Thirteen
CALLIA
Hatak-hatak ko ang dalawang maleta ko papasok ng bahay niya... namin? Seryoso ako nang sabihin ko na bibigyan ko ng pagkakataon ang kasal namin na 'to.
"Magandang araw po Ma'am Callia," isang matandang babae ang sumalubong sa akin nang patungo na sana ako sa sala. Kinuha nito ang mga maleta na dala ko.
"Magandang araw rin po. Kayo po si?"
"Ay. Tawagin n'yo nalang po akong manang Dorang. Matagal na po akong kasambahay ni Sir Aeignn," nakangiting sagot sa akin nito.
"Sige po, manang Dorang. Nasaan nga po pala si Aeignn?" Tanong ko dahil kanina pa lumilibad ang mata ko sa paligid ngunit wala kahit anino niya.
Dalawang palapag ang bahay niyang ito. May isang magarang hagdanan na sasalubong sa'yo 'pag pasok, at maraming mga muwebles na alam mo agad na hindi biro ang halaga. May mga nakasabit din na paintings na mukhang galing sa mga sikat na pintor..... ngunit ang isang napakalaking larawan sa gitnang dingding ang kumuha ng atensyon ko. Larawan namin iyon nang kasal namin. Kapwa kami nakangiti sa larawan.
"Baka po nasa basement nanaman, Ma'am. Madalas po naroon si Sir dahil doon siya nagtayo ng sarili niyang basketball court," sagot ni manang Dorang. "Aakyat ko na muna po itong mga gamit n'yo. Naibilin na po sa akin ito ni Sir Aeignn," wika nito sa akin saka na umakyat sa hagdanan.
Naglakad ako at hindi ko alam kung saan ako dadaan. Hindi ko naitanong kay manang Dorang kung saan ang daan patungong basement.
Matatawag mo talagang mansyon ang bahay ni Aeignn. Sa palagay ko ay inihanda niya ang bahay na ito para sa isang malaking pamilya.
May isang pintuan ang bahagyang nakaawang kaya't napagdesisyonan kong pumasok doon. Hindi na ako nagulat nang bumungad sa akin ang iba't ibang baril at mga patalim na anino nakadisplay lang, at sa kabilang banda naman ay mga gamit na nais kong nakikita kahit pa sa condo niya.... his sadistic tools. Wala akong ideya kung sa bahay ba na ito ay may inihanda rin siyang playroom.
"Isasara ko na ito," agaran akong napalingon sa nagsalita at may nakita akong isang babaeng morena, maganda ang mukha, at nakadamit pang-kasambahay.
Tinitigan ko lamang ito at hindi ako umimik. Hindi ko gusto ang paraan at tono ng pananalita niya.
"Ay Ma'am Callia, siya nga po pala si Grace, anak ko," wika ni manang Dorang na sumulpot sa kung saan.
"Maglilinis na ako sa taas, Nay," paalam nang babae sa nanay niya at hindi man lamang ako pinagtuunan ng pansin.
"Pasensya na po kayo, Ma'am. Mailap po sa tao ang anak ko," turan ni mang Dorang sa akin nang mawala na sa harap namin ang anak niya.
"Saan nga po pala ang daan patungo sa basement?" Tanong ko rito. Nakangiti niyang tinuro sa akin ang daan na mabilis ko namang sinundan.
Malayo pa ako ay nakakarinig na ako ng talbog na bola. Mukhang naglalaro nga siya.
Nang makalapit na ako sa tunog ng talbog ng bola ay nadatnan ko siyang naglalaro habang tumatagktak ang pawis sa katawan niya. Wala siyang suot na pang-itaas at nakapusod ang mahaba niyang buhok.
Sa palagay ko ay naramdaman niyang may nakamasid sa kaniya kaya't nang ititira na niya ang bola ay bigla niya itong binitawan at doon naman nagtama ang mga mata namin.
Tila saglit na huminto ang pag-ikot ng mundo ko sa titig niyang iyon. May iba sa mga mata niya na hindi ko mawari kung ano.
"What time have you arrived?" Tanong niya na nakapagpabalik sa akin sa katotohanan.
"N–Ngayon lang halos," utal na sagot ko dahil nagsimula siyang lumakad patungo sa gawi ko at hindi ko nagugustuhan ang kabog ng puso ko sa loob ng dibdib ko. Nababagabag ako ng ganitong pakiramdam.
Halos mapagot na ang hininga ko nang bigla na lamang niya akong hinapit sa bewang nang tuluyan na siyang makalapit sa akin. Amoy na amoy ko tuloy ngayon ang pawis niya at dama ko ang init ng katawan niya dahil sa pawis.
"I missed you, Mrs. Ricafort," nabigla ako sa narinig kong iyon kaya't bigla ko siyang naitulak ngunit hindi siya natinag, bagkus ay mas hinigpitan pa niya ang pagkakahapit ng kanang braso niya sa bewang ko.
"M–Mag-usap tayo," wika ko habang pinipilit ang sarili na maging matatag.
Hindi nakaligtas ang mga mata ko sa pagtitig niya. Wala siyang sinabi o isinagot sa akin. Nakatitig lamang siya na tila iniinspeksyon ang mukha ko.... at animo inaakit ako ng mga mata niya na maghubad na sa harap niya sa oras na ito.
"Aeignn—"
"Stop moaning my name. Wala pa 'kong ginagawa sa'yo," aniya sa isang nakakaakit na tono.
Hindi ako umuungol! Hindi ko alam kung paano niyang nasabi iyon.
"Nalalagkitan ako—"
"Gusto mong maglagkitan tayo? Sure, babe. Ngayon na ba?" He cuts me off just to tease me and it irritates me to hell. Sinasadya niya akong ganitohin.
"Aeignn, I agreed to this set up kasi akala ko magiging maayos kang asawa—"
"Ganito akong asawa, Callia. Wild sa kama, tarantado sa iba, malambing sa asawa," aniya at nilaro-laro pa niya ang dila niya sa pang-ibabang labi niya. Hindi ko alam na may ganito siyang pagkatao. Akala ko demonyo lang siya at walang puso.
Nagpumilit akong kumawala sa kaniya ngunit ipinulupot na rin niya ang isa pa niyang braso kaya't wala na akong takas. Higit pa roon ay matangkad at matipuno ang katawan niya. Kahit anong training pa ang gawin ko, hindi ako mananalo sa kaniya... kaya sa huli ay nagpaubaya na lamang ako.
"Gusto mong mag-usap tayo ng ganito?" Nagpapasalamat ako at hindi ako nautal kahit pa ilang pulgada na lamang ang pagitan namin.
"I want to fuck you while talking to you. Palagay mo ba mas okay 'yon?" Aniya saka ako nginisian.
"Aeignn. Just talk to me please—" Naputol ang sinasabi ko nang bigla na lamang niya akong mabilis na hinalikan sa pisngi. Literal na gulat na gulat ako. Parang hindi ang isang Aeignm Lev Ricafort ang nasa harap ko ngayon.
"I can't believe that you gave this fucking marriage a chance," aniya sa.... masayang tono? Hindi ko mawari, ngunit alam kong may saya sa tono niyang iyon.
"Napagtanto ko lang na dapat ko nang tanggapin na kasal na ako sa'yo, na habang buhay na akong nakatali sa'yo. Sawa na rin ako sa away at bangayan natin," wika ko sa kaniya at sa gulat ko ay muli nanaman niya akong mabilis na hinagkan sa kabilang pisngi naman.
"Don't regret this, Callia. Ako na. It's my time. No more Migo. No more other priorities. By giving this marriage a chance, you're giving me all the chance to access your heart."
"H–Heart?"
Tinignan niya ako sa mga mata saka ako ngisian. "Yes, babe. I'll penetrate your heart, deep... very deep, that no other man will be able to fit in. Ako lang... akin na lang ang pwesto."
NAGHAPAG ng pagkain sa mesa si manang Dorang at ang kaniyang anak na si Grace habang si Aeignn naman ay nakatitig lang sa akin.
Kahit paano ay nakakaramdam ako ng hiya sa paraan ng pagtitig niya sa akin lalo na at may ibang tao sa paligid.
"Maupo na kayo ni Grace, Manang," wika ni Aeignn sa kasambahay niya at tila nag-alanganin ang matanda.
"Pero, Sir. Kasama n'yo na po si Ma'am Callia ngayon, hindi n'yo na po kami kailangan na isabay pa sa inyo—"
"Just sit, manang, o magagalit ako," aniya at mabilis na sumunod ang mag-ina.
His words are the rules... that's for real.
Nagsimula na kaming kumain at muntik ko nang mabitawan ang hawak kong kutsara dahil sa naramdaman kong gumagapang sa hita ko.... kamay ni Aeignn. Magkatabi kami. Hindi siya umupo sa gitnang pwesto kung saan madalas umuupo ang may-ari ng bahay.
"Mabuti na lamang Ma'am Callia at nagdesisyon na po kayong makasama sa isang bahay si Sir Aeignn," nakangiting wika ni manang. Ngumiti lamang ako ng tipid hindi dahil gusto kong magsungi, kung hindi dahil nababagabag ako ng kamay ni Aeignn na ngayon ay humahaplos na hita ko at tila sumusubok kung makakapasok ba sa garterized pants na suot ko.
"A–Ang sarap po ng luto n'yo," pag-iiba ko ng usap, dahil ngayon ay tuluyan na niyang napasok ang loob ng pants ko.
He's an expert. Wala siyang tinag sa pagkain, kahit ang isang kamay naman niya ay may iba nang inaasikaso sa katawan ko.
"But your tahong na ginisa sa luya ang paborito kong niluluto mo, manang. I love the texture, the blended savory taste, I just simply love it," aniya ngunit sa bawat pagsasalita niya na iyon ay humihimas na ang daliri niya sa kaselanan ko.
Hindi ko alam kung paano ko iipitin ang mga hita ko para lamang pigilin ang mga daliri niya ngunit wala pa rin akong ubra.
"Ma'am, parang hindi ka yata komportable," mabilis akong napalingon kay Grace na siyang nagsalita at nakita ko siyang nakangisi sa akin.
"Nothing," tipid na sagot ko rito ngunit sa mga oras na ito ay iba na ang kabog ng dibdib ko. Tila na ako dinadala sa langit ng daliri ni Aeignn. Tila na ako nakakaramdam ng masarap na pagdedeliryo.
Hindi ko alam kung paano namin natapos ang tanghalian na iyon. Basta ang alam ko ay dumeretso akong naligo ngayon dahil hindi ko matiis na maglakad-lakad habang basa ang pang-ilalim ko.
Aeignn is indeed a sadist. Wala siyang pinipiling lugar para lang asarin ako sa sarili niyang pamamaraan.
NASA kwarto niya kami ngayon at bumungad sa akin ang isang napakalaking silid. Halos ito na yata ang buo niyang condo.
May isang malaking kama sa gitna at napasimple lamang ng disenyo. Ang buong silid ay nababalutan ng navy blue na kulay. Pader, kurtina, carpet at kung anu-ano pa.
Hindi ko alam kung bakit, ngunit bigla na lamang akong pabagsak na humiga sa kama at nakita kong napalingon siya sa akin.
"You must be really tired," basag niya sa katahimikan.
"Napapagod ako sa mga pinaggagagawa mo sa'kin," deretsong sagot ko sa kaniya at sa gulat ko ay bigla na lamang siyang pumwesto sa taas ko na animo mag-pu-push up dahil nakatukod ang mga kamay niya sa magkabilang gilid ng ulo ko.
"Hindi pa 'ko nagsisimula, napapagod ka na? I clearly told you, that I'll have you all day and all night," bulong niya sa mapang-akit na paraan dahil magkatapat na magkatapat ang mga mukha namin.
Pumikit ako saka bumuntong hininga. "Konti pa, Aeignn. Konti pa," wika ko at nakita kong nangunot ang noo niya sa sinabi ko. Naiintindihan kong ganoon ang reaksyon niya dahil kahit ako ay hindi mawari kung bakit sinabi ko iyon.
"Have you talked to your stupid lover? Gusto kong maayos kang makipaghiwalay sa kaniya bago natin asikasuhin ang sa atin," wika niya na ikinagulat ko.
"You'll let me meet him?" Ngumiti siya sa akin saka tumango.... isang ngiti na tila may mali?
"With me, babe. Definitely, with me," wika niya at napaismid ako. Sabi ko na nga ba at may mali sa ngiti niyang iyon.
"I'll arrange it—"
"Bakit ang dali ng mga naging desisyon mo? Bakit ang bilis mong pinili ang kasal natin?" Those questions hit me. Saglit akong natigilan sa tinanong niyang iyon, dahil hindi ko mawari ang isasagot ko.
"Maybe, I never loved Migo even from that start? Maybe it was all about the comfort?" Kusang lumabas ang mga salitang iyon sa mga labi ko at nakita ko ang unti-unting pagsilay ng isang totoong ngiti sa mga labi niya. This is the first time I saw him smiled genuinely.
"God, you're making me fucking insane," aniya habang nakangiti pa rin saka marahang binagsak ang katawan niya sa katawan ko at mahigpit akong niyakap.
Nababaliw rin ako, Aeignn. Nababaliw rin ako sa biglaan kong pagbabago... sa magulong takbo ng lahat na unti-unti nagiging maayos at malinaw. Nahihirapan akong sumabay ngunit dahil sa'yo, tila ang dali ng lahat.
Pinakawalan niya ako at tinitigan sa mga mata bago hinaplos ang pisngi ko. "Callia..."
Hindi ko alam... ngunit sa tono pa lamang ng pagtawag niyang iyon sa akin ay tila gumapang na agad ang kilabot sa buo kong pagkatao. Alam kong may mali.
"A–Ano?" Utal na tanong ko. Tila hindi ako handa. Nababasa ko ang mga mata niya sa oras na ito na unang beses nangyari at hindi ko gusto ang nababasa ko. Natatakot ako sa maaari niyang sabihin...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
"Why aren't you getting pregnant? I have planted my seeds multiple times on your fertility days, pero bakit hindi nagbubunga? Anong mali, Callia?"
There. Just what I had read in his eyes.
--
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top