AnakNiRizal's Special Chapter
WATTPAD FILIPINO BLOCK PARTY 2019
#TWFBP2019 #TWFBPTimeTravel
Codename: Demi
Wake Up, Dreamers! Special Chapter
"Let Me Tell You a Story"
"The stormy waters of adolescence are tough to navigate through
but turn your ship of dreams towards the shores of tomorrow"
[GARNET]
I'VE never been this nervous in my whole life. When I was a kid I really thought that all adults are cool and they're sure of their every decisions in life, akala ko noon hindi sila kinakabahan na magkamali sa mga ginagawa nila pero akala ko lang pala 'yon.
Kanina pa ako nag-iinhale at exhale habang pinupunasan ang tumatagaktak na pawis sa'king noo.
But then I remembered an old familiar words from the past that still gives me courage today, You can do it if you just believe in yourself.
You can do this, Garnet
I put my best smile on my face and I stomped forward to my first ever day.
Tumahimik silang lahat nang makita ako at nagsiayusan sila sa kanikanilang mga pwesto. All of them are looking at me and it feels like anytime ay pwede akong atakihin ng anxiety.
You can do this, Garnet. You're finally here. You fought your way here.
Habang nakabibingi ang katahimikan ay kumuha ako ng chalk at sinulat ang buo kong pangalan sa blackboard.
"Good morning, class!" Buong lakas kong bati sa kanila habang nakangiti.
Sabay-sabay silang tumayo at sinabing, "Gooooood morniiiiing, Sir Sucgaaaang!"
"You may take your seat."
Tumingin ako muli sa class record at nakita ang kanilang section, STEM 2A, sila ang kilalang star section sa eskwalahang ito at mukhang tama nga ang narinig kong usapan ng mga co-teachers ko na maswerte raw ako dahil sila ang hawak kong klase dahil mga "decent" students daw sila and it means that they're all academically competitive, sa madaling salita—hindi sakit ng ulo.
"I'm John Garnet Sucgang, your class adviser for your last year in Senior High. You can call me 'Sir Garnet', and I'm an art major."
They all greeted me and most of them threw a lot of questions na ilan ay masyadong personal. Ganito talaga siguro kapag baguhan kang guro at masyadong komportable sa'yo ang mga estudyante kaya sila nakapagtatanong ng mga bagay katulad na lang kung single ba ako at iba pa.
"Since ito ang first meeting natin gusto ko kayong makilala by giving you an activity. In a 1/4 yellow pad paper you will write down what is your greatest dream."
Sumunod silang lahat sa'kin at masayang nagsagot .Narinig ko ang mga reaksyon nila dahil may mga ilan na ayaw ng ganitong portion. Nakakatuwa pala pag ikaw 'yung teacher at nakikitang interesado sila sa activity na pinapagawa mo.
Habang nagsusulat sila'y hindi ko maiwasang tumanaw sa labas, parang kailan lang. Akala ko noon huli na para sa'kin ang lumipat ng kurso pero dahil sa suporta na nakuha ko sa mommy ko at sa mga kaibigan ko'y hindi ako sumuko na tapusin ang pag-aaral ko.
I can't help it but to smile as I remember them. I wonder where they are now. It looks like that this is the path where I truly belong. I hope they're also having a good time.
Maya-maya'y natapos na silang magsulat at kinolekta ko ang mga papel.
"Ngayon, magtatawag ako para ipaliwanag sa klase ang sinulat ninyo."
Habang naghahanap ako ng matatawag ay naagaw ng aking pansin ang isang papel, hindi 'to naka-essay at tanging isang sentence lang ang nakasulat.
"Miss Sabado?" tawag ko sa estudyante at may nagtaas ng isang kamay mula sa third row.
"Yes, sir?" lumapit ako sa kanya para iabot 'yung papel niya sa kanya.
"Pwede mo bang i-share sa'ming lahat kung ano'ng sinulat mo?" I gave her an assurance smile. Halata kasi sa itsura niya ang pagkabigla dahil siya ang una kong tinawag.
Tumayo ang estudyante ko at nahihiyang humarap sa lahat. Huminga muna siya ng malalim at itinago niya sa likuran ang papel niya.
"S-sorry, Sir Garnet, kung wala akong nasulat masyado," mahinang sabi nito. "Hindi ko po kasi talaga alam kung anong gusto ko." Napakamot siya sa ulo.
'Gusto ko lang maging masaya.' Iyon ang nakasulat sa papel niya at wala ng iba. Those words are so familiar because I used to be like that. Before, I really don't know what I want to be, I just wanted to be happy and to avoid pain, but I guess life won't work that way.
"You may take your seat, Miss Sabado," humarap ako sa klase at ngumiti sa kanilang lahat. "Some of your answers are really interesting, may iba na detalyado kung ano ang gusto nila, may iba naman na parehas ni Miss Sabado na hindi alam eksakto kung anong gustong maging. Naiintindihan ko kayo, class. Sino bang hindi ayaw maging masaya? Iyon lang naman ang gusto natin, hindi ba?"
Tahimik silang nakikinig sa'kin ngayon at tiyak kong maraming tanong ang naglalaro sa mga isip nila, kung bakit ko ba sinasabi 'to sa kanila at iba pa. Tumalikod ako at pumunta sa blackboard Nilabas ko ang kulay orange at blue na chalk at nagsulat ditto.
"W a k e U p, D r e a m e r s!"
Humarap ako sa kanila pagkatapos, nilagay ko sa ibabaw ng desk ang chalk bago ako muling nagsalita.
"Wake up, dreamers!" I exclaimed and they didn't expect it kaya medyo natawa ako. "Those words pushed me to become what I wanted to be."
Naglakad-lakad ako sa classroom habang nakalagay ang kamay sa likuran ko.
"You're still kids and society teaches you that the measure of success is by getting ahead. But for me, it's not that true. Hindi ninyo kailangang madaliin ang lahat ng bagay, kung hindi ninyo alam kung anong gusto ninyo sa ngayon, that's okay. Kung alam niyo na, mas better."
Huminto ako sa gitna para tingnan silang lahat.
"Nandito tayo sa eskwelahan hindi lang para mag-aral kundi para matuto. At para na rin ihanda kayo paglabas ninyo sa silid na 'to sa tinatawag nilang 'realidad' kung saan maraming nagdurusa."
Muli akong naglakad at sinusundan lang nila ako ng tingin.
"You're the cream of the crop, sabi ng mga teachers, and they're expecting you that you will be the best and will get ahead in life after graduation. May naka-set silang expectations sa inyo dahil nilagay nila kayo sa kahon bilang 'best section.' I don't want you to be stuck that way, hindi dapat kayo mailagay sa isang kahon at gawin ninyo lang kung anong ine-expect sa inyo ng mga teachers at ng mga parents niyo."
I stopped for a while and saw their gazes.
"I want to wake the dreamers inside you, and I want to push you to do the things not only for academics but the things that you really want to do, your passion. Maybe you're afraid to do it, but I want you to know that it's okay to dream and it's okay to fail."
I owe this wisdom all to them, to my friends.
Muli akong bumalik sa unahan at tiningnan ang kabuuan ng klase. Forty students, different lives, struggles, and dreams. I found my passion, my purpose. And that's to make them realize how important their dreams are by being a teacher.
"Let me tell you a story about people who fought for their dreams."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top