Twenty
CALLIA
Madali ko lang na-proseso sa utak ko ang sinabi niya. I honestly got swayed for a moment, but I easily moved on.
"Future Ricafort?" Wika ko saka ko siya nilapitan at tinutukan ng baril sa gitna ng noo niya bago ko siya nginisian. "Ako lang ang magdadala ng anak ng asawa ko. Hindi ikaw, at mas lalong hindi kahit sino," pagpapatuloy ko saka ako yumuko sa dibdib niya na naka-expose ang kakaunting parte. "Those damn tits are nothing compared to mine. Sa akin lang mababaliw si Aeignn. Huwag kang mangarap."
Imbes na masindak ay sunod-sunod na tumawa ito sa akin na animo wala sa katinuan ngunit alam kong hindi. Lumayo ako sa kaniya at naglakad patalikod hanggang sa tuluyan akong makalapit kay Aeignn. Gagalawin ko na sana siya nang may nakita akong isang bagay na una palang ay dapat napansin ko na.
Lubos ang naging kaba ko sa mga oras na ito. Mas higit pa sa kabang naramdaman ko kanina sa sinabi ni Grace. Natatakot ako.... natatakot akong bigla na lamang pumutok ang isa sa mga bagay na itinatago ko.
Lumingon ako kay Grace at nakita kong seryoso na itong nakatingin sa akin. "Hindi magigising 'yang asawa mo, huwag ka nang umasa," aniya sa akin ngunit magkakasunod akong umiling sa kaniya.
"Wala kang alam sa binabangga mo. Napag-utusan ka na nga lang, hindi mo pa inalam ang ibang impormasyon. Palpak ka," wika ko rito. Piling-pili ang mga bawat salita ko dahil kung hindi ako magiging maingat, alam kong malalagay sa alanganin ang mga iniingatan ko.
Nakita kong nainsulto siya sa itinuran kong iyon. "Kaysa naman sa'yo, Callia. Ano na bang—"
Mabilis ko itong binato ng vase na nasa bedside table at nagulat siya roon ngunit mabilis niya iyong naiwasan. "Paaalisin kita ngayon dahil alam kong kailangan mong mag-report sa taong nagpadala sa'yo, para tarantaduhin ako. Pero sa susunod na magkikita tayo, umiwas ka na, dahil hindi ako magdadalawang isip na pasabugin ang ulo mo— at huwag mo nga palang ibida na buntis ka, dahil sa hilatya palang ng pagmumukha mo, hindi titikman ng asawa ko kahit dulo ng daliri mo," mariin na wika ko rito saka ako nagpaputok ng baril sa gilid ng binti niya na halatang pinanghitakutan niya.
Nagkukumahog siyang lumabas ng silid na iyon at nang maisara na niya ang pinto ay napabuntong-hinings ako saka ko ibinaba ang baril na hawak ko.
"Tumayo ka. Alam kong gising ka," malamig na wika ko at nabungaran kong ngumisi siya bago bumangon saka ako hinaklit ang niyakap. Ito sng nakita ko kanina. Nakita kong gising talaga siya at nagpapanggap lamang na lupaypay.
"Alam kong makukuha mo ang mensahe ko," aniya na nagpagulo sa akin kaya't itinulak ko siya ng bahagya.
"Mensahe? Wala akong mensahe na nabasa na galing sa'yo—"
"Pero inutusan ko si Lindzzy na ipabasa sa'yo 'yong sinabi ko dahil nga hindi ka sumasagot sa text at tawag ko," naguguluhan na wika niya.
"Ano bang mensahe ang tinutukoy mo?" Tanong ko dahil maging ako at naguguluhan sa sinasabi niya sa akin.
"I asked Lindzzy to tell you that I am with Grace and I suspect her as an enemy from wherever. Sa dami ng kalaban ng Phyrric, hindi ko alam kung sinong nagpadala sa kaniya," aniya at doon na ako tuluyang nagulat.
"A–Anong ibig mong sabihin?" Utal na wika ko. Hindi ko mabasa kung ano ang susunod pa niyang sasabihin.
"Matagal nang nagtatrabaho sa akin si Manang Dorang ngunit nitong nakaraan lamang niya ipinakilala sa akin na anak niya si Grace at base sa nakikita ko sa kanila, alam kong may mali kay Grace. I acted all natural to lure her, and it all led here," sagot niya sa akin na nagbigay linaw sa lahat.
"So you were saying that it was all her illusion nang sinabi niyang nabilog ka niya?" Tanong ko at sumagot siya sa akin ng pagtango.
"Callia, you've known me for years, yet you still doubt my capabilities and abilities as an agent? Hindi ako maloloko ng isang gaya niya," sagot niyang muli sa akin.
"Hindi ko lang inaasahan na alam mo ang mga nangyayari—"
"And I also knew that you briefly believed her when she told you that she's carrying my child. Goodness, Callia. My sperms are all for you. They are only meant to fertilize one egg cell and that is yours. Stop doubting me and my sperm as well. Wala akong balak na isaboy sila sa isang tuyot na palayan," nakangising wika niya sa akin at tula ako nakaramdam ng hiya at pamumula ng pisngi. "And yeah, your tits are way bigger. Don't compare, babe. Sa'yo lang ang titignan at hahanap-hanapin ko. Your body is all I want in this world. I won't crave for anyone else's."
Humakbang ako palayo dahil sa mga pinagsasasabi niya. "U–Umuwi na tayo," utal na wika ko.
"Callia...." Biglang rumehistro ang kaseryosohan sa mukha niya at tila na ako nabalot ng madilim ba awra. "If you're hiding something from me, better confess it to me now. Ayokong dumating sa punto na dahil sa propesyon na mayroon tayo.... pati ikaw pagdududahan ko."
Hindi ako nakasagot sa sinabi niyang iyon..... dahil alam kong darating at darating ang araw na pagdududahan at kamumuhian niya ako.... pinananalangin ko lang na sana maayos ko na ang mga bagay na dapat kong isa-ayos bago pa dumating ang araw na iyon.
NAKARATING kami sa bahay at alam kong marami siyang gustong sabihin sa akin. Tulog na si Manang Dorang nang makarating kami kaya't hindi na namin siya nakausap pa.
Natapos akong mag-shower at nahiga na sa tabi niya. Nagbabasa siya ng libro at dahan-dahan niya iyong ibinaba nang makita niya akong nahiga saka siya tumitig sa mga mata ko.
"Why did you let her go? Mas makakabuti sana kung dinala natin siya sa Phyrric," aniya sa akin at saglit akong nawalan ng isasagot ko sa kaniya.
"It's for the best, Aeignn. Hindi ko gagawin 'yon—"
"Kung hindi iyon makakabuti para sa iyo," putol niya sa akin na ikinagulat ko. "I don't know your intentions, Callia, but I trust you. I trust you so much kahit na hindi lumilinya sa desisyon ko ang desisyon mo. Mahal kita kaya't kahit anong desisyon ang gawin mo, sasang-ayunan ko," aniya at saglit na huminto bago hinaplos ang pisngi ko. "But remember that I'm not just your husband, Callia. I am the chief of the elite agents. I am a son of the chief commander of Phyrric. I am a brother of an agent. Kung magkakagipitan sa mga desisyon, hindi ko maipapangako sa'yo na laging ang sa'yo ang pipiliin ko," mahabang turan niya sa akin na naiintindihan ko.... Oo naiintindihan ko.
"Hindi mo kailangan laging sang-ayunan ang mga desisyon ko. Kung sa palagay mong mali, pwede mo 'kong baliin—"
"Even if it will expose you?" Aniya saka mapait na ngumiti sa akin. Doon ko tuluyang napagtanto na may nalalaman siya ukol sa akin, ngunit wala siyang sapat na impormasyon kaya't nais niya akong magsalita.
"Even if it will expose me. Kahit ano pa 'yan, Aeignn. Always prioritize the welfare of many," seryosong sagot ko sa kaniya.
"Matulog ka na," aniya saka ako hinalikan sa noo bago siya bumangon at lumabas ng silid.
Pumikit ako ngunit hindi ako madalaw-dalaw ng antok. Siguro dahil sa dami ng iniisip ko at pati ang relasyon namin ay naaapektuhan..... Hindi. Mula't simula pa nga pala ay apektado na siya at ang kung ano mang meron kami ng mapait na sitwasyong mayroon ako.
Bumangon ako at bumaba upang hanapin siya. Naabutan ko siya sa may mini bar niya at umiinom ng alak. He looks so miserable at wala man lamang akong magawa para sa kaniya.
"Aeignn..." Pagtawag ko sa kaniya at napalingon naman siya sa akin saka siya ngumiti.
"Bakit gising ka pa?" Tila wala lang na wika niya sa akin. Kaya niyang magpanggap na ayos lang ang lahat.... na hindi niya iniisip ang kung ano mang mayroon sa akin.
"You have to tell me what's going on your mind, Aeignn. Hindi pwedeng ganito. Magkasama tayo pero—"
"Magkasama at mag-asawa tayo, Callia. Sinasabi mong mahal mo 'ko, pero sa ating dalawa, ikaw ang walang tiwala sa akin. I feel so useless. I feel so unworthy," putol niya sa akin at tila ako nahagingan ng malamig na hangin sa sinabi niya.
"Aeignn—"
"Are you plotting something that would eventually hurt me? Mahal na mahal kasi kita. Baka hindi ko kayanin," saka siya muling mapait na ngumiti sa akin. This time, pain is too visible in his expressive eyes.
"Hindi ko alam," saka ako umiling-iling.
"Hindi ako humihiling ng kahit na ano sa'yo. Mahalin at pagkatiwalaan mo lang ako, sapat na sana sa akin 'yon," aniya saka tumayo mula sa high stool at lumapit sa akin.
Nasasaktan ako na nasasaktan siya. Nasasaktan ako na hindi ko masabi sa kaniya ang sitwasyon dahil alam kong hindi iyon makakabuti at hindi papabor sa amin. Nasasaktan ako dahil ang taong binigay ang buong tiwala sa akin, ay ito ako at winawasak ko ngayon.
Akmang yayakapin niya ako ngunit humakbang ako palayo sa kaniya.
"Aeignn..... Do you want us to—"
"Get annulled?" Putol niya dapat na sasabibin ko saka siya mapait na ngumiti sa akin. "Puro ka pala pasakit mahalin, Callia. Kaunting sakit lang hiwalay na agad ang solusyon sa'yo," pagpapatuloy niya ngunit humakbang ako palapit sa kaniya at hinawakan siya sa magkabilang pisngi.
"I'm not asking for an annulment, Aeignn. I was about to ask if you want us to runaway from everything. If you want us to leave this situation and turned our backs at our responsibilities, kasi pagod na rin ako," nakangiting wika ko sa kaniya ngunit tila hindi siya natuwa sa itinuran kong iyon. Bagkus ay inalis niya ang mga kamay kong nakahawak sa kaniya.
"Tatalikuran mo lang naman ang lahat kapag hindi mo kayang harapin ang katotohanan. Now tell me, Callia.....
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...Are you an ally or an enemy?"
Sumeryoso ang mukha ko sa itinanong niyang iyon sa akin at tinitigan ko siya sa mga mata bago ako sumagot.
"I am more than an ally and greater than an enemy. I have no loyalty."
The day has finally came. Kailangan ko nang hubarin ang maskara ko..... I'll show my true identity that would hurt many.
MISSY
Dumating ako sa Phyrric at nagkakagulo ang lahat. Hindi ko alam kung anong uunahin ko. Kung ang makibalita ba o ang makigulo sa kanila. Sa huli ay pinili kong tumungo sa opisina ni Aeiryn at tanungin siya. Si Aeiryn lang naman ang madalas na natitirang kalmado sa mga ganitong sitwasyon.
'Pag bukas ko ng pintuan ni Aeiryn ay bumungad siya sa akin na nakatingin lamang sa gawi mismo ng pinto.
"Alam kong darating ka," aniya sa akin saka mapait na ngumisi.
"Anong ganap? Bakit ang gulo? Bakit parang mga langgam sa tag-ulan ang mga tao rito. Umatake ba ang Eerie?" Tuloy-tuloy na tanong ko at tumayo sa Aeiryn mula sa upuan niya at lumapit sa glass window saka niya hinawi ang kurtina kung saan tanaw ang nagkakagulong mga agents.
"Hindi Eerie ang umatake," aniya sa akin habang nakatingin pa rin sa mga agents. "Mundo ni kuya ang gumuguho sa ngayon. Mundo niyang pinipilit buoin ngunit simula pa lamang ay puro lamat na, kaya't ngayon ay hindi na niya alam kung saan sisimulang ayusin," matalinhaga niyang pagpapatuloy.
"Ano? Jusmeyo, Aeiryn. Hindi ako ang Mommy mo, hindi kita maiintindihan sa mga paganiyan-ganiyan mo," nakangusong wika ko na siyang ikinabaling niya sa akin.
"Not a traitor and not an ally? Or a traitor and an ally? She's just between the two."
"Ayusin mo na kasi. Hindi ko talaga ma-gets, promise!" Naiinis na 'ko. Nakakaloka siya. Hindi naman ako nakikipaglaro ng bugtong.
"AEIRYN!!!" Kapwa kami napalingon ni Aeiryn sa pinanggalingan ng tinig na iyon at nakita namin si Aeignn na nanlilisik ang mga mata habanag nakatingin sa kapatid niya.
"What now, kuya?" Tila wala lang na wika ni Aeiryn dito.
"Where is she? Where the fuck is she!!!?" He's histerical— no, that was an understatement.
"Huwag mo sa'kin hanapin ang asawa mo. I have no habit of kidnapping people. Maybe she went to the place where she really belongs. Let her be—" Kapwa kami napaigtad sa gulat ni Aeiryn nang bigla na lamang sinuntok ni Aeignn ng malakas ang glass table ni Aeiryn na naging sanhi ng pagkabasag n'on.
"She's my wife. Despite of her fucking secrets, she's still my wife. I need to fucking find her, or this organization will be doomed," aniya na tila hindi naman ang kapatid niya ang kausap.
"You're wrong. Callia being here, will only fuck this organization up. Get back to your senses."
Gulong-gulo ako sa naririnig ko. Hindi ko sila masundan. Hindi ko sila maintindihan. Bakit si Callia? Anong mayroon sa kaniya?
--
ICE_FREEZE
AEIGNN's POV IS COMING FOR THE NEXT CHAPTERS. LAST 10 CHAPS THEN AN EPILOGUE. HUWAG N'YO MUNANG HANAPIN SA AKIN SI CALLIA SA MGA SUSUNOD NA CHAPTERS. I WANT ALL OF YOU TO FOCUS ON AEIGNN's POV. AREN'T YOU WONDERING HOW HE FELL FOR HER SO DEEPLY?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top