Thirty
NIGEL
He looks so miserable in front of me. He's wasted pero ito kami ng anak kong si Lex, pareho nakatingin lang sa kuya Lev niya habang nagpapakalango siya sa alak.
I've been there. I know the pain. I know the regrets. I went through insanity. I had experienced those things when my wife faked her death. I also thought that it was the end of everything for me.
"Fuck this fucking life of mine," aniya saka bumato ng bote sa kung saan na naging sanhi ng pagkabasag nito.
"Kuya!" I heard Lex shouted.
I tapped his shoulder as I shooked my head. "Let him."
"But, Dad—"
"The worst pain, is the pain within, Lex. The most disastrous enemy, is no one else but yourself. Guilt and pain is currently eating your kuya Lev's sanity and we cannot do anything about it," I told Lex as I sipped from my own bottle.
Hindi na ako nagtakha nang tumayo mula sa pagkakaupo sa sahig si Lev at lumakad patungo sa akin. Bumabangga pa siya sa mga mesa at upuan.
"Dad," aniya at bigla siyang lumuhod sa harap ko. He's wasted... totally wasted. Huwag sana kaming mahanap ng Mommy nila, kung hindi sasamain ako.
"Umuwi na tayo," wika ko ngunit bigla siyang lumuha. He's the strongest among my children, and yet, he's crying in front of me.
"Dad, am I that vicious? Am I that cruel? Parusa ko na ba 'to?" He asked me. "Can you beg Mom to look for my wife and my child? I'm slowly getting insane, Dad. I'm slowly losing myself. It was just like yesterday when I am enjoying my wife's company... and now it hits me.... I'm slowly losing her.... I'm losing her..... again," he begged while crying.
Ang hirap makita na sarili kong anak ang nagmamakaawa sa harap ko. Ang sakit makita na wala akong magawa para sa kaniya.
"I'll talk to your mother regarding this—"
"Why does it have to be me and Callia? Are we ill-fated? Or was this my own karma? This fucking sucks. Hindi ba ako pwedeng maging masaya? Am I now allowed to be with the only woman I ever loved? Pakiramdam ko tinatarantado kami ng pagkakataon." I could feel his pain. I was once there. I even blamed myself for being too weak for Aei.
Nakita kong tumayo si Lex saka lumuhod at niyakap ang kuya niya. "I may not be aware of your pain, but everything's gonna be okay, kuya. Mahahanap ang mag-ina mo. Maibabalik ang mag-ina mo sa'yo," wika niya sa kuya niya.
"It's almost seven months since she went missing. Hindi ko alam kung kumakain ba siya ng maayos, kung nasa maayos ba siyang kalagayan, kung..... kung..... kung buhay pa ba sila ng anak ko," those words broke my heart as a father.
"Just hang in there, son. I'm sure your Mom is doing her very best for you. Let's trust her," wika ko saka ko sila kapwa inalalayan ni Lex na tumayo.
Ginulo ko ang buhok nila saka ko sila sabay na niyakap dalawa. "Anak ko kayo, pero bakit ang babakla n'yo? Magagawan ng paraan lahat ng 'to. Magtiwala tayo.... sa Mommy n'yo. Alam n'yo naman 'yon, akala mo taga-bantay ng gate papuntang langit. Alam lahat."
I heard Lex chuckled. I just hugged them tighter.
AEIGNN
Masakit ang ulo na napabangon ako mula sa higaan. Tumuloy ako sa baba upang uminom ng tubig. This house feels so empty. I sent Manang Dorang in a private mental institution.
Saktong kukuha na sana ako ng tubig nang bigla akong makarinig ng kaluskos. Mapait akong napangiti.
"What took you so long? Kung papatayin n'yo 'ko, patayin n'yo na 'ko. Wala na rin saysay ang buhay ko," wika ko saka ako sumandal sa lababo at pumikit.
I am really ready to die. Ano pang silbing mabuhay kung 'yong ga dahilan para gustuhin mong mabuhay at magpatuloy ay wala na?
These days, pakiramdam ko ay may nagmamatyag sa akin. Hindi ko alam kung sino at kaninong tauhan ang mga iyon sa dami na ng mga nakabangga ko. Wala na rin naman akong pakialam. Kung sila rin naman ang magdadala sa akin sa impyerno, baka pasalamatan ko pa sila.
"Lumabas na kayo. Wala akong balak makipaglaro sa inyo. Kill me now, I don't fucking care!" Sigaw ko.
"Ang bilis mo naman mawalan ng pag-asa," agad akong napamulat ng mata sa narinig kong tinig na iyon.
"Anong ginagawa mo rito? Gaganti ka na ngayon sa akin? Ikaw na ang magagagawad ng kamatayan ko?" Sarkastiko kong wika sa taong bumungad sa akin.
"Do you know why I accepted to be an accessory for Callia? It was because I love her so much. Noong unang beses na pinuntahan niya ako saka sinabi niyang magkapatid kami at kailangan niya ang tulong ko, I immediately agreed kahit na alam ko na agad na hindi ako ang totoong kapatid niya. You see, Aeignn, hindi kailangan ng kapalit kapag nagmahal ka. Kahit ibigay mo nalang nang ibigay lahat, kahit wala nang matira sa'yo, importante masaya 'yong mahal mo. Ang labo mo, pre. Paano mo nagagawang isuko 'yang buhay mo gayong hindi ka naman sigurado sa kung anong lagay ng mag-ina mo? Sasayangin mo nalang ba 'yong pagmamahal na inagaw mo sa'kin? If that's the case, dude, mas maigi ngang patayin nalang kita."
Every word he just said, hit me.... fucking hard.
"Nasaan sila? Nasaan ang mag-ina ko?" Sa paraan ng pananalita niya, alam kong may alam siya.
"Akala ko ba handa ka nang mamatay—"
"Fucking tell me, Migo! I'm fucking desperate!" Sigaw ko ngunit nginisian lamang niya ako.
"Paano kung ayoko?"
"Are you for Eerie? Or are you for Phyrric—"
"I'm for Callia, Aeignn. Wala akong ibang poprotektahan kung hindi siya lang," sagot niya sa akin.
"Anong dapat kong gawin? Kung kinakailangan na magmakaawa ako sa'yo para lang makita ko ang mag-ina ko, gagawin ko, Migo. Kahit hilingin mo ang buhay ko, ibibigay ko." Yes, I'm desperate. I'm fucking desperate.
"I'll be meeting Duke Navarro later.... with Callia. Duke just entered the Philippines an hour ago at gusto niya nang makuha si Callia. This is your last chance, Aeignn. If you fail this one last chance, I'm sorry. Hanggang dito lang ang kaya kong itulong sa'yo," wika ni Migo sa akin saka na siya lumabas ng pamamahay ko.
Agaran akong naligo at nagbihis saka tumungo sa Phyrric. Dumeretso ako sa opisina ni Mommy at marahas kong binuksan ang pinto.
"So, you knew? You knew where my wife is, all along," puno ng pait na sumbat ko sa kaniya.
"Wala akong ginawang hindi makabubuti para sa lahat. Stop acting up in front of me," walang emosyong wika niya sa akin.
"You made me suffer for seven freaking months tapos wala kang ginagawang hindi makabubuti!? MOM!!!"
Nagulat na lamang ako nang bigla niyang hawakan ang baril at itinutok ito sa akin. "This is the very reason why I didn't tell you. You're like your father! You're a freaking nagger! How the fuck can you inherit half of my brain and half of his!? Dapat noon ka pa 'to naisip," she said with a very strange emotion in her eyes.
"What do you mean—"
"Iyang Daddy mo, kung anu-anong pinagsasabi at drinama sa akin kagabi dahil daw miserable ka. Kung sinabi ko sa inyo ang mga plano ko, you would've had ruined my plans for sure. Pareho kayong kalawang mag-isip. Pareho kayong malayo sa katotohanan ang mga reaksyon!" I don't know but Mom is so weird as of the moment.
"Did—"
"SHUT THE FUCK UP, AEIGNN LEV!"
"Oh he did something to you—"
"Yes, I did. Your Mom enjoyed it," biglang sabat ni Dad na pumasok ng opisina ni Mom.
"Why do you have to be here in this crucial moment?" blangko ang tinig na wika ni Mommy at ibinaba ang baril saka naupo sa upuan niya habang napapahilot sa sentido niya.
"Just tell your son your reason para mawala na siya sa paningin natin. I'm not yet done with you, wife," wika ni Dad saka naglakad patungo kay Mom.
"Itinago namin ni Dylan si Callia dahil alam namin na kusang lilitaw si Duke para hanapin siya, at sa oras na lumabas si Duke, iyon na ang pagkakataon namin na gawin ang dapat gawin. She's also with Gyor and Shawn na kapwa magaling na sa ngayon," paliwanag ni Mom at tila nabunutan ako ng tinik sa dibdib sa narinig ko.
"About what Migo told me—"
"Yes, Aeignn. We're killing Eerie's head today."
HALOS hindi ko magawang makahinga dahil sa nakikita ko. Nasa kaliwang bahagi ng abandonadong daan si Duke samantalang nasa kanang bahagi naman sina Migo.... at Callia. Ang asawa ko.... ang babaeng mahal na mahal ko na ngayon ay tila kabuwanan na ng tiyan niya. Nakatali ang mga kamay niya at may busal siya sa bibig.
"Wait, son. Hindi pwedeng kikilos ka sa paraan na dinidikta ng damdamin mo," dinig kong wika ni Mommy.
May nakakabit na mouthpiece sa sapatos ni Migo kaya't naririnig namin ang pinag-uusapan nila.
"Dala ko ang mga diyamante na nais mong kapalit ng anak ko," dinig kong wika ni Duke. "Mukha ka rin palang pera," dagdag pa nito na sinabayan ng tawa.
"Hindi naman ako mapapakain ng pagmamahal. Isa pa, hindi magagamot ni Callia ang kanser ni Mommy," sagot sa kaniya ni Migo na nakita kong ikinabigla ni Callia. Mukhang hindi niya alam iyon.
"Tama ang mga desisyon mo sa buhay. Parang ang sarap mong maging tauhan—"
"Wala akong balak maging amo ka. Akin na ang mga diyamante," wika ni Migo rito at may hinagis ito sa kaniyang kulay itim na coin purse.
"Now, give me my daughter," wika nito at nakita kong hinawakan ni Migo sa braso si Callia ng mahigpit.
"Now!" Dinig kong utos ni Mommy kaya't mabilis akong bumaba kasabay ng pagpapaputok ng mga senior elites ng mga sniper guns nila na kanina pa nakatutok kay Duke.
Mabilis akong dumulog sa asawa ko at nakita kong nakasunod si Mommy sa akin. Mabilis kong inalis ang mga tali ni Callia, ngunit hindi ko inaasahan na bigla niyang dudukutin ang baril na nasa tagiliran ko. Lumapit siya sa sarili niyang ama saka niya pa ito magkakasunod na pinaputukan hanggang sa sumuka na ito ng dugo.
"That was for Shanna and for the years that you tormented my life. May you rest in hell," aniya kasabay ng lumuluhang mga mata. "I was never grateful that you are my father."
Kinuha ni Mom kay Callia ang baril at iniabot ito sa akin. "As the future Chief of Phyrric, you need to learn the lesson here, Aeignn. You need to wait for the enemy to let his guard down before you finally make your own move. Kung hindi siya naging ganid na makuha si Callia, hindi siya maiisahan."
Hindi ko alam ngunit hindi ko na inintindi ang sinasabi ni Mommy, mabilis kong hinatak si Callia saka sana siya yayakapin ngunit biglang tumama ang malaking tiyan niya sa akin.... gulat na gulat ang pakiramdam ko at tila.......
"AEIGNN!"
CALLIA
Hinahaplos ko ang buhok niya habang mahimbing ang tulog niya. Who would've thought that the great Aeignn Lev Ricafort would lose his composure just because of pregnancy?
Nakita kong unti-unti na siyang gumalaw kaya't inayos ko ang upo ko. I missed him. For that past months na wala siya sa tabi ko ay tila ako pinaparusahan.
Honestly, I'm glad na natapos ang lahat ng ito bago ko pa mailabas ang anak namin. I'm glad na natapos na ang lahat ng dapat matapos. If not for Duke's selfishness, baka hanggang ngayon ay malayo ako sa taong mahal ko.
Duke wasn't the sole owner of Eerie, that was an information I got from an insider. Kaya't hanggang ngayon ay palaisipan sa akin kung ano nga ba ang Eerie. Totoo bang masama ang organisayon o ang mga taong nagpapatakbo lamang dito ang baluktot ang mga paniniwala? Totoo bang may organisayon na Eerie o gawa-gawa lamang ito? Ang alam ko ay kinailangan ni Duke ang pirma ko bilang tagapagmana upang makuha niya ang pribilehiyo na ninanais niyang makuha mula sa Eerie kaya't ginusto niya akong makuha.
"C...Callia—"
"I'm here," wika ko saka ko ginagap ang mga kamay niya.
Nagulat ako ng gumapang siya mula sa pagkakahiga para lamang pala idikit ang tainga niya sa ma-umbok kong tiyan.
"Hi baby, si Daddy 'to. Pasensya na kung laging nahihimatay ang Daddy kapag naaalala ko ang existence mo, pero promise excited na akong ma-meet ka in person— WHAT THE F....FISH! SUMIPA SIYA!!!"
Napangiti ako sa naging reaksyon niya. Kabuwanan ko na at malapit nang lumabas ang mumunting anghel na ito na ngayon ay nagpapakitang gilas sa ama niya.
Nagulat ako nang nilislis niya ang damit ko pataas para lamang pala halikan ang tiyan ko.
"I love you both. Thank you for coming back to me. Thank you, Callia."
--
ICE_FREEZE
*****
SHOUT OUT PO KAY VILMA Y. CALIBOSO NA MAGANDA, SEXY AT SOLID NA FREEZIE! ILOVEYOU SAGAD. ❤
*****
EPILOGUE POSTED ALONG WITH THIS CHAPTER! GO.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top