jhuennstorm's New Story Chapter Teaser
WANTED NINE DAYS BOYFRIEND
Written by: jhuennstorm
Mahigpit ang pagkakahawak niya sa cellphone niya habang pinakikinggan niya ang sinasabi ng kaniyang Nakakatandang kapatid na si Tim. Tatlong taon na itong nasa Amerika kasama ang Lolo niyang Bilyonaryo.
"So, You have Nine days to prove us that you have a new boyfriend my little sister." Wika ni Tim habang nasa kabilang linya.
"Shit!" Mahina niyang sabi dito habang nakikinig.
"Wala ka bang Sasabihin Jade?" Tanong ni Tim.
"Wala! Anong gusto mong sabihin ko sa'yo Kuya? Inip na inip na nga akong bumalik kayong dalawa ni Lolo sa dito sa pilipinas para ma-i-pakilala ko kayo sa boyfriend ko." Tugon niya.
"Kung ganoon, goodluck Jade." Sabay halakhak ni Tim.
Pinindot niya ang End sa screen ng cellphone niya pagkatapos ibinato niya ang cellphone niya sa dingding. Sira-sira itong bumagsak sa semento. Napalamukos siya sa mukha niya. "Damn! Damn it!!" Sigaw niya.
Nine days! Siyam na araw pa ang nalalabi bago muling bumalik ang kaniyang Lolo at kapatid na lalaki na si Tim. Labing Apat na taon na siya at certified single nagkaroon siya ng boyfriend ngunit naghiwalay lang din sila ng napagod na siya rito. At ngayon? Single siya at masaya sa pagiging happy go luck. Wala siyang alam kung hindi ang maglustay ng pera ng mga magulang niyang matagal ng yumao at nakikipagkwentuhan sa iba nilang kamag-anak na yumao doon sa langit. Naisipang Bumalik ng Lolo niya sa pilipinas nais kasi nitong makilala ang Imaginary boyfriend niya. Sinabi niya kasi sa mga ito na may one year boyfriend na siya. Dahil nga sa palaging pangungulit sa kaniya. Nagpanggap tuloy siyang may boyfriend na. Ngayon tuloy sumasakit ang ulo niya sa kakaisip kung sinong anak ni Adan ang ihaharap niya sa lolo niya bilang Boyfriend.
"Kailangan kong may ipakitang Boyfriend kay Lolo at Kuya. Para hindi ako alisan ng mana." Kinuha niya ang susi ng kotse niya at nagmadali siyang lumabas ng condo unit niya at umalis. Pupuntahan niya ang matalik niyang kaibigan.
"Jade? My God! Hindi ba ako nanaginip? Nandito ka sa condo unit ko." Ngiting-ngiti na sabi ni pamela ang College friend niya.
Umiikot ang eyeballs niya. Tapos tumingin siya sa loob ng condo unit nito. Napansin naman ito ni Pamela kaya nilawakan ang pagkakabukas ng pintuan niya. "Come in!"
"Thank you!" Sumalapak siya sa malambot na kama nito.
Kumuha ng maiinom si Pamela sa kusina nito habang siya ay nakahiga sa malambot na sofa nito. Nakaramdam kasi siya nga antok. Bukod kasi sa sumasakit ang ulo niya dahil sa long distance call ng kuya Tim niya. Sumasakit din ang ulo niya dahil sa hang over dahil sa pag-inom niya ng alak kagabi. Alas tres na kasi ng madaling araw siya nakauwi ng condo unit. Mabuti na lang at nakapagbanlaw siya ng beer kung hindi baka hindi na siya nakauwi kanina.
"Hey! Jade! Gumising ka nga! Pumunta ka lang ba dito para dumayo ng tulog?" Sabi ng kaibigan niya si Pamela. Inilapag nito ang hawak niyang Tray sa table na nasa harapan niya.
Idinilat niya ang mga mata niya pagkatapos dinampot niya ang maliit na pillow na nasa sofa at itinakip niya sa mukha niya. "Can I take a Nap here? I'm sick and tired."
"Yes you will but I'll kick your ass." Tugon ng kaibigan niya.
Tinanggal niya ang unan na nakatakip sa mukha niya pagkatapos bumangon siya. At pailalim niya itong tinitigan ng masama. "Ang sama mo sa'kin. Akala ko ba Bestfriend tayo."
"Jade, bestfriend tayo. At kapag mag bestfriend hindi kinukunsinti ang pagiging lasenggera mo. Kung hindi ko pa alam kaya ka nagkakaganyan dahil inumaga ka ng uwi dahil sa sobrang pag-e-enjoy mo sa Pag-inom ng Alak." Mahabang sabi ni Pamela. Nilagyan niya ng Juice ang baso na dala-dala niya.
"Fine! I'm sorry. Nakalimutan kong i-text ka. Naging busy kasi ako sa kakapanood ng banda sa bar kagabi."
"Anong kailangan mo? Bakit ka nandito?" Deretsahang tanong ni Pamela sa kaniya.
Lumapit siya sa kaibigan niyang si Pamela at pinagmasdan niya ito at hinawakan niya ang kamay nito.
"I have something to tell you. Pero sana wag kang magagalit."
Ilang segundo din siyang tinitigan ng kaibigan. Tapos bigla nitong hinila ang kamay na hawak-hawak niya. "Don't tell me lesbian ka Jade?"
"That so funny!" Sabay irap niya sa kaibigan.
"Ano nga iyon?"
"I Need a boyfriend! Right now!"
Tumaas ang kilay ni Pamela habang pinagmamasdan siya nito. "Baliw ka ba? May boyfriend ka di ba? Tapos maghahanap ka ulit? Break na kayo?" Naguguluhang tanong ni Pamela sa kaniya.
"Wala akong boyfriend Pam." Yumuko pa siya upang hindi niya makita ang mapanuring mga mata ng kaibigan.
"And who's Peter? Your one year boyfriend." Tanong nito sa kaniya.
"My Imaginary Boyfriend. Look? If you think I'm crazy? Maybe I am. Sinabi ko lang iyon sa'yo at sa barkada dahil ayokong kinukulit ninyo ako sa tuwing binanggit natin ang boyfriend. I"m sorry kung nagsinungaling ako sa inyo."
"Baliw ka nga." Sagot ni Pamela matapos niyang marinig ang sinabi niya.
"I'm sorry! But please help Pamela. Kailangan ko ng Boyfriend ngayon para ipakilala kay Kuya at Lolo. After nine days nandito na sila sa pilipinas para makita at makilala ang Boyfriend ko ngayon." Mahabang paliwanag niya.
"Sagutin mo si Ricky." Sabad ni Pamela sa kaniya.
"Ayoko sa kaniya. Isa pa ang sabi ko kay Lolo macho ang boyfriend ko. Si Ricky isang butiki na lang pipirma doon at hihimlay na iyon."
Humalakhak si Pamela. "Grabe ka kay Ricky. May asim pa iyon. Stable pa ang business. Saan ka pa!"
Hinawakan niya ang sintido. "Bagay sa kaniya business niyang Hospital dahil mukhang doon ang takbo niya every day. My Gosh! Kapag si Ricky ang sinabi ko mas lalo silang hindi maniniwala. Daig ko pa ang naglason." Dinampot niya ang basong may lamang juice at tinungga niya iyon. Ang sarap pa naman dahil sobrang lamig.
"So kung ayaw mo si Ricky? Sino? May papayag bang maging boyfriend sa loob ng Siyam na araw?" Tanong ni Pamela.
"Kaya nga ako nandito para matulungan mo. Tapos ibabalik mo sa'kin ang tanong." Pailing-iling pa siya.
"May naisip ako Jade, ano kaya kung maghunting tayo sa mga bar. Yung bar na pang low class. Marami kasing mga lalaking macho doon na pwede mong I hired bilang nine days boyfriend."
Lumapad ang pagkakangiti niya. "That' s a brilliant Idea!" Tumayo siya ay binitbit ang maliit na hand bag niya. "Let's go Pamela! Operation finding new boyfriend."
Tumayo na din ito. "Go ako diyan! Wait for me Jade. Magbibihis lang ako. It's your treat okay?"
"As always!" Lumalabi pa niyang sabi.
"Okay!" Tapos nagmamadaling nagtungo si Pamela sa Loob ng silid niya.
"Make it faster Pam. You have two hours left!" Pahabol niyang sigaw sa kaibigan. Matagal kasi itong mag-ayos sa sarili marami kasi itong nilalagay sa mukha hindi katulad niyang lipstick at pulbos lang. Hindi rin siya mahilig magsuot ng mga casual dress. Maong na pants at fitted na blouse ang suot niya. Minsan nagsusuot siya ng jacket kapag sobrang lamig ng pinupuntahan nilang Bar.
HINDI natupad ang two hours na pag-aayos ni Pamela dahil umabot sila ng tatlong oras para sa pag-aayos niya. Sa isang low class na Bar sila pumunta malapit sa C5 pagpasok pa lang nila. Amoy na amoy nila ang usok ng sigarilyo at amoy ng alak na nakakasalubong nila. Naghanap sila ng table na good for two. Naroon sila para mag hunting ng boyfriend hindi para magsaya.
"Miss, may I have your order?" Tanong sa'min ng waiter ng bar na iyon. Pagpasok kasi nila sa bar na iyon. My nag-assist na kanilang waiter at inabot ang menu sa kanila makalipas ang sampung minuto muli itong lumapit sa kanila.
Nagkatinginan silang dalawa na magkaibigan. "Ikaw ang may alam dito Pam, so ikaw na ang bahala." Sabi niya.
Ngumiti si Pamela sa waiter. "I'd like to order the expensive wine."
Nanlaki ang mata ng waiter. "Are you sure Ma'am?" Tanong ng waiter na halos hindi makapaniwala sa order nila.
"Yeah! There's any problem?" Sabad ni Jade. Nakataas pa ang kilay niya. Tapos naglabas siya ng libuhing pera. Napatulala naman ang waiter sa kaniya. "How much your Expesive wine?"
"Later Ma'am. I'll get your order right away."
"Then Go!" Sagot niya, sabay ikot ng eyeballs niya.
"Mukhang maraming poging Lalaki ang pwedeng maging Instant boyfriend mo rito Jade." Nakangising sabi ni Pam.
Mabilis niyang sinuyod ng mga mata niya ang buong paligid at napansin niyang karamihan sa mga tao rito ay may sinabi ang pagmumukha. May nakikita kasi siyang may mukhang panglaban sa Pa-gwapuhan. Napangiwi pa siya ng mahagilap ng mga mata niya ang gwapong lalaki na may kahalikang bakla.
"Yeah,pero kailangan ko yatang ipa-general check up ang makukuha ko rito. Baka kasi may bitbit silang sakit."
Pailing-iling pa siya habang iniinom ang alak sa kupita niya.
Ilang saglit pa dumating ang Order nilang alak. Agad naman niya itong binuksan upang tikman. She sighed, " Ito na ba ang sinasabi nilang Mahal na alak dito? Cheap!" Sabi niya.
"Wag kang magreklamo, hindi ito high class tulad ng palagi mo'ng pinupuntahan."
"So, let's find new boyfriend. Bago pa ako mainis sa lugar na ito."
Nagkibit balikat si Pam. "Okay!" Tumungga muna ito ng alak bago tuluyang tumayo. Sinundan niya ang kaibagan upang maghanap ng gwapong lalaki.
"Hey!" Tawag ni Pam sa lalaking nag-iisang uminom ng alak.
Salubong ang tingin ng lalaki ng tumingin sa kanila. "Ako ba ang tinatawag mo?" Tanong ng lalaki kay Pam,
"Ikaw nga, anong pangalan mo?" Tanong ni Pam sa lalaki. Hindi na rin hinintay ni Pam na alukin siyang umupo, nagkusa na itong umupo sa kaharap ng lalaki.
"Hindi ako magpapa-table." Tipid na sagot ng lalaki.
Tumaas ang kilay niya dahil sa naging sagot ng lalaki. "Hindi 'yon ang gusto namin, swerte mo naman!" Sabay irap niya.
Nakangisi ang lalaki ng tumingin siya kay jade. "Mukha kasi kayong matrona."
"F*ck—
"Stop! Jade," pagpuputol ni Pam sa sasabihin niya, binaling niya ang tingin sa lalaki. "May I know your name Mr?" Pa-cute na tanong ni Pam, habang ang mata niya ay sinadya yatang ipungay, kung sabagay expert si Pam, pagdating sa pang-aakit, diyan nga niya nahuli ang Boyfriend niya.
Pinaikot naman ni Jade ang mata ng tumingin sa kanya ang binata, pagkuway ngumisi habang iniinom ang laman ng baso na may lamang alak.
"Gusto ko yung babaing baliktad ang mata ang magtatanong sa'kin," he smile.
"What F*ckin Sh*t rude!" Hindi niya napigilang sabi sa binata, kung hindi siya pinigilan ng kaibigan, baka nasampal niya ito.
"Tama na Jade, stop!" Aniya.
"He insulting me, and he f*vking rude." Gigil niyang sabi, habang matalim siyang nakatigtig sa lalaki.
"Naiintindihan ko ang sinasabi mo, Miss Nevermind." Sarcastic nitong sabi.
"Umalis na tayo sa impyernong ito, dahil nasa harapan ko ang pinuno nila." She glared.
Sumunod naman ang kaibigan niyang si Pam, habang ang lalaki ay nakatanaw sa kanya.
"Bye! Lesbian." Pahabol na sigaw ng lalaki.
Huminto siya at mariin na ipinikit ang mata upang pigilan ang nagpupuyos niyang galit sa lalaking sumira ng gabi.
"C-mon, Jade. Relax ka lang. Let's go some other place. Baka wala rito ang lalaking hinahanap mo." Wika ng kaibigan niya.
"You're right! Eww! disgusting. Pati mga tao rito disgusting and pitty poor. Ugh!" Muli pa niyang pinaikot ang eye balls niya pagkatapos bumuga siya ng hangin bago tuluyang lumabas ng bar na iyon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top