Twenty-seven
CALLIA
Nakita kong ngumisi si Chief saka siya naglakad papalapit. Nakita ko rin na nakangisi si Sir Dylan habang papalapit sa kaniya si Chief. Para silang nagsusukatan ng kakayahan na mayroon sila.
"You're not a noble agent, Aeickel," mapang-insultong wika ni Sir Dylan.
"At alam mo ang dahilan kung bakit," nakangising sagot ni Chief.
Nagawi ang tingin ko kay Aeignn at sa gulat ko ay sa akin na mismo nakatutok ang baril na hawak niya. Sa akin mismo.... at tila ayaw pumasok sa utak ko n'on.
"I never thought na aabot tayo sa puntong ito," wika ni Aeignn sa akin saka mapait na ngumisi.
"Mga bata-batuta, malayo pa kayo sa katotohanan. Ibaba n'yo 'yang mga baril n'yo hangga't mabait pa ko," pukaw sa atensyon namin ni Sir Tungsten. Malapit ako sa kaniya kaya't hindi ko siya magawang tapunan ng tingin.
"Bakit kailangan pa nating kaawaan kung pwede namang patayin na silang agad?" Mapait na wika ni Aeignn na mukhang pinatutungkulan talaga ako.
Pain is visible in his eyes but anger is also present. Ang mga mata na dating tumitingin sa akin ng buong pagmamahal, ngayon ay tinitignan na ako nang puro sakit at galit. How can my life be this fucked up and shitty?
"Kalmahan n'yo lang," ani Shawn saka pa magkakasunod na tumawa. "Kami nga kalmado lang—"
"Fuck you for all you know," malamig na putol sa kaniya ni Aeignn.
Hindi na ako nagtakha nang bigla na lamang lumapit sa akin ng tuluyan si Aeignn at mabilis na idinikit sa noo ko ang baril na hawak niya. Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa lamig ng katawan ko.
"Aeignn—"
"You asked for this, Callia. I gave you all the chances in the world but you still chose to betray me. So you're the heiress?" Aniya sa nakakainsultong tono.
I closed my eyes for a moment, then I breathe, before I finally looked at his eyes. "Kapag nalaman mo ang mga bagay na ginawa ko, huwag na huwag mo 'kong patatawarin. Kapag nalaman mo ang mga bagay na isinuko ko, huwag na huwag mo 'kong hahayaan na bumalik sa buhay mo..... dahil gano'n din ang gagawin ko. Hindi na kita hahayaang makabalik sa buhay ko 'pag tapos ng mga salitang narinig ko mula sa'yo," mapait na wika ko sa kaniya saka ko ibinagsak ang baril na hawak ko. "Kill me now, Aeignn Lev. I have the blood of a criminal and I am the damn heiress."
"CALLIA! ANO BANG SINASABI MO!?" Dinig kong wika ni Migo, ngunit ipinikit ko na ang mga mata ko. Naghihintay ako ng putok ng baril mula sa kaniya. Naghihintay ako ng mismong kamatayan. Siguro ito lang talaga ang kayang abutin ng relasyon na mayroon kami, siguro hanggang dito lang talaga ang lahat.
Nakaraan ang ilang minuto ngunit wala pa rin pumapailanlang na putok ng baril maging mga boses kaya't nagpasya akong buksan ang mga mata ko..... ngunit mga labi niya ang sumalubong sa mga labi ko. Ginawaran niya ako ng halik na animo nagpaparusa ngunit mararamdaman mo ang totoong pagmamahal.
Ilang saglit pa ay humawalay na siya sa akin at muli akong tinitigan sa mga mata. "I can't fucking hurt you, afterall. You're everything I need."
"So pwede na ba tayong tumuloy ngayon?" Wika ni Sir Dylan at lahat ay napalingon sa kaniya.
Nakita kong muling ngumisi si Chief sahil sa narinig niya. "My brain just never fails me," ani Chief saka niya muling itinago ang baril niya na lubos naming pinagtakhan na lahat— o naming iilan? Wala kaming ideya sa nagaganap.
"A–Anong ibig sabibin nito?" Utal na tanong ko.
"Alam kong alam ni Aeickel kung anong nais kong iparating. Simula palang ito na ang plano ko, Callia. Simula palang para na ako sa Phyrric.... at kung para ka sa Eerie, ibabalik ka naming muli sa Phyrric," wika ni Sir Dylan at gulantang ang lahat. Maging ako. Hindi sapat ang salitang gulat sa mga narinig ko.
"I'm a noble agent, Callia. I just did what I have to do," anito sa akin ng nakangiti at nakita kong unti-unting ibinaba nina Shawn at Migo ang mga baril nila.
*****
Two years ago.....
"Come in my office," wika sa akin ni Sir Dylan, isa sa mga trusted noble agents ng Phyrric.
Mabilis akong sumunod sa kaniya at sa gulat ko ay inihampas niya sa lamesa ang mga larawan ko na kausap sina Basilio, pati ang mga larawan na nagbibigay ako sa kanila ng iilang impormasyon ukol sa Phyrric.
"So these were the reasons kaya't napupurnada ang iilang missions at side missions na nagreresulta sa pagkakapahamak ng ilang agents?" Nakangisi nitong wika sa akin at halos dinagundong ako ng kaba.
Yumuko ako saka ko ikinuyom ang mga kamao ko. "Wala kang alam—"
"Marami akong alam, Callia. Alam kong ikaw ang natatanging tagapag-mana ng Eerie," aniya at bumalatay ang gulat sa akin.
"Hindi ako ang natatanging tagapag-mana. Tatlo kami," wika ko sa kaniya at muli siyang ngumisi sa akin.
"Isa palang sa mga kapatid mo ang kilala mo, at alam mo sa sarili mo na hindi ipamamana ng ama ninyo sa kaniya ang Eerie," aniya sa akin na tila ba nababasa niya ang tumatakbo sa isip ko.
Maayos ang kalagayan ng kapatid kong babae, ngunit ang kapatid kong lalaki ay hindi ko pa rin nahahanap hanggang ngayon. Alam ko sa sarili ko na hindi iiwan ng ama namin sa kapatid kong babae ang Eerie dahil mahina siya.... ako lang.... ako lang ang may kakayahan.
"Bakit mas pinili mong traydorin ang Phyrric? Bakit hindi ka humingi ng tulong sa mother-in-law mo?" Aniya sa akin sa mapang-usig na tinig.
"Kung marami kang impormasyon ukol sa akin, alam mong hindi ko maaaring gawin iyon. Kailangan ko lang makahanap ng tyempo," matigas na pahayag ko at magkakasunod itong tumawa sa akin.
"Hindi ka bayani, Callia, pero para sa akin ay magandang balita ito. I honestly despise Phyrric so much. Mukhang ikaw ang magiging dahilan para maisakatuparan ko ang mga nais ko," aniya na muling nagpagulat sa akin.
"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko rito.
"Bubuwagin ko ang Phyrric at bubuwagin mo naman ang Eerie. Sounds interesting, right?" Aniya sa akin na ikinakunot ng noo ko.
"Anong dahilan ang mayroon ka para sirain ang Phyrric? Alam kong mahal—"
"Hindi masarap maging tuta ng matagal na panahon. Kung ikaw masaya kang nakokontrol ka, hindi ako, Callia," sagot niya sa akin at may inilabas siyang mga dokumento sa harap ko. "Kung wala kang tiwala sa mga sinasabi ko, iyan ang mga naipon kong dokumento na tiyak magiging kasiraan ng Phyrric."
Lunod na lunod ako sa mga impormasyon na nakit ako. "Ibibigay ko ba ito sa Eerie?" Tanong ko sa kaniya at nagkibit-balikat lamang siya sa akin.
"It's up to you, young woman. Ikaw ang masusunod. Kung gusto mong patuloy kang pagkatiwalaan ng ama mo hanggang sa makakuha ka ng sapat na ebidensya upang sirain sila, gawin mo ang gusto mong gawin. Wala akong pakialam sa kahit anong paraan pa, basta't makuha ko lang ang nais ko," aniya at nakita ko ang desididong mukha niya.
*****
Ilang taon ang lumipas buhat nang pareho akong nagtatrabaho sa magkabilang organisasyon at habang patuloy na gumagawa ng mga hakbang si Sir Dylan upang kapwa namin maisakatuparan ang mga misyon namin.
Ang daming nangyari. Ang daming masasakit na nangyari.
"Mukhang pumalpak ka sa pagkidnap kay Lindzzy kaya't itinali mo na lamang," tumatawang wika ni Sir Dylan at sinamaan ko lamang siya ng tingin.
"Alam mong noon pa wala akong planong saktan siya," wika ko sa kaniya. "Isa pa, matagal na panahon nang nangyari iyon, bakit inuungkat mo ngayon?" Tanong ko.
"May nabalitaan lamang ako na may nakaalam ng impormasyon ukol roon," sagot niya sa akin at hindi na ako nagtakha. Maingat akong kumilos, ngunit palagay ko nga ay may nakaalam n'on.... at alam kong si Lindzzy mismo iyon.
"These are the papers you asked from me," saka ko inabot sa kaniya ang mga papeles na mabilis naman niyang binuksan.
"These are not the informations I need. Don't fucking fool me," iritado niyang wika sa akin saka pa niya hinampas ang mesa.
"Iyan lang ang nakuha ko sa ngayon—"
"You've been a member for how many years now. Palagay mo paniniwalaan kita? Drop the papers I need."
Hindi ko siya maisahan. Ayokong isuko ang Phyrric, ngunit nahihirapan na ako.
"P–Paano n'yong nalaman—"
"Hindi mahina ang utak ko. Alam ko ang bawat galaw mo. Kung hindi mo balak ibigay ang mga kailangan kong dokumento, better quit now. Hindi ko kailangan ng taong gaya mo," deretsong wika niya sa akin.
"I'll get it as soon as possible. Just give me some more time."
*****
"Anong balita?" Tanong niya sa akin.
"Wala pang kumikilos sa kanila sa ngayon. Agad ko rin namang malalaman at mababalitaan kung sakali," tukoy ko sa galaw ng Eerie.
"Learn to dodge and hide yourself. Hindi pwedeng makikilala ka nila o kung ano man ang totoong pakay mo. Act dumb. Act strong. Act whatever you wanted, as long as it will make the situation favorable to us," utos niya na ikinatango ko.
"Tungkol sa laman ng envelope—"
"Alam ko na ang tungkol sa mga iyon kahit noon pa. You don't have to be so careful around me. Alam kong hindi mo 'ko ta-traydorin dahil mas malaki ang mawawala sa'yo," nakangisi niyang wika sa akin. Ang laman ng envelope na iyon ay ang totoong katauhan ko, ng dugo't laman ko.
"May ipag-uutos pa po ba kayo?" Tanong ko.
"Aren't you sad?" Mula sa kung saan na tanong niya sa akin.
Ngumiti ako ng mapait sa kaniya saka ako nagsalita. "Can I show it? I can't, right? Hindi pwede. Hindi ako pwedeng masaktan. I lost my sibling, yet I need to act cool. I lost someone precious to me without that person knowing my existence. How can I not be sad? Pinipilit ko lang maging maayos, dahil wala naman akong choice. I need to be strong. I need to be goal oriented. If I get swayed even a little, lahat ng sakripisyo at paghihirap ko ay mawawala na."
Ang sakit sa akin na nawalan siya ng buhay nang hindi man lamang niya ako nakikilala.
"Don't worry. All your actions and sacrifices won't go to waste. Believe me. We'll get them real good that they will regret living," sagot ko rito at magkakasunod itong tumango.
"Umaasa ako—"
"Claim it. We will," ani Sir Dylan sa akin. Hindi ko mawari ang mga kilos at galaw niya. Minsan pakiramdam ko ay pinaiikot lamang niya ako para tuluyan kong isuko ang lahat ng tiwala ko sa kaniya.... ngunit minsan naman ay tila totoong nais niyang buwagin ang Phyrric.
*****
"Are you fucking saying na lahat 'to palabas lang?" Galit na wika ni Aeignn.
"Walang alam ang Mommy mo pati ang mga Senior Elites sa ginawa ko. As a noble agent, I need to stay hidden. I need to stay noble. I need to act in the shadows. The closer you look, the less you see, Aeignn. Kinailangan kong malulong si Callia sa pagtitiwala sa akin upang maging madali para sa akin ang pagkuha ng impormasyon ukol sa Eerie, at kapag dumating na ang araw na ito, mabilis ko lang maililipat lahat ng impormasyon sa Mommy mo," aniya at may nilabas siyang flashdrive at mabilis na inabot iyon kay Chief.
"Sir Dylan...." Nauubusan ako ng sasabihin.
"I did everything I can para sa Phyrric. Kahit na maging traydor sa mata ni Callia ay ginawa ko para lamang maging maayos na ang lahat. I'm sorry for fooling you, Callia. I only did the things na alam kong makakatulong sa Phyrric. And now, the decision is yours to make. Sasama ka na ba sa aming lahat o kusa mong susuungin ang delubyo?" Aniya sa akin at tila nais kong maiyak.
"Thank you, Dylan," wika ni Chief dito at tinapik ito sa balikat. "May ideya na ako sa maaaring ginagawa mo pero kinailangan kong pag-isipan ang bawat hakbang ko dahil maaaring hindi ito makabuti sa mga plano mo."
"Anong dahilan bakit hindi ka sa amin humingi ng tulong?" Tanong ni Aeignn sa akin sa mapait na tono.
Humarap ako sa kaniya saka ako ngumiti ng mapait. "Gusto kitang ilayo. Ginagamit ka sa akin bilang kahinaan ko. Bukod sa pagbabanta nila sa akin na papatayin nila si Nanay, sinabi nila sa akin na papatayin ka din nila.... at ayokong—"
"At ayaw mong dumating ang panahon na malalaman ni Aeignn na ikaw ang nagbibigay ng mga impormasyon ukol sa ilang misyon ng mga agents na nagiging sanhi ng pagkakaroon ng mali o pagkakapalpak," putol sa akin ni Chief na ikinayuko ko ngunit bigla akong hinigit ni Aeignn saka niyakap ng mahigpit.
"Sinabi ko sa'yong kahit ano pa 'yan, tatanggapin ko. Sinabi ko sa iyong kahit ano pang sitwasyon ang mayroon ka, kakayanin ko kasi mahal kita. Always trust me, Callia. From now on, wala kang higit na pagkakatiwalaan kung hindi ako lang. Ngayong sapat na ang impormasyon na nakuha ni Sir Dylan, makakagawa na tayo ng hakbang laban sa ama mo," ani Aeignn kaya't mabilis ko siyang marahan na itinulak.
"Do you even know who her father is?" Tanong ni Sir Dylan kay Aeignn.
"Who?"
Hinaplos ko ang pisngi niya at pinagtama ang mga maga namin.
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
"Duke Navarro.... Shanna Navarro's father. Shanna is my sister, Aeignn. Shanna is my younger sister... my sister that died without knowing my existence."
"Kaya't lalo akong nabaon sa misyon na ito. Dahil ang kaso ng manugang kong si Laeven, ay related pala talaga sa Eerie. Kailangan kong tapusin ang sinimulan ng anak kong si Jice."
--
ICE_FREEZE
****
NO TO SPOILERS! PWEDE BANG MAG-COMMENT KA NAMAN? AS IN COMMENT NA 'YONG TUMATAKBO SANA SA ISIP MO. HEHEHE. SALAMAT.
NO TO SPOILERS! NO TO SPOILERS! THE ELABORATION OF THIS CHAPTER WILL BE IN THE NEXT.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top