Prologue
December 24 - 11:00 PM
Isang oras bago sumapit ang pasko at ang mismong araw ng kaarawan ni Victor ay halos kumpleto na ang mga bisitang inimbitahan nila sa mismong mansion niya. Sabay-sabay nilang sasalubungin ang isa sa mga pinakaimportanteng araw ng kaniyang buhay. Kasama niya sa kaniyang tabi buong gabi ang kaniyang asawa na si Angelo na walang sawang nangangamusta kung nag-eenjoy ba ang mga bisita. Naroon rin ang kaniyang kuya Joseph at asawa nitong si Marietta, ang natitira niyang kapamilya. Dumating rin ang kaniyang Bestfriend na si Lucas na galing pa sa middle east kasama ang mga iba pa nilang kabarkada at sobra iyong ikinatuwa ni Victor. Dumalo rin ang mga kapitbahay at mga trabahador ni Victor na sadiyang malalapit sa kaniya. Ito na ata ang pinakamalaking pagtitipon na mangyayari sa buong buhay niya kaya naman kakaibang saya ang kaniyang nararamdaman sa mga oras na iyon.
"Happy?" Nakangiting tanong ni Angelo sa Asawa.
Gumanti rin nang ngiti si Victor sabay yakap kay Angelo na hindi alintana ang mga bisitang naroon. "Sobrang saya ko hon."
"Mabuti naman kung ganoon. Alam mo nagtataka pa rin ako..." wika ni Angelo habang kumakalas sa pagkakayakap kay Victor.
"Ha? Bakit naman?" Tanong ni Victor.
Hinawakan ni Angelo ang mga kamay ni Victor bago ito muli nagsalita. "Masyado kasing magarbo at malaki ang party mo ngayon kumpara sa mga nagdaang taon."
"Hon it's my 30th birthday, and I want this day to be a memorable one. Nakakatuwang isipin na lahat ng taong mahalaga sa akin ay narito ngayong gabi." Sabi ni Victor habang lumilinga-linga sa paligid.
"Hmm, maybe I'm just expecting a more intimate celebration. You know, just you and me." Sabi ni Angelo sabay kindat kay Victor.
Hinampas ni Victor sa balikat ang asawa dahil sa ibig ipahiwatig nito. "You're such a naughty boy Mr. Angelo Del Rosario. Well, we can have that intimate celebration after the party." Wika rin niya at ginaya ang pagkindat ng asawa upang akitin ito.
"Oh God can we finish this party now? Ahaha..." Pagbibiro ni Angelo.
"Patience hon, patience. Almost midnight naman na, magsisimula na ang countdown sa garden, and l have an announcement to make." Pagkuwa'y sabi ni Victor habang hinihimas niya ang mga pisngi ni Angelo.
"Oh? Ano naman iyon?" Takang tanong ni Angelo.
"Later hon, it's a surprise." Si Victor habang nagtataas-baba ang mga kilay niya.
"Ahh ganoon? May surprise din ako, It's in your bed." Wika ni Angelo habang ginagaya ang pagtaas-baba ng kilay ni Victor.
"What?! Kailangan ko makita yan." Sabi ni Victor at papunta na ng hagdan paakyat sa kanilang kuwarto.
"Wait hon, later na after the countdown." Pagpigil ni Angelo sa asawa.
Tumingin sa relo niya si Victor at nagpatuloy sa pag-akyat ng hagdan. "I still have 15 minutes hon, I can't wait to see your surprise. You know me, I'm not fond of surprises and hindi ko ma-eenjoy ang fireworks display after the countdown kaiisip sa gift mo. Mauna ka na sa garden susunod na lang ako. I love you."
Walang nagawa si Angelo at hinayaan niya ang gusto ni Victor. "I love you too." Sigaw niya na ikinalingon naman ng mga bisita at sabay-sabay na nagpalakpakan bilang suporta sa dalawa. Nakita pa ni Angelo na nakasalubong nito ang kuya niya, si Joseph, at sabay na umakyat sa hagdan.
"Saan pupunta ang bestfriend ko at kuya niya?" Tanong ni Lucas kay Angelo ng siya ay makalapit sa kinaroroonan ng mag-asawa kanina.
"Sa kuwarto namin. Hindi na makapaghintay si Victor makita ang regalo ko sa kaniya." Sagot ni Angelo kay Lucas.
"Ang sweet naman, suwerte talaga ng bestfriend ko sa iyo." Sabi ni Lucas habang iniinom ang isang baso ng champagne.
"Nope, it's other way around. I'm lucky that I have Victor, My Victor." Wika ni Angelo na may diin sa huling dalawang salitang binitawan.
"Hey chill lang, masyado kang intense. Nasaan na ba siya? Mag-start na yung countdown." Si Lucas habang hinahanap ng kaniyang mga mata si Victor sa paligid.
Kinuha ni Angelo ang cellphone sa bulsa at mabilis na dinial ang number ni Victor. "Excuse me tawagan ko lang ang asawa ko."
Iniwan ni Angelo si Lucas na napapailing ang ulo sa living room at tulad nang bilin ng kaniyang asawa ay nauna na siyang pumunta sa garden, dahil doon gaganapin ang countdown sa pagsalubong ng kaarawan ni Victor at ang mismong araw ng pasko. Hindi sumasagot si Victor sa mga tawag ni Angelo at nag-aalala na baka ma-miss ng kaniyang asawa ang countdown. Nagsimula na magpatugtog ng malakas sa buong mansion at makikitang may ilang fireworks na nagkikislapan sa kalangitan. Isa-isang naglabasan ang mga bisita para tunghayan ang fireworks display sa pagsalubong ng kapaskuhan. Manghang-mangha sila sa ganda dulot ng mga nag-iilawang paputok sa gabing iyon.
Nakita ni Angelo ang isang lalaki na umakyat sa stage at may hawak na microphone. Tumayo ito sa mismong gitna kung saan ang malaking background na LED screen ay pinapakita ang digital clock na nagsasabing papalapit na ang hatinggabi. Namukhaan ni Angelo na si Lucas ang nasa stage at hindi si Victor. Bigla siyang kinabahan lalo na at hindi niya makita ang asawa sa paligid.
"TEN!" Simula ni Lucas sa countdown.
"Victor! Hon!" Sigaw naman ni Angelo at nagbabakasakali na nasa paligid lang ang lalaking minamahal. Ngunit sa lakas ng musika at paputok sa paligid ay imposibleng may makarinig sa kaniya.
Nakita ni Angelo si Joseph na kalalabas lang ng mansion. "Kuya nasaan si Victor?" Tanong niya.
"Ha? Wala ba dito? Hindi ko alam, pasensiya na." Sagot ni Joseph at nagmamadaling lumapit kay Marietta.
"SEVEN!" Narinig niyang muli ang pagbilang ni Lucas.
Inisa-isa na ni Angelo ang mga tao sa paligid ngunit wala pa rin doon si Victor. "Saglit wala pa ang asawa ko!" Sigaw pa niya.
"FIVE!"
Alam ni Angelo na hindi niya kayang pigilan ang oras.
"FOUR!"
Biglang naisip ni Angelo na baka nasa kuwarto pa ito at nagbubukas ng mga regalo.
"THREE!"
Naglalakad na papasok ng mansion si Angelo.
"TWO!"
Tumingala si Angelo sa madilim na kalangitan, na sa mga oras na iyon ay nagliliwanag dahil sa nagliliparan na paputok.
"ONE!"
Malapit na si Angelo sa pintuan ng mansion.
"HAPPY BIRTHDAY VICTOR AND MERRY CHRISTMAS EVERYONE!!!" Sigaw ni Lucas sa mikropono.
Kasabay nang pagbati na iyon ay nagpalakpakan ang mga tao, at naghiyawan dahil isang magarbong fireworks display ang natunghayan ng lahat sa kalangitan. Makikita sa mga ngiti at mata ng bawat bisita ang kasiyahan sa gabing iyon. Ang mga batang naroon ay nagtatalunan dahil sa galak sa nakitang fireworks habang ang mga matatanda ay nagpapalakpakan. Ngunit ang mga nagkikislapan at nag-gagandahan na paputok ay bigla rin nawalan ng saysay dahil sa malakas at nakabibinging pagsabog sa itaas na bahagi ng mansion, sa mismong kuwarto ni Victor.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top