VentreCanard's New Story Chapter Teaser
Hola angels! Hola other readers! Happy summer! Lol.
Since tapos na ang Bitten, let's uncover another story from Venom Series. Alam kong maraming naghihintay sa story niya. Haha.
I hope you'll enjoy the prologue.
The Mirror's Art
(Venomous Fang Series 5)
Prologue
From millions of mirror around the world, with different shapes, design and even its ages, have you ever looked with your own refection as a different person?
Did the mirror lie? Did it reflect someone else? Or did it reveal something that you can't expect?
I used to consider the mirror as the greatest producer of art, where everyone can see the every root of the masterpiece in this world. But I wonder why everytime I looked at my mirror, everytime I looked at my eyes, my heart aches, my breathing can't settle and my hands keep reaching to a non-existing realm that even my dreams can't reach..
One of the hidden mysteries in this world comes from the mirror, the sacred thing that can receive thousands of emotion and the thing that can give the most deceiving lies.
Every woman in front of the mirror has her own reflection. And the moment you open your eyes, is it the woman you're expecting to be?
A woman with power comes with her great responsibility.
A woman with beauty comes with great comparability.
A woman with brain comes with great respectability.
A woman with smile comes with great sociability.
A woman with tears comes with great fragility.
A woman with mask comes with great fallibility.
Every reflection of the mirror is an art and I wonder what's mine?
"Engr. Astrind Noella Fontanilla!"
Ibinaba ko ang sketch pad na hawak ko at hinarap ko na ang laptop kung saan naghihintay ang mga magulang ko.
"Hi, mom! Dad!"
"How's your work, honey? Ayos ka lang ba sa Chile?"
"Yes, may ilan sa mga minero dito ay mga Pilipino. Minsan ay nagkakausap kami." Lumawak ang ngiti sa mukha ng aking mga magulang.
It's been one week since we started to reconstruct the San Jose Mine, located in Atacama Desert 45 kilometers north of the regional capital of Copiapó, in northern Chile.
Ilang beses akong sinabihan ng mga magulang kong tanggihan ang proyektong ito, delikado at hindi nararapat sa akin.
But I chose this path, I chose this profession to live with me and no matter how risky it is, I'll stand on it.
I am not a kind of woman that will be covered by dust of cosmetics, fashionable clothing and never wished to radiate with lights of traditional women mentality, but woman that will proudly surge the rough profession of male society.
I am Engineer Astrid Noella Fontanilla, a petroleum engineer. One of the project engineers of one of the largest mines in the world.
And I am proud to say, with my head up high. I am a woman.
Ilang oras kaming nag-usap ng aking mga magulang nang magpaalam na ako sa kanila. Buong akala ko ay makakatulog na ako pero muli akong ginambala ng aking panaginip.
Agad akong bumangon at inabot ko ang aking sketch pad. I tried to sketch his face again, pero nauuwi lamang ito sa isang pigura ng lalaking may hawak na bulaklak.
He's always giving me daisies in my hair. And his voice is so tender, his hands are so soft..
Hinaplos ko ang lalaking aking iginuhit.
"Who are you?"
Lumipas ang mga buwan at kasalukuyan akong nasa ilalim ng lupa. May ilan akong kasamang engineer at abala sila sa kanilang pag-uusap.
Habang naglalakad ako ay itinapat ko ang flashlight na hawak ko sa mga haligi na siyang pumipigil sa posibleng pagbagsak ng lupa.
"What the—" nanlaki ang mata ko nang makita kong may lamat ito.
That's why I didn't approve to continue the operation in this area, masyadong nagpumilit ang mga kasamahan ko.
They are risking their worker's lives!
Hahakbang na sana ako patungo sa mga kasamahan ko nang makaramdam ako ng pagyanig ng lupa.
"Earthquake!" sigaw ko.
Lahat ay nataranta pero may ilan pa rin na agad nakakilos nang tama. Agad sumakay ang mga kasamahan ko sa contruction truck.
"Come on! Faster!" malakas na sigaw ko sa mga minero.
Binibilang ko ang bawat minerong dadaan sa akin. I need them complete, wala akong iiwang buhay sa ilalim ng lupa.
"Engineer Fontanilla! Come up here!" sigaw sa akin ng mga kapwa ko engineer.
"Wait! We have our people behind!"
Napatingala na ako nang mapansin kong babagsak na ang lupa sa posisyon ko, mabilis akong tumakbo dahil sa pagkabigla ko ay bumagsak ako sa lupa. Eksaktong nagpakita sa akin si Marco.
The Filipino miner!
"Marco!" muling sigaw ko.
Pansin ko na hindi na siya makalakad nang maayos, pinilit kong bumangon at nagmamadali akong lumapit sa kanya.
"Umakbay ka sa akin, Marco. Uuwi tayo sa Pilipinas, you'll introduce me to your wife. Your kids."
"Engineer.." pilit akong ngumiti habang namamasa na ang kanyang mga mata.
"Astrid! Faster!" sigaw na ng mga kasamahan ko.
Halos lahat ng minero na nasa likuran ay nakalahad na ang kamay sa amin ni Marco, tumatakbo na ang miner truck dahil matatakpan na ang daraanan nito.
"Iwan mo na ako, iwan mo na ako engineer."
"No!"
Ibinuhos ko ang aking buong lakas para alalayan si Marco at mapait akong ngumiti nang malakas ko siyang itinulak patungo sa tumatakbong sasakyan. Naabot nila si Marco at nagpatuloy ako sa pagtakbo.
"Engineer! Engineer!" sigaw niya sa akin.
Lahat sila ay pilit akong inaabot pero kusa nang bumigay ang aking mga tuhod hanggang sa matumba na ako.
Natabunan na ng lupa ang nakapagitan sa amin.
"Mama..Papa..Kuya. Sorry, hindi na ako makakabalik sa Pilipinas."
Iniharang ko ang aking mga braso nang makitang pabagsak na ang lupa sa aking katawan hanggang sa mawalan ako ng malay.
Nang magmulat ako buong akala ko ay nasa kabilang buhay na ako, ngunit nandito pa rin ako sa ilalim ng lupa. Ngunit hindi ko na nararamdaman ang mga binti ko.
Pinilit kong umahon at tanggalin ang lupa sa aking katawan, dinahik ako ng ubo nang makabangon ako. Ngunit di ko masikmura ang dugong bumabalot sa aking binti.
Ilang oras ako nakatulog? May tutulong pa kaya sa akin?
I tried to call names. Nagdasal at ilang beses na lumuha. Ginawa ko ang lahat para ilaban ako buhay ko tulad ng kung gaano katigas ang paninindigan ko, ngunit alam kong kalamidad ang sumubok sa akin.
At kahit ang taong may pinaka malakas ang loob ay hindi kayang labanan ito. Mamamatay akong mag-isa sa pagitan ng lupang ito.
Sa unang pagkakataon ay hinayaan ko ang sarili kong umiyak nang napakalakas na parang may makakarinig sa akin.
At pagitan ng aking mga luha ay hindi inaasahang maliit na liwanag ang nagpakita sa akin.
Saan ito nanggagaling?
Sa nanlalabo kong mata ay pilit kong hinanap ang pinanggagalingan nito, hindi kalayuan mula sa aking posisyon. Anong natatabunan ng lupa?
Sa natitira kong lakas, ginawa ko ang lahat para makagapang ako. Gumapang ako nang gumapang para maabot ang liwanag. Ginamit ko ang aking mga kamay para hukayin ito.
Maging ang sarili kong mga kamay ay nagdurugo habang patuloy ako sa paghuhukay at tuluyan nang tumulo ang aking mga luha nang makita ko ang aking sariling repleksyong.
Ang aking repleksyong malapit na sa kamatayan. Ilang beses kong hinapas ang salamin habang tumutulo ang aking mga luha.
"Why? Why? Bakit salamin? Bakit? Bakit kailangan mong ipakita sa akin ang sarili kong paghihirap? I want to live..gusto ko pang mabuhay."
Sa huling patak ng aking mga luha sa salamin ay nakaramdam ako nang matinding init sa aking buong katawan.
Hanggang sa maramdaman ko na parang nahuhulog ako, hindi ko magawang sumigaw dahil sa matitinding panghihina at napadaing na lamang ako nang bumagsak ang katawan ko.
Malambot man ito ngunit punong-puno ng sakit ang aking katawan.
Nakamulat ang aking mga mata sa maliliit na kristal na nagliliwanag sa itaas. Nasaan ako? Nasa kabilang buhay na ba ako?
Sa kabila nang nanghihina kong katawan ay ramdam ko ang ihip ng hangin, kasabay ng halimuyak ng mga bulaklak.
Hanggang sa marinig ako ng malambing na himig ng musika mula sa isang plauta.
Hinanap ng aking mahinang mga mata ang pinanggagalingan ng himig at natigil ito sa isang mahinahong puno at sa lalaking nakaupo sa sanga nito.
Ilang beses kong ipinikit at mulat ang aking mga mata. I want to see him, I want to see his face.
Sa ikalimang pagmulat ko ay tuluyan nang nagwala ang pagtibok ng puso ko.
Nakapikit ang mga mata ng lalaki habang patuloy sa pagtugtog ng plauta.
At nang sandaling imulat niya ang kanyang matang nakatitig sa akin, pakiramdam ko ay nalagutan ako ng hininga.
Itinigil niya ang plauta at marahan itong naglakad patungo sa akin. Tumigil ito sa tapat ko at lumuhod ito.
Who is he? Bakit ganito ang epekto ng dibdib ko sa kanya?
His face softened when he caress my face.
"Anong karapatan ng mundo ng taong pagmalupitan ang aking dyosa?"
Hindi ako makasagot sa kanya pero hindi na muli ito nagsalita. Marahan niya akong binuhat at nagsimula itong tumakbo.
Wala akong ginawa kundi tumitig sa kanya.
Tumigil ito sa isang malaking gusali na makaluma ang disenyo. Namangha ako nang kusang nabuksan ang malalaking pintuan.
At sumalubong sa amin ang mga nagtayuang mga tao na nagkukulay pula ang mga mata.
Taas noong humarap ang lalaking may buhat sa akin na parang isang prinsipeng buhat ang kanyang prinsesa.
He walked in an aisle of black carpet. Kasabay ng pagsindi ng mga apoy sa aming nadaraanan.
Nagpatuloy ito sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa dulo na may nagliliyab na asul na apoy.
He kneeled and bowed his head while carrying my body.
"Tonight, in front of the eyes of Parsua Deltora. I am offering my heart, body and soul to the last woman from the prophecy." Bumaba ang mga mata nito sa akin.
"I, Prince Rosh Alistair Le'Vamuievos, your mate and your husband will love you forever, not even death will do us apart."
What?
Nakaramdam akong muli nang pagyanig hanggang sa mapuno ng malakas na pag-ungol ng hindi pamilyar na hayop ang buong lugar. Nanlaki ang mata ko nang nagsimulang gumuho ang gusali pero wala kahit isang bato ang tumama sa amin ng lalaki.
What the hell is happening?
Halos hindi na ako makapaniwala sa malaking bagay na nakapulupot sa buong gusali.
"Habang buhay kong paglilingkuran, ang dyosang sinasamba ng mga dragon."
What the—dragon?
Hindi pa man ako natatapos sa paghanga nang lumapat ang mga labi ng lalaki sa akin. How—how could he?!
"Ngunit ang pagsamba ko ay higit pa sa mga dragon, buong akala ko ay hindi ka na darating aking mahal."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top