sofia_jade6 's Story Excerpt

Story title: Soju Trilogy 1: Tipsy in Jeju

Author: @sofia_jade6, Sofia PHR

Excerpt of Tipsy in Jeju

- Travel goal sa akin na mapuntahan ang mga sikat na location ng teleserye sa Korea at ma-experience ang mala-Korean drama na eksena.

"NAKU! Tiyak na dudumugin ang online store ko kapag nakita nilang naka-post ang mga Kpop at Kdrama merchandise ko. Mabuti na lang talaga pumayag si ahjussi na umorder ng iba pang items para sa akin," sabi ni Yana habang naglalakad sila sa ni Gideon sa mga stall ng sa Cherry Blossom Festival sa Jeju City.

Nang maka-recover ito sa hangover nang nagdaang araw ay ipinasyal siya nito sa Jungmon Resort na kalahating oras ang layo sa bahay nito sa Seogwipo. Na-enjoy niya ang Moody Bear Museum at ang Ripley's Believe It Or Not. Tapos ay kumain sila sa may Jeju Mawon na nasa isang sinaunang gusali at pinakain siya ng lalaki ng horse meat nang wala siyang kamalay-malay.

Ngayon naman ay sa Jeju City siya nito idinala. Naroon daw ang mga museum at iba pang magagandang park sa isla. Pero idinala agad siya nito sa Jeju Sports Complex kung saan ginaganap ang festival. Matapos manood ng street parade ay naharang na sila ng hilera ng mga stall pagkain at iba't ibang paninda. Nakasukbit sa balikat nito ang ecobag na puno ng pinamili niya. Boyfriend duties daw ang pagbibitbit ng pinamili niya.

"Napansin ko, wala ka pang binibili para sa sarili mo. Kundi para sa pamilya mo, puro paninda ang nasa isip mo. Akala ko ba bakasyon 'to. Walang trabaho at walang dapat isipin na nakaka-stress." Tinutukoy marahil nito ang pamilya niya na source ng stress niya.

"Gideon, wala naman akong kailangan para sa sarili ko. Saka kahit naman anong mangyari sa akin dito sa Jeju, may buhay pa rin na naghihintay sa akin sa Pilipinas. Di titigil ang trabaho ko. Kailangan kong kumita ng pera. At lalong di ko naman pababayaan ang pamilya ko. Pamilya ko pa rin iyon."

"Babalik ka na naman sa dati? Uto-uto?"

Bumuntong-hininga siya at tumigil sa harap ng tindahan ng hair accessories. Tumingin-tingin siya sa paninda pero kausap pa rin niya ang lalaki. "Gideon, natuto naman ako ng leksyon. Di naman ako ganon katanga. Pero nilinaw ko sa kanila na makikipagkita lang ako kapag may mga matitino na silang trabaho at alam na nila kung paano kontrolin ang paggastos nila. Saka pasalubong lang ito. No big deal."

"Baka diyan kasi magsimula iyan. Pasa-pasalubong tapos pakonti-konti pagbibigyan mo sa maliliit na bagay. Tapos aabusuhin ka na naman. I am just worried about you. Di dahil kapamilya mo o mahal mo, okay lang na paulit-ulit kang abusuhin."

"Kung ganoon, bakit tinutulungan mo ako ngayon na bawiin si Dong Uk? Kasi napasubo ako? Di ba parang tanga lang ako?" tanong niya at namaywang.

"Yana, bago ka makabalik kay Dong Uk, titiyakin ko na natutunan na niya ang leksyon niya. Pero sa pamilya mo, ikaw ang makakapagsabi kung talagang naturuan mo sila ng leksyon," sabi nito at dinampot ang cherry blossom na hair clip. Nagtanong ito sa tindera kung magkano. "Eolmaeyo?"

Sumenyas ang tindera ng limang daliri at inabutan ito ni Gideon ng ten thousand won. Dalawang clip ang kinuha nito.

"Naniniwala ako na lahat ng tao pwedeng magbago. Kahit ang pamilya ko. Kahit si Dong Uk. Kahit ikaw," sabi niya sa lalaki.

"Ano naman ang babaguhin mo sa akin? Babawasan mo ang kaguwapuhan ko?" tanong nito at ikinabit ang bulaklak na clip sa buhok niya.

"Hmmm... pwede kang maging seryoso sa babae. Magka-girlfriend o mag-asawa someday. Then you will have little Jin Woo..."

Umiling ito. "Aniyo!"

Pinisil niya ang baba nito. "Pero perfect boyfriend ka naman. Gentleman ka. Malambing at maalaga kang boyfriend kung gugustuhin mo. Ibinili mo pa ako nitong cherry blossom na ipit sa buhok..."

Naging seryoso ito at matiim siyang tinitigan. "This is just pretense, Yana. Huwag kang masyadong magpadala sa ipinapakita ko sa iyo. Lahat ng nakikita mong maganda sa akin, pagpapanggap lang. Kaya huwag kang mai-in love sa akin."

Pabiro niya itong sinuntok sa sikmura. "Asa ka naman."

Di nagtagal ay naglakad sila sa hilera ng mga cherry blossom sa magkabilang gilid ng kalsada. Parang bata si Yana na idinipa ang mga kamay. "Ang ganda dito! Sa TV ko lang 'to nakikita dati. Totoong cherry blossoms talaga!"

"King cherry blossoms ang mga iyan. Katulad nitong nasa buhok mo. It is the largest and most luxurious among the cherry blossoms. Tatlong araw lang ang full bloom niyan at itinataon sa festival. May cherry blossom naman sa Jeju na mas matagal ang bloom pero ito pa rin ang pinakamaganda."

"Well, it is worth it. Kahit pa nga maraming tao dito. So romantic," usal niya at humilig sa braso nito. Pakiramdam niya ay bida siya sa Korean drama at inuulan siya ng puti at pink na talulot ng mga bulaklak. "Buti na lang talaga nandito ka, Gideon. Kung wala ka, baka di na ako nagtagal dito sa Jeju. Baka umuwi na ako sa Pilipinas at di ko nakita 'to."

"Kahit di ako si Dong Uk?" tanong ni Gideon.

Tiningala niya ito. Mas gusto ba niya na si Dong Uk ang kasama nang mga oras na iyon? Parang hindi na niya ma-imagine. Lahat ng pangarap niya noon na kasama si Dong Uk, napalitan na ng realidad na si Gideon ang kasama niya ngayon. Pero ano ba ang dapat na isagot niya sa lalaki?

Nanlaki ang mata niya nang marinig ang pamilyar na musika. "Gideon, alam ko kung anong kanta iyon. Kanta ni Heo Joon Jae iyon!" Hinatak niya ang kamay nito para hanapin kung saan nagmumula ang musika. 

"Sino si Heo Joon Jae?" tanong nito. "Character ni Lee Min Ho sa Legend of the Blue Sea. Dito pa nga sa Jeju Island nag-shooting iyon. Di mo ba alam iyon?"

"Tch! Mukha ba akong may pakialam sa Korean drama?"

"Pang-akit din ng babae iyon."

Tumikhim ito. "Kailangan ko pa ba talaga iyon? Parang di naman."

"Yabang!" Lumapit sila sa kulumpunan ng mga tao. May babaeng street musician na tumutugtog ng violin. And it made the atmosphere more dreamy. Hindi siya makahinga. Parang maiiyak siya nang sabayan ng pagkanta ang pagtugtog nito ng Love Story ni Lyn. "Eonjena gatuen kkume naccseon eolgureul hago." Feel na feel niya na nasa Korea siya. Oppa na lang ang kulang. 

Inilahad ni Gideon ang kamay sa kanya. "Dance with me, Yana."

"Dito? Sa gitna ng kalsada?" tanong niya.

"Bakit naman hindi?" Ibinaba na lang nito ang mga gamit nila sa lapag at hinila siya sa espasyo sa pagitan ng street musician at ng mga manonood. Kinakabahan pa siya ng noong una dahil nahihiya siya. Sila lang naman ang sumasayaw doon.

Hinapit ng binata ang baywang niya at inilagay ang isang kamay niya sa balikat nito. Napilitan tuloy siyang ipatong ang isa pa. Di niya maiwasang luminga sa paligid nila. Di ba mukha naman silang tanga doon?

"Huwag mo silang pansinin. Pumikit ka na lang. Isipin mo date natin ito at tayong dalawa lang. Ako 'yung lalaking mahal na mahal mo. I want you to sing for me," bulong ni Gideon sa kanya.

Pumikit siya at huminga ng malalim. Nag-focus lang siya sa kanta. "This is love story. Gamchul suga eopson."

"This is love story and I can't hide it," bulong ng lalaki sa kanya na tina-translate sa kanya ang lyrics ng kanta.

"Neoman boneun du nunuel. Gamuel suga eopsan nan," kanta niya.

"My eyes that look at you, I can't close them."

Dumilat siya at tiningala ito. He was looking at her intently. Na parang di nito gustong kumurap dahil baka maglaho siya. Parang sa kanilang dalawa, mas ramdam nito ang kanta.

"This is amazing," pagpapatuloy ng kanta ni Yana. "Sesang modeun gaseul..."

"This is amazing. Even if I get everything in the world..."

"Neowa bakkul su eopseo, nae sarangeul."

"I can't exchange it for you, my love"

Ngumiti siya at ihinilig ang ulo sa balikat nito. Kinakanta lang niya dati ang Korean song na iyon. Alam niya ang meaning pero parang mas naramdaman niya ang totoong kahulugan ng kanta. At parang kinakanta niya iyon para sa kanila ni Gideon.

"This is love, this is happiness," bulong ni Gideon sa kanya.

Ang lahat ng nangyayari sa kanila mula nang dumating siya sa Jeju, parang kwento ng pagmamahalan nila kahit pa sabihing hindi totoo. And it made her happy.

"Hoksi kkum sogilkkabwa, nuneul ttuel suga eopso."

"In case this is just a dream, I can't open my eyes."

The beauty of the spring, the scent of the flowers, and the warmth of his body made her feel brand new. Na katulad ng tagsibol, parang nabuhay ang puso niya. Na parang binigyan ulit siya nito ng rason para magmahal at lumaban.

Parang isang magandang panaginip lang ang lahat. Habang nasa bisig siya Gideon, di niya naiisip si Dong Uk o hinihiling na ito ang kasama niya. Para lang sa kanila ni Gideon ang sandaling iyon.

Tumingala siya at direktang tumingin sa mga mata nito. "This is my love story. Sarang neomanuel."

"I love you, only you," bulong ni Gideon at kinintalan ng halik ang pagitan ng mga mata niya.

Niyakap niya ang baywang nito at ninamnam ang mga salita nito. It was just pretense. Pero nang mga oras na iyon, gusto niyang isipin na mahal nga talaga siya nito. Siya lang. Kahit alam niyang malapit na rin silang bumalik sa realidad.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top