Twenty-nine

CALLIA

        

Nanginginig akong hawak ang test kit habang nakaharap sa salamin. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko. Hindi ko alam kung anong unang iisipin ko.

               

"Are you done?" tanong ni Aeignn mula sa kabilang pinto.

            

"L–Lalabas na 'ko," utal na tugon ko sa kaniya saka ako huminga ng malalim. Nakakapanglamig sa pakiramdam.

                    

"I'm waiting, Callia. Don't you dare fool me. Alam kong buntis ka na, kailangan ko lang talaga ng ebidensya," may pagbabantang wika niya.

        

Nagsimula akong humakbang papalabas ng banyo at nagulat ako sa nakita ko. Si Aeignn ay tila nagpapanggap na malakas pero putlang-putla.

               

"Ayos ka lang ba?" natatarantang wika ko sa kaniya.

            

"Ayos na ayos lang ako," hindi ko alam pero tila pinapatatag lamang niya ang tinig niyang iyon.

             

"Aeignn, may masakit ba sa'yo? Tell me. Hindi ako manghuhula," wika ko sa kaniya. Pangsamantala kong nakalimutan ang test kit.

               

"Ayos lang ako. Tao ako. Parte ng pagiging tao ko 'to," sagot niya ngunit tila wala naman siya sa sarili niya habang sinasabi niya 'yon. It's weird. This was the first time I saw him like this. Hindi ko alam kung napapano siya. Nagsisimula na akong kabahan.

           

Inabot ko sa kaniya ang test kit na hawak ko saka ako mabilis na tumungo sa kama at nagtalukbong ng comforter. Ayokong makita ang reaksyon niya sa resulta ng test kit.

               

Hindi ko alam kung anong ginawa niya sa test kit, ngunit bigla na lamang akong nakarinig ng malakas na kalabog kaya't agaran akong napabangon. Nakita ko si Aeignn na patagilid na nakabulagta sa sahig... nakatalikod sa gawi ko.

            

Agad kong kinuha ang baril sa may drawer at mabilis kong tinignan ang mga bintana kung mayroon bang mga assassin... ngunit wala. Dumulog ako kay Aeignn at 'pag hawi ko sa balikat niya ay nakita kong dilat siya at bumubulong-bulong.

               

"Panatang Makabayan, iniibig ko ang Pilipinas. Aking lupang sinilangan. Tahanan ng aking lahi. Kinukupkop ako at tinutulungan. Maging malakas, masipag at marangal. Dahil mahal ko si Callia, susundin ko ang payo ng aking mga magulang, diringgin ko ang tuntunin ng kamahalan, tutuparin ko ang tungkulin ng isang amang makabayan, magtitimpla ng dede, mag-iiwi, at mag-aalaga ng buong katapatan." Hindi ako makapaniwala sa naririnig ko mula sa kaniya. Anong naririnig ko ngayon!? Anong version ito!?

          

"AEIGNN!" saka ko pa siya ginalaw-galaw ngunit tila wala itong talab sa kaniya.

                

Halos panawan ako ng malay-tao nang bigla na lamang siyang bumangon na tila wala lang ang nangyari at sa gulat ko ng todo ay humarap siya sa malaking salamin at biglang nag-monologue ro'n.

              

"Bakit niya kaya nagawa 'yon? Am I not enough? May kulang ba sa'kin? May mali ba sa'kin? Pangit ba 'ko? Pangit ba ang katawan ko? Kapalit-palit ba 'ko? Then, whyyyyyyyyyyyy!!!?"

           

Kung may mas hihigit pa sa salitang gulat. Iyan ang nararamdaman ko sa oras na ito. Anong nangyayari kay Aeignn? Anong pinagsasasabi niya? Ang alam ko narinig ko na iyon kay Liza Soberano. 'Yong mukha ni Aeignn ay 'yong itsura pang napagtaksilan. Hindi ko maintindihan! Hindi maarok ng pang-unawa ko ang nangyayari. Kahit ayaw ko, sinusulsulan ako ng utak ko na baka namaligno na siya.

                   

"Aeignn ano ba!? Buntis ako, hindi ko alam anong gagawin ko sa'yo. Parang—"

           

Bigla na lamang siyang humarap sa akin at kita ang lungkot sa mga mata niya. "Ano, Callia? Para akong karinderyang bukas sa lahat ng gustong kumain? Ganoon ba? You're nothing, but a second grade, trying hard, copycat!" Aniya na malayo sa sinasabi ko at bigla na lamang siyang muling hinimatay. This time, he really fell asleep. Mabilis ko tuloy kinontak ang Mommy niya dahil hindi ko alam ang gagawin ko at mas lalong hindi ko alam ang nangyayari.

                 

       

       

       

  

NAKAUPO kami rito sa conference room kasama ang mga elite at senior agents. Si Aeignn ay tila pa rin sa sarili pero mukhang pinipilit niyang iayos ang sarilo niya dahil sa pride and ego.

                

"Shutangena, matulis talaga," pang-aasar ni Jice kay Aeignn at muli ay naging kulay suka ito.

         

"Jice, stop!" bawal ni Aeiryn sa kaniya.

    

Inanunsyo kasi kanina ni Aeignn na buntis ako kasabay ng pagkahimatay niya. Hindi ko alam kung bakit sinabi niya pa gayong matutumba naman pala siya. Nalaman ko mula kay Chief na ganito pala ang mga lalaking Freezell sa tuwing makaka-alam ng tungkol sa pagbubuntis.

         

"Let's start," wika ni Chief at natahimik ang lahat.

         

Tinignan ako ng matalim ni Aeiryn at naiintindihan ko siya, alam ko ang galit na nararamdaman niya sa akin. "Are you sure that you're going to spill your plans in front of the heiress?" aniya sa tonong nang-uuyam.

             

"Naiintindihan kong wala kang tiwala sa akin, ngunit hindi ko ipapahamak ang ama ng anak ko, lalo na't may nananalaytay na dugo si Aeignn sa dinadala ko—"

               

"Pero may dugo ka rin ng kriminal, na mismong ama mo," putol niya sa akin. Funny how Aeiryn and I, ended up like this. We were the closest mission partners, and now? Gone.

              

"Hindi mo 'ko kailangan pagkatiwalaan, Aeiryn, dahil hindi iyon ang hinihingi ko sa inyo. Nais ko lang matapos na ang lahat ng ito. Nais kong mamuhay ng maayos kasama ang kuya mo at ang magiging anak namin. Kung nahihirapan kang paniwalaan ako, hindi na sa akin ang problema. Huwag mo sa akin ibato ang trust issues mo," may malalim na pakahulugan ko sa kaniya at nakita ko ang mas pinatalim na tingin niya sa akin.

               

"Enough of that. Kung tatraydorin man tayo ni Callia, ako mismo ang papatay sa kaniya para sa inyo," ani Chief at halos lahat ay napasinghap sa gulat.

                

"Hindi ako natatakot dahil hindi ako magtatraydor," matigas na sagot ko. "I already set the stage for you. All you have to do is act," wika ko at nakita ko ang pangungunot ng noo nila.

              

"We're going to finish Eerie tonight," wika ni Chief at umalingawngaw ang bulungan. "Callia made an appointment at mismong si Duke ang pupunta doon upang pumirma. Duke will meet Gyor, since siya ang hindi gaanong kilalang agent. I have this feeling na walang impormasyon ukol sa kaniya ang Eerie, not unless—"

           

"I didn't," putol ko kay Chief. Alam kong ang tinutukoy niya ay kung binigyan ko ba ng impormasyon ang Eerie tungkol kay Gyor.

               

"Good. Senior agents will be our snipers and assassins, while elite agents will conquer Eerie's headquarter in Duke's absence. Elite agents are most likely to encounter Basilio, Duke's right hand," paliwanag ni Chief at tumango-tango ang mga ito.

             

"Any addition?" Tanong ni Hudsen.

             

"Move at your own will. Kill if you have to. Return safe and alive. I don't want any casualties," wika ni Chief at napangisi ang mga agents sa narinig na iyon. "Meet us later, 4pm."

         

Lumabas na ang lahat at natira kaming tatlo nila Chief at Aeignn sa conference room.

           

"Hindi ba delikado sa kalagayan ni Callia—"

             

"We have to take the risk, Aeignn Lev. Hindi pwedeng wala siya. Naiintindihan ko ang nais mong iparating, but Callia's presence is a must," putol ni Chief sa kaniya at nakita ko ang pang-lulumo niya.

          

Hinawakan ko ang kamay niya at tinignan siya sa mga mata. "Hindi ko hahayaan na may mangyari sa amin ng anak mo. I will do everything for the both of you, Aeignn. Kumpletong pamilya rin ang pangarap ko, kaya't kailangan nang matapos nito," nakangiti kong wika sa kaniya.

               

"And I promised you that you'll have your happy ending," sabat ni Chief.

                  

"Hindi ko maalis ang takot sa akin," wika ni Aeignn saka mapait na napangisi. "Noong wala pa akong mga nais protektahan, kahit mamatay ako, wala akong pakialam, ngunit ngayon na magkakaroon na ako ng sarili kong pamilya, pakiramdam ko naging mas duwag ako, naging mas maingat ako sa mga desisyon ko. Does having someone you wanted to protect, serves as your weakness?"

             

Lumakad si Chief patungo sa gawin namin at tinapik ang balikat ng anak niya. "Turn that weakness into strength. Anak nga kita, I once thought of that thing before, but believe me son, that fear will be your greatest weapon," wika niya saka na lumabas ng conference room.

             

Kinabig ako ni Aeignn at niyakap kaya't niyakap ko rin siya pabalik. Pakiramdam ko ay napakaligtas ko sa mga hakap niya. Pakiramdam ko ay tiyak ang seguridad ko sa mga braso niya.

          

Lumabas kami ng conference room ni Aeignn at sa gulat ko ay nakasalubong namin si Jomaica.... at ang mas nakakagulat ay bigla na lamang niya akong niyakap ng napakahigpit.

            

"Gaga kang animales ka!" saka ko naramdaman ang hagulgol niya. "Nanggigigil ako sa'yo! Bakit hindi mo sinabing ginagawa mo palang magtraydor para rin sa kapakanan ng Phyrric! Balak ko na talagang isumbong kay Aeignn na double agent ka! Punyeta ka! Pinaka mo 'ko ng tunay! Paano na 'ko!? Paano pa 'ko magso-sorry sa lahat ng kamalditahan ko sa'yo!" Walang preno na wika niya sa akin kasabay pa rin ng mga hagulgol niya.

                

"I will leave you two," ani Aeignn saka na naglakad palayo.

           

Marahan kong itinulak si Jo at tila lumambot ang puso ko nang makita ko ang mukha niyang basang-basa ng luha. "Nag-alala ka ba talaga sa akin?"

            

"Hindi! Gusto ko talaga mategi ka na, para kapag naging byudo si Aeignn papalitan kita," singhal niya sa akin pero ramdam ko ang kasarkastikuhan niyon.

                   

"Just say it, Jo—"

                

"Tanggap ko nang magkakaroon na ako ng inaanak sa'yo! Tanggap ko na rin na mas type ni Aeignn ang gaya mo! Tanggap ko na, Callia, kaya parang awa mo na, ingatan mo ang sarili mo. Kahit tagapagmana ka pa ng Eerie, wala akong pakialam. Basta ingatan mo ang sarili mo at ang tagapagmana ng Phyrric," nakanguso niya wika sa akin kaya't bigla ko na lamang siyang hinigit at niyakap.

              

"I will, Jomaica. Thank you.... thank you for trusting me again."

           

         

          

    

"ANG hirap mong hagilapin," wika ni Basilio nang makapasok na ako ng Eerie.

            

"Nasaan siya?" Tukoy ko kay Duke. Hindi ko siya kayang kilalanin bilang ama ko. Mas gugustuhin ko pang mamatay nalang.

                 

"Nasa sasakyan na. Tumuloy ka na ro'n. Naroon na rin sina Roger at Tiko," sagot nito sa akin kaya't mabilis akong tumungo sa sasakyan at nadatnan ko nga ang mga taong inaasahan ko rito.

            

Naupo ako katabi ang kinasusuklaman kong tao. Hindi ko alam paano niyang nagagawa na makangiti gayong namatay sa kamay ng tauhan niya ang kapatid ko.... na sarili niyang dugo at laman. Tunay na halang nga talaga ang kaluluwa niya. Siya ang tunay na demonyo.

              

"Mabuti naman at narito ka na," aniya sa akin at hindi ako sumagot.

             

Ilang saglit lamang ay nakarating na kami sa lugar kung saan tiyak kong narito na rin ang iba pang agents.

             

Pumwesto kami sa gitna kung saan may pabilog na mesa. Abandonadong lugar ang napili ko upang wala nang madamay pang inosente.

            

Si Shawn ang unang bumungad sa amin ni Duke. Alam ni Duke na ginawa kong tauhan si Shawn, ngunit hindi niya alam na nangako si Shawn kay Sir Dylan na igaganti niya ang pagkamatay ni Kirsten at muling paglilingkuran ang Phyrric sa abot ng makakaya niya.

   

"Maaasahan din pala itong tuta mo," wika ni Duke.

             

"Parating na ang kausap ninyo," wika ni Shawn at nakita ko ngang mula sa kung saan ay naglalakad na si Gyor papalapit.

              

"Callia... Callia... Maalala ko lang," kinabahan ako sa tono ng boses ni Duke. "Ano na nga palang ginawa mo may Migo? Ang alam ko ay hiningi mo ang tulong niya dahil akala mo ay siya ang totoo kong anak," aniya sa akin at kumabog ng matindi ang dibdib ko.

                  

"Noong una ay ayoko sanang manahin ang Eerie mula sa'yo, ngunit ngayon na makita ko kung gaano kadaming zero ang laman ng kaban mo, sinisiguro ko na sa'yo na walang ibang magmamana ng Eerie kung hindi ako," matatas na wika ko sa kaniya at nakita ko siyang napangisi.

               

"Anak nga kita," mayabang na wika nito ngunit gusto kong masuka. Hindi ko kahit kailan ipagmamalaki na may dugo ako ng isang gaya niya na halang ang kaluluwa.

            

Nakalapit na si Gyor at mabilis siyang nakipagkamay kay Duke. "Good evening, Mr. Rolly Medina," wika ni Duke kay Gyor.

              

"Good evening, Mr. Duke Navarro," sagot ni Gyor dito.

 

Hindi ko alam ngunit tila may iba sa paligid. Iba ang pakiramdam ko at masasabi kong hindi ito maganda.

                 

Nagkapirmahan silang agad at mabilis na ibinigay ni Gyor ang mga briefcase ng pera. Kinuha naman iyon nina Roger at Tiko.

                   

"Nice having transaction with you, Mr. Navarro," ani Gyor.

                

Halos mapagutan ako ng hiningan ng bigla na lamang bumunot ng baril si Duke at itinutok ito sa noo ni Gyor.

   

"Hindi ako ang pinuno ng Eerie dahil wala lang. I'm so disappointed to you, my dearest daughter," aniya at nanglaki ang mga mata ko.

          

Gagawa na sana ako ng aksyon nang bigla na lamang pumailanlang ang magkakasunod na putok at nakita ko na lamang sina Shawn at Gyor sa sahig habang nakangisi si Duke na nakatingin sa akin.

                

"Hayop ka," wika ko at sa isang iglap lamang ay may tao na sa harapan ko.

               

"Ohhhh. Ang mahal mong asawa," wika ni Duke nang makita niya si Aeignn sa harapan ko.

          

Hindi ko alam kung bakit wala pa rin ang mga elite at senior agents. Hindi ko na alam ang nararamdaman ko.

          

"Hindi lang kayo ang matalino, Callia. Marami rin akong tauhan na nakapalibot sa lugar na ito at palagay ko sa ngayon ay nakikipagbuno na sila sa mga tao ninyo," tumatawang wika ni Duke.

               

"I will fucking kill you—"

            

"Why so fast, son-in-law? Respetuhin mo 'ko—"

        

"FUCK YOU!" Sigaw ni Aeignn dito at tinutukan niya na rin ito ng baril.

                       

"Ganito nalang, hayaan mo akong makauwi ng buhay, hahayaan ko rin ang asawa mo na makasama mo na siya habang-buhay," nakangising wika ni Duke.

                 

"Ako ang papatay sa'yo," wika ko. "Igaganti ko ang kapatid ko—" Hindi ko natapos ang sinasabi ko dahil magkakasunod na putok ang pumailanlang sa paligid kasabay ng pagkamatay ng mga ilaw.

                    

"CALLIA!" Papalayong tinig iyon ni Aeignn ngunit wala na akong magawa. Hindi na ako makasigaw pabalik dahil mayroon nang nakatakip sa bibig ko kasabay ng mga braso na nakayapos sa akin at hinahatak ako palayo. Nanghihina ako.....

            

Aeignn.... mahal kita.... mahal na mahal na mahal kita.

   
--
ICE_FREEZE

***
1 MORE CHAPTER THEN EPILOGUE.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top