Nineteen

CALLIA

      

"I'll be out starting today and be back after the weekend," otomatiko akong napalingon kay Aeignn sa sinabi niyang iyon. Nasa kwarto kami at kasalukuyan siyang nag-aayos ng polo'ng susuotin niya habang ako naman ay nakaharap sa salamin at nagsusuklay ng buhok.

               

"Four days?" Hindi ko alam kung anong klase tanong iyon, basta't iyon ang dumulas sa dila ko.

             

Ngumisi siya sa akin saka nagsimulang lumakad sa gawi ko kaya't agad akong napabalik ng tingin sa salamin ngunit nakita ko doon na patuloy pa rin ang paglalakad niya patungo sa akin.

      

"Why? Mamimiss mo ba 'ko?" Aniya bago biglang yumuko at yumakap sa akin saka isinandal ang baba niya sa balikat ko. "I won't be gone for too long. May aayusin lang ako, para sa kumpanya ni Daddy. Walang aattend doon dahil may business meeting siya sa Macau," dagdag pa niya ngunit tila hindi na malinaw iyon dahil mas nakahihigit na ang dagundong ng dibdib ko.

         

"H–Hindi sa gano'n, pero kung hindi ka naman pala uuwi, doon na muna ako kay Nanay," sagot ko sa kaniya.

            

Akala ko ay magsasalita pa siya ngunit bigla na lamang gumapang ang kamay niya papasok sa loob ng t-shirt na suot ko. "I will surely miss these blossoms," aniya sa isang mapang-akit na tinig.

              

"Aeignn.... Male-late tayo," ang pangit ng tono ko dahil tila ayaw ko pero parang gustong-gusto ko.

                

"Really? Who cares?"

        

"Aeignn—"

            

"Sir Aeignn, kakain na raw po— Shit!" Kamuntik ko nang maitulak ng malakas si Aeignn dahil sa biglaang pagpasok ni Grace sa kwarto namin. Hindi ba siya marunong kumatok?

                     

"Susunod na kami," kaswal na sagot niya kay Grace at lumabas na ito. Doon ako tumayo at humarap kay Aeignn na nakahalukipkip at nakakunot ang noo ko.

                 

"Who gave her the permission to enter without knocking?" Iritadong wika ko.

          

"No one. Nasanay lang siguro si Grace na solo ko lang dito—"

               

"And what if we're having sex!?" Hindi ko nanaman alam bakit iyon ang nasabi ko! Naiinis ako sa mga oras na ito.

             

"But we're not, babe. And it's not sex, it's love making," tila pilosopong turan niya sa akin na lalo lamang nagpakulo ng dugo ko.

              

"Wala kang balak sabihan siya!? She should know kung saan siya lulugar. Hindi 'yong ganito. May asawa ka nang tao. I don't degrade her nor looking down on her. Ang akin lang, hindi pwedeng papasukin mo ang kwarto ng amo ng walang permiso—" He planted a kiss on my lips that refrained me from talking.
         
     

"I like your jealous side, but for me, it wasn't healthy for this relationship," nakangiting wika niya sa akin. Ngiti na animo nais tumunaw ng puso.

        

He's so matured at nahihirapan akong sabayan iyon sa ngayon lalo na't laging ang nararamdaman ko ang nagingibabaw sa akin.

       

"Hindi ako nagseselos—"

           

"Yes you are, babe," putol niya sa akin kaya't pinaningkitan ko siya ng mata.

           

"Hindi nga sabi!"

            

"Kung hindi ko lang alam na mga lalaking Freezell ang laging nakatadhanang maglihi sa mga unang buwan ng pagbubuntis ng mga babae, iisipin ko talaga na buntis ka," aniya na bahagya kong ikinagulat.

                  

"A–Anong sinasabi—"

         

"Hindi ko pa nararamdaman ang sintomas. Maybe next month?" Aniya sa akin at kinindatan pa ako.

                 

"You're changing the topic. Pagsabihan mo si Grace—"

            

"Natatakot ka ba sa'kin?" Kapwa kami napalingon ni Aeignn sa pinanggalingan ng tinig na iyon at nakita namin si Grace na nakasandal sa pintuan ng kwarto namin ni Aeignn.

          

Tila sinilaban lahat ng inis at pikon ko sa katawan kaya't naglakad ako papalapit dito. "Bakit ako matatakot sa'yo?"

            

"Bakit ka nga ba matatakot sa'kin?" Nakakainsultong wika nito sa akin kaya't nginisian ko siya.

          

"Walang nakakatakot sa'yo. I have more curves than you. Pumapatay rin ako kung kailangan ko gusto. Now tell me, anong nakakatakot sa'yo?"

             

Sa nabasa ko sa mga mata niya at tila wala siyang pakialam sa sinabi ko. Hindi siya natakot o nayanig ng mga salita ko, bagkus ay ngumisi siya sa akin na tila nakakainsulto.

          

"Siguro..... kaya kong agawin ang sa'yo?" Aniya sa akin at doon na tuluyang napunit at pasensya ko. Umigkas ang kamay ko at sinampal ko ito ng malakas.

             

"CALLIA!" Boses iyon ni Aeignn. Sa palagay ko ay hindi niya narinig ang pinag-uusapan namin dahil halos gigil na bulong lamang ang binibitawan namin ni Grace.

         

Hindi na ako nagtakha nang dumulog si Aeignn kay Grace at tinanong ito kung ayos lamg ba ito at nagkunwaring nasaktan ng sobra ang hayop na babaeng ito. Typical drama.

                

"Why the fuck did you do that—"

             

"Save your sermon. Wala akong balak magpaliwanag sa inyo. Kung gusto mo siya nalang ang asawahin mo!" Saka ako tumungo sa kama kung nasaan ang bag ko at dinampot iyon saka umalis ng bahay na mabigat ang loob.

             

Sobrang immature ko these past few days pero hindi ko alam kung anong gagawin ko. Ngayon lang ako totoong nagmahal at natatakot ako sa pwedeng maging resulta nito, lalo na't marami pa akong responsibilidad na dapat ayusin.

           

         

      

         

      

"SA haba ng nguso mo, iisipin ko talagang nileptulelep ka magdamag ng asawa mo," pukaw sa akin ni Jice at kasama niya si Missy na ngayon ay mukhang naaaliw nanaman sa tabas ng dila niya.

              

"Not now. Wala ako sa wisyo," putol ko sa mga magiging pang-aasar pa niya ngunit tila wala lang sa kaniya 'yon.

              

"JICEEEEEEEEEE!" Lahat kami ay napalingon doon at nakita namin si Lindzzy na humahangos para yakapin si Jice.

             

Agad akong napabaling ng tingin sa ibang lugar nang makita ko siya. Hindi ko kayang titigan ng matagal si Lindzzy. Hindi ko siya kayang titigan sa mga mata ng matagal.

                 

"Bruuuuu! Shutangena, ginagawa mo here!?" Wika ni Jice.

              

"May pinapabigay kasi si kuya Aeignn kay Callia. Ayaw raw sagutin ni Callia 'yong mga text at tawag ni kuya Aeignn," wika nito saka lumapit sa akin. Naging iba ang kabog ng dibdib ko sa ginawa niyang paglapit. Hindi ko siya gustong makaharap, mas lalong hindi ko siya gustong maka-usap.

       

"Awow. Umaattitod ka nanaman, Callia girl. Talagang kay Aeignn ka pa umattitod. Ganda ka?" Pang-aasar ni Jice ngunit tinapunan ko lamang siya ng tingin na walang emosyon.

               

"Callia—"

              

"Hindi ko kukunin kahit ano pa 'yan. Aalis na 'ko," putol ko kay Lindzzy at tumungo na ako sa daan papalabas ng Phyrric.

           

Hindi ko gustong barahin siya, hindi ko lang talaga kayang makipagplastikan at magpanggap na ayos lang ang lahat lalo na sa harap niya.

           

Wala siyang problema sa akin. Ako ang may malaking problema sa kaniya.

     

Nang makalabas na ako ng Phyrric ay inilabas ko ang telepono ko at tinignan ang tracker ni Aeignn. It's a habit, and old habits die hard. Nakasanayan ko nang laging i-locate ang location niya dahil natatakot ako sa kung anong pwedeng mangyari sa kaniya. Gladly, naka-open ang gps niya at nakita ko ang exact location niya. He's at the private resort in Bulacan.

        

Galit lang ako, naiinis lang ako, pero may pakialam pa rin ako sa asawa ko.

       
   
Sumakay ako ng sasakyan at tumungo sa bahay namin ni Aeignn. Kukuha lang ako ng ilang damit, doon na muna ako uuwi kay Nanay hangga't wala pa siya.

         

Nang marating ko na ang bahay ay sumalubong sa akin si Manang Dorang na naglilinis ng sala. Mukhang pagod na pagod na ito kaya't tumungo ako ng kusina at kumuha ng maiinom saka ito iniabot sa kaniya. Dala yata ng kapaguran ay hindi niya napansin ang presensya ko kaya't nagulat pa siya nang abutan ko siya ng maiinom.

               

"Ay naku, Ma'am, maraming salamat po," anito saka lumagok sa inumin.

               

"Huwag na po kayong magpakapagod. Hindi naman po narurumihan ang bahay kaya't hindi kailangan ng matinding linis," nakangiting wika ko rito.

                

"Nasanay nalang talaga ako. Mas magkakasakit yata ako kung wala akong gagawin," sagot nito sa akin.

           

"N–Nasaan po ba si Grace?" Halos ayaw kong banggitin ang pangalan na iyon na pinag-awayan naming mag-asawa.

           

"Ay naku hindi ko napigilan sumama kay Sir Aeignn," nakangiting sagot ni Manang at tila tinutusok ang puso ko ng libong karayom sa narinig ko. "Pasensya ka na ha, Ma'am. Malapit kasi talaga ang dalawang iyon kahit noon pa," dagdag pa nito ngunit hindi ko na magawang makasagot. Nilalamon na ako ng inis, galit..... at selos.

         

Mukhang pinanindigan niya talagang magpapalit na siya ng asawa.

           

Tumungo ako sa kwarto namin at kumuha ng iilang gamit mula sa cabinet. Nang kukuhanin ko sa ilalim ng kama ang maleta ko at hindi sinasadyang may nahagip ang paningin ko na kumuha agad ng atensyon ko.

        

Memory card.

             

Wala sa sariling inilabas ko ang laptop ko at ang card reader ko saka ko sinasaksak ang memory card rito. Lumitaw na corrupted ang files ngunit dahil IT graduate ako ay mabilis kong nagawan ng paraan upang ma-recover ko ang mga files.

                    

Halos masuka at bumaliktad ang sikmura ko sa nakita. Napakahayop. Nakakapang lambot. Napakahayop.

               

Walang sabi-sabing nilisan ko ang lugar na iyon at mabilis na sumakay ng sasakyan para lamang tunguin ang kinaroroonan ni Aeignn. Wala na akong pakialam kahit ilang oras ang byahe, ngunit kailangan kong ma-klaro ang nakita ko. Impulsive? Hell yeah. I fucking need an answer right at this moment.

               

            

          

         

    

INILABAS ko ang telepono ko nang marating ko ang lugar at muling bumungad sa akin ang sandamakmak na missed call at text messages mula sa kaniya.

                

"Good evening po, Ma'am. May reservation po ba kayo?" Tanong sa akin ng receptionist na nadatnan ko sa counter.

             

"Yeah. I'm Mrs. Ricafort," wika ko rito at nakita ko ang gulat sa mga mata niya.

               

"M–Mrs. Ricafort?" Hindi makapaniwalang saad nito at doon na ako tuluyang tumama sa hinala ko.

             

"Not unless may nagpapanggap na Mrs. Ricafort sa loob," nakangisi kong wika rito at lalong lumaki ang mga mata nito sa sinabi ko. "No more words, Miss. Either you let me in, o gagawa ako ng sarili kong paraan para makapasok, at you wouldn't wanna know kung anong paraan iyon," malamig na turan ko rito at walang sabi-sabi na may pinindot ito sa counter at bumukas na ang gate upang makapasok ako.

           

Narinig ko pa siyang nagsalita ngunit deretso na akong pumasok sa loob at pinuntahan ang current location ng phone ni Aeignn. Narating ko ang kulay asul na pinto. Naka-lock iyon kaya't kinuha ko ang hair pin sa ulo ko upang buksan ito. Handa ako sa mga ganitong sitwasyon.

                 

Bumukas ang pinto at hindi na ako nagulat sa nasaksihan ko.

                   

"Get off my man o pasasabugin ko ang ulo mo," wika ko rito saka ko mabilis na kinasa ang baril ko na kinuha ko mula sa likuran ko. "You can mess with me, pero hindi sa asawa ko. You can mess with any man, pero hindi sa pag-aari ko," saka ako mabilis na dumulog sa pwesto niya at tinutok sa likod ng ulo niya ang nguso ng baril.

                   

"Relax, Callia—"

                 

"Maiksi ang pasensya ko. Bababa ka sa ibabaw ng asawa ko, o kakalat ang laman ng ulo mo ngayon mismo," banta ko rito at mabilis itong bumaba mula ibabaw ni Aeignn na ngayon ay tila lupaypay.

               

Hinaklit ko siya at pabalang na iniupo sa sofa bago ko siya hinagisan ng isang kumot.

      

"You're so impulsive—"

            

"Ipinadala ka ba para tarantaduhin ako?" Nakangisi kong wika sa kaniya at nakita kong napangisi rin siya na tanda na tama ang hinala ko.

                   

"Callia.... Callia.... Callia.... Do you really think that we'll just let you off the hook easily?"

               

"Kaya ba sinamantala mo ang pagkawala sa katinuan ni Manang Dorang at nagpanggap kang anak niya at pati si Aeignn ay nabilog mo pa?" Taas ang kilay na wika ko rito.

                    

"You're really good at it... reading people so easily is your main forte—"

              

"Thanks for the compliment," pagputol ko rito na tila hindi niya ikinatuwa.

             

Simula pa lang ay alam ko nang hindi siya anak ni Manang Dorang base na rin sa itsura niya at kilos. Dagdag pa roon ay may mga kilos si Manang Dorang na nagpapakita na wala ito sa katinuan.

      

Ang laman ng memory card kanina ay mga malalaswang larawan at video ni Grace na humahalinghing ng pangalan ni Aeignn. Wala siyang kaniig sa video ngunit mukhang nais niyang ipapanood iyon kay Aeignn.

               

"Hindi ko naman alam na madali palang bilugin ang ulo ng asawa mo at ilang beses nahulog sa mga bitag ko. Ang dali-dali nalang niyang baliwin sa gamot na pinapainom ko," aniya sa akin ng nakangisi.

          

"You wouldn't want to see me mad, Grace. Kayang-kaya kitang patayin sa mga oras na ito—"

           

"Then what, Callia?" Putol niya sa akin ng nakangisi.

            

"Anong—"

    

Biglang rumehistro sa mga mata niya ang isa sa mga kinatatakutan kong balita. Alam ko na ang sasabihin niya......

          

...

   

...

   

...

   

...

   

...

    

...

    

...

   

...

   

...

   

...

    

...

   

...

   

...

    

...

    

...

   

...

    

...

   

...

   

...

     

...

   

...

   

...

   

...

    

...

   

...

   

...

    

"Kill the future Ricafort?"

       

Aeignn.... Akala ko, ako lang?

    
--
ICE_FREEZE

         

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top