CHAPTER 1 - The Neighbor
December 25 - 1:00 AM
"Maligayang Pasko ho, kayo ho ba si Mang Ponso?" Tanong ng isang lalaki na nagpakilalang imbestigador.
"Ako nga, anong kailangan niyo?" May litong tanong ng matanda na tila ba naalimpungatan mula sa pagkakagising.
"Puwede ho ba namin kayo maimbitahan sa presinto?"
"Bakit? Anong kaso ko?" Biglang tanong ni Mang Ponso.
"Wala ho, magtatanong lang sana kami tungkol sa pagkamatay ni Mr. Monteverde." Mahinahong sagot ng imbestigador.
"Walang magbabantay sa aking mga anak, puwede ba dito na lang tayo sa loob ng bahay namin." Wika ni Mang Ponso.
"Sige ho kung iyan ang gusto niyo." Pagsang-ayon ng lalaki.
Pumasok sa loob ng bahay ang imbestigador at naupo sa isang upuan na gawa sa kawayan. Nilabas ng lalaki ang kaniyang cellphone upang i-record ang mapapag-usapan nilang dalawa. Ilang minuto pa ang lumipas ay nagsimula ng magtanong ang imbestigador.
"Ano ho ang inyong buong pangalan, edad at relasyon sa biktima?" Pa-unang tanong ng imbestigador sa isang may edad na lalaki na nakaupo sa kaniyang harapan.
"Alfonso Cruz, kuwarenta'y-singko anyos at kapitbahay ako ni Victor." Seryosong sagot ng nagpakilalang si Alfonso.
"Puwede ba namin malaman kung bakit ho kayo naroon sa mismong party ng biktima?"
"Lahat kaming mga kapitbahay ni Victor ay inimbitahan doon."
"Ayon ho sa isang kapitbahay niyo umalis ka raw agad bago pa magsimula ang countdown at pagsabog sa mismong bahay ng biktima." Ang imbestigador.
Saglit na hindi nakasagot si Mang Ponso. "Oo, masama kasi ang pakiramdam ko." Sagot niya.
"Alam mo ba kung bakit ho ako naparito sa bahay mo Mang Ponso?" Tanong pa ng imbestigador.
"Hindi." Walang emosyon na sagot ni Mang Ponso.
"Isa ka sa mga tinuturong suspect sa pagkamatay ni Mr. Victor Claus Monteverde." Paliwanag ng imbestigador.
Nagbago ang ekspresyon sa mukha ni Mang Ponso, mula sa pagiging seryoso ay naging malikot ang mga mata nito. "Bakit ako? Isa lang akong pobreng magsasaka."
"Ayon sa aming pag-iimbestiga, isa sa mga motibo mo para patayin si Mr. Monteverde ay dahil sa lupang kinatitirikan ng kaniyang mansion. Tama ba?" Wika ng imbestigador.
"Matagal ko ng kinalimutan ang tungkol diyan..." Sabi ni Mang Ponso habang nakayuko.
Ten months before Christmas...
"Good morning hon." Bati ni Angelo sa asawa matapos imulat nito ang mga mata at pupungas-pungas pa.
"Good morning too hon." Ganting bati ni Victor at binigyan niya nang mabilis na halik sa labi ang asawa.
"Naghihintay na ang breakfast natin sa baba hon so get up na." Wika ni Angelo at akma na sanang babangon sa kama ng siya ay yakapin ni Victor.
"Hon five minutes pa please." Paglalambing ni Victor sa asawa.
"Hindi puwede hon baka ma late tayo sa office."
"What if huwag tayong pumasok ngayon? I need a one day break lalo na at ilang linggo na tayong stress sa opisina, please?" Patuloy lang sa paglalambing si Victor at niyakap nang mahigpit si Angelo.
"Hon nakalimutan mo na ba na ngayon ang meeting mo kila Mr. Falcon, our new investor." Pagpapaalala ni Angelo sa schedule ni Victor sa araw na iyon.
"What? Ngayon ba iyon?" Tila wala sa wisyong wika ni Victor.
Napailing si Angelo sa inasal ni Victor dahil nakalimutan nanaman nito ang mga appointments niya. "Yes Mr.Victor Claus Monteverde ngayon po iyon."
"Alam mo hon buti na lang andiyan ka or else baka nagkalugi-lugi na ako sa negosyo. You're truly an angel sent from above."
"Sus ang corny mo hon. Feeling ko minsan secretary mo ako hindi asawa." May halong lungkot na wika ni Angelo.
Lumapit sa Victor sa asawa at hinawakan ang magkabilang pisngi nito. "Nagtatamo po ba ang asawa ko?"
Tango lang ang naging sagot ni Angelo.
"Hon, don't feel that way. Nagpapasalamat ako at nariyan ka lagi sa tabi ko, you are more than a secretary to me. You are my partner, and hindi ko man nasasabi sa iyo ito nang madalas pero salamat, salamat for staying on my side through good times or bad times, through sickness and health, till death do us part." Nakangiting wika ni Victor.
"Baduy mo talaga hon." Natatawang sabi ni Angelo.
"Pinangingiti lang kita, but seriously hon, salamat sa lahat-lahat." Madamdaming pasasalamat ni Victor sa asawa sabay halik sa mga labi nito.
Gumanti na rin si Angelo sa mga halik ni Victor hanggang naging mapusok ang halikan nilang dalawa. Ang kanilang mga hubad na katawan ay napahiga muli sa kama na hindi man lang natanggal ang mga labing tila sabik na sabik sa isa't-isa. Pumatong si Angelo sa ibabaw ni Victor at ang mga kamay nila ay kung saan-saan naglalakbay hanggang natagpuan na lang nila na pinaliligaya ang mga sarili. Ang mainit na tagpong iyon ay nagtagal din ng ilang minuto hanggang sa nakarinig sila ng mga nagsisigawan at tila nag-aaway sa gawing labas ng mansion. Mabilis na tumayo si Angelo upang silipin sa bintana kung anong nangyayari.
"Si Mang Ponso at Aling Lilia na naman." Nababahalang wika ni Angelo.
"What? Ano na naman kaya ang kailangan nila? Hindi pa ba sapat ang mga binayad ko sa kanila?" Bakas ang pagkainis sa tono ng boses ni Victor.
"Harapin mo na para wala ng gulo at baka tuluyan na tayong ma-late sa meeting." Suhestiyon ni Angelo.
Sumang-ayon si Victor. Pinatawag niya ang isang kasambahay upang papasukin at pakalmahin ang mga bisita nila, habang silang mag-asawa ay nagmadaling gumayak para kapag natapos nilang kausapin ang mga nanggugulong kapitbahay ay diretso na silang makaalis at papasok ng opisina.
Naunang bumaba si Victor upang harapin ang mag-asawang sila Mang Ponso at Aling Lilia na linggo-linggo na lang silang pineperahan dahil ang katwiran ng mga ito ay pinatayan niya ng kabuhayan ang pamilya nila. Ang kinatitirikan kasi ng mansion ni Victor ay dating bukid kung saan nagsasaka ang pamilya nila Mang Ponso. Ang lupang ito ay pagmamay-ari mismo ng isang kamag-anak nila Mang Ponso na nakatira na sa ibang bansa. Lingid sa kaalaman nila Mang Ponso ay na ibinenta na pala ang lupang iyon kay Victor.
Naging pahirapan noong una ang pagpapatayo ni Victor ng mansion sa lupang iyon dahil lagi silang hinaharang ng pamilya ni Mang Ponso hanggang isang araw napagkasunduan na babayaran sila ni Victor upang tumigil lang sa pang-gugulo. Tumanggap si Mang Ponso ng tatlong daang libong piso mula kay Victor pero ilang buwan lang ang lumipas ay nanghihingi nanaman sila ng dagdag na pera.
Napagalaman ni Victor na naubos sa bisyo at sugal ang mga perang ibinibigay niya kay Mang Ponso kaya itinigil na rin niya ang pagbibigay sa mga talipandas na kapitbahay. Dahil doon ay linggo-linggo na lang kung manggulo sila Mang Ponso. Kung hindi lang naaawa si Victor sa mga maliliit na anak nito ay baka pinakulong na niya ang mag-asawa.
"Ang aga niyo naman po mang-gulo Mang Ponso at Aling Lilia." Masungit na bati ni Victor sa mga kapitbahay.
"Aba mukhang hindi maganda ang gising mo bata." Wika ni Mang Ponso na tila lasing kung magsalita.
"Sino naman po ang gaganda ang gising kung nanggugulo nanaman po kayo." Matatag din na wika ni Victor.
"Alam mo kung ibinigay mo na yung sampung libo na hinihingi namin eh di sana wala ng gulo." Sabat ni Aling Lilia na hindi malaman ni Victor kung saan kumuha ng kapal ng mukha upang huthutan sila ng pera.
"Uulitin ko wala na po kayong makukuha sa akin, sobra-sobra na po ang naibigay ko sa inyo." Pagmamatigas pa rin ni Victor.
"Talagang matigas ka ahh..." Lumapit si Mang Ponso at akma sanang susuntukin si Victor pero nakaiwas ito dahil nahablot siya agad ni Angelo na saktong kabababa lang ng hagdan. Samantalang ang mga guard at kasambahay nila ay tulong-tulong na hinawakan ang mag-asawang hayok sa pera.
"Palayasin niyo na ang mga iyan at huwag niyo na muling papapasukin ng mansion kailanman!" Nang-gagalaiting sigaw ni Angelo habang hinahagod ang likod nang nanginginig na si Victor. "Let's go hon for sure hindi na babalik ang mga iyon." Yakag ni Angelo sa asawa pasakay sa kotse.
Halos maiyak sa takot si Victor sa nakitang anyo ni Mang Ponso ng muntikan na siyang masuntok nito. Habang lulan ng kotse ay hindi niya mapigilan kumalma kahit inaalo na siya ni Angelo habang nagmamaneho naman ito. Nakita nilang naglalakad ang mga kapitbahay nila at tila nagtatalo sa daan. Nilagpasan nila Victor at Angelo ang mag-asawa ngunit nakita ni Angelo sa side mirror na hinahabol ang kotse nila ng mag-asawa kung kaya binilisan niya ang pagmamaneho, samantalang si Victor ay nakita niyang nadapa si Aling Lilia habang tumatakbo ito. Nais sanang ipahinto ni Victor ang sasakyan at balikan ang mga kapitbahay upang tulungan ngunit naunahan siya ng takot na baka kung ano ang gawin sa kaniya ni Mang Ponso.
Umabot sa tamang oras sila Victor at Angelo sa meeting nila at naging successful ang naging resulta dahil pumayag ang bagong investor ng kanilang negosyo sa mga terms and conditions na inilatag nila. Tuwang-tuwa ang mag-asawa dahil hindi nila akalain na ang nasira nilang umaga kanina ay napalitan ng isang napakalaking blessings. Kinailangan nila ang investor dahil gusto na ni Victor mag expand pa ng madaming branch ng kanilang Wellness and Spa Center sa panig ng Visayas at Mindanao.
Matapos ang meeting na iyon ay napagkasunduan ng mag-asawa na magpahinga na sa bahay dahil sa stress na dinulot ng kanilang kapitbahay. Alas-dos na ng hapon nang makarating sila sa mansion at ang sumalubong sa kanila ay ang balitang inatake sa puso si Aling Lilia at dead on arrival na nang isugod ito sa hospital.
Ang imahe ni Aling Lilia na nadapa at sumubsob sa lupa ay paulit-ulit na nagfla-flashback sa kaniyang isipan.Hindi maiwasan na sisihin ni Victor ang sarili sa nangyari kay Aling Lilia at kahit anong paliwanag ni Angelo na wala siyang kasalanan ay tila inuusig siya ng kaniyang konsensiya. Napagalaman ni Victor na sa mismong bahay nila Mang Ponso ibinurol ang asawa kaya kahit tutol si Angelo ay nagpumilit siya na dalawin ito at magbigay ng tulong, at nagbabakasakali rin si Victor na gumaan ang kaniyang loob.
Pagkapasok sa munting tahanan nila Mang Ponso ang mag-asawang Victor at Angelo, parehas silang nagtataka na tila hindi nagalit si Mang Ponso sa kanilang pagbisita at malugod pang tinanggap ang binigay nilang pera at limang kaban na bigas. Habang sila ay nakikiramay ay napansin ni Victor ang walang ekspresyon na mukha ni Mang Ponso na nakatitig sa kabaong ng asawa at laging tulala kahit may kumakausap dito. Nagdaan ang mga araw at iyon ang naging huling pagkikita nila Victor at Mang Ponso.
Hanggang sa sumapit ang araw bago ang kapaskuhan at kaarawan ni Victor. Inimbitahan niya ang lahat ng kapitbahay sa kanilang barangay at dahil doon ay nagtagpo muli ang kanilang landas. Kinamayan ni Victor si Mang Ponso at pinapasok muli sa kaniyang mansion. Nakita naman niya na nakikihalubilo si Mang Ponso sa iba pang bisita at masaya siyang nakikita niyang tumatawa at ngumungiti ang matanda, kabaligtaran sa Mang Ponso na huli niyang nakita noong namatay si Aling Lilia. Sa gabing iyon isang regalo ang sana ay nakatakdang ibibigay ni Victor sa pobreng kapitbahay ngunit dahil sa pagsabog at kamatayan ni Victor ay hindi na niya ito na ibigay.
December 25 - 1:25 AM
Halos tatlumpong minuto din nagtanong nang nagtanong ang imbestigador kay Mang Ponso at matapos makakalap ng mga impormasyon ay nagpaalam na rin ito sa matanda.
"Sige ho Mang Ponso salamat sa kooperasyon niyo, kung kailanganin pa namin kayo ay babalik na lang ho kami dito sa bahay niyo." Pagpapaalam ng imbestigador.
"Kung ako ang tatanungin mo ang manager sa negosyo ni Victor ang dapat niyong pagtuunan ng pansin." May laman na wika ni Mang Ponso.
"Anong ho ang ibig niyong sabihin?" Nagtatakang tanong ng imbestigador.
"Siya na lang ang kausapin niyo naroon din siya kanina sa mansion."
"Ganoon ho ba, sige aalis na kami Mang Ponso. Merry Christmas ho." Matapos sabihin iyon ay tuluyan nang umalis ang imbestigador.
Hindi mapakali si Mang Ponso sa mga oras na iyon. Hindi niya akalain na ganoon ang kahihinatnan ng kaniyang kapitbahay na si Victor. "Boyet!" Tawag ni Mang Ponso sa anak.
"Bakit po itay?" Tanong ng binata.
"Gisingin mo ang iyong mga kapatid at maghanda ka ng mga gamit luluwas tayo ng Maynila." Utos ni Mang Ponso.
"Ha? Paskong-pasko, ano po nangyayari itay?" Takang tanong ng kaniyang anak.
Natahimik si Mang Ponso at nagdadalawang-isip kung sasagutin niya ang tanong ni Boyet, ngunit mas nanaig sa kaniya ang sabihin sa anak ang katotohanan. "Nakapatay ako... anak nakapatay ako."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top