Twelve
CALLIA
Magkasama kami ngayon dito sa bahay at nag-aayos siya ng pagkain sa kusina. Hindi ko alam kung ginagawa niya ba 'to upang makabawi sa ginawa niyang pagsiwalat sa totoong relasyon namin kay Migo kahit na napag-usapan naming hindi iyon sasabihin o dahil gusto niya lang.
"Anak?" Napalingon ako kay Nanay at nakita ko siyang nakangiti sa akin.
Oo, naging successful ang kidney transplant ni Nanay. Maayos na tinanggap ng sistema niya ang kidney ni Aeignn at hindi nagkaroon ng kidney rejection. Kaso ang problema, ang isang bato naman ni Nanay ngayon ang may kidney failure kaya't patuloy siyang sumailalim sa dialysis. Alam kong nahihirapan na siya, ngunit dahil alam niyang kinakaya ko, kaya kinakaya niya.
"Po, nay?"
"Bakit ba hindi ka pa tumira sa bahay ni Aeignn? Narito naman si Olga ay masasamahan ako. Anak, mapapagaan ang buhay mo kung tatanggapin mo na sa sarili mong kasal ka na," aniya sa akin saka ginagap ang kamay ko.
"Nay, alam mo naman na ayaw kong dumepende sa kaniya—"
"Hindi ko sinasabing dumepende ka sa kaniya. Ang sa akin lang, asawa mo si Aeignn. Huwag mong tanggihan ang mga tulong na ibinibigay niya. Alam kong hindi niya 'yon ginagawa dahil lang responsibilidad ka niya o ako. Alam kong mahal ka ng asawa mo," anito sa akin na bahagyang ikinabalisa ko. Hindi ko alam... marahil ay hindi lang ako sanay na naririnig ang mga salitang iyon na pumapatungkol kay Aeignn.
"Nay, hindi marunong magmahal si Aeignn. Hindi niya ako mamahalin. Wala naman problema sa pagsasama namin dahil hindi ko naman din siya mahal—"
"Anak, alam ko ang tungkol kay Migo. Sinabi ni Olga sa akin no'ng isang araw," nagulat ako sa narinig ko. Hindi ko sinasabi kay Nanay na may boyfriend ako kahit pa asawa ko si Aeignn. Hindi ko sinasabi sa kaniya na nakahanap ako ng comfort zone ko sa ibang tao at hindi sa asawa ko.
"P–Pasensya ka na po, Nay. Hindi ko ginustong mahulog kay Migo," nakayukong wika ko ngunit bigla na lamang akong niyakap ni Nanay.
"Anak, hindi masamang magmahal. Nagiging mali at masama lang iyan, kung pati sarili mo ay lolokohin mo. Anak kita, kilala kita, alam ko kung anong gusto at ayaw mo. Mas higit kitang kilala kaysa pagkakakilala mo sa sarili mo. Hindi masamang sundin ang dikta ng puso kaysa dikta ng utak. Hindi kailangan lagi kang nag-iisip ng susunod mong gagawin, minsan kailangan mong pakinggan ang dikta ng puso mo hindi para masaktan at maging tanga, kung hindi para maranasan mo ang maging masaya.... ang maging tunay na masaya," kusang tumulo ang mga luha ko sa narinig kong iyon mula kay Nanay.
Niyakap ko si Nanay pabalik ng mas mahigpit saka ako dumukdok sa balikat niya. "Nay, ang dami kong responsibilidad. Ang dami kong dapat gawin. Ang dami kong pagkakamali na hindi ko alam kung kailan ko maitatama," humihikbing wika ko.
Inilayo ako ni nanay sa kaniya saka marahang pinunasan ang mga luha ko. "Anak, ikaw lang ang tanging makakapagtama ng lahat. Ikaw lang ang makakaresolba ng lahat. Kung darating ang panahon na pakiramdam mo wala nang magtitiwala sa'yo dahil sa mga maling desisyon mo, nandito lang ang nanay. Hangga't nabubuhay ako, kakampi mo 'ko," lalo akong naging emosyonal sa sinabi niyang iyon. Pakiramdam ko ay may alam si Nanay sa mga tinutukoy ko.
Isang malakas na pagtikhim ang nakapagpalingon sa akin at nalingunan ko si Aeignn na may suot na apron.
"The food is ready," aniya saka na niya kami tinalikuran.
"Mahal ka ng asawa mo, sigurado ako."
NAKAILANG balik na ako sa opisina ni Chief ngunit hindi ko pa rin siya naabutan. Kailangan ko siyang makausap. Kailangan kong masabi sa kaniya ang mga importanteng impormasyon na nalalaman ko.
"Callia," napalingon ako sa nagsalita at nabungaran ko si Aeiryn na hindi maganda ang pagkakatingin sa akin.
"Anong kailangan mo?" Walang emosyon na wika ko rito.
Akala ko ay sasagutin niya ako ngunit isang malutong na sampal ang iginawad niya sa akin. "Kung hindi mo kayang iwan ang kuya ko, panindigan mo ang pagiging asawa sa kaniya," wika nito sa akin na lubos na ikinalaki ng mga mata ko.
"Ano bang sinasabi mo—"
"O ako mismo ang papatay sa Migo Reyes na 'yon. Hindi mo gugustuhin na bumangga ng isang Freezell, Callia, lalo na at kapatid ko pa. Kayang-kaya kong pumatay para kay kuya," walang gatol na wika nito sa akin at animo siya binalutan ng madilim na awra.
"Kung ano mang mayroon sa amin ni Aeignn, o kung ano man ang napag-usapan namin, labas ka na roon—"
"Kung kailangan kong magmakaawa sa'yo para lang maging mabuti ang pakitungo mo sa kuya ko, kung kailangan kong ipagkalulo sa'yo 'tong sarili ko para lang mahalin mo siya, gagawin ko, Callia. I want my brother to be happy. Despite of his evil side, I want the best for him," aniya at unti-unting lumambot ang ekspresyon ng mukha niya.
"Don't beg for me, Aeiryn. Hindi ko iyan kailangan," kapwa kami nagulat ni Aeiryn sa tinig na iyon.
Magsasalita pa sana ako ngunit bigla na lamang kinuha ni Aeignn ang kamay ko at hinila ako palayo.
"Kuya!" Dinig kong habol na wika ni Aeiryn ngunit hindi natinag si Aeignn.
Akala ko ay kung saan niya ako dadalhin ngunit dito niya lamang ako dinala sa opisina niya.
"Aalis na 'ko—"
"Just fucking stay. Hirap na hirap ka bang makasama ako?" Putol niya sa akin sa tila nauubusan nang pasensya na tono.
"Wala akong gagawin dito. Hinihintay ko si Chief, may mahalaga kaming pag-uusapan," wika ko sa kaniya na hindi ipinahalata na kinakabahan at natatakot ako sa mga oras na ito. Ayokong makita niyang may takot pa rin akong nararamdaman sa kaniya. Kailangan kong maging matigas at matatag.
Nagulat ako nang bigla na lamang niya akong isinandal sa malaking aquarium kung nasaan ang mga alaga niyang pirana.
"Does my mom weighs more than me, your husband?" Aniya sa isang hindi maipaliwanag na tono.
"Mas may kakayahan si Chief na patayin ako—"
"Kaya rin kitang patayin..... sa sarap, Callia," nangilabot ako sa paraan ng pagkakasabi niya no'n. Hindi ako naging handa para sa mga salitang iyon.
"A–Anong pinagsasasabi mo!?" Defense mechanism? Right. I shouted so loud to hide my blushing face.
"Are you ready to face your fucking lover now, babe?" Mapang-akit na wika niya saka hinawi ang iilang hibla ng buhok ko.
"Anong gusto mong gawin ko?" Pagmamatapang ko.
"Move in my house. Let's be a real married couple. Break up with him. You don't love him enough," walang patid na wika niya sa akin saka ako nginisian. "Sa akin umiinog ang mundo mo, Callia. Believe it or not."
Nakipagsukatan ako ng tingin sa kaniya saka ko siya nginisian. Ayoko lang iparamdam sa kaniya na kaya niya akong sakupin. Sa pagdaan ng taon ay natutunan kong tumatag. "I don't love him enough? Paano mong nasabi 'yan?"
"Ako lang ang kilala ng sistema mo, Callia. Your system will only respond to me. Your body will always remembers its first... and that's me. We had sex for more than a hundred times, and with those times, I knew I was the only one. Ako lang. Sa akin lang sasabay ang katawan mo, sa akin lang gagana ang sistema mo," at bigla na lamang niya akong siniil ng isang mapusok na halik.
Mukhang totoo ang sinabi niya... mukhang siya nga lang talaga ang kilala ng sistema ko dahil kusang gumapang ang mga braso ko para pumalupot sa leeg niya at sagutin ang mapusok na halik na iyon.
Hindi gaya nang kay Migo, kailangan niya pa akong pilitin na tugunin siya... Si Aeignn, kilalang-kilala siya ng sistema ko. Alam na alam ng katawan ko kung paano tugunin ang mga haplos at halik niya
Damang-dama ko ang paggalaw ng mga kabi niya sa mga labi ko. Ang pagdama niya sa pang-ibabang labi ko, hanggang sa pagkagat niya rito upang umawang ang bibig ko at makapasok ang mumunti niyang dila sa loob.
"Uggghhh..." Tanging mahihinang ungol ko lamang ang maririnig sa opisina. Sa simpleng halik lamang na ito ay binubuhay ang dugo ko.
Nakipag-espadahan ang dila ko sa kaniya at nang kapwa na kami kinakapos ng hininga ay ako na ang nagpumilit na kumawala sa halik niya.
Nakita ko siyang nakangisi sa akin saka pinagdikit ang mga noo namin. Nahulog pa ang iilang hibla ng buhok niyang mahaba sa harap namin. "See that, babe? Ako lang makaka-apekto sa'yo ng ganito," wika niya saka marahang lumayo.
Akala kp ay tuluyan na siyang lalayo ngunit pinunasan niya ng hinalalaki niyang daliri ang gilid ng mga labi kung saan alam kong nabahiran ng laway naming dalawa.
"Pumapayag na 'ko," wika ko na nakapagpahinto sa kaniya sa pagpunas sa gilid ng labi ko.
"What do you mean?"
"We'll give our marriage a chance. I'll move in to your house, and I will formally break up with Migo," nakita kong saglit siyang natigilan sa sinabi ko, ngunit nang makahuma na siya ay bigla na lamang niya akong hinatak at niyakap ng mahigpit.
"I'll have you all day and all night, Mrs. Callia Ricafort."
Did I just make a wrong decision?
"CALLIA!" Agad akong napaangat ng tingin at nakita ko si Syrene na kasama si Missy at kapwa sila may mga dalang maleta.
Huminga muna ako ng malalim at pinilit winawaglit sa isip ko ang nangyari sa loob ng opisina ni Aeignn bago ko sila tinungo.
"Saan ang punta ninyo?" Usisa ko sa kanila.
"Hindi ako kasama, si Syreen lang," sagot ni Missy.
"Hindi ako pinayagan ni Chief na mag-quit. Bibigyan niya nalang daw ako ng ilang buwan na pahinga para maalagaan ko si Inang. Pinatos ko na rin, para kahit paano may trabaho pa rin akong babalikan," wika niya saka malungkot na ngumiti sa akin. Alam ko naman gaano kamahal ni Syreen ang trabaho niya, siguro mas matimbang lang talagang ang pamilya.
"Mag-iingat ka roon. Balitaan mo nalang kami," sabat ni Missy saka niya niyakap si Syreen. They are actually the best of friends here in Phyrric.
"SANDALEEEEEEEEEEE!" Lahat kami ay napalingon sa sumigaw na iyon. "Sure ka nang aalis ka na? Hindi ka na magpapapigil, Sirena?"
"Oo, Jice. Kasi kapag nagpapigil pa 'ko, baka lalo na akong ma-invade ng bunganga mo. Adapt na adapt ko na halos dahil lagi kitang kasama sa side mission—"
"Hindi rin! Nakapag-jugjugan nga kami ni Laeven no'ng minsan sa mission bus pero wala ka. Huwag ka nga," gusto ko nalang talagang tapalan ng tape ang bibig niya. No wonder pati ang anak niya ay nakuha ang mga salita niya.
"Dinig ko 'yon, girl. Pinili ko lang talagang manahimik kasi puro halinghing mo 'yong nangingibabaw... ah oo, tsaka pala 'uhmm ang sarap, baby'ni Laeven. Nakakahiya kayo!" Maybe she's right. Mukhang na-adapt na nga niya ang bibig ni Jice.
"Keri lang, girl. Sa susunod ikaw na ang hahalinghing—"
"Mrs. Villafuerte, your mouth!" Lahat kami ay napatanga nang bigla na lamang dumadating si Laeven na nakangisi. "Sa kama ko lang gusto 'yang dirty talks mo, not here."
Bigla na lamang siyang umangkla sa asawa niya at humalik sa pisngi nito na ikina-iling ko. "Sure, seven eLaeven. Alam mo naman na sa'yo lang mawe-wet, sa'yo lang magpapaputok."
Mabilis na lamang akong tumalikod sa naging usapan nila. Honestly, I'm pretty wondering how it feels like to be love by a Freezell... dahil kami ni Aeignn? We are just fuck buddies with a marriage license.
SOMEONE
"These are the papers you asked from me," the person in front of me just gave me a brown envelope. Kinuha ko ito at binuksan.
"These are not the informations I need," matabang na wika ko rito saka ko siya tinitigan sa mga mata. "Don't fucking fool me," saka ko hinampas sa mesa ang envelope at nakita ko siyang nahintakutan.
"Iyan lang ang nakuha ko sa ngayon—"
"You've been a member for how many years now. Palagay mo paniniwalaan kita? Drop the papers I need," wika ko rito at nakita ko ang gulat na ekspresyon niya.
"P–Paano n'yong nalaman—"
"Hindi mahina ang utak ko. Alam ko ang bawat galaw mo. Kung hindi mo balak ibigay ang mga kailangan kong dokumento, better quit now. Hindi ko kailangan ng taong gaya mo," deretsong wika ko sa kaniya.
"I'll get it as soon as possible. Just give me some more time," sagot niya sa akin bago yumuko at nawala na sa paningin ko.
Hindi ako makapapayag na malamangan at maisahan pang muli ngayon. Masyado nang marami ang mga naging sakripisyo at hirap ko upang magpatuloy ang ganito. Kailangan ko nang makuha ang nais ko. Kailangan ko nang magawa ang dapat kong gawin.
Kung kinakailangan na tumapak ako ng iba ay gagawin ko, magawa ko lang mga dapat.
--
UNEDITED.
SINONG TAGA BATAAN AT PAMPANGA RITO? I'M BOTH FROM DINALUPIHAN BATAAN, AND SAN JUAN LUBAO, PAMPANGA. 🤟😂
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top