mercy_jhigz's One Shot Story
Masasaktan ba?
Three days, two nights. Karamihan mong makikita sa mga travel promos. Dadaanan mo lang nga. Normal lang na mga salita. Hanggang sa naging makubuluhan. Sa loob ng tatlong araw, Nagkakilala. Nagmahal. Nasaktan. At patuloy na masasaktan. Isang summer na hindi ko makakalimutan.
Amya
Day 1
Ito na yung pinakahihintay ko. Yung gala na mula November pa pinagplanuhan. Three days, two nights. Masulit ba namin kaya ang Masasa Beach? Kasama ko yung mga kaibigan ko na nakilala ko online. Online to Offline friendships real quick sabi nga nila. Kanina pa daw sila umalis ng Cubao. Hinihintay ko na lang kasi sila kasi taga Batangas City naman ako. Ayun nga lang hindi pa din ako nakakapunta sa Masasa. Ang isang lugar na sumikat dahil sa mga post na "Saan makakarating ang 1200 php mo?"
May kasama kaming katrabaho nung isang friend ko. Ininvite daw ang sarili kaya wala na siyang nagawa. Saka ok lang naman yun. Mas madami mas masaya. Dahil ako ang taga Batangas ako na ang nag asikaso ng mga uulamin namin. Mga namili ng mga kakailanganin. Kanina hindi ako magkanda-ugaga sa pagdadala pero iniisip ko na lang pagkasama ko na sila may makakatulong na ako sa pagbubuhat. At excited na talaga ako, ilang minuto na lang andito na sila. Kagabi halos hindi din kami nakatulog lahat. Magkakausap sa group chat hanggang alas dos ng madaling araw, parang hindi magkikita-kita.
"Amya!"
Hindi ko napansin ang pagbaba nila ng bus. Nakatuon kasi ang atensyon ko sa mga paper bag na nilapag ko sa paanan ko. Parang mga bata silang isa isang lumapit sa akin. Kanya kanyang yakap. Namiss ko din naman sila talaga. Isang linggo na din nung huli kaming nagkasama sama. Itong mga ito talaga ang nagpatunay ng salitang Clingy sa akin. Kumpleto nga sila ngayon. Kaya sobrang magiging masaya ito. Tawid dagat. Ilang araw na magkakasama.
"Amya, mga kawork ko nga pala, si Albert at Jane." Pakilala ni Andrea. Siya yung pinakadyosa sa amin. Siya din yung pinakaberdeng kausap.
Simpleng pagtango lang sana ang gagawin ko biglang pagtanggap na pinakilala si Albert. Kaso lumapit siya sa akin. Nilahad niya yung kamay niya at nakangiting nakatingin sa akin.
"Ang dami nilang kwento kanina tungkol sa'yo." Lalo itong ngumiti. At hindi din nito binibitawan ang kamay ko.
"Ganyan talaga sila. Kung sino ang hindi kasama siya ang topic." Pasimple kong kinuha ko ang kamay ko. Medyo nakakailang kasi yung tingin niya. "Tara na guys."
Hindi ko na pinansin yung kakaibang ngiti nila. Pinipigil ko din na huwag ngumiti kaso ang pamumula ng mukha ko mukhang wala akong magagawa. Lalo pa at sinabayan ako ni Albert na maglakad at lahat ng dala ko kanina siya ang nagbitbit. Lord bakasyon lang po ang pinunta ko dito. Hindi kasama ang pagliliwaliw ng puso ko.
At inaasahan ko na magkatabi kami sa Jeep papuntang Anilao Port. Kasi kilala ko ang mga kaibigan ko. At mukhang mahaba habang tatlong araw itong bakasyon ito.
Halos isang oras din ang byahe mula Grand Terminal hanggang Anilao Port. Gusto ko mang magsuot ng headset at makinig na lang music kaso ayaw ko naman na mapag iwanan ng kwentuhan nila.
"Amya, di ba single ka naman?"
Sabi na nga ba dapat nagkunwari na lang akong tulog eh. Hindi ako titigilan ng mga ito.
"Sa pagkakaalam ko." Parang ngayong moment na ito parang nagpapasalamat ako na single nga ako.
"Single din kasi si Albert."
"Di ba pagkayo ang nagkatuluyan. Double A ang initial niyo."
"Parang battery lang." Wala sa sariling sagot ko. Nagulat ako sa pagtawa ni Albert sa tabi ko. Bakit kahit ang pagtawa ang gwapo ng datingan?
"Tas pagnagka anak tayo. A din ang start ng name. Para triple A. Battery pa din.hahaha"
Namula ako sa sinabi niya. lalo lang nag ingay din ang mga kaibigan ko. Lord nagagwapuhan pa lang ako sa kanya, siya nasa anak na agad ang nasa isip.
Hindi na ako nagsalita pa. Baka yung double A at triple A na battery niya ay maging Motolite talaga. Pangmatagalan.
Pagkarating namin sa Anilao, namili lang kami ng mga chips at iba pang kakainin namin. Namelengke sila ng isda din at iba pang uulamin. Habang naghihintay ng bangka ilang kalamares din ang nakain nila. Parang sabik na sabik sa kalamares. Parang gagawa ng review kung gaano kasarap ang kalamares ng Anilao.
Habang pasakay ng bangka, ramdam ko ang pag alalay ni Albert sa akin. Hindi na lang ako nagreact kasi mas gusto ko namang mahulog sa kanya kesa sa dagat. At parang sinasadya lang ulit na kami na naman ang magkatabi. Nakakapailing lang din. Kaso hindi ko na din kinaya ang pagod kaya naidlip din ako. Tinakpan ko na lang mukha ko kasi nakakahiya naman at baka makuhanan nila ako ng picture. Naramdaman ko na lang na may gumigising sa akin at nagulat ako kasi konti na lang laman ng bangka. Yung mga kaibigan ko wala na din.
"Bakit hindi nila ako ginising nung malapit nang dumaong?" Medyo lumayo ako sa kanya kasi parang nakahilig na ako sa kanya. Para kaming magboyfriend sa ayos namin.
"Sabi ko kasi ako na bahala, matagal naman na bababa pa ang mga tao. Mukha kasing kailangan mong matulog pa."
"Tara na" Dahil hindi niya maalis ang pagkakatitig sa akin. Napatayo na lang ako bigla. Kaso muntik na din akong matumba, naapakan ko ata ang buhok ko, este yung pagalaw kasi ng barko. Agad naman akong inalalayan ni Albert. Nahila niya ako palapit sa kanya kaya para tulong yakap yakap niya ako. At yung titig niya.
"Sir, Maam hindi pa ba kayo bababa? o babalik ulit kayong Anilao?" Lumayo na ako kay Albert. Hinagilap ko lang ang bag ko at lumakad na pababa ng bangka. Kaso anong laban ng hakbang ko sa hakbang niya? Ilang saglit lang ramdam ko na naman ang presensya niya. At ang bilis ng tibok ng puso ko.
Pagbaba sa Tingloy port sasakay pa ng tricycle papuntang Masasa. Yung mga kaibigan ko ang ganda lang ng mga ngiti nung palapit kami ni Albert.
"Tara na. Namessage ko na si Ate na tutuluyan natin. Pahinga lang tayo tas pwede na tayo maligo din maya."
Wala pang sampung minuto ang byahe ng Tricyle mula port hanggang sa shade ng Masasa. Doon na makikita ang madaming transient house. 300 php per day ang bayad ng isang tao. Bawal magbaba ng singil. Parang usapan na yun nila. Yung nakuha namin na bahay libre ang kanin at ipagluluto daw nila kami. Kaya kahit galing kaming dagat may pagkain na kaming madadatnan. Para daw maramdaman namin ang bakasyon talaga.
Mabilis lang kaming kumain ng tanghalian tapos nagpahinga na. Yung iba naligo na din kasi sobrang init ng byahe namin. Isang bahay ang nirentahan namin since madami kami. Ewan ko na lang kung saan matutulog si Albert since siya lang ang lalaki. Bandang ala singko ng hapon tulog pa din mga kasama namin. Hindi ko naman sila masisisi kasi yung iba galing duty pa kagabi. Bago naman kami magsitulog kanina naayos na namin yung mga gamit kanina. Maganda na sanang bumaba sa beach. Mula kasi sa bahay, isang mahaba habang lakarin pa pababa bago marating ang Masasa Beach. Nakaready na ako sanang maligo. Kaso wala naman akong kasama.
"Mukhang hindi sila magigising agad. Una na tayo?"
Hindi ko namalayan na nakalapit na si Albert sa akin. Pero yung ngiti niya ramdam na ramdam ng puso ko. Una na daw kami? Pero wala namang kami.
Hindi ko alam kung paano ako napapayag na sumama sa kanya. Tila ba may hipnotismo ang mga mata niya. May mahika ang mga ngiti niya. At mas gwapo siya ngayon na nakapangligo na.
"Amya, baka kasi nabibilisan ka sa kinikilos ko. Pero tuwang tuwa talaga ako sa'yo kanina habang nagkwekwento sila. Tapos hindi naman nila sinabi na sobrang ganda mo pala. Kaya hindi ko alam. Mukhang maniniwala ako sa Love at First sight na talaga."
Yung nakafocus ako sa pagbaba kasi medyo matarik siya ayaw kong madulas at mahulog pero yung mga sinasabi naman niya ay lalong nagtutulak talaga na mahulog ako. Mahulog sa sitwasyon. Mahulog sa kanya.
"Mas naniniwala ako sa walang forever kesa dyan."
Sabi ko na lang. Sanay naman ako na makipag usap sa mga lalaki pero hindi ganito kagwapo. Yung hindi ko alam kung kakausapin ko siya o tititigan na lang. Hanggang sa makarating kami sa Masasa beach hindi na siya nagsalita. Baka sobra siyang naniniwala sa forever kaya ganun.
Ang ganda lang ng beach. Hindi nabigyan ng hustisya ng mga pictures na nakapost sa facebook ang kagandahan ng lugar. Ang nag aagaw na liwanag at dilim ay lalong nagpaganda lalo sa lugar. Hindi ko napigilan na unti unting lumapit sa dagat. Wala naman akong dalang kahit ano, walang mababasang importante. At kanina ko pa talaga gustong lumubog. Buti konti ang tao ngayon. Lampas na ang holy week. Malinis na din ang lugar. Yung lamig ng tubig tama lang din. Ang sarap lang magrelax.
"Wala ba talagang pagasa?" Seryosong sabi ni Albert. Kasunod ko na pala siya. Masyado akong nabighani sa lugar na nakalimutan ko na meron palang bumubulabog sa puso ko ngayon.
"Ang aga pa Albert para itanong yan. Kakakilala lang natin kanina."
"Pero hapon na." Napatawa na lang ako. Yung pinilit lang din niyang ngumiti lang din. Hindi ko alam kasi. May takot akong nararamdaman. Lalo at ang pangalan ng beach kung nasaan kami ay baka dumiretso. Masasa. Masasaktan lang ako.
"Mas ok siguro na maging tropa lang muna tayo ngayon habang magkasama. Pag umuwi ka na sa Manila at namiss mo ako. Baka totoo nga yang sinasabi mo. At baka may forever nga."
Ngumiti na lang siya sa akin. Ayaw ko talagang madaliin ang mga bagay bagay. Ayaw kong magsayang ng emosyon. Ayaw kong masaktan dahil sa panandaliang desisyon. Sabi ko nga andito ako para mag enjoy. Hindi para isugal ang puso ko sa isang relasyon na walang kasiguraduhan pa.
Naging maayos naman na ang panliligo namin. Ang pagkukulitan namin. Ilang oras din kaming lumangoy bago naisipan na umuwi. Dumaan muna kami doon sa public na liguan. Buti may dala si Albert na barya kaya nakaligo kami sa Unli ligo. Banlaw lang ginawa namin. Wala naman nga kaming dalang kahit ano. Pagbalik sa bahay casual na usapan lang. Naghahanda na sila ng hapunan nung dumating kami. Dali dali akong hinila ni Poleng palayo sa karamihan.
"Ate Amya, iba na yan ahh." Siya lang naman kasi talaga yung nakakapagsalita sa akin ng kahit ano.
"Hindi. Tinapat ko naman siya na magtropa lang kami habang magkasama sa tatlong araw natin dito."
"Kaso Ate, kayo ang magkatabi mamayang matulog. Sorry Ate kasi kailangan ka naming ibugaw para magka boyfriend ka na."
At iniwan niya ako. Sabi na nga ba gagawin nila. Naligo lang ako saglit tas pumunta na din sa kanila para maghapunan. Si Albert hindi ko alam kung saan siya naligo kasi bihis na din naman siya. Sa tabi niya ako umupo kaso obviously ayun lang ang bakante din.
"Mukhang napagkaisahan tayo."
Hindi ko na siya sinagot. Kasi wala naman ngang "kami". Hindi pa man din ako sanay na may katabi. At lalong hindi ako sanay na may katabing lalaki. Pero sa dalawang ayun nga ang mangyayari.
Dahil sa pagod sa paglangoy maaga akong nagpaalam sa kanila para matulog, bukas maaga din kaming bababa kasi plan nila na mag snorkeling. Maaga din na baba kasi magseset up kami ng dalawang tent bukas. maghapon na kasi kami sa beach. Sabi nung may ari ng bahay hahatidan na lang daw kami ng tanghalian bukas. Mukhang madami daming sunblock ang kakailanganin namin.
"Ok lang ba na ako ang kasama mo sa kwarto Amya?"
"Ok lang naman. Walang malisya. Good night."
Humiga na din siya sa tabi ko. Medyo maliit yung higaan kaya maliit na espasyo lang talaga ang pagitan namin. Maliit na espasyo at madaming pagpipigil na hindi siya mayakap. Hindi ko pwedeng maging basehan ang pisikal na atraksyon naming dalawa para sa huli ay magsisi. Buo akong pumunta dito. Buo akong uuwi. Papanindigan ko ito.
Day 2
Kinabukasan ginawa ko ang lahat para iwasan si Albert. Akala mo may namagitan sa amin kung iwasan ko siya. Pero ramdam ko kasi. Hindi ko mapapanindigan yung mga sinasabi ko. Baka nga totoo yung "Love at Firt Sight" pero wala pa ding forever.
Sa hiwalay na bangka ako noong nag Island hopping kami at snorkeling. Nakakalimutan ko lang yung lungkot na nararamdaman ko dahil s kagandahan ng paligid. Madaling sabihin na mahal ko nga siya? Na nararamdaman ko na nga? Pero paano nga kung hanggang sa Masasa lang lahat? Masasaktan talaga ako.
Maghapon na hindi ko siya kinausap. Yung mga kaibigan ko ang madalas kasama ko. Pag may pagkakataon na lalapit siya kunwari busy ako. Hindi kasi ako handa pa. Hindi ko naready ang puso ko na pagpunta ko sa lugar na ito ay magmamahal ako. Siguro ramdam na niya ang pag iwas ko kasi noong pahapon na hindi na talaga siya lumapit. Pagbalik namin ng gabi hindi na siya umalalay sa pag akyat namin. Hindi na din siya nagtatanong kung ok lang ako. Wala din yung pangungusap niya na laging may "tayo" kasi nga naisip na niya na wala naman talaga.
Pagsapit ng gabi. Hindi siya pumasok sa kwarto. Siguro masyado ko siyang nasaktan maghapon kaya ayaw niyang gawing 24 hours na sakit. Ang adik naman kasi anong meron siya? Bakit nagawa ko siyang mahalin sa loob ng dalawang araw.?
Day 3
Maaga ulit kaming bumaba sa beach kinabukasan. Since tanghali pa ang alis namin tamang tama na makakaligo pa talaga. Pagbaba namin doon maaga din yung mga bangkero na nag aalok ng island hopping. Hindi ko na pinansin since nagawa na namin yun kahapon. Pero nagulat ako nung may humila sa kamay ko palapit sa bangkero. Pilit na pinasuot ang life jacket. Ang seryoso niya. Nakakatakot. Kaya wala akong nagawa kundi sundin siya. Hanggang sa gitna ng karagatan hindi ko magawang tingnan siya.
"Yung double A, umpisa pa lang andun na yung spark. Yung gaan ng loob natin sa isa't isa. Balewala ba talaga sa'yo lahat yun? Paano pala kung ako na yung matagal mo nang hinihintay? Hahayaan mo ba akong basta na lang mawala? na hindi sinusubukan ang lahat? Kaibigan ko ang kaibigan mo. Sa tingin mo ba hahayaan ka niya na mapalapit sa akin kung sasaktan lang kita?"
"Albert.."
"Sobrang liit nitong isla pero feeling ko ang laki laki niya kasi yung pagitan na nilagay mo hindi ko magawang makalapit sa'yo."
"Pagsakay mo mamaya byaheng Cubao magkakalayo na tayo. Makakalimutan mo din kung anong mararamdaman mo. Baka makalimutan ko din kung ano mana ang gumugulo sa puso ko. Ayaw kong madaliin ang lahat. Feeling ko magkakasakitan lang tayo. Kung sa sunod nating pagtatagpo pwede pa tayo sa isa't isa sige doon papayag na ako. Huwag ngayon. Huwag dito. Huwag nating sirain ang kagandaan ng lugar kung masamang alaala ang ipapbaon mo. Hindi na tayo mga teenager para magpadala sa bugso ng damdamin. Oo takot ako. At ayaw kong tanggapin yung nararamdaman mo kung mas lamang yung takot ko. Kaya pwede bang eenjoy na lang natin ang araw na ito? Sorry."
Ibinalik na din naman agad kami ni Manong sa dalampasigan. Oo nasasaktan ako pero medyo magaan na kasi nasabi ko na sa kanya.
Kung panandalian na saya ang hanap ko pwedeng pwede ko naman sakyan lahat ng pagkakataon na meron kaming dalawa. Pero ayaw kong sayangin yung pagkakataon na nakita ko siya. May naramdaman ako. Tas sasayangin ko lang kasi nagmadali kami.
Pagkahatid ko sa kanila sa terminal. Niyakap ako ng mahigpit ni Albert. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa mga susunod na mga araw. Kung gagawa siya ng paraan para sa aming dalawa. O kung tama nga ako na hindi sinugal ang puso ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top