Seventeen
CALLIA
"HOY!" Napa-igik ako sa panggugulat na iyon na ginawa ng tao mula sa likuran ko.
Sinamaan ko ng tingin si Missy na ngayon ay ngiting-ngiti sa akin habang kumikislap-kislap ang mga mata.
"What is your problem? Ayos na ba ang tama mo sa binti?" Walang emosyong wika ko sa kaniya.
"Kinikilig ako sa inyo!" Tili niya sa akin at hinampas pa ako sa balikat. Kunot-noo ko siyang tinignan dahil sa ginawa niya. "Sorry na, prend. Medyo nakabukas kasi 'yong pinto mo kanina, narinig ko chika n'yo ni Aeignn, hehehe," aniya sa akin na animo kinikilig talaga siya.
"Tigilan mo 'yan. Hindi mo bagay," angil ko sa kaniya at nginusuan lamang niya ako.
"Ang sama mo, Callia—"
"Kung alam mo lang," anang isang tinig na papalapit sa amin ni Missy at nalingunan ko si Jomaica na iba ang paraan ng pagtingin sa akin.
"Ano nanaman bang problema mo, Jo? Lately girl, nagiging warfreak ka," sita sa kaniya ni Missy ngunit ngumisi lang si Jo sa amin.
"Pasasalamatan mo rin ako Missy kapag nalaman mo ang totoo," makahulugang wika niya kay Missy saka niya kami sana lalagpasan ngunit mabilis kong hinawakan ang pulso niya.
"Wala akong pakialam sa nalalaman mo, dahil hindi lahat ng nalalaman mo, totoo. Ang akin lang, itahimik mo 'yang bibig mo, bago mo makilala ang nguso ng baril ko," bulong na pagbabanta ko sa kaniya at nakita kong nagulantang siya roon. Matagal kaming naging magkaibigan. Alam kong alam niya ang hilatya ng bituka ko, at kung gaano katotoo ang mga binibitawan kong salita.
Binitawan ko ang pulso niya at bigla siyang umikot paharap sa akin para lamang sampalin ako ngunit mabilis kong nasalo ang kamay niya. "Mag-iingat ka sa akin, Callia—"
"Mas dapat kang mag-ingat sa akin, dahil ang kung ano man ang nalalaman mo, sisiguraduhin ko sa'yong mas nakahihigit ako sa iniisip mo," saka ko tinapos ang kamay niya palayo at tumalikod na ako upang maglakad.
Saktong nakalabas na ako ng Phyrric ng matanaw ko sa parking lot si Aeignn na nakasandal sa hood ng sasakyan niya at tila sadyang may hinihintay.
Nang maramdaman niyang may nakatitig sa kaniya ay agad nagtama ang mga mata namin at bigla na lamang siyang ngumiti sa akin.... isang ngiti na tila nakita ng isang lalaki ang babaeng nais niyang ligawan? He's indeed showing me different version of himself.
I unconsciously walked towards him. Tila talaga kinukuha ni Aeignn ang katinuan ko.
Nang marating ko ang kinaroroonan niya ay iginiya niya ako papasok ng sasakya saka siya mabilis na tumungo sa driver's seat.
"Saan tayo pupunta?" Tanong ko sa kaniya nang mahimasmasan ako. Binabagtas na namin ang kahabaan ng high-way ngunit tila ngayon lang ako bumalik sa ulirat ko.
"I'm bringing you to the beach," tipid na sagot niya at gulat na gulat ako. Literal.
"Anong gagawin natin doon—"
"Hindi naman tayo makikipagbarilan doon, Callia. Don't worry," pilosopong sagot niya sa akin at nakita kong nakangisi siya habang deretsong nakatingin sa daan.
"Huwag kang magbalak ng kahit anong iniisip mo. Wala akong balak na—"
"I'm not thinking anything wrong here, babe. Sa utak mo may mali, sa akin wala," putol nanaman niya sa akin. "And don't worry, if ever I ended up fucking you, it will surely be a better and newer version. Ayokong magsawa ka sa paulit-ulit na posisyon at paulit-ulit na aksyon. Hahainan kita ng iba't ibang putahe, sa iba't ibang lugar," dagdag niya saka saglit na lumingon sa akin at kumindat.
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa biglaan niyang pagbabago ngunit naroon pa rin ang takot ko sa kaya niyang gawin. Naroon pa rin ang hindi maipaliwanag na pakiramdam lalo na sa mga bagay na kahit kailangan ay hindi ko madaling masasabi o maipapaliwanag sa kaniya.
NAKARATING kami sa isang beach resort at marami rin ang taong narito ngayon. Hindi ko talaga alam kung anong pumasok sa isip niya at tumungo kami sa ganitong lugar.
"I'll carry our luggage. Pinagdalhan kita ng mga damit at binilhan kita ng panligo mo," aniya saka binitbit ang mga bag na nasa likod ng sasakyan at tumuloy kami sa reception area.
"Good evening po," wika ng babaeng nasa harap namin.
"I reserved a suite under Mr. and Mrs. Ricafort," aniya at mabilis na tumipa ang babae sa computer niya.
"Room 321 po," nakangiti nitong pahayag at nag-abot sa amin ng key card.
Umakyat na kami ni Aeignn sa third floor kung nasaan ang kwarto na ni-reserve niya at agaran naman kaming nakapasok.
Pabagsak akong humiga sa malaking kama at tumitig sa kisame na may malaking elisi ang nakalagay.
"Bakit mo naisipan na dalhin ako rito?" Tanong ko nang hindi siya tinatapunan ng tingin.
"Nanay Mel told me, you'd never been to this kind of place," sagot niya sa akin saka ko naramdaman ang pag-lundo ng kama, sensyales na naupo siya rito.
"You don't have to do all these, Aeignn. I don't need these kind of things. Masaya na ako sa kung anong mayroon—"
Bigla niya akong kinabig sa balikat at iniharap sa kaniya saka hinaplos ang pisngi ko. "I want to fulfill what your former husband couldn't," sagot niya sa akin at napakunot ang noo ko.
"Former husband? Wala akong ibang naging asawa bukod sa'yo," deretsong sagot ko ngunit ngumiti lamang siya sa akin.
"Gusto kong punan 'yong mga pagkukulang ng dati mong asawa na hindi pa umaamin na mahal ka niya. I want to fulfill what he couldn't, for you to know the difference. I will show you how much a loving husband I can be and not a sadistic one. I will show you how I can bear with your flaws and shortcoming unlike the former short tempered one. I will show you the different version of me, Callia. Unti-unti. Hanggang sa mapagtanto mo kung gaano kita kayang mahalin, higit pa sa panahon na pinilit kitang maikasal sa akin—" Hindi ko na pinatapos ang sinasabi niya. Mabilis akong bumangon at ginawaran siya ng isang napahigpit mg yakap.
I'm so damn lucky. Who would ever think that I could have two different version of husbands in a single marriage?
Pinakawalan ko siya at tumitig lamang siya sa mga mata ko bago marahang ginawaran ng halik ang noo ko. "I bought you two piece swimsuit. Kindly check it. I based your size according to my imagination," aniya na agad kong ikina-pula. Hindi ko alam kung anong imagination ang tinutukoy niya.
Tumayo ako mula sa kama at tinignan ang isang paper bag. May nakita akong kulay pulang tela roon at papasok na sana ako sa banyo upang sukatin iyon nang magsalita siyang muli.
"I could be a loving husband, but I'm no gentleman, babe. That's too far to be chased. Get dress in front of me. I want to see how good my imagination is," aniya sa akin at tila bigla akong dinapuan ng hiya. Kahit pa mahigit isang daang beses nang may nangyari sa amin, hindi ko pa rin maiwasan ang mahiya lalo na sa ganitong mga pagkakataon.
I almost forgot that he's Aeignn... the vicious agent.... my vicious husband.
Sinimulan kong hubarin ang mga saplot ko at nang tuluyan nang mahantad sa kaniya ang buong katawan ko ay tila sinilaban nanaman ang pagnanasa sa katawan niya.
"Your body is too fucking perfect, Mrs. Ricafort. I'm just so glad that I am the only man who could see that treasure," aniya sa napaka agresibo at mapang-akit na tono.
Kunwaring hindi ko pinansin ang sinasabi niya. Kinuha ko ang two piece suit at sinuot iyon. Lumingon ako sa kaniya at nakita ko siyang nakangisi sa akin. "Perfect. My imagination never fails me," aniya at lalo nang nag-init ang dapat mag-init sa akin.
"Aren't you gonna tell me to change? Aren't you gonna tell me not to wear these? Not to show off too much skin? Not to let others see me in this outfit?" Kusang lumabas ang mga salitang iyon sa mga labi ko.
Akala ko ay sasagot na siya ngunit tumayo siya mula sa kama saka naglakad patungo sa akin at hinapit ako sa bewang. "I will never tell you those things. Mas gusto kong nakikita nila kung gaano ka kaganda. Mas gusto kong nakikita nila kung anong kaya mong ipagmalaki sa lahat. In that way, it will surely boost your confidence, as well as mine," bulong na sagot niya sa akin na pinagtakhan ko.
"Yours?"
"Yeah, dahil maiingit sila na pagmamay-ari kita. Maiingit sila na ako ang asawa mo. Maiingit sila na ako ang nakakahawak at nakakahalik sa'yo. I will make them jealous of me and not the other way around. Hindi ako ang magseselos, dahil gaya ng sabi ko, masyado akong gwapo," sagot niya sa akin at wala akong nagawa kung hindi ang mapatanga sa narinig ko.
He's not just vicious. His principles were out of this world and he's indeed a jerk for who knows since when.
MALIWANAG na ang buwan at marami pa rin ang nasa dalampasigan. Karamihan talaga ay nakatingin sa amin ni Aeignn at halatang kami ang pinag-uuapan. Bakit hindi? He's like a greek god wearing his trunk. His abs were clearly shown... mas maliwanag pa nga yata sa sinag ng buwan ang pagkakahulma.
"Don't stare at those women. They are nothing compared to you. Kahit sa kalingkingan mo hindi aabot," aniya sa akin saka ako biglang inakbayan.
"Hindi ka naiinis na pinagtitinginan ako?" Tanong ko sa kaniya.
"They admire your body, but only I could ever taste, kiss, touch and lick that body. What's there to be jealous of? And one more thing, sa gwapo kong 'to, you're not thinking na magseselos ako sa mga mukhang palakang karag, right?" Hindi ko yata maproseso ang mga pinagsasasabi ni Aeignn. Too conceited, yet a fact.
Naglalakad kami patungo na sana sa tubig nang bigla na lamang akong makaramdam ng panunuyo ng lalamunan kaya't nagpaalam ako kay Aeignn na kukuha lamang ako sandali ng maiinom. Nag-insist siyang siya na, ngunit sinabi kong ako na lamang.
Kumuha ako sa bartender sa malapit na bar counter ng isang ladies drink at isang hard drink. Bitbit ko ang mga ito na tinungo si Aeignn ngunit hindi ko nagustuhan ang nakita ko. Napapaligiran na siya ng mga babae.
No wonder na ang isang patak ng tsokolate, kapag iniwan, pinagpyepyestahan ng mga langgam.
"Excuse me," wika ko sa mga babaeng nasa bandang likuran upang makaraan sana ako patungo kay Aeignn ngunit hindi ako pinansin ng mga ito. Muntik pang matapon ang hawak ko dahil sa paghawi nila sa akin.
"So kung bibigyan ka ng pagkakataon? Uulitin mo pa rin ba?" Tila kinikilig na tanong ng babae na nagpa-init ng ulo ko. Why the hell does he entertains them!?
"I will. Paulit-ulit kong uulitin," mayabang na wika niya.
"Paano kung hindi ka pinagbigyan ng sitwasyon?" Tanong nanaman ng isang babae kaya't nagsimula na akong sumiksik. Hindi sila madadaan sa pakikiraan.
"I will make a way. I will make my own move. I will make my own path," sagot nanaman niya hindi ko na iyon nagugustuhan.
"Ang sarap mong mahalin," anang babaeng may katangkaran. Lumingon doon si Aeignn saka niya ito nginisian.
"Mas masarap akong magmahal," sagot niya sa babae at doon na napatid ang pasensya ko.
"Aeignn.Lev.Freezell.Ricafort," madiin ang bawat salitang wika ko at napalingon siya sa kinaroroonan ko. Agad akong pinadaan ng madla at siya namang hapit niya papalapit sa akin.
"Oh my wife is here," aniya na kinagulat ko. "She's my Callia. Siya lang ang paulit-ulit kong papakasalan, siya lang ang gagawan ko ng paraan para lang maikasal sa akin, at siya lang ang makakaranas ng sarap ng pagmamahal ko. She's my dearest Callia, everyone. Sa kaniya lang ako uuwi, sa kaniya lang ako magmamakaawa, at sa kaniya lang ako paulit-ulit na magiging tanga. Meet my life.... my wife.... Mrs. Callia Ricafort," unti-unting nangilid ang luha ko sa narinig kong iyon. Ako pala ang pinag-uusapan nila.
"Awwwwwww. Sana kami rin may Mr. Ricafort," anang isang tinig.
Hindi ko na inintindi ang paligid. Binitawan ko ang mga dala kong alak at inilagay ko ang mga palad ko sa magkabilang pisngi siya saka ko siya ginawaran ng isang halik.
"Ang sweeeeeetttttt......!"
Ilang saglit lang ay humiwalay ako sa kaniya saka ko siya nginitian. Isang totoong ngiti.
"I'm no longer falling for you, Mr. Aeignn Lev Ricafort. Mahal na kita. Mahal na mahal na pala talaga kita."
--
ICE_FREEZE
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top