Six

CALLIA

     

"Nay, ininom na po ninyo ang gamot ninyo?" Tanong ko kay Nanay pagpasok ko ng kwarto niya. Nakatulala lamang siya sa larawan ni Tatay Raul.

         

Tunay kong ina si Nanay Melynda Gonzales ngunit hindi ko tunay na ama si Tatay Raul Gonzales. Siya lamang ang kinilala kong ama dahil siya ang asawa ni Nanay sa papel.  Dalawang taon na ako nang mag-asawa si Nanay at iyon nga si Tatay Raul na kahit kailan ay hindi ko nagawang kamuhian dahil sa taglay niyang kabaitan.

         

Siya ang kumayod para sa amin ni Nanay kahit na hirap na hirap pa siya. Siya ang nagpatapos sa akin sa kolehiyo kahit pa nagkakasakit na siya sa kakatrabaho. Wala silang naging anak ni Nanay dahil ang alam ko ay may problema si Tatay.

             

"Nay?" Lumapit ako kay Nanay at bahagyang hinaplos ang buhok niya. "Masaya na po si tatay kung nasaan man siya," halos lagi ko na lamang itong sinasabi sa kaniya.

              

"Bakit kasi pinagagamot mo pa 'ko? Bakit kasi hindi mo nalang akong hayaan na sumunod sa tatay mo?" Nanghihinang wika niya sa akin at nakita kong may mga luhang nagbabadya sa mga mata niya.

        

"Mas hindi ko naman po kakayanin kapag ikaw ang nawala sa akin, Nay. Alam mong para sa'yo kaya pinipilit kong kayanin ang lahat. Alam mong ikaw ang dahilan kaya't pinipilit ko pa rin lumaban," wika ko sa kaniya at bigla na lamang niyang hinawakan ang kamay ko ng mga kulubot niyang kamay at dinala ito sa pisngi niya.

            

"Anak, may madaling paraan ngunit lagi mong pinipiling mahirapan. May mas maalwang paraang ngunit ayaw mong tanggapin," aniya sa akin at saglit na kumudlit ang sakit sa dibdib ko. Alam ko.... alam na alam ko kung anong tinutukoy niya.

                

"Nay, alam mong kailangan kong protektahan ang sarili ko. Alam mong dapat kong mas mahalin ang sarili ko," wika ko sa kaniya saka ko siya niyakap. "Magiging maayos din po ang lahat."

             

Magsasalita pa sana si Nanay ngunit may kumatok sa silid niya at nakita ko si Olga na may dalang pagkain. Siya ang nagbabantay kay Nanay.

           

"Nariyan ka na pala, Callia. Kaya pala nasa harap 'yong sasakyan ni Pogi at nakita ko siyang papunta sa kusina," nakangiting wika sa akin ni Olga saka na siya tumungo kay nanay upang asikasuhun ito. May sakit si nanay sa bato kaya't alaga siya sa dialysis at kung anu-ano pa.

             

"Nagluluto na ba siya? Sinabi kong sa labas nalang kami kumain hindi nanaman nakinig—"

         

"Baka balak nanaman niyang tambakan ng pagkain ang nanay mong mapili sa pagkain, alam mo naman si Pogi, iyon ang pambawi sa reyna," putol na turan nito sa akin.

      

Nagkibit-balikat na lamang ako sa sinabi ni Olga at nagdesisyon na akong bumaba upang silipin siya. Lagi niyang ginagawa ang magluto ng pagkain sa tuwinang narito siya. Hindi ko naman siya magawang kontrahin dahil alam kong hindi maaari.

          

Nagtuloy ako sa kusina at naabutan ko siyang walang pang-itaas at tila tapos nang magluto dahil nakahapag na sa mesa.

            

"You're not eating my food," walang emosyong wika sa akin ni Aeignn. Oo. Si Aeignn ang narito sa bahay namin.

           

Tinitigan ko lamang siya deretso sa mga mata bago ako nagtuloy naupo sa harap ng hapag. "Pwede mo 'kong pagdamutan sa ibang bagay pero hindi sa pagkain," wika ko sa kaniya saka na sana ako magsisimulang magsandok nang bigla niyang hatakin ang plato at sandok mula sa mga kamay ko.

               

"Wala kang karapatang kumain ng niluto ko dahil ikaw ang nag-alis ng karapatan mo," malamig na wika niya sa akin. "These are for Nanay Mel, definitely not for you."

          

I saw the seriousness in his face kaya hindi na ako nagtangka pang kumilos muli. His words are the rules. His every command is the so-called law of mine. Wala akong karapatang baliin ang alin man sa mga iyon.

              

"Papasok ka ba?" Tanong ko sa kaniya habang nagsisimula siyang kumain sa harap ko.

         

"Why don't you ask me if I want to punish you for what I heard yesterday?" Matalim ang tingin na wika niya.

           

"I stated a fact—"

           

"I want to fuck you now, together with this mechado's sarsa," nakangisi nang putol niya sa akin.

         

"Stop—"

         

"You've been gaining much power these days. Kung kailan mo 'ko gustong salungatin, ginagawa mo. You know me, Callia. My patience is as thin as the speed of light. Don't fucking test me," tila ako kinabahan sa winika niyang iyon sa akin.

                 

"I know, Aeignn. Alam na alam ko," wika ko saka ako tumayo mula sa upuan ko at tumungo sa likuran niya saka umumang sa may tainga niya.

            

"Stop tempting me, Callia. I don't really care if this is your house. I will fuck you anytime I am triggered," bulong niya.

           

"I don't really care, babe. As what I've told you, I'm craving for your punishment and sadistic tools. I wanted them so bad," mapang akit na wika ko sa kaniya at sa isang iglap ay nakasandal na ako sa ref habang hawak ni Aeignn ang magkabilang kamay ko na kapwa nasa gilid ng ulo ko.

         

"I like it more when you are craving for me, babe. Nakakalimutan mo si Migo. All you could ever think is me, the way I pleasure you, and the way I give you the satisfaction you wish to feel," pabulong na wika niya ngunit napakalapit na ng mga mukha namin sa isa't isa. Kung susumain ay iisang hangin na lamang ang aming hinihinga.

                   

Tama siya. Nakakalimutan ko si Migo sa tuwing nasa mga bisig niya ako, ngunit siya naman ang naaalala ko sa tuwing kasama ko si Migo.... ngunit hindi ko mahal si Aeignn. Katawan, haplos, halik, at pagnanasa lamang ang kailangan ko sa kaniya. He could fulfill the earthly pleasure I've been craving to have.

           

Susunggaban ko na dapat siya ng halik nang bigla na lamang siyang umatras palayo sa akin saka ngumisi.

             

"Not now, Callia. We may be fuck buddies, pero may karapatan akong tumanggi hindi ba?" Nakakalokong wika niya at diniinan pa ang mga salitang fuck buddies.

              

"You're not a child, Aeignn. Hindi mo kailangan dibdibin ang mga salitang binitawan ko sa babaeng ilang buwan mong pinaglaruan at ginamit—"

      

Napatigil ako sa pagsasalita nang bigla nalamang niyang hinaklit ang braso ko. "What Jomaica and I had, has nothing to do with you, Callia. I fucked her? Yes, I did. I played with her? Yes, I did. I choked her using my little man? I definitely did, Callia... and those things has nothing to do with you nor with what we have. She's my short time plaything, but believe me woman, you will be my longest playmate," tila siya demonyo sa pagkakasabi niya ng mga salitang iyon.

        

Napakatanga ko. Nakakalimutan ko minsan na isa nga palang demonyo ang taong ito. Bakit ba ako nagpipilit maghanap ng bait sa kaniya na alam ko namang malabo kong makita?
     
     

"I pity her—" Hindi ko pa natatapos ang sinasabi ko ay nagsimila na siyang tumawa na animo diablo.

            

"You pity her? Oh my dearest Callia, let me remind you about your situation. You are fucking committed with your motherfucking lover and yet I'm the one who's fucking you. Stop thinking about others, think about yourself," aniya na tila parang inapakan ang buo kong pagkataon sa reyalisayon.

       

Tinalikuran niya ako at doon na nagsimulang mahulog ang mga luhang pinipigilan ko.

      

Oo nga pala. Ako nga pala ang kawawa. I have the worst situation.

      

        

         

       

     

     

"HOY! EARTH TO CALLIA! EARTH TO CALLIA!" Napalingon ako at nakita ko si Minette na nakangusong nakatingin sa akin habang may hawak na notebook.

       

"Pasensya ka na," wika ko sa kaniya. Matagal na pala akong nakatulala.

         

"Gusto ko lang naman sanang magpaturo rito sa isa nating subject kaso mukhang mas masasagot mo ako kapag tungkol kay Sir Aeignn 'yong tinanong ko," nakangusong wika niya pa rin sa akin at nangunot ang noo ko.

              

"Si Sir Aeignn—"

        

"Naku ka, girl! Ayan oh, puro pangalan ni Sir 'yang vandalism mo sa notebook mo," sagot niya at ora mismo akong napalingon sa hawak kong ballpen at notebook ko na nakapatong sa armrest.

         

Mabilis kong pinunit ito mula sa notebook ko at inilagay sa bag ko ang papel na iyon na nilamukos ko.

             

"Wala lang 'yon—"

       

"Sit down. I'm starting this class now," napalingon kami ni Minette sa harap at nakita namin si Ms. Almario na kadarating.

      

Nagsimula na amg klase at pakiramdam ko ay lumilipad pa rin ang utak ko. Ang daming side missions nitong mga nakakaraan ngunit bibihira lamang kung kumuha ako.

              

Nasa kasagsagan ng discussion si Ms. Almario nang bigla na lamang tumunog ang telepono ko kaya nakiusap ako na sasagutin ko na muna iyon at lumabas sa silid.

        

"Callia?"

          

"Problem?"

          

"There are missing informations doon sa ipinasa natin kay Chief. Hindi ko alam kung sa akin ba may problema o sa'yo," nararamdaman kong naiiyak na si Syreen. Ayaw na ayaw niya ang nagkakaproblema sa Phyrric.

         

"I will look for it in my office when I get back. For the mean time, tell Chief that I am in school. We will definitely complete those informations," sagot ko rito na tila nagpakalma sa kaniya.

          

"Thank you, Callia."

       

Pinatay ko na ang tawag at tutungo na sanang muli sa silid namin nang may bigla na lamang humatak sa akin pakaladkad.

           

"Sino—"

         

"Just come with me," ma-otoridad na wika nito kaya't wala na akong nagawa kung hindi ang magpatangay.

       

Nakarating kami sa parking lot, sa mismong harap ng sasakyan niya.

        

"Migo—"

          

"Anong mayroon sa inyo ni Aeignn? Wala sana akong pakialam pero Callia nasasaktan ako!" Ito yata ang unang pagkakataon na tumaas ang boses niya sa akin.

             

"Migo, please—"

        

"Nagmumukha akong tanga, Callia. Nagmumukha akong tanga dahil habang mahal na mahal kita, hindi ko alam kung ganoon ka rin ba. Iba ang mga tingin na ipinupukol mo sa kaniya. Para akong nakatungtong sa numero. Pinipilit kong intindihin lahat, pero bakit..... bakit ginaganito mo 'ko?" Ramdam ko lahat ng sakit ng mga salita niya. Alam kong nagpipigil pa siyang sumbatan ako.

             

"Migo hindi ko maipapaliwanag, but believe me, I do really love you," saka ko sana hahaplusin ang pisngi niya ngunit bigla na lamamg siyang umurong palayo sa akin.

           

"When do you love me? When it is convenient for you? When you need someone who can make you feel love? When you're tired of asking for others attention? What am I to you, Callia? Ano ba 'ko? Ang sakit-sakit lang na hindi mo maklaro sa akin kung ano ba talagang gusto mo," aniya at nakita kong napahilamos siya ng mukha niya.

            

"Migo, mahal kita.... mahal na mahal kita. Hindi ko maipapaliwanag pero mahal kita. Ikaw ang gusto at mahal ko. Ikaw lang ang alam kong mamahalin ko," wika ko at napatingin siya sa akin saka ngumiti ng mapait.

              

"Kakapit ako sa'yo dahil mahal kita, but can you please grant this only wish of mine?" Aniya sa akin at tila kumalabog ng matindi ang dibdib ko.

             

"What is it? Anything for you. Basta't kaya ko—"

            

"Stay away from Aeignn. Stay away from that bastard. Let me have all your love and attention. Let me have it all. Let me be the only one," aniya saka ako biglang hinatak at niyakap.

          

Hindi ko alam kung anong tinatakbo ng utak ko, basta't niyakap ko na lamang siya pabalik. "I will, Migo. Para sa'yo, gagawin ko."

          

          

        

     

NAGLALAKAD na akong muli patungo sa silid ko dahil nanuna nang umuwi si Migo at ako ay may klase pa.

           

Nakayuko lamang ako habang naglalakad at nang tila makaramdam ako ng kakaiba ay napa angat ang tingin ko at ganoon na lamang ang paninigas ng katawan ko sa taong nakasandal sa pintuan ng isang bakanteng silid habang mataman na nakatitig sa akin.

                 

"Callia," tila ako giginawin sa lamig ng tinig na iyon na animo nababalutan ng poot at pagkamuhi.

              

Nais ko sanang magtuloy na lamang sa paglalakad ngunit tila nabato ang mga paa ko sa kinatatayuan ko.

        

"May klase ako—"

        

Mabilis niya akong hinila papasok sa bakanteng silid at mabilis na sinunggaban ng isang mapusok at mapagparusang halik.

          

Halos kapwa na kami mapagutan ng hininga nang bitawan ng mga labi niya ang mga labi ko.

              

Nagtama ang mga mata namin at nakita ko siyang nakangisi sa akin. "Iiwasan? There's no way you could do that to me, Callia. Hawak kita sa leeg. You belong to me."

      

Bigla niyang hinatak ang kanang manggas ng suot kong t-shirt at sa gulat ko ay napunit ito kaya't lumitaw ng bahagya ang strap ng bra na suot ko.

   

"Time for your punishment for saying you will avoid me, babe. Painful yet pleasurable."

      

--

Mamaya ulit! Babawi ako. 😊
Sorry po at inactive ng three days.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top