TheCatWhoDoesntMeow's Character Interview + Summer Party

A SUMMER CHAT with Trolls and Compound Boys


Mataas ang sikat ng araw, pino ang buhangin, at parang walang hanggan ang asul na dagat na maaaring languyin. May siyam na nilalang na katatapos lang maglaro ng beach volleyball na ilang ulit naging basketball at soccer at agawan-bola, depende sa player. Sina Jiti at Ashton ang nagsisipaan sa pagkakaunat sa hammock. Sina Harry, Marcus, at Ivan naman ay nangakaupo sa folding chairs. At sa picnic mats kasama ng malalamig na inumin at pagkain, nakasalampak sina Hakob, Jesuah, at Warren. Maluluto na ang barbecue courtesy of Maxwell. At may mga tanong na kailangan ng sagot.

TCWDM: Before we start, siguradong curious 'yong mga nakaabang sa interview na ito kung may damit kayo o wala. Unfortunately, ladies and ladies, I advised them to wear shirts for this summer special, para maiwasang magsilipan sila nang magsilipan ng abs, obliques, at pectorals. Or else ay hindi sila makakasagot sa mga itatanong ko. So... Trolls and Compound Boys, I solicited questions from Abangers  ni Pusang Mamon (APMs) to ask to you today. I already sorted them out. Sa first part, I'm going to ask you three questions each—

Harry: Mamoney, bago ka magtanong, i-describe mo rin 'yong suot mo.

TCWDM: Ah, okay. For those who are curious, naka-summer dress lang ako, mga kapanalig. Kasi mainit at 'pag may event, alam n'yo na, naglalabas ako minsan ng balikat. (Laughs) Anyway, sa first part ng interview, I'm going to ask each of them three questions. Sa second part, group questions naman. Game?

[Everyone agreed by nodding and eating barbecue]

TCWDM: Okay. These questions are for Marcus Madrigal. First question: Ano ang pagkakakilala mo kay Pfifer ni Ivan?

Marcus: Smart.

TCWDM: Bukod do'n?

Marcus: Solong anak siya, eh. Gaya ko. She's just okay to me. (To Ivan) No offense meant, dude. (To TCWDM) Maganda siya at smart. Hindi annoying like some girls.

TCWDM: Okay. Next question: Bukod sa pagkawala ni Jenessy sa buhay mo, ano pa ang pinakakinatatakutan mo?

Marcus: Maubos ng Trolls ang lahat ng mana ko. (Laughs) Pinaghahatian na nila kahit 'di pa 'ko patay eh. (Laughs some more)

Ashton: Share your blessings kasi, dude.

Jiti: Kung may iba pang may kayamanan bukod sa'yo, paghahatian din 'yon. Nagkataon lang na ikaw 'yong meron.

[We all looked at Harry]

Harry: Naghihintay na naman kayo ng punchline ko? 'Yan tayo, eh. Kapag nagbibigay ako ng space para sa exposure ng iba, hihintayin n'yo pa rin ako. Malala na 'yan. Matinding pananalig na sa'kin 'yan. (Laughs)

TCWDM: Last question for Marcus: Bago pa magtago si Jenessy bilang En, napapansin mo ba siya? Kung oo, magbigay ka ng one word na description sa kanya.

Marcus: Ladylike. (Smiles)

[Humangin at humampas ang alon sa dalampasigan pero wala na talagang naidagdag si Madrigal sa sinabi niya]

Harry: Kaunting katahimikan sa pagdaan ng kilig ni Madrigal dahil kay Jenessy.

TCWDM: Next up, Ashton Millari. First question: Gaano kasakit no'ng nalaman mong totoong boyfriend na ng iba si Helga?

Ashton: Kasingsakit ng pagkatanggal ng lahat ng internal organs ni Harry babe, without anesthesia. (Smiles)

Harry: Morbid mo, bayaw. Mag-move on ka na.

TCWDM: Kailan ka raw nagseselos sa mga alagang halaman ni Helga?

Ashton:  Kapag hinahalikan niya.

TCWDM: Helga o Harry?

Ashton: (Natatawa) Kapag lasing si Babe, kay Helga ako. Kapag lasing ako, kay Helga ako. Kapag lasing si Helga, kay Helga pa rin.

TCWDM: Kailan si Harry?

Ashton: Kapag babakuran si Helga.

Harry: 'Yon lang, dude? Ano'ng klaseng bayaw at kaibigan ka?

Ashton: Ah, meron pa. 'Pag kailangan ko ng brief... ay, hindi. Kay Jiti dapat.

Harry: Galing.

[Nakikitawa lang ang lahat]

TCWDM: Next, for Jeric. First question: Anong nakain mo no'ng sinabi mo sa high school yearbook na ambition mong maging philosopher, philosophest?

Jiti: Adobo yata.

[Nakikitawa lang ang mga nakikinig]

TCWDM: Kailan mo na-realize na hulog na hulog ka na kay Hannah?

Jiti: No'ng akala ko, masaya siya dapat na binalikan siya ni Zig pero ang sarap ding manuntok.

TCWDM: Kapag ba nag-request si Hannah na maging extra o magkaroon ka ng appearance sa isang tv show na produced nila, papayag ka ba? Kung oo, may kapalit ba ang pagpayag mo o wala?

Jiti: Papayag ako. Siyempre, dapat, may kapalit para masaya. (Grins)

[Applauds from audience]

TCWDM: O, ikaw na, Babe.

Harry: Sige, babe.

TCWDM: Guilty or not: Umuulit ka ba ng brief?

Harry: 'Oy! Sino'ng nanalig na nagbi-briefs ako? (Laughs) Salamat sa tiwala, kabayan, pero mali ka ng tanong. (Laughs)

TCWDM: Baliw ka. (Laughs) Nagandahan ka raw ba kay Jianna no'ng una mong nakita? May iba ka bang naramdaman?

Harry: Meron. Naguwapuhan ako lalo sa sarili ko. Hinead to toe ako ni Aling Jia eh. #Kelegs (Laughs) Hoy, Mamon, balikan mo na kuwento ko para malaman nila sagot sa tanong na 'to.

TCWDM: Last question: Kung buhay si Neah, ano'ng gagawin mo? Sino'ng pipiliin mo kung given na mahal mo sila pareho ni Jianna? I'm sorry for that question, Babe.

Harry: (After thinking a little) Maraming butas 'yong tanong. Bathala lang ako pero hindi dalawa ang puso ko. Kung may Neah, walang Jianna. Kung may Jianna, walang Neah. Hindi puwedeng mag-exist ang dalawang magkatimbang na probabilities na mahal ko sina Neah at Jianna nang sabay, sa iisang panahon, habang pareho silang buhay, dahil iisa lang ang puso ko. Kung halimbawa na talagang seryoso na nabuhay si Neah, malamang kasal na kami bago ko pa ma-meet si Jianna. Baka maging Ninang si Jianna ng mga magiging anak ko, biological man o adopted. Naniniwala akong nagkalapit lang kami ni Jianna dahil nawala si Neah. For me to even meet Jianna, I have to lose Neah first and become a workaholic monster. For me to even capture Jianna's interest, I have to live without regard for life. And I couldn't just choose sa kanilang dalawa as if it's just the head that's working. I love with my heart and not my head. I will always choose who I love and who makes me live. People has to stop asking for what if's to be truly happy.

[Advertisement ng hampas ng alon sa dalampasigan]

TCWDM: (Clears throat) Sorry uli, Babe.

Harry: Okay lang 'yon, Mamoney.

TCWDM: Uhm... Moving on... sa Compound Boys na tayo. Nainip kayo?

[But the boys are just eating and drinking juice. Nanghingi na ang Trolls]

TCWDM: First, for Jacob. Bakit daw fireflies ang naisipan mong iregalo kay Iya no'ng 17th birthday niya?

Jacob: Mahilig siya sa alitaptap. Naisip ko lang bigla no'ng nakakita ako ng maraming alitaptap sa Romblon.

TCWDM: No'ng kayo na ni Iya, palagi ka pa rin bang nauutal o nabablangko kapag kailangan mong i-express ang sarili mo?

Jacob: Hindi naman. Mas madaling magsalita kapag kay Iya.

[Audience nodding]

TCWDM: Uhm... ano'ng masasabi mo raw sa epilogue mo?

Jacob: (Frowns) Nagtatanong ka pa talaga, ha?

TCWDM: (Laughs) Babawi nga ako sa'yo.

[Jacob shook his head]

TCWDM: Oo nga. (Laughs) Next, for Jesuah: Kung mahal talaga ni Yanyan si Kingsley, magpaparaya ka na lang ba talaga? Itatago mo lang 'yong feelings mo for her?

Jesuah: Puwede. Pero naniniwala akong sa akin talaga babagsak si Diane Christine kahit na sino pa ang mahalin niya in-between, eh. Kaya abangers mode lang siguro ako.

TCWDM: Bago mo raw sabihin kay Ivan 'yong feelings mo for Diane, kinabahan ka ba? Natakot?

Jesuah: Hindi. Pina-shot ko muna si Doraemon eh. (Laughs)

[Trolls congratulated Jesuah]

TCWDM: Last question: Ilang paligo raw ang lamang mo kay Harry Lastimosa?

Jesuah: (Shocked) Naliligo si Harry?

[Humampas ang alon sa dalampasigan kasabay ng pananahimik ng lahat]

Harry: Palakpakan ang Pato, medyo maganda timing ng pagkakatanong niya.

[Nagsipagtayuan ang lahat para pumalakpak habang tumatawa si Jesuah]

TCWDM: Next, for Warren: Ano 'yong isang characteristic ni Mi na pinakagusto mo? At bakit?

Warren: 'Yong para sa'kin siya.

[Humangin at humampas ang alon ng dagat sa dalampasigan]

Harry: Iba 'to. Napakatapang! Palakpakan bago ma-beast mode si De Vera!

[Nagsipagtayuan ang lahat para pumalakpak maliban kina Ivan at Warren]

TCWDM: Kung hindi nag-confess si Mi sa'yo o 'di dumating sina Jeron at Anya, kailan mo sana balak magpatotoo ng feelings mo kay Mi?

Ivan: Si Mi ang nag-confess sa kanya?

[Trolls mimics X-files sound effects]

TCWDM: Oo, Potchi, si Mi. Bakit? Gusto mong barbecue? (To Max) Pahingi ngang barbecue, Max.

[Inabutan ni Maxwell ng barbecue at juice si Ivan]

TCWDM: Ano na, Warren?

Warren: Magsasabi sana ako ng tipong graduation namin o kung kailan ready si Mi.

Jacob: (To Ivan) 'Di naman mapagsamantala si Warren, brader. Si Jesuah na lang ang bantayan mo.

Harry: Hindi rin. Bunso niya si Mi, eh. (To Ivan) Alam ko feeling, dude.

Warren: (Nakangiti lang) Ano last question, Mamoney?

Ashton: Moving on lang! Batang may tibay si Tejeron 2. Palakpakan bago mabugbog!

Harry: Batang may bakod, kamo.

[Tumayo ang lahat para tumawa at pumalakpak maliban kina Ivan at Warren]

TCWDM: Last question para sa'yo, uh... bubulong ko na lang.

Ivan at Harry: Bakit? Ano 'yong tanong?

[Kumalat ang curiosity sa dalampasigan]

TCWDM: (Lumapit kay Warren at bumulong) Masarap bang kumagat si Mi?

Warren: (Bumulong pabalik) *Ang parteng ito ay sadyang hindi isinulat para sa kaligtasan ni Warren Tejeron*

All to TCWDM: Ano'ng sinabi?

TCWDM: Kay Max na tayo—

ALL: Ano'ng sinabi?

TCWDM: Mahaba pa ang tanungan, kaya 'wag kayong magulo. For Maxwell, magbigay ka raw ng kaunting clue sa crush mo?

Maxwell: (Smiles) Ah. Basta ilang ulit kong naging kaklase.

TCWDM: Ano lamang mo sa mga Kuya mo?

Maxwell: Ngiti.

TCWDM: Pa'no mo raw nakumbinse si Mamoney, a.k.a ako, na ihabol ang kuwento mo sa Candy series?

Maxwell: Marupok si Mamoney eh. Nakakita ng marupok scene, gumawa ng cover ng kuwento ko.

Harry: Palakpakan si Mamoney na wagas ang karupukan!

[Nagtayuan ang lahat para pumalakpak]

TCWDM: Hindi kayo napapagod, 'no?

[Ngumisi lang ang mga magugulo]

TCWDM: Last for solo questions... for Ivan: Ano'ng brand ng cellphone mo? Ang tibay raw kasi.

Ivan: (Stares) (Lumingon kina Hakob at Hesuah) Ano'ng brand ng cellphone ko, mga brader?

Harry: Consistent! Palakpakan si De Vera na nagpapaiyak ng cellphone!

[Tumayo ang lahat para pumalakpak]

Ivan: Seryoso ako. Mamoney, ano'ng brand ng cellphone ko?

TCWDM: Bawal endorsement ng brand dito kaya secret na lang muna.

[Everyone nodded]

TCWDM: Kung magkakaroon daw ng story title ang adventures ng cellphone mo, ano 'yon?

Ivan: Alice in Wonderland.

Harry: I vote for Napakasakit, Kuya Ivan.

Jiti: Finding Niyeta.

TCWDM: Huy, Jiti! Bawal expletives!

[Pero ngumiti lang si Jiti]

Ashton: Final Destination.

Marcus: Walking Dead.

Jesuah: Palakpakan para sa effort ng Trolls sa cellphone ni Doraemon!

[Tumayo ang lahat para pumalakpak]

TCWDM: Last question for Ivan: Mao-offend ka raw ba kung ang endearment ni Pfi sa'yo na Potchi ay pangalan ng aso ng isang reader?

Ivan: Hindi naman. Offended ba aso niya?

[Tumayo ang lahat para pumalakpak]

TCWDM: Napapagod akong manood sa inyong pumalakpak! Ano ba?! [Pero tumatawa lang sila] Second part na tayo ng interview. Question is for all pero bilisan ang pagsagot kasi sayang ang time. Maliligo pa tayo. Start tayo sa side nina Ashton at Jiti.

[Everyone nodded]

TCWDM: Kung magiging isang bagay kayo, ano kayo?

Ashton: Halaman ni Helga.

Jiti: Poetry.

Harry: Pacemaker.

Marcus: Kumot ni Jenessy.

Ivan: Kotse.

Jacob: Prisma set.

Jesuah: Panyo.

Warren: Running shoes.

Maxwell: Music player.

TCWDM: Hashtag ng buhay n'yo?

Ashton: #Lampaki

Jiti: #ERPaMore

Harry: #HowToBeMePo #BathalaTo #Superkelegs #TooManyToMention

[Others daw ay wala]

TCWDM: Ano ang mangyayari kung magkukrus ang landas n'yo?

ALL: Ito, may barbecue party.

TCWDM: Nasa'n ang mga babae n'yo? Bakit hindi n'yo yata bantay-sarado ngayon? (Pause) Uh, ako na ang sasagot. May summer party rin sa ibang villa lang ang mga girls nila. Mamaya, magkakasama silang lahat dito sa beach ~

TCWDM: Sino ang most likely ay masarap ihagis sa dagat o masarap ihawin nang buhay?

Harry: Ako na sasagot nito: Walang masarap ihagis sa dagat dahil lahat, marunong lumangoy. 'Yong masarap ihawin naman, malamang ako dahil yummy ako. (Laughs)

Marcus: Palakpakan para hindi puro self-support si Babe!

[Tumayo ang lahat para pumalakpak]

TCWDM: Ano ang pangalan ng secret folder, hidden folders, o private folders n'yo sa phone o laptop?

Ashton: EkisEkis

Jiti: Junjun

Harry: #OoPornTo

Marcus: MMM

Ivan: Akin Lang To

Jacob: JackEnPoy

Jesuah: For Research Purposes Only

Warren: (dot)EXE

Maxwell: Pranks.html

TCWDM: Bilang anak ni Mamoney, ano ang pinakahirap gawin para sa inyo?

Ashton: Mali 'yong tanong.

Harry: Oo nga. Si Mamoney ang baby namin.

TCWDM: Hala, baby raw... Alipin kamo.

[Everyone cheers]

Jesuah: Alagain kasi 'yan si Mamoney kaya baby.

Marcus: Ang pinakamahirap gawin, mag-alaga at magpalaki ng mamon.

ALL: Sa mamon tayo!

[ Tumayo ang lahat para pumalakpak kasi wala silang sawa]

TCWDM: You are given the chance to trade your life with anyone in this interview. Sino ito at bakit?

Ashton: Kay Babe para makita ko si Helga no'ng bata pa.

Jiti: Kay Warren para same course kay Hannah.

Harry: Kay Ivan. Gusto kong maranasang malasing sa isang shot lang ng alak.

[Everyone laughs]

Jesuah: Dalawang shot naman, brader. Hanggang tatlo. (Laughs)

Marcus: Kay Ivan para may malaking family at sisters na ipo-protect.

Ivan: Kay Marcus para heredero.

Jacob: Kay Harry o kay Ivan.

Jesuah: Kay Jiti para matutong manulot. (Laughs)

Warren: Kay Ashton para more bakod. (Laughs)

Maxwell: Kay Ivan para buo family.

TCWDM: Advice para sa babaeng naghahabol sa lalaki?

Ashton: Mag-squats ka bago humabol. Para matibay binti mo.

Jiti: Cardio.

Harry: Bilisan mong tumakbo.

Marcus: Itawag mo na lang sa pulis.

Ivan: Ingat sa daan.

Jacob: 'Pag sa'yo 'yan, 'di mo kailangang habulin nang habulin.

Jesuah: Dala kang tubig.

Warren: Magsuot ka ng magandang running shoes.

Maxwell: 'Wag na. Ikaw ang dapat hinahabol.

TCWDM: For this portion, taas na lang kayo ng kamay.

ALL: Okay.

TCWDM: Sino ang madaling kiligin sa ngiti pa lang ng babaeng mahal n'yo?

[All raise hands]

TCWDM: Sino ang nagbalak na pumasok sa seminaryo?

[ Jiti, Jesuah, Ashton, Ivan raise hands]

TCWDM: Sino ang may six-pack?

[ Ivan, Jesuah, Warren, Ashton raise hands]

TCWDM: Sino ang pinakamataas ang IQ?

[ Ivan and Harry raise hands]

TCWDM: EQ?

[ Harry, Jiti, Jesuah, Maxwell raise hands]

TCWDM: Sino ang pinakaguwapo?

[All raise hands]

TCWDM: Last question. Sabay n'yong sagutin: Ano ang edge ng Trolls versus Compound and vice versa? On a count of three... (Raises fingers to countdown) One, two... three!

ALL: GUWAPO!

TCWDM: Palakpakan n'yo ang mga sarili n'yong self-support, commendable 'yan!

[Tumayo ang lahat para pumalakpak at mag-bow]

TCWDM: We do hope you enjoyed our little chat with these scoundrels! Sa susunod uling Summer Party!

[Barbecue time resumes at the beach]

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top