2nd: The Vision
All Rights Reserved ® Kwentongsulatpinoy Stories 2015
"Maria's POV"
Nasira ang araw ko nang dahil sa lalaking hambog na yun na binangga ako. Sino sya para ganunin ako, sa kanya ba yung mall? After I purchased a phone ay umalis na ako sa mall. Baka kasi magkrus na naman ang landas namin ng lalaking yun. Kumain muna ako sa isang fastfood tapos muling naglibot sa bayan.
.
May nakita akong mga job for hire post sa pader. Nagbasa muna ako kasi maraming job offers eh. And at last ay may nakita rin akong job na pwede kong subukan. May hiring ng Hotel Receptionist yung tipong pang front desk.. Qualified ako kaya susubukan kong mag-aply mamaya. I just need to make a resume. After eating ay pumasok ako sa isang internet cafe to make my resume.. Madali ko lang nagawa yun, marunong naman akong gumamit ng computer at ng social media sites. Gawa-gawa ko lang syempre ang ibang details ng resume ko. Hindi lang naman kasi sila magbabase sa resume eh. May interview din, so kayang-kaya ko nang lusutan yun.
.
"Finally! Pwede na to." sabi ko nang makuha ko ang printed resume ko.
Nagbayad na ako at lumabas para umuwi. I need to dress up para presentable ako. Hotel yun at ayoko namang pumunta na naka ganito. I have to dress accordingly.
.
I took a cab for me to get back home fast. Pagkadating ko ay agad na akong nagpalit ng damit. Maaga pa naman so nagluto muna ako ng pagkain pang diner ko. Simpleng gulay-gulay lang ang niluto ko.. Slight vegitarian po kasi ako, slight lang.
Nagsaing narin ako ng kanin sa cooker while niluluto ko yung mga gulay. Konting gisa, at presto a healthy and rich ulam na!...
.
7 pm ang yung nasa schedule na application hours.. Up to 10pm yun so I should ready myself para di antukin. Antukin pa naman ako, kaya nga hindi ako pinapasama noon sa mga mision lalo na at yung tipong aabutin ng isa o dalawang linggo. Di ko kinakaya ang mga ganun, madali akong tinatablan ng stress at hindi ako magiging effective na team member kapag ganon. Kaya naman napupunta kina Jett, Collin at Leon ang karamihan sa mga misions.
At lately we found out that they were part of the Charm Alliance kahit estudyante pa lang sila ng academy. Once in a blue moon na raw kasi dumating o nagkakaroon ng elemental charms ang isang charmer kaya the council took the opportunity na panghawakan at gawing kasapi ang mga elemental users na gaya namin. Pero wala akong interes sa mga ganyang bagay, I have my own plans para sa buhay at iyon ay ang tuklasin ang misteryo ng pagkatao ko.
.
Early at six ay nakaramdam na ako ng gutom kaya naman ay kumain na ako ng hapunan. Medyo nakakapanibago ang mga bagay-bagay ngayon. Noon may mga kasama akong kumain sa hapag, ngayon ay ako na lang mag-isa. Malungkot oo, but I have to get used to it. Everything changes as time pass by. May dumarating, may nawawala... Maraming nababago... The only thing that is not changing was time.
.
Umalis na ako ng bahay bandang mga 6:20pm. Bitbit ko ang aking ginawang resume. Dala ko narin ang phone na binili ko. Touch screen ito but it's not that exprnsive, mga around 3k lang ang bili ko. Ito narin ang gagamitin ko to contact my friends na naiwan ko sa magic world. And of course para makausap sina Miss. Serena, si Sir. Chase at ng iba pang mga naging guro namin..
.
Nag taxi na ulit ako para mapadali. Buti na lang may napara agad ako kaagad. Ang pangalan ng hotel ay Isolet Grand Hotel. It's located at the center of the town and it's the bigest infrastructure here kung wala lanh ang SM mall. I estimated like forty or more number of floors ito.. Tiyak mayamang pamilya ang may hawak dito.
I hope matanggap ako, nakakapagod kaya ang maghanap ng trabaho these days. Tsaka malapit lang din ito sa Dameris so di ko kailangang mag commute ng mahaba-habang oras.
I walked slowly and carefully to the hotel entrance. Pinagbuksan ako ng guard na nasa may entrance. The interior of the place was very sophisticated and with a European theme. Very classy indeed but yet simple. O diba nakakalito lang... haha.
Agad akong dumiretso sa recieving are kung saan maraming mga applicants akong nakita. Im with my gray dress na di naman ganoon ka revealing. Kita ang back pero konti lang, off shoulder din ito at may black raffles around the neckline. And it's terno with the silvery and fashionable body belt. Light make up lang din ang suot ko at ang bracelet ko lang ang tangi kong suot na accessory.
.
"Hello, dito ba ang line para sa mga applicants?" tanong ko sa unang girl na nasa harapan ko.
Long hair with highlights, maganda din at mukhang friendly dahil nakangiti itong lumingon sa akin.
"Oh, yes dito nga. Mag-aaply ka din ba?" sabi nito.
"Oo eh," sabi ko then I sat on the chair next to her.
"By the way I'm Elora, Elora Morales. What's your name?" muli itong nagsalita.
"Ah, I'm Maria Escalante. Nice meeting you Elora." I smiled at her at nakipag kamay.
"You seem so nice, Maria. Honestly ikaw lang ang kinausap ko dito sa mga applicants. Parang di kasi sila approachable eh." pabulong pa nitong sinabi yung mga huling salita niya.
.
"Talaga? Thank you ha, at yun ang impression mo sa akin." sabi ko na nakangiti.
"I've heard that they only need eleven new staff. Sana matanggap tayong dalawa no?" sabi pa nito.
.
"I hope so too!"
We talked for like an hour hanggang sa tawagin na kami isa-isa. Siyempre nauna siya sa akin... Thennafter twenty minutes ay lumabas na sya sa pinasukan niyang room ng nakangiti. Alam na, tanggap sya... I'm happy for her...
"Galingan mo girl! You can do it, wait lang ako dun ok?" sabi pa niya habang tinuturo yung isang malaking sitting area kung saan may dalawang sofa. Doon din nakaupo ang iba pang mga natanggap.
"Ok, thanks ha." at pumasok na ako sa loob ng interview room.
.
**********************
After like ten minutes lang ay lumabas na ako ng silid. I walked pass those who are still falling in line applicants. I saw Elora waved doon sa area ng mga natanggap. Lumapit ako sa kanya with a sad look on my face.
"Ano na? What happened?" nag-aalalang usisa nito sa akin.
Then I slowly cracked a smile or more like a laugh.
"I'm hired!" mahina kong pagkakasabi but in a very happy voice.
"Thank God! Kinabahan ako dun eh. Pasuspense ka pa kasi eh!" hinampas pa niya ako ng mahina sa kaliwang balikat.
.
Ayun nagpatuloy ang chikahan namin dahil kulang parin kami ng lima pa. And when I looked back sa mga waiting applicants eh nasa apat na lang sila and it's like 40/60% ang chance na matanggap silang lahat.
At yun nga nang sumapit ang 9:30pm ay dalawa lang ang nadagdag sa amin. Walo kaming natanggap, three guys and five girls. Lumabas ng interview room si Mr. Lee na nag-enterview sa amin. He just brief us regarding the type of job na gagawin namin then he send us home na.
.
Nagpalitan kami ng number ni Elora bago umalis ng hotel. Dito lang kasi siya sa town nangungupahan ng kwarto.
"O paano, text-text na lang ha." sabi ni Elora bago pumara ng jeep.
"Sige girl, I will. Ingat ka." paalam ko dito.
Walang jeep na patungong Dameris sa mga dumadaan. Kaya naman naisipan kong maglakad-lakad na lang to get a taxi. Maliwanag naman sa sidewalk kaya keri lang naman..
Nasa kalagitnaan ako ng paglalakad nang bigla na lang akong nakaramdam ng pagkahilo. Sumakit bigla ang ulo ko na parang minamartilyo. Napahawak ako sa isang poste ng street light. Kulang nalang ay mapayakap ako dito dahil sa sobrang sakit ng ulo at pagkahilo.
Aghh....... napahiyaw ako sa sakit.
.
Napaluhod na ako sa simento ng maramdaman kong may humawak sa balikat ko.
"Are you ok miss?" medyo husky voice ng lalaki ang narinig ko.
Sinubukan kong lingunin ito and to my shock ay yung guy na masungit pala yung humawak sa akin. Sasagot pa sana ako pero bigla na lang muling umatake ang kirot sa ulo ko. Napakapit ako sa bisig nito ng mahigpit.
"Hoy, what's happening to you?" muli kong narinig ang boses nito.
"Ang, ulo ko m-masakit." pilit kong sagot rito.
"Then I will take you to the hospital." diretsong sabi nito.
"No, no need to t-take me to a h-hospital. Uuwi na lang ako sa bahay." sagot ko sa kanya at pinilit tumayo.
"Sa kalagayan mong ito, hindi mo kayang umuwi. Ihahatid na kita, I have a car." sabi nito at inalalayan akong papasok sa kotse niya.
Nang maipasok niya ako sa kotse niya ay tinanong niya ako sa address ko. Naibigay ko naman agad pero nung habang binabagtas namin ang daan ay biglang bumalik ang sakit ng ulo ko but this time may kakaibang kasama ito.
I saw glimpses or series of photographic images and things that doesn't make sense..
Parang isang vision of some sort. I saw many hooded figures in my mind. And a graveyard, I even saw wierd creatures. I saw death, sa maraming mga inosenteng tao.
Nakita ko din ang sarili ko sa isang madilim na lugar. Nakakadena at parang iaalay for some ritualistic practice. Pero bakit ako nandun? For what reason.
Hindi masyadong klaro ang iba kong nakita dahil sa sakit ng ulo ko.
"We're here, ayos ka na ba? Can you even walk your way inside?" tanong nito sa akin.
"Yes.... Thank you..."
"I'm Daryl..." pakilala nito.
Di ko na ito pinansin dahil nagmadali na akong pumasok sa bahay. Kailangan kong gumamit ng charm ko to heal myself. Narinig ko na lang na umandar na ang kotse niya at humarurot palayo.
.
Naguguluhan ako.... What does that mean? Yung mga nakita ko... Magkakatotoo kaya yun?
O baka naman hindi yun vision, baka bunga lang din yun ng isang makapanyarihang charm. Or not?
.
Madali ko lang nagawang alisin ang sakit ng aking ulo at di narin ako nahihilo. Pero the thing that I won't forget was the vision of the future.
Ano nga kayang ibig ipahiwatig nun?
.
End of Chapter....
Second chapter is up!
Anong nangyari kay Maria?
Was that a warning na may masamang mangyayari sa hinaharap?
Abangan mga Charmers...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top