Twenty-two

AEIGNN

         

Mabilis akong lumabas ng opisina ko at tumuloy sa taong alam kong maaaring mag-klaro sa akin ng lahat ng iniisip ko sa mga oras na ito. Siya lang ang tangi kong pagkakatiwalaan sa ngayon.

            

Kumatok na muna ako ng tatlong beses bago ako pumasok sa loob. Naabutan ko siyang nakayuko at may mga pinipirmahan na mga papeles.

           

"Sit down," aniya sa akin ng hindi ako tinatapunan ng tingin.

             

"Mom—"

                  

"I didn't expect it either," aniya saka nagtaas ng tingin sa akin at nagtama ang mga mata namin. Her cold eyes was too intimidating. She's my mom, yet I also get intimidated.

                 

"Don't you know anything about it? If I need to beg you to tell me something about her, I will, Mom. I need to fucking—"

              

"Don't curse in front of me. I'm not just someone, Aeignn Lev," walang emosyon niyang putol sa akin.

             

"I'm just so frustrated right now. How can my wife be a traitor? How can she be like that? I've known her for too long—"

            

"Kilala mo nga ba talaga siya? Or was it just your ego dictating you that you know her kahit hindi naman talaga? You see son, we tend to get blind when we trust too much," malaman niyang wika sa akin na unti-unting nagpapabuo ng mga senaryo at katotohanan sa utak ko.

                

"Mom, was she the reason why you pulled off Eerie's case from the elite agents?" I feel so fucking helpless. Nakakapanlumo lang.

     

I saw her nod at me.

    

"You've grown well, Aeignn. I saw your evolution. I saw how you turned into a man. You're like your dad on certain things. Noon natatakot ako sa maaaring kahinatnan ng buhay mo, pero ngayon ay nakikita kong alam mo naman kung ano talagang gusto mo. It's just the fact that the situation doesn't permits you to be happy," I saw the sadness in her eyes.

       

"Why does it have to be her? Why did you allow me to bring her here? Why did—"

                 

"Because I thought that her love for you is greater.... but I guess I was wrong? For the second time in my life, I went wrong," aniya saka tumayo mula sa upuan niya at naglakad patungo sa harapan ko.

           

"When was the first time?"

        

"When I almost lost the three of you just to save your Lola Adelle," sagot niya sa akin saka mapait na ngumiti. "I know few things about your wife, Aeignn. Hindi ko lang alam kung kaya mong tanggapin ang mga katotohanan na iyon," pagpapatuloy niya sa akin.

                  

"May mga iilan akong impormasyon na nalaman ukol sa kaniya nang minsang maiwan niya ang bag niya sa opisina ko. I thought it was just a side mission, but as I browsed the folder, I was shocked," wika ko kay Mommy at muli siyang ngumiti sa akin ng mapait saka umiling.

             

"And what have you learned from that folder?"

           

"That..... my wife is working for a different organization. The organization's name wasn't written in there, but her job was clearly illegal. I pretended in front of her. I accepted it.... but now, I'm so lost. Hindi ko na alam ang iisipin ko," this may sound so fucking gay, but I want to break down in tears.

    

Nagmahal lang naman ako, pero bakit ganito? Bakit sa maling tao? Bakit sa taong ta-traydorin hindi lang ako, kung hindi maging ang organisasyon na kinabibilangan namin?

                  

"Trust is the basic foundation of a relationship, Aeignn. But.... do you still trust her after everything she did? After what you saw?"

           

Napayuko ako dahil kahit ako hindi ko na alam ang nararamdaman ko. Hindi ko na alam ang iisipin ko.

               

"I don't know, Mom. I gave everything. I surrendered the whole me, but I guess it wasn't enough for her to choose me over her plans. I wanted to believe that she has her own reasons for doing these things kasi mahal ko siya. Gusto ko siyang intindihin, handa akong maging uto-uto at tanga...... Pero paano naman ako? Paano naman 'yong kami?"

      

I felt my mom tapped my shoulder as if telling me that everything's gonna be okay.

          

"If you want to still believe her despite the negative things you saw, then do so. Walang pumipigil sa'yo, that's how this damn love works. Mahirap pigilan. But let me tell you this son..... an elephant won't fit in a small cage, not unless you forced it."

          

"What—"

      

"We just have to be the larger cage, and make it willingly fit."

             

"What do you mean, Mom!?"

         

"Think, Aeignn. Think. You're my son. You'll surely arrive at the best point and decision."

    

        

      

     

  

"KUYA, that's fucking enough. Hinihintay ako ng asawa ko at ni Zayn, pero kailangan pa kitang ihatid," dinig kong iritadong wika ni Aeidan na siyang katabi ko ngayon. Nasa bar kami at kanina pa ako nag-iinom.

              

"Aeidan, ako ang mauuna na. Mas maaatim kong iwan ng lasing 'yang kuya mo, kaysa salubungin ang bala ng baril ni Griss. Alam n'yo kung gaano ka-wild 'yong tibo na 'yon," singit ni kuya Ayler na nasa tabi ni Aeidan.

                

"Just fucking go. Hayaan n'yo 'ko. May mga asawa kayong uuwian, ako wala. May mga asawang naghihintay sa inyo, ako ito, tinraydor," mapait na wika ko saka muling lumagok sa baso ng alak na hawak ko.

        

"Para kang gago. Kung makapagsalita ka akala mo nanglalake si Callia. Nawawala lang naman. Kaysa kasi nag-iinom ka rito, bakit hindi mo nalang hanapin 'yong asawa mo," dinig kong singhal sa akin ni kuya Ayler. His mouth is just too fucking iritating.

                    

"Noong nawala ba si Griss may ginawa ka? Hindi ba't si Neptune pa ang nag-alay ng buhay niya—"

              

"Pero hindi ako nag-inom at naghimutok na parang gago na gaya mo. Pwede ba 'yon, mahal mo pero wala kang tiwala? Mahal mo pero hindi mo sure? Tsk. Sana kasi inanakan mo nalang agad para mas pinili ka. Kita mo nga 'yong sperm kong si Kael, tinuruan kong lumangoy," he's just too fucking honest and it fucks me!

                

"May punto naman si kuya Ayler, kuya. You have to pull yourself together. Hanapin mo si Callia. Learn the truth from her. Hindi sa kung kanino. Kung hindi ka pa rin niya pipiliin, that's the time na magdesisyon ka kung para kanino ka ba talaga. Kung para sa Phyrric o para sa asawa mo," sabat ni Aeidan.

    

Alam nila ang kwento. Mukhang nasabi ni Griss kay kuya Ayler, at nasabi naman ni Jice kay Lindzzy at sinabi nito kay Aeidan. Bigla nalang kasi akong tinawagan ng dalawang ito at kinamusta kaya't inaya ko silang uminom.

     

"Just fucking go. Hindi ko kailangan ng kausap ngayon. I need to assess myself and my situation. Your advices just fuck me. Mas nakakahilo pa kayo kaysa sa alak," wika ko ngunit tinawanan lamang nila ako saka tinapik sa magkabilanga balikat.

            

"Love has to be this cruel for you, para mapatunayan mo kung ano ba talaga ang pagmamahal para sa'yo, kuya," huling wika ni Aeidan sa akin bago sila umalis ni kuya Ayler.

        

Nakailang baso pa ako ng alak bago ako nagdesisyon na lisanin na ang lugar na iyon. Hilong-hilo ako ngunit alam ko pa rin naman ang pagkatao ko. Alam ko pa rin kung anong ginagawa ko.

            

Saktong nakasakay ako sa sasakyan ko at papaandarin na ito nang mapalingon ako sa backseat at gulat na gulat ako sa nasaksihan ko.

              

"Drive back home. We'll talk," anito sa akin at tila nagising ang diwa ko roon.

               

"You are—"

               

"Drive now, or I'll kill you," anito sa akin at bigla akong tinutukan ng baril sa sentido.

         

Nakita ko ang kaseryosohan ng mukha niya maging ng mga mata niya at doon na ako nagdesisyon na apakan ang gas at pasibatin ang sasakyan patungo sa bahay.

       

Narating namin ang bahay na madilim na madilim na. Madaling araw na rin at walang bukas na ilaw sa buong kabahayan.

           

Pumasok kami at nang tangkang bubuksan ko ang ilaw ay pinigilan niya ako at tinutukan ng baril ang likod ng ulo.

           

"Fucking move," aniya sa akin kaya't naglakad ako hanggang sa marating namin ang mini bar ko at itinuro niyang maupo ako sa high stool na ginawa rin niya.

               

"What is this? Am I a battered husband now?" Wika ko saka mapait na ngumisi sa kaniya. "So fucking maddening na uuwian mo 'ko para lang tutukan ng baril. Won't you explain? Won't you fucking explain!?"

                

Nakita ko ang pagdaan ng lungkot sa mga mata niya ngunit agad iyong nawala at napalitan ng isang blangkong tingin.

         

Akala ko ay magsasalita siya ngunit may inilapag siyang envelope sa harap ko.

         

"Sign those," aniya sa akin ngunit hindi ko maipaliwanag ang nais niyang iparating.

          

Binuklat ko iyon at bumungad sa akin ang isamg annulment paper. Mapait akong napangiti sa nakita kong iyon.

            

"Was this the reason kaya't inuwian mo 'ko? You want me out of your life? You want me out of your fucking business!?"

      

"Yes. I want you out," aniya sa hindi ko maipaliwanag na tono. May iba roon at ramdam ko iyon. I may not know a lot about her, but as some point, I know few of her mannerisms and actions.

        

"You're so fucking cruel. Wala akong ibang ginawa kung hindi ibigay lahat sa'yo. 'Tang ina, pati sarili ko kinalimutan ko. Pati pagkatao ko binago ko. Lahat ng sakit na bigay mo, tinanggap ko. How can you be this fucking heartless? Ang hirap maging sapat sa'yo. Ang hirap mong mahalin," mapait na wika ko sa kaniya.

        

"Just goddaman sign it, then we're done—"

         

"I trusted you. I fucking trusted you. Hindi mo ba ako kayang pagkatiwalaan ng mga lihim mo? Hindi mo 'ko kayang pagkatiwalaan na masasamahan kita sa kung ano mang iniintindi mo? Hindi mo ba 'ko kayang—"

             

"No, Aeignn. Blood will always be thicker than water. Love will be disregarded if it is the blood we are talking about," she said full of pain and sarcasm.

      

"You're so damn impossible. You're so damn impossible, Callia. Hindi ko na alam paano ka pa iintindihin. Hindi ko na alam paano ko pa aabutin ng pang-intindi ko lahat ng nangyayari sa'yo at lahat ng ginagawa mo. You pushed me at the edge of the cliff. I have no other choices but to let go."

      

"This is me, Aeignn. This is the real me. You've seen enough. I'm a fucking traitor," malamig na wika niya sa akin.

                  

Napasabunot ako sa buhok ko dahil sa nangyayari at sa naririnig ko mula sa kaniya. "Just fucking explain, Callia. Sa'yo ako maniniwala. Mas paniniwalaan ko ang lalabas sa bibig mo kaysa sa mga nakita ko. Mas paniniwalaan kita."

            

Ngumisi siya sa akin saka siya may inilapag na mga larawan sa ibabaw ng counter. "These were my doings," aniya kaya't napalingon ako sa mga larawan na naroon. Mga tao iyon na tadtad ng baril. Mga pinatay na tao sa brutal na paraan. "Now tell me, would you still accept me? I'm not the Callia you knew," dagdag niya at doon na tuluyang bumigay ang natatangi kong pag-asa para sa kaniya.

                

"It's you, right?.......

     

...

   

...

  

...

   

...

   

...

   

...

    

...

   

...

    

...

   

...

   

...

   

...

   

...

   

...

    

...

    

...

    

...

    

...

   

...

   

"You tied Lindzzy at the abandoned room in her school. It wasn't her class mayor. It wasn't that girl named Caely. It was you, Callia. It was you," I saw her shock face. Mukhang hindi niya inaasahan na alam ko iyon.

        

"Aeignn....."

            

"But Caely claimed that it was her doing just to get a bonus points from her higher ups."

               

   

       

        

     

  

SOMEONE

        

"This person swore that he'll do everything for us now," wika ko sa taong kaharap ko habang pinatutungkulan ko ang taong walang malay na nakatali ngayon sa isang upuan.

            

"Are we ready to attack?" Tanong niya sa akin ngunit nginisian ko lamang siya.

                 

"Why so eager? Are you that excited to finish this? Are you so eager to get back at them?" Alam kong nakakainsulto ang tono kong iyon ngunit wala akong pakialam. Halata kong nais na niyang matapos ang lahat ng ito.

                    

"My sibling died. We've planned this for years now and I think it's about time to let them taste the hurricane. Hindi sapat na ako lang ang nasasaktan. Kailangan na nilang mabuwag. Kailangan na nilang masira," I saw the strong will in that revengeful eyes. I always bear those eyes. Ilang beses na kaming nawalan. Ilang beses na kaming naungusan.

        

"Few more days. Let's just wait. Few more days and they will be doomed."

    
--
ICE_FREEZE

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top