ShinichiLaaaabs' Special Chapter

DETECTIVE FILES: The Explosive Getaway


"It's summer time!"

Halos magtatalon na sa tuwa at excitement si Jeremy. It's summer vacation and he already booked adventures for us bago pa man matapos ang klase. Napili niyang magsummer getaway kami sa isang waterpark.

The place is called Medusa Waterpark, located at a town which is five hours drive from Bridle. Madaling araw pa lamang ay gumayak na kami para kahit papano ay mahaba-haba rin ang ilalagi namin sa waterpark.

"Yeah, it's summer time," wika ni Math at napahikab. Binuksan niya ang shotgun ride ng kotse ni Gray at doon pumasok.

I also yawned as I open the backseat. It's three in the morning and only Jeremy is hyper about this trip.

"Hoy Maya! Bakit diyan ka nakaupo, palit kayo ni Bestie!"

I rolled my eyes at isinandal ang ulo ko sa bintana. I don't care who sits where, ang importante ay makatulog ako sa byahe.

"Nah, I want to sit beside Gray," Math said, sounded so sleepy.

"Ang epal mo talaga," bulong ni Jeremy ngunit hindi iyon nakatakas sa pandinig ni Math.

"What did you say? Epal?"

Jeremy pouted and shook his head. "Epal? Ang bingi mo naman. Apple kasi sinasabi ko, medyo may accent lang. A for 'epal', B for 'bell'..." He pronounced it exaggeratedly. Tsk.

"Don't exaggerate your pronunciation Jeremy, baka masanay ka. And it doesn't sound cool if you exaggerate it. If you're having a hard time with your pronunciation, I'm the best person you can consult. I can help you with that. I am articulate in that field. Kaya nga madalas akong pambato for public speaking, debates, poems etc. Hindi lang kasi content ang kailangan sa mga ganoong paligsahan. You also need to focus on the form but never sacrifice the substance. Substance over form yes, but if it is me, I do good on the form, better on the substance and that's what makes me the best. Dati noong junior high ako, ako ang palaging..."

Hindi ko na narinig pa ang ibang sinabi ni Math dahil umisog sa tabi ko si Jeremy at iniabot sa akin ang isang earbud niya. Agad ko iyong tinanggap at nakinig na lamang kaysa sa mga pagbubuhat ng bangko ni Math— ops, sorry, Je's term, not mine.

The door on the driver's seat opened at pumasok doon si Gray. Agad kong ipinikit ang mga mata ko pero bahagyang sumilip. He fixed his seatbelt at napatingin kay Math na mukhang hindi pa tapos sa kanyang mga pinagsasabi.

He then turn his eyes on us at kahit bahagya lang akong nakasilip, nakita ko ang pagkunot ng noo niya. His jaw clenched as he looked at Jeremy and me. Magkadikit ang ulo namin habang nakasandal sa headrest ng upuan, at nakakabit sa tenga namin ang magkabilang earbuds ni Je.

To my surprise, he leaned over and pulled the earbud on my ear at isinalampak iyon sa kabilang tenga ni Je.

"Aray!" wika naman ni Je at binuksan ang mga mata. Mas nagulat siya nang inilayo ni Gray ang ulo niya mula sa akin. He pushed it with force kaya bahagyang tumama ang ulo ni Jeremy sa bintana. "Ano sa tingin ang ginagawa mo Abo?"

Natigilan si Gray at hindi kaagad nagsalita. Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa aming dalawa at maging kay Math na nakamata rin sa kanya.

"D-don't sleep. You planned this outing kaya kailangang gising ka at i-guide ako sa pagmamaneho!" sagot ni Gray. 

"Seriously? Ano'ng silbi ng mga navigation apps mo—" Pinutol ni Gray ang iba pang sasabihin ni Je.

"Or you drive tutal ikaw naman ang nakaisip nito diba? And oh, drive your own car if you have any," he said, sounding like a brat.


"Oo na, sabi ko nga na let's go diba? Ito naman, masyadong high blood." Je said with a grin. Aba, dapat lang sumunod siya kay Gray dahil una sa lahat, siya nga ang nakaisip ng getaway na ito. Pangalawa, hindi siya marunong magdrive. Pangatlo, wala siyang kotse.

"Pahiram naman ng phone at earbuds mo Je," wika ko kay Jeremy. Nagulat na lamang ako nang inihagis ni Gray ang kanyang cellphone at earbuds. Nagtatakang napatingin ako roon. "Ano 'to Gray?"

Je frowned. "Seriously Bestie? Baka pagkain 'yan try mo—" I gave him a deadly glare. "Try mong ilagay sa tenga mo  kasi nga, cellphone 'yan at earbuds." He replied with a grin. Buti na lang, nadadala rin sa tingin minsan si Je.

"I want a phone and earbuds too!" Math said. Tsk, minsan talaga tunog maarte 'tong si Math.

"Teka nga, nasaan ba mga cellphone ninyo?" Je asked. I shrugged and plugged the earbuds in Gray's phone at isinuot iyon sa tenga ko. My phone is drained dahil nalimutan kong magcharge kagabi.

Napangiwi ako nang makita ang wallpaper ni Gray. It was a photo of me with Math and Je on the background. Ay mali, it's a picture of them with me in the foreground.

Nasa harapan ako at naka-pout habang nakapatong ang ulo sa kamay at inaantok. On my back were Math and Je, smiling and posing for the camera. Ang galing naman, na-stolen ako at nasa harap pa. Tssk.

Isinalampak ko na lamang ang earbuds sa tenga ko at nakapikit na isindal ang ulo.

Nagising ako nang may mahinang yumugyog sa balikat ko. Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata at tinanggal ang earbuds sa tenga ko. Natunghayan ko ang mukha ni Je sa harapan ko.

"Wake up Bestie."

"Nandito na ba tayo?" tanong ko at inilinga-linga ang paningin sa paligid. May mga nakikita pa akong malalaking gusali kaya marahil ay hindi pa kami nakarating. Jeremy said that the waterpark is in a small town na malayo sa syudad.

"Hindi pa pero kailangan muna nating kumain," wika niya at lumabas ng sasakyan. "Halika na Bestie."

Sumunod ako sa kanya pagkatapos ayusin ang sarili ko. We took our breakfast in a fastfood chain bago nagpatuloy sa byahe. Pagkatapos kumain ay agad na tumakbo si Jeremy pabalik sa sasakyan at binuksan ang shotgun ride.

"Bestie dito ka!" nakangising wika niya. Kinuha niya ang neck pillow ni Math at inihagis iyon sa backseat.

"Jeremy!" Math pouted. "Ako diyan!"

"Doon na lang tayo sa likod, magpapatulong ako kung paano magbuhat ng bangko eh."

"What?!"

"Ang ibig kong sabihin, maluwag naman ang bangko sa likod. Kahit humilata ka doon, okay lang," Je said with a grin. Napangiti na lamang si Math at pumasok sa backseat.

I rolled my eyes at Je bago umupo sa harap. He even winked at me before he closed the door at sumakay na rin sa likod.

***

"Nandito na tayo!" masiglang sigaw ni Jeremy kung kaya't dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko. Sumulyap ako sa suot kong wristwatch. It's past 9 in the morning at hindi pa masakit sa balat ang araw.

Gray parked the car at inilabas namin ang mga gamit namin. The waterpark looks lively. Maraming tao roon dahil na rin siguro bakasyon na.

The place isn't bad. Marahil kaya iyon tinawag na Medusa Waterpark ay dahil maraming estatwa sa paligid. In mythology, whoever looks at Medusa will turn into stone.

May mga water slides, rides at iba pang attraction ang naroon. May mga restaurant at souvenirs shops rin sa paligid. Nauna na si Math at Jeremy upang hanapin ang aming cottage.

In-enjoy namin ang buong umaga sa pamamagitan ng pagsubok sa lahat ng rides. Naligo na rin kami sa pool at sinubukan ang iba pang pwedeng gawin roon. Pasado ala una na nang hapon nang niyaya ako ni Gray na pumunta sa gazebo.

We chose the one near the entrance. Tanaw na tanaw kasi roon ang kabuoan ng waterpark.

"Do you like the place?" nakangiting tanong ni Gray sa akin. Ngumiti ako ng malawak at tumango ng ilang beses.

"Of course, I love this place! Ano nga pala kailangan mo?" Iginala ko ang paningin sa paligid habang hinihintay siyang sumagot. Napansin ko ang isang batang may dalang mga maliit na flower pot.

"Amber, gusto ko sanang..."

Lumapit sa amin ang bata at ngumiti. "Ate, Kuya bili na po kayo ng Cactus at succulents, murang-mura lang."

Ngumiti lang ako sa bata at hinarap si Gray. "Ano nga yung sinasabi mo?"

Gray heaved a heavy sigh. "Gusto ko sanang... itanong kung gusto mo ba ng cactus?" Napasimangot siya sa sarili. Anong problema niya sa sarili niya?

"Magkano ba 'to?" tanong ko sa bata at kinuha ang dala niyang maliit na pot ng cactus.

"80 lang po ateng maganda," sagot ng bata sa akin.

"Aba, nambola pa! Sige dalawa kukunin ko." Kukuha na sana ako ng pera nang naunang iabot ni Gray ang isang buong 200 pesos.

"Ayan, sayo na ang sukli," wika niya sa bata. Tuwang-tuwa ito at ngumiti nang malawak.

"Thank you kuyang pogi!"

Tumakbo na ang bata pabalik sa pwesto niya kanina. Nakangiting sinipat ko naman ang mga cactus. "Thank you Gray."

"Amber?"

"Hmm?" Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Bahagya siyang nag-aalangan kung may sasabihin ba o hindi. Lumagpas ang paningin ko sa likuran niya dahil napansin ko ang ilang pulis na kausap ang nasa ticket booth ng entrance. "Gray, tingnan mo."

Napatingin na rin si Gray sa likuran niya. Napakunot ang noo niya habang tinitingnan ang nangyayari. Tila nababahala ang mga nasa entrance at panay ang tawag nila sa telepono. Hinila ako ni Gray papalapit doon at agad niyang kinausap ang mga pulis.

Bago pa man kami makapagtanong ay lumapit na rin ang isang lalaking nakasuot ng board shorts.

"Excuse me, may nangyayari mo pa? Napansin ko kasi na parang may problema. You even sealed the entrance."

Napatingin kami sa lalaki dahil napakapamilyar ng boses nito. He showed his wallet to the police.

"I'm Detective Maverick Adler."

I cringed, sabi ko na nga ba. Bago ko pa man kasi napagtantong boses niya iyon, nakaramdam na ako ng inis. Yup, he has that annoying presence.

"May mga bomba po ba sa paligid?" biglang tanong ni Gray sa mahinang boses upang hindi magpanic ang mga naroon.

"Hoy, kayong dalawa ano bang pinagsasabi ninyo? Bumalik na kayo roon—"

Bago pa mam kami mapaalis ng pulis ay hinawakan ni Detective Adler ang balikat naming dalawa ni Gray. "Inspector, don't mind these two. They are my apprentice."

"Apprentice?" Nagtatakang tanong ng pulis at hinarap si Gray. "Paano mo naman nasabi na ganoon ang sitwasyon?"

Gray shrugged. "Simple. I saw some people wearing bomb squad uniforms."

Oo nga naman, ang laki ng print sa suot nila. Meh, inspector naman. Tsk.

"Sir, muling tumawag ang caller, kapag pinalikas daw natin ang mga guest ay papasabugin niya ang mga bomba!"

Sumeryoso ang mukha ni Detective Adler. "I suggest let's not make the guests panic. Mahigit isang libo ang naritong guest, we cannot risk them."

Napakamot ang inspector. "Anong gagawin natin ngayon? Hindi sigurado kung totoo ang bomb scare ng anonymous caller kaya narito kami upang hanapin ang limang bomba."

"Lima?" bulalas ko? Kapag pinasabog iyon ng kung sino mang may pakana niyon ay tiyak na hindi madali ang makaligtas.

Muling tumunog ang cellphone at ibinigay iyon ng isang pulis sa nakakataas na pulis. "Sir! Tumawag na naman ang caller!"

"Let me answer it," wika ni Detective Adler at hinablot ang cellphone bago pa makasagot ang pulis. "Hello?"

We waited nervously at napahawak ako sa braso ni Gray. Paano kung totoo nga iyon? Paano na kami? Sina Jeremy at Math?!

"What are your demands?" tanong ni Detective Adler sa kausap. Napakunot ang noo niya at lumingon-lingon sa paligid. "Nasaan ka?" Napatangis na lamang ang bagang niya. Nagulat na lamang ako nang iniabot niya ang cellphone sa akin. "He wants to talk to you."

"Ano?!" sabay na bulalas namin ni Gray. Maging ang mga pulis at bomb squad na naroon ay nagulat din. Gayunpaman ay nanginginig ang kamay na tinanggap ko ang cellphone.

"H-hello?"

"Makinig ka, may apat na bomba—" pinutol ko ang sasabihin.

"Apat? Akala ko ba lima?"

Napatingin ng masama ang iba sa akin. Halos mabuwal sa kinatatayuan ang police officer na naroon.

"Lima nga pero papasabugin ko ang isa," wika ng boses. Malalaki ang kanyang buntong-hininga and the call was a bit choppy.

"Why are you doing this?" tanong ko sa mataas na boses. Tiyak naming nasa paligid lang siya at nakamasid sa amin dahil alam niyang naroon kami.

"This waterpark is good for nothing. Mukhang pera ang may-ari nito! Pera lang ang mahalaga sa kanila!" He began sobbing at napahigpit ang hawak ko sa cellphone.

"Is that why you're doing this? Mahigit isang libo ang narito!" I was shaking in fear pero naiinis ako sa pagiging selfish ng taong ito. He will sacrifice more than a thousand of people to get even to this waterpark na sa tingin niya ay pera lamang ang habol?

Narinig ko ang tone na tanda na pinatay ang tawag. "Hello? Hello?" Nagsimula na rin akong magpanic ngunit hinila ako ni Gray sa tabi.

"Anong sabi ng bomber?"

"Ang sabi niya ay papasabugin niya ang isa sa limang bomba."

The other police made some noise samantalang napamasahe naman sa noo niya si Detective Adler. Hinarap niya ang mga naroong pulis at kinausap.

"Chief, simulan mo nang ipaglibot ang bomb squad upang hanapin ang mga bomba. Wag kayong magpahalata sa mga naritong guest, we don't want a panic attack from more than a thousands of people," wika niya.

"Nandito lang sa paligid ang bomber. Nakikita niya tayo kaya malamang nandito lang siya sa loob. Kung totoo ngang papasabugin niya ang waterpark, madadamay siya. He could be a suicide bomber or he's just threatening us," wika ni Gray at bumaling sa akin. "Amber, wala ka bang napansin o narinig habang kausap mo siya? May naririnig ka bang mga tao sa background?"

Now that I think about it, the call was choppy at tila ang tahimik ng paligid!

"No, it's just that the call was a bit choppy!" bulalas ko at lumingon sa hepe. "Can't we just trace the location of the call?"

"Imposible iyon dahil burner phone ang ginamit ng salarin. Hintayin na lamang natin na—"

Hindi na natapos ng hepe ang sasabihin dahil bigla silang nakarinig ng isang fire alarm. Nagpanic naman ang mga staff ng waterpark at hinanap kung saang bahagi ng napakalaking waterpark nanggagaling ang tunog.

"Mula sa function hall!" sigaw ng isang staff. "Nasa dulong bahagi ng waterpark ang function hall!"

Some police rushed towards there samantalang humiram naman ng mapa si Gray. The map shows the whole waterpark. Nasa dulong bahagi nga ang function hall. Sinadyang doon iyon ilagay dahil malayo iyon sa ingay. Ginagamit ang hall sa pagho-host ng mga party, meetings at kung ano pang mga event.

Halos sampung minuto ang lumipas na nakabukas pa rin ang fire alarm. Maya-maya ay nakarinig kami ng malakas na pagsabog! Nanggagaling iyon sa dulo ng waterpark! Sa function hall!

"Shit!" bulalas ni Detective Adler. Naudlot yata ang pag-aaliw niya dahil sa nangyari. Looking at him, he's still in his board shorts and wet hair.

"Sumabog ang function hall!" sigaw ng isang staff na nasa ticket booth. Napatingin kami sa monitor na naroon kung saan makikita ang iba't-ibang lugar kung saan naroon ang mga surveillance camera.

Mas lalo lamang napamura si Detective Adler. The chief commanded the other bomb squad to put out the fire. Hindi gaanong malakas ang pagsabog ngunit nakakabahala pa rin iyon. Napansin kong nahulog sa malalim na pag-iisip si Gray.

Hinarap niya ang staff na nasa ticket booth na siyang nagsilbing receptionist. "Ano'ng naka book sa function hall ngayon?"

Tiningnan ng staff ang logbook at umiling. "Sa mga oras na ito ay wala. Mamayang alas tres pa ang birthday party na gaganapin doon."

Gray thought a little harder bago niya hinarap sina Detective Adler at ang hepe na abala sa pagbigay ng mga instruction upang pakalmahin ang mga tao.

"Chief, nandito nga lamang sa loob ang bomber. He knew about the areas of this place. Alam niya kung saan marami o walang tao. Sa tingin ko ay hindi niya balak na patayin ang mga narito," wika ni Gray.

"Anong pinagsasabi mo? Kita mo na ngang nagpasabog na—"

"But he triggered the fire alarm first upang umalis ang mga tao sa function hall. Iilan lamang ang naroon dahil walang naka-schedule na event ngayon."

"Tama siya Chief," segunda ni Detective Adler. "Amber, ano pa ang iba niyang sinabi sa'yo?"

Ibinalik ko sa alaala ang sinabi ng caller. Naninikip ang dibdib ko habang iniisip na baka may nasaktan sa nangyaring pagsabog. Nasaan kaya sina Math at Jeremy?

"Ang sabi niya ay pera lang daw ang mahalaga sa may-ari ng waterpark. I think I even heard him sobbed before he ended the call," sagot ko.

"Chief, sabihin niyo sa ibang kasamahan niyo na tingnan kung may mga lawsuit at ano pang issue ang may-ari ng waterpark," wika ni Gray.

Lumapit ang manager sa amin. Nababahala na siya dahil nagpanic na ang mga tao ngunit wala pa rin silang ideya na isa pala iyong pagsabog na dulot ng bomba.

"Chief, nagrereklamo na ang mga tao, gusto na nilang umalis," wika ng manager.

The chief sighed and thought hard. "Kailangang ipaalam natin sa lahat ang nangyayari dahil baka magpumulit silang umalis. Ang sabi ng bomber kanina, kapag may lumikas ay papasabugin niya ang lahat ng bomba. Hindi natin pwedeng ipagwalang bahala ang kanyang sinabi."

Inutusan niya ang receptionist na pakalmahin ang mga tao at sabihin ang tunay na nangyayari. The people began to panic ngunit hindi na sila nagpumilit pa na lumikas. Kinalma nila ang mga bisita at patuloy na pinahanap sa bomb squad ang mga bomba.

Abala pa rin si Gray sa pagtingin sa mapa. I stood beside him and looked closely at the map. Hindi iyon kumplikadong mapa. The places were color-coded. Halimbawa, puti ang lugar kung nasaan ang function hall. The gazebo where we're near is coded violet on the map. Yellow naman ang area kung saan naroon ang mga cottages. The clubhouse and restaurants were coded blue. Green naman ang code ng souvenir shops. The parking area was coded red. The area where the pools and other rides was coded orange.

Biglang nag-vibrate ang cellphone mula sa bulsa ko. It was Gray's phone at nang makita kong tumatawag si Je ay agad ko iyong sinagot.

"Je, nasaan kayo?"

"Bestie! Anong nangyayari? Totoo ba?" He sounded scared. I know. Jeremy is vulnerable and I need to protect him at all cost.

"Oo, but you need to stay calm okay? Magkasama ba kayo ni Math? Nasaan kayo?" tanong ko.

"Oo, papasok kami sa underground ng—" Hindi ko na narinig pa ang iba pa niyang sinabi dahil biglang namatay ang cellphone ni Gray. Shit, of all times ngayon pa talaga niya napiling magloko!

"Nasaan daw sila?" tanong ni Gray sa akin.

"Nasa underground daw sila ni Math. Hindi ko natanong kung saan dahil biglang namatay ang cellphone mo."

Gray frustratedly rubbed his fingers through his hair. Gaya ko ay ayaw rin niyang may mangyaring masama kina Math at Jeremy.

Saglit kaming natahimik habang naghihintay ng updates mula sa bomb squad nang may tumunog na telepono.

"Chief!" tawag ng staff at agad na sinagot ng hepe ang tawag. Napatingin kaming lahat sa kanya at bigla siyang napasimangot nang iniabot niya sa akin ang tawag.

"Huwag mong gagalitin ang bomber. Kausapin mo siya ng normal at hingin mo ang demands niya. We need to handle him right dahil hindi natin alam kung ano ang pwede niyang gawin."

Nagpalipat-lipat ang tingin ko kay Gray at sa telepono. Gray nodded at me and silently told me to be brave. Huminga naman ako ng malalim bago iniabot ang telepono.

"Hello."

"Hindi ko alam kung bakit nandiyan pa rin kayo. Sigurado naman akong hindi kayo pulis," wika ng boses.

"We're..." I sighed. "High school detectives."

Mapaklang tumawa ang nasa kabilang linya. Kanina lang ay parang naiiyak siya. Mukhang nay sayad na nga ang taong ito.

"So detectives, bakit hindi ko na lamang kayo bigyan ng clue kung nasaan ang mga bomba? What do you think?" wika niya sa akin.

"Please do!" wika ko at tumingin ang lahat sa akin. Hinablot ko ang papel ay ballpen na nasa ticket booth at naghintay na magsalita ang lalaki.

"Are you good in Mathematics?"

"We'll try our best," sagot ko at pinigilan ang sarili kong pilosopohin kung sino man ang kausap ko ngayon.

Muli siyang tumawa. "Don't worry, I won't be hassling you with Euclid's geometry. Simpleng arithmetic lang naman ang ibibigay."

"We don't have all day kaya mas mabuting sabihin mo na lamang kung ano ang mga clue na ibibigay mo," nakataas ang kilay na wika ko. The chief made a gesture to make me stop my bitching voice. Napabuga naman ng hangin si Detective Adler at napa-facepalm si Gray.

Muling tumawa ang lalaki.

"You think this is funny?" tanong ko. Halos mabuwal na sa kinatatayuan niya si Detective Adler at nagpipigil namang agawin ng hepe ang telepono mula sa akin.

"No, this is not funny. I like your attitude," he said. "Tatawag na lang ulit ako."

Naiinis na ibinaba ko naman ang telepono. Ibinagsak ko rin ang ballpen na hawak ko.

"Hindi ba sabi ko sayo na kausapin mo ng maayos?!" umuusok ang ilong na wika ng hepe. "Paano kung magalit siya at ipagpasyang pasabugin lahat ng bomba?"

"Don't worry chief, he likes my attitude," wika ko sa kanya upang pakalmahin ito. Hindi naman iyon nakatulong dahil maging ako ay kinabahan din. Minsan kasi ay hindi ko mapigilan ang tabas ng bibig ko kahit pa nasa bingit na ako ng kamatayan.

"Anong sabi niya?" tanong ni Detective Adler.

"He said he will give me clues. Tinanong din niya kung magaling ba tayo sa Math," wika ko. Hindi mapakali na tinapik-tapik ko na lamang ang mesa.

Hindi rin mapakali ang manager sa gilid. Kanina pa niya sinusubukang kontakin ang may-ari ngunit nasa abroad iyon. The staff of the waterpark attended the needs of the people na nagpa-panic dahil sa nangyaring bombing at  hostagetaking.

Muling tumunog ang telepono kaya agad ko iyong sinagot.

"Hello."

"Isang beses ko lamang na sasabihin ang mga formula at tatlumpong minuto lamang ang ibibigay ko sa inyo upang hanapin kung nasaan ang mga bomba."

"Ano ba talaga ang kailangan mo?" tanong ko sa kanya. "Pera? Getaway car? Anything?"

"Wala akong kailangan. Ang kailangan ko lamang ay pasabugin ang waterpark na ito! Hindi ito magandang lugar para sa outing ng pamilya dahil pera lang naman ang importante rito!" Muli ay may mababakas na kalungkutan sa boses niya.

Did he lost his loved ones here in this waterpark? Tama kaya ang hinala ni Gray na marahil ang may gawa nito ay may mga lawsuit sa waterpark na ito?

"Isang beses ko lang itong sasabihin kaya makinig kang mabuti."

I grabbed the pen tightly at halos bumaon na iyon sa papel dahil sa tindi ng hawak ko. Kinakabahan ako ng sobra-sobra at labis akong natatakot.

"Apat na clues para sa apat na lokasyon. Una, 200+50+500/2. Pangalawa, 50+25x2. Pangatlo, 70-5x4 at ang huli, 5+30/2. Tatlumpung minuto."

Nanginginig ang mga kamay ko habang sinusulat ang sinasabi niya. Pinatay niya ang tawag at halos nanghina ang mga tuhod ko. Kinuha ni Gray ang papel at maiging tiningnan iyon.

"What are these?" tanong ni Detective Adler. "Paano natin malalaman ang mga lokasyon sa pamamagitan lamang niyan?"

Kinuha ni Gray ang papel at ballpen. Sinimulan niyang i-solve iyon sa kung anu-anong paraan. Maya-maya ang isang tawag mula sa cellphone ng hepe ang natanggap namin. Agad iyong sinagot ng hepe.

"Hello?" Nanatili siyang tahimik at nakinig sa sinabi ng kausap. Nang ibinaba niya iyon ay hinarap niya si Detective Adler. 

"Mayroon ngang lawsuit dati ang Medusa Waterpark. Ang plaintiff ay ang mismong engineer nito, si Engineer Wally Roa. Namatay ang anak niya dahil walang itinalagang lifeguard ang waterpark. Inilaban iyon ni Engineer Roa, pero idi-deny ng Medusa Waterpark ang  mga ground ng pagsampa nila ng kaso and won the case. Nagpatuloy ang operation ng waterpark at hindi man lamang nagkaroon ng isyu tungkol doon. Maaring iyon ang dahilan kung bakit siya naghihiganti ngayon."

May punto ang sinabi ng hepe dahil ayon sa sinasabi ng bomber kanina, pera lang ang mahalaga para sa may-ari ng waterpark na ito.

"So that explains why the bomber seems to know a lot about the structure of this waterpark," sabi ni Detective Adler. "What do you got there Silvan?"

"Answers, but no location. Just a little arithmetic. First one, we got 200+50+500/2 at 500 ang sagot kapag ginamitan ng MDAS. 100 naman para sa pangalawa. 50 sa pangatlo at 20 ang huli. Ang hindi ko alam ay kung paano ito naging clue para sa lokasyon ng mga bomba," Gray replied.

Napatitig ako sa papel na sinulatan niya. Bigla na lamang pumasok sa isipan ko ang sinabi ng bomber kanina.

"This waterpark is good for nothing. Mukhang pera ang may-ari nito! Pera lang ang mahalaga sa kanila!"

"Gray!" bulalas ko. "Peso bills!"

Napatingin si Gray sa akin at mayamaya ay napangiti siya. His usual victorious smile. "Tama. Ang unang lokasyon ay..." Kinuha niya ang mapa na tinitingnan niya kanina. "Sa mga cottage. Chief, send the bomb squad on the cottages and let them search for the bombs. Maging sa ikalawang lokasyon which is the Gazebo. Another bomb is hidden on the parking area. At ang huli ay nasa area kung nasaan ang mga rides!"

The chief commanded his constituents. Maya-maya lamang ay sunod-sunod na tawag na ang natanggap namin mula sa bomb squad na sinasabing na-diffuse na nila ang bomba. Saka lamang nakahinga ng maluwag ang hepe.

"Salamat naman at nakatulong kayo, teka paano niyo pala nalaman ang mga lokasyon ng bomba?" tanong ng hepe.

"The corresponding peso bill of the answers of the given clues. Halimbawa, ang una ay 500. In peso bill, kulay dilaw iyon and in this map, the yellow is the color code for the cottages. 100 is violet and violet is the color code for the gazebo. 50 is red at pula naman ang code ng parking area. 20 is orange and the color code for the area in the rides," paliwanag ni Gray.

"Wala akong masabi, nakakamangha kayo," nakangiting wika ng hepe. "Detective, napakagaling mong magturo sa mga apprentice mo."

Detective Adler grin. "Of course chief, I am not a detective for nothing."

I rolled my eyes as I heard his reply. Tsk, nakakasawa na talaga ang linya niyang iyan.

"Pero saan natin makikita ang bomber? Why didn't he call yet? Kung nakikita niya tayo, malamang ay alam na niyang nadiffuse na ang mga bomba," nagtatakang wika ni Gray.

Napaisip kami kung saan marahil pumwesto si Engineer Roa. Bigla kong naisip ang sinabi ni Jeremy. Nasa underground sila. I grabbed the map and searched for the underground ngunit walang underground doon. That's it! A perfect place for a hideout! An underground!

"Chief! Pahiram po ng cellphone! May tatawagan ako, I think I know where Engineer Roa is!" wika ko. Nagtataka man ang iniabot niya pa rin sa akin ang kanyang cellphone. I dialed Jeremy's number at ilang ring lamang ay may sumagot na.

"Je!"

"Bestie?"

"Jeremy, nasaan kayo?"

"You wouldn't believe us Bestie, nahuli namin ang bomber! Math found surveillance videos on the inner part of the underground at naroon nga ang bomber!"

Nakahinga ako ng maluwag. Thank God they're safe. "Hindi ba kayo nasaktan?"

"No, hinampas siya ni Math ng tubo habang nakatalikod. Palabas na kami ng underground ngayon at hila-hila namin ang salarin," wika ni Jeremy.

"Thanks Je, pakisabi rin kay Math na salamat. Tell us where the underground is located at nang makapunta riyan ang mga pulis."

Matapos sabihin ni Jeremy ang lokasyon ay agad namang rumesponde ang mga pulis. Inilapag ko sa harap ko ang cellphone ngunit bahagya akong nagulat nang masamang tingin ang pinupukol ni Gray sa akin.

"What?" I mouthed, feeling uneasy.

"Where did you get Pun's number? Kabisado mo ba ang numero niya?" he asked, sounding grumpy.

Eh? Did I memorize Je's number?

"Hindi ko..." I tried reciting Je's number in my mind but I can't. Muli kong kinuha ang cellphone ng hepe at nagtype ng numero. I pressed the call and Je answered. Agad ko iyong pinatay at nagtatakang tumingin kay Gray. "Hindi ko kabisado sa utak ko, but my fingers seemed to memorize the digits."

Mas lalo lamang nagtagpo ang kilay niya. "How about your number?"

I tried dialing my number but my fingers won't move. Hindi ko kabisado ang sarili kong number! "Hindi ko alam..."

His face became straight. He cleared the lump on his throat. "How about mine?"

Sinubukan ko ring i-dial ang numero niya ngunit hindi ko rin alam. "H-hindi ko rin al—" Hindi ko pa man natatapos ang sasabihin ko ay bigla na lamang siyang tumalikod at umalis. 

Detective Adler whistled before he laugh while I was left confused. Eh? Anong nangyari sa kanya?  Napailing na lamang ako bago tiningnan ng masama si Detective Adler at tumatakbong sinundan si Gray.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top