibang bansa at mananatili na roon for good.
5. Saan kayo mas na-cha-challenge sa pagbuo ng first chapter o sa epilogue?
-Sa gitna. Alam ko kung paano ko sisimulan at tatapusin ang mga stories ko pero ang pinaka-matrabahong parte lagi ay pagbubuo ng tulay sa pagitan ng dalawa. The begging and the end. 'Yong 'and' ang pinaka-challenging. Ikaw ang engineer, ikaw ang architect, ikaw ang manpower, mas malala, ikaw rin semento. Ikaw lahat-lahat. Kaya minsan nga, nagtataka ako kung bakit ko 'to ginagawa e kung mas masaya naman sanang maglaro ng Chinse Garter.
6. If you can bring one of your characters to life, who will it be and why?
- Hi, nga pala sa mga characters ko! Hahaha! Sana huwag kayong magalit sa pipiliin ko, ha? Actually, torn ako between kay Edison Bermundong Crucify Me at pati na kay Attorney Lexus ng Attorney Lexus's Wanted Girlfriend. Si Edison kasi, sobrang complicated ng character niya habang si Attorney Lexus naman, sobrang upright. At sobrang lakas ng dating sa akin ng mga ganoong complexity . . . Hmm. Wait? Bakit ako kinikilig? Hahaha! I don't know. Char! Showbiz. Sino ba? Girl! Ano ba! Ang hirap! Help me! Hahaha. Siguro . . . si Edison. So far, hindi pa kasi ako nakaka-meet ng taong kasing wrecked up niyang mag-isip kaya maybe, siya.
7. Among your characters, who's the closest to you? Why?
-Fear De Guzman ng When A Gay Fell In Love With A Girl kasi sobrang relatable niya at sobrang totoo niya sa sarili niya.
8. If you could collaborate with any author (local man or international), who would it be and why?
I need to type it in all caps. HARUKI MURAKAMI. The best. Hindi typical 'yong mga stories niya. Very eccentric and metaphoric at the same time. Come-what-may lagi 'yong style ng plot niya kaya hindi mo talaga malalaman kung ano'ng mangyayari along the way. Sobrang galing niya rin sa juxtaposition kaya kahit parang whirlwind 'yong takbo ng mga stories niya, nabibigyan niya pa rin ito ng directions. Suntok sa buwan na maka-collaborate ko siya but I do editing works right now kaya if given a chance na ma-intranslate 'yong stories niya sa Filipino, talagang iga-grab ko iyon.
9. Anong famous story (be it classic or contemporary Literature) ang hinihiling mong ikaw ang nakapagsulat? Bakit?
1Q84 by Haruki Murakami. Gaya ng sabi ko sa question number six, sobrang na-i-inlove talaga ako sa mga sobrang complex na character pati na sa mga sobrang complex na ideas. At sobrang complex lang din talaga ng novel na ito. Sa pagkakatanda ko, kulang-kulang or lagpas yata sa 1000 pages ang book na itodahil sa sobrangpagka-complicated ng plot. It requires a genius to write this novel kaya ito ang pipiliin ko kahit 'to na hindi ako genius at mahilig lang maglaro ng Chinese Garter noong elementary pa ako. Hahaha. Ayan na naman tayo.
10. What are your future plans in your writing career?
- To improve and to explore more writing style and more genres without losing my own voice and authenticity.
BONUS: Please leave a message for your readers.
-Hi, Guys! Sana kung ano 'yong entertainment na na-experience niyo sa paglalaro ng Chinese Garter noong nasa elementary pa lang kayo, sana ganoon din ang naging karanasan at magiging karanasan niyo sa pagbabasa ng mga kuwento ko. Maraming salamat!
-Joey J. MakathangIsip
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top