Ten
CALLIA
Parang hindi ako sanay sa presensya ni Aeignn na laging nasa paligid ko dahil kay Jo. Tila akong lagi third wheel sa kanila.
"Calli, gusto mo ba ng hotdog sandwich? Tanong sa akin ni Jo habang narito kami sa cafeteria. Hindi ko maiwasan na mailang dahil narito rin si Aeignn at dama ko ang mga pagtitig niya sa akin. Hindi ko alam kung sinasadya ba niya akong titigan o ano. Ayokong bigyan ng katarantaduhan ang utak ko.
"Ham sandwich will do," sagot ko kay Jo saka siya tumungo sa counter.
Lumingon ako kay Aeignn at nahuli ko siyang nakatitig sa akin. Hindi nga ako nagkakamali. "Stop looking at me," matigas na wika ko ngunit nginisian lamang ako nito na animo wala lang ang sinabi kong iyon. Malayong malayo siya sa Aeignn na nagsabing gusto ako.
"And what if I don't?" Anito sa naghahamong tono.
"Layuan mo si Jomaica. Wala kang mabuting maidudulot sa kaniya-"
"Paano kung meron?" Anito saka biglang tinapunan ng tingin ang dibdib ko. Naka V-neck shirt ako ngayon.
"Gago-"
"You made me like this," putol niya sa akin at saglit akong nagulat sa narinig ko ngunit mabilis naman akong nakabawi.
"It's your decision to change huwag mo 'kong idamay!" Pigil ang inis na wika ko sa kaniya.
"Pain could definitely change a person, Callia. Hindi ba't kaya ayaw mo sa'kin ay dahil mayaman ako?" Aniya sa nang-uuyam na tono.
"Just fuck off-"
"Daddy issue," putol niya sa akin at tila nagpanting ang tainga ko sa narinig ko.
"Mukhang pinaimbestigahan mo na 'ko," nagpipigil ang galit na wika ko sa kaniya.
"Not really," aniya saka nilaro ang ballpen na hawak niya sa mga daliri niya. "Napapaisip lang ako bakit ganoon mo ka-ayaw sa akin."
Gusto kong manakit sa mga oras na ito. Gusto kong sumabog ngunit pinili kong manahimik. Ayokong ayoko sa lahat ay inuungkat ang nakaraan ko.
"You were abandoned by your rich father-"
"DAMN YOU!" Hindi ko napigilan ang naging pagsigaw kong iyon. Nakakagalit!
Nginisian niya ako saka ako tinitigan sa mga mata. "You're a fucked up woman, Callia. You're acting like you're all perfect, but you are fucked up. Well, we are all fucked up in our own ways, but you are hypocrite," deretsong saad nito sa akin na nakapagpatuod sa akin.
Gusto kong ibato sa kaniya ang bote ng softdrinks na nasa harap ko ngunit pinigilan ko ang sarili ko. "Wala kang alam," may pagbabanta ang tono kong iyon.
"Yeah. I may not know anything but you are clearly a hypocrite for me-"
"You're a fucking bitter," putol ko sa kaniya ngunit hindi siya natinag no'n, sa halip ay tumayo siya saka tumungo sa tabi ko at mabilis na hinawakan ang baba ko saka iniangat ang ulo ko.
"One day you'll beg to me, Callia. One day you'll regret making me this way," wika niya saka ako tinalikuran.
"I will never beg-" Napahinto ako sa pagsasalita dahil bigla niya akong nilingon at nginitian ako na animo isa siyang demonyo. Isang nakakatakot na ngiti. Isang nakakakilabot na ngiti.
"I have been suppressing my own demons for so long but you triggered them out, Callia. You'll never beg? Let's see."
*****
Katatapos ang graduation namin at hindi man lamang naka-attend si Nanay dahil kasalukuyan siyang naka-confine sa ospital.
"Calli!" Napalingon ako at nakita ko si Jo na nakangiti sa akin. Kasama niya ang mga magulang niya kaya't lumapit ako sa kanila.
"Magandang araw po Nanay Anicia at Tatay Antonio," wika ko sa mga ito saka nagmano. Kilalang kilala ako ng mga magulang ni Jo dahil matagal na kaming magkaibigan.
"Gumaganda ang batang ito. Wala ba ang Nanay Mel mo?" Tanong sa akin ni Nanay Anicia.
"Nasa ospital pa po si Nanay. Maraming test ang gagawin. Hindi na po kasi maganda ang lagay ng kanang kidney niya," walang buhay na saad ko sa mga ito. Nagulat ako nang bigla na lamang ibuka ni Nanay Anicia ang mga braso niya na animo gusto niya akong yumakap sa kaniya.... na mabilis ko namang ginawa.
Halos pangalawang ina na ang turing ko sa kaniya kaya't tila gustong kumawala ng mga luha mula sa mga mata ko sa oras na ito ngunit pinipigilan ko.
Saglit lamang akong yumakap at lumayo na rin ako kay Nanay Anicia. "Mauuna na po ako. Kailangan ko pa pong alamin ang lagay ni Nanay-"
Hindi ko natapos ang sinasabi ko dahil bigla na lamang tumunog ang telepono ko at tawag ni Olga iyon. Tagapag-alaga ni Nanay na lubos kong pinagkakatiwalaan.
"Olga-"
"C-Callia... C-Callia... ang nanay mo," kasunod noon ay ang paghagulgol niya na walang hinto kaya't binalot ako ng takot at kaba.
Wala sa sariling mabilis akong napatakbo palabas ng campus namin. Lakad, takbo ang ginawa ko para lang mabilis kong sapitin ang sakayan.
Umiiyak na ako sa mga oras na ito at nakatoga pa ako. Nakakatawang isipin na tila ba ako pinaglalaruan... hirap na nga ang buhay ko, parang mas lalo pa akong pinahihirapan.
Ilang minuto na ang nakakalipas at halos hulas na ang kolorete ko sa mukha dahil sa masagana kong luha ngunit wala pa ring bus na dumarating... hanggang sa isang magarang sasakyan ang pumarada sa harap ko at nang magbaba ng bintana ay nabungaran ko si Aeignn.
"Get in."
"TIGILAN MO NA 'KO! HUWAG KANG SUMABAY SA PROBLEMA KO-"
"You'll fucking get in o hindi mo aabutang buhay ang nanay mo!? Choose! Fucking choose!" Nagulat ako sa sinabi niyang iyon. Hindi na ako nagtanong pa nang mapagtanto ko ang sinabi niya, bagkus ay agaran akong sumakay ng sasakyan at mabilis niya naman iyong pinasibat.
Habang daan ay hindi ko alam ngunit tila iba ang daan na binabagtas namin. Tila hindi ito patungo sa ospital kung nasaan ang nanay ko.
"Hindi ito ang ospital-"
"Nilipat ko siya," aniya at gulat na gulat ako sa narinig kong iyon.
"Anong sinasabi mo-"
"Kung hindi ko ginawa iyon, patay na ang nanay mo, Callia," sagot niya sa akin kaya't hindi na ako nakasagot pa.
*****
'Pag dating namin sa ospital ay mabilis kong inalam ang silid ni Nanay ngunit sinabi nila sa akin na nasa emergency room daw ito kaya't doon ako dumeretso. Saktong kalalabas ng doktor nang marating ko ang E.R.
"D-Dok, ako po ang anak ni Melynda Gonzales. Kamusta po ang Nanay ko?" Tarantang wika ko rito. Nagbaba ng facemask ang doktor at tinignan ako.
"She needs kidney transplant as soon as possible Ms. Gonzales. Hindi na kaya ng katawan ng nanay mo gawa ng katandaan. Natatakot din kaming baka madamay na ang isa pa niyang kidney kung magkataon," wika nito at tila gumuho ang mundo ko sa narinig ko.
"P-Paano po? A-Ano pong gagawin ko-"
"You'll need a huge sum of money and a donor," wika nito sa akin na lalong nagpalumo sa akin.
Gusto kong pumalahaw ng iyak. Napalingon ako sa tabi at nakita ko si Tatay Raul na tulala kaya't mabilis akong lumapit rito.
"Tay-"
Ngunit bigla na lamang itong tumumba kaya't nagkagulo ang lahat. Mabilis siyang dinala ng mga nurse sa loob ng emergency room.
Parang nakahinto ang inog ng mundo ko sa mga oras na ito. Lahat ng sakit ay binuhos sa akin.... sa araw na dapat masaya ako.... sa araw na sana ipinagmamalaki ako ng magulang ko dahil nakapagtapos ako.
Lalo akong naalarma nang bigla na lamang magkagulo sa loob ng emergency room kaya't napatakbo ako roon. Hindi ako hinayaang pumasok ngunit ilang minuto pa ang lumipas ay lumabas ang isang doktor.
"Ang tatay ko po?"
"I'm sorry but it was a heart attack, miss. We did our very best but we failed," sagot ng doktor sa akin at tila tuluyan na akong nilamon ng dilim. Napasalampak ako sa sahig ngunit may mga kamay na nagtayo sa akin saka ako niyakap ng mahigpit.
"You'll get through it," wika ng taong ito.... ng taong sinaktan ko ngunit siyang narito ngayon sa tabi ko habang nahihirapan ako.
*****
Matapos naming maayos ang burol ni Tatay Raul ay bumalik kami sa ospital kung nasaan si Nanay. Dumeretso ako sa doktor at kinausap ito.
"Magkano po ang gagastusin ko?" Direktang tanong ko sa doktor.
"More or less, five million pesos. But you have to find a donor first? We have conducted many tests pero walang compatible sa nanay mo sa mga donors na mayroon kami," malungkot na pahayag sa akin ng doktor.
"Guaranteed po ba ang paggaling ng nanay ko-"
"There's no 100% guarantee in this field, Ms. Gonzales. We are doctors, not God," wika nito sa akin at alam kong tama siya. There's uncertainty, but I need to take the risk. Kailangan kong sumugal para sa nanay ko. Mas hindi kakayanin ng konsensya ko kung wala akong gagawin.
"You may look for a donor-"
"Let me undergo the compatibility test," napalingon ako sa nagsalitang iyon at nakita ko si Aeignn na nakasandal lamang sa pader at kanina pa nakikinig sa amin ng doktor.
Hindi niya ako iniwan.
"Sure, Mr. Ricafort. Please proceed at the fourth floor," sagot sa kaniya ng doktor at mabilis siyang tumalilis ng alis ngunit agaran ko siyang sinundan.
"Aeignn," wika ko saka ko hinatak ang braso niya. "Marami ka nang naitulong sa akin. Hindi ko na hahayaan na mas mabaon pa ako sa'yo-"
"If I and your mother is compatible, you'll marry me. You have to marry me," gulat na gulat ako sa narinig kong iyon mula sa kaniya.
"A-Anong ibig mong sabihin?"
"I'll do everything to save your mother, pero ikaw ang kapalit. You'll marry me, you'll be my wife, you'll satisfy me in bed. Lahat ng gusto ko gagawin mo, and I promise you na wala akong ibang gagawin sa'yo. Hindi kita sasaktan. Hindi kita pagbabawalan. Wala tayong pakialamanan. Your freedom is all yours.... and I will not take any other girl aside from you. After you marry me, ikaw nalang... ikaw nalang, Callia," wika niya sa akin sa seryosong tono. Kitang kita ko na desidido siya sa mga sinasabi niya sa akin.
"A-Aeignn..."
"Just fucking marry me, Callia. Just fucking marry me."
Hindi ko alam kung anong hipnotismo ang ginawa niya sa akin, basta sunod-sunod ang naging pagtango ko sa kaniya.
"H-Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa'yo-"
"No need to thank me, Callia. Afterall, I am doing this dahil ikaw ang kapalit," wika niya ngunit hindi ako kumbinsido sa huli niyang sinabi.
"But I still want to thank you-"
"Get ready to meet my other self, Callia. Get ready to meet the sadistic Aeignn Lev Ricafort. We'll get married by next week."
*****
Hindi ko alam kung anong kakaibang pangyayari ang dumating sa akin. Basta isang araw na lamang ay nagising ako na nasa tabi ko na si Nanay at ayos na siya.
"Okay ka lang ba?" Tanong ko kay Aeignn na narito ngayon sa bahay. Dito niya mas piniling magpagaling. Hindi ko alam kung bakit.
"I think I need to undergo the laser, I hate having scars," aniya na pumapatungkol sa pinaggalingan ng opera niya.
Hinawakan ko ang kamay niya at inilagay iyon sa pisngi ko. "Thank you, Aeignn. Thank you. Napakalaki ng utang na loob ko sa'yo. Dahil sa'yo kaya buhay pa rin ang nanay ko-"
"Ipapakilala kita sa Mommy ko. Ipapasok kita sa Phyrric. You'll be a great help to us. Doon makakaipon ka. Doon magagawa mo ang gusto mo. Doon magagamit mo ang napag-aralan mo... at higit sa lahat, kung dadating ang oras na gusto mong iwan ako, magagawa mo."
His words are like blades. Alam mong masakit kapag tinamaan ka.
"I have no plans to leave you after what you did for me. Isa lang ang hinihingin ko mula sa'yo, Aeignn.... ang kalayaan ko. Iyon lang," wika ko.
Hinang hina man ay tumango siya sa akin saka ngumiti... ng mapait.
"I have no choice but to agree. Afterall, I forced you to marry me," sagot niya sa akin.
"Aeignn-"
"But you have to be obedient to me, Callia. You made me exposed my demons, now bear with the consequences," ibang kaba ang bumalot sa akin sa narinig kong iyon mula sa kaniya.
"Mahal mo pa rin ba 'ko-"
"I never said I love you... and after what happened? I can no longer love, Callia. You made me cruel. You don't how long I suppressed them since I was a child, and yet you just let them out so easily. No more obedient and goody-goody Aeignn. Meet me.... the vicious Aeignn Lev Freezell-- Ricafort. Sisingilin ko ang katawan mo sa lahat ng ginawa ko para sa'yo."
It's me. I made him like this. I released his demon. I released the sleeping viciousness in him.
--
FLASHBACK PA RIN SA NEXT CHAPTER.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top