Four
CALLIA
Naglalakad ako sa pasilyo ng eskwelahan upang pasukan ang isang subject ko sa araw na ito. Isa lang naman ang subject na ito ngunit hindi maganda ang pakiramdam ko. No— wala akong sakit. Mabigat lang talaga ang loob ko na pumasok.... dahil si Aeignn ang professor ko rito.
Hindi pa kami nagkakaliwanagan sa nangyari kahapon o sa mga litratong ipinadala sa akin.
"Hon!" Napalingon ako at nakita ko si Migo na humahangos patungo sa akin.
Lihim akong napailing. Isa pa nga pala siya. Kailangan ko pa nga palang magpaliwanag sa biglaan kong pagkawala. Ang dami kong kailangang pagpaliwanagan. Nakakaubos ng lakas.
"Migo," tawag ko sa kaniya nang makalapit na siya. "I'm sorry," nakayuko kong wika sa kaniya.
Bigla na lamang niya akong kinabig na ikinagulat ko. "It's okay hon, as long as you're okay," puno ng sinseridad na wika niya sa akin. "I don't care about your secrets. What matters to me, is you. Ikaw lang," dagdag pa niya na halos magpausig ng konsensya ko ng lubos.
Ngunit nagtatakha ako. Paano iyang nasabi na mayroon akong mga sikreto?
Lumayo ako sa kaniya saka ko siya hinatak sa quadrangle kung saan may mga upuan sa mga ilalim ng puno.
"I am really sorry, Migo. May emergency sa bahay at kailangan ako. Alam mong hindi kita maaaring isama sa bahay dahil ayaw sa'yo ni Nanay, ayaw niya sa kayamanang taglay mo," wika ko sa kaniya saka ako napayukong muli ngunit iniangat niya lamang ang mukha ko sa paghawak sa baba ko.
"I don't really care about anything aside from you, hon. Ikaw lang ang gusto ko sa buhay kong ito. Kung ayaw sa akin ni Nanay Mel, that's fine with me. Naiintindihan ko iyon, pero sana ikaw, huwag kang mawala sa akin," deretsong turan niya sa mga mata ko bago ako kinabig papalapit at muling niyakapa.
"Migo—"
"Mahal na mahal kita, Callia. I love you for who you are. You are my fate," aniya saka hinaplos ang nakalugay kong buhok.
"Mahal din kita—"
"So here you are, Ms. Gonzales," halos matuod ako sa tinig na iyon. Mabilis akong napahiwalay kay Migo dahil sa tinig na iyonat nang lumingon ako ay nagbabagang mga mata ni Aeignn ang sumalubong sa akin.
"Mr. Ricafort—"
"Your classmate told me that you're holding the attendance sheet for my class and yet you're late. Ito pala ang rason," walang emosyon niyang wika sa akin ngunit dama kong nais na niya akong kaladkarin.
"I'm sorry, Sir," wika ko saka ako tumayo na bago bumaling muli kay Migo. "Hon, papasok na 'ko. Mamaya nalang tayo mag-usap," nakangiting usal ko dito ngunit tumango lamang si Migo sa akin na tila hindi siya ang kausap ko. Migo never not smile back at me when I smiled first. This is the first time.
Tumalikod na ako sa kaniya at nagsimula nang lumakad nang biglang may humatak sa akin at nanlaki ang mga mata ko..... dahil ito ako at sakop ni Migo ang mga labi habang ramdam ko nag nagbabagang presensya ni Aeignn sa gilid ko.
Marahas kong naitulak si Migo sa ginawa niya. Gulat na gulat ako. "You forgot to kiss me, hon," ani Migo habang nakangisi.
"A real motherfucker," dinig kong bulong ni Aeignn na tila nagpipigil ng gigil ngunit hindi ko alam kung dinig ba iyon ni Migo.
"Tara na Sir—"
"Naiuwi mo ba ang mga underwear mo na naiwan sa pad ko Ms. Gonzales?" Halos yanigin ang buong pagkatao ko sa mga salitang iyon na binitawan ni Aeignn. Hindi ko alam kung humihinga pa ba ako. Hindi ko alam kung sa lupa pa ba nakatapak ang mga paa ko dahil sa lakas ng dagundong ng puso ko.
"What the fuck are you saying!?" Tumaas na ang boses ni Migo ngunit tila hindi iyon alintana ni Aeignn dahil ngumisi lamang siya at nagkibit-balikat.
Hindi na ako nagulat nang bigla na lamang kwelyuhan ni Migo si Aeignn dahil sa inasta niya. "Migo!"
"Wala akong pakialam kung sino ka pa o kung anong kapangyarihan mayroon ka. Stop playing with my girlfriend. Stop bugging us. You're a fucking freak—" Hindi na natapos ni Migo ang sinasabi niya dahil bigla na lamang dinakot ni Aeignn ang leeg niya saka siya iniangat sa ere.
Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko. Matangkad si Aeignn kumpara kay Migo at higit siyant malakas kumpara rito.
"Aeignn please—"
"You must fucking know who you are messing with, stupid child. It's a drill. I could kill you now in just a snap of a finger. Don't act too strong in front of me. I have no mercy," aniya saka biglang ibinagsak patulak si Migo na ngayon ay umuubo.
"Aeignn please tama na—"
"And what? Girlfriend? You're fucking hallucinating fucker," nakangising wika muli ni Aeignn bago ako hinawakan sa braso at kinaladkad paalis ng lugar na iyon.
"BITIWAN MO 'KO!" Galit na bulalas ko sa kaniya saka ako nagpumilit na makawala sa pagkakahawak niya sa pulso ko.
"Gusto mo ng laro, hindi ba? I am playing with you now, babe," nakaangat ang sulok ng labing wika niya sa akin.
"Isa kang hayop na demonyo—!"
Tumawa siya ng nakakaloko bago muling tumingin sa akin. "Pero itong hayop na demonyong ito ang nagpapahalinghing sa'yo sa sarap, Callia. Have you forgotten your moans? They signify the heavenly pleasure that I gave you," mayabang na pahayag niya sa akin saka ako nilapitan at hinapit bago ibinaba ang mga labi niya sa tainga ko. "Don't act high and mighty, lady. Akin ka. Demonyo na kung demonyo pero gagamitin kita kung kailan ko gusto. Dedemonyohin kita kung kailan iiral ang kademonyohan ko. I will fuck you in any way I want, everytime I want. Sa akin ka. You belong to me and no one else but me."
Nanginginig ang mga tuhod ko sa mga salitang iyon ngunit pinilit kong huwag ipahalata.
Sinubukan ko siyang itulak ngunit mas tumindi at humigpit lamang ang pagkakahapit niya sa akin.
"W–What are you doing!? N–Nasa eskwelahan tayo!" Utal na wika ko sa kaniya. Natatakot akong madaanan kami ng mga estudyante lalo na at malapit kami sa hallway.
"I don't care. Kahit nasa impyerno pa tayo, gagawin ko ang gusto kong gawin, Callia. If I want to fuck you right here and right now, I will," halos paliguan ako ng kaba sa narinig kong iyon. He's Aeignn Lev, he'll surely do it. Higit sa kahit kanino, alam kong gagawin niya iyon.
*****
"I will be attending a party and you'll be my date," wika sa akin ni Aeignn na kapapasok lamang ng opisina ko. Hindi niya ugaling kumatok. He's like a boss.
"Bakit ako pa ang isasama mo? O bakit magsasama ka pa ng date? Hindi mo naman ugaling magsama ng ka-date sa parties ng mga kaibigan mo—" Hindi ko natapos ang sinasabi ko dahil bigla niyang hinagis ang isang paperbag sa akin.
"Enough of your opinions, Callia. Just fucking wear that dress," wika niya sa akin.
"Kailan ba?"
"Now. Get dress in front of me," aniya na ikinalaki ng mata ko. Here he goes again.
Lumakad siya patungo sa pintuan ko saka niya ito inilock. "Are you serious?"
"I'm fucking serious as hell. Now, get dress in front of me o ako pa ang mag-aalis ng mga damit mo at hindi ko alam kung saan tayo maaaring aabutin," nagbabantang wika niya.
Wala akong nagawa kung hindi sundin siya. Pumwesto ako sa gilid ng mesa ko at hinubad ang t-shirt at pants na suot ko. Inilabas ko ang damit at namangha ako sa disenyo at tabas nito. Sheath type ito na hakab na hakab sa katawan ko panigurado, ngunit wala itong strap o manggas at tube style ang datingan.
I looked at him and I saw his lustful look in my body. "Such a fucking goddess," bulong niya ngunit alam kong alam niya na naririnig ko.
Natapos kong isuot ang damit at nagpapasalamat ako na hindi niya ako nilapitan. Ito yata ang kauna-unahang pagkakataon na wala siyang ginawa sa akin kahit nakahayag ang buo kong katawan sa kaniya.
"Tara na ba?" Tanong ko.
"Ilugay mo ang buhok mo. I don't want it in bun," aniya at agad ko rin naman sinunod.
"Should I put a light make up?"
"No. I like your natural look," sagot niya sa akin.
Nagtatakha ako na hindi niya na ako nilapitan at lumabas na ng opisina ko. Agad naman akong sumunod sa kaniya dahil napakamainipin niya. Ayaw niya sa lahat at pinaghihintay. He wants things quick and perfect.
Nakarating kami sa party ng kaibigan niya at sumalubong sa amin ang makukulay na ilaw at mga naggagandahang disenyo ng pasilidad. Mga tipikal na mayayaman.
"FUCKEEEEER!" Sigaw ng isang lalaki na palapit sa amin habang nakatingin kay Aeignn at nakangiti.
Nakipag-apir at yakap lalaki ito kay Aeignn, kaya't napabitiw ako sa braso ni Aeignn.
"It's been a while Russell!" Nakangising wika ni Aeignn dito nang maglayo sila.
"Yes, fucker. It's been a while. Kamusta ka na ba? Hindi ka pa ba aksidenteng nakabuntis?" Tumatawang pang-aasar sa kaniya ng lalaki.
"Of course not, dude. I'm such an expert," mayabang na sagot niya sa lalaki.
"Yeah, yeah. By the way, who is she?" Tukoy sa akin ng lalaki.
"Oh, my bad. She's Callia," pakilala niya sa akin. "Callia, She's Russell Atrero," pakilala rin niya rito.
Inabot ko ang kamay ko at sa gulat ko ay bigla naman itong tinaggap ng lalaki saka niya hinalikan ang likod ng palad ko.
"Nice to meet you, gorgeous—"
Naputol ang pagsasalita niya dahil bigla na lamang akong hinatak ni Aeignn. "I don't share her, dude. She's exclusively mine," may pagbabanta sa tinig ni Aeignn at tila mabilis maman iyong nakuha nitong ai Russell.
"Okay, okay. I'm sorry, dude. Excuse me for a minute. I-welcome ko lang muna ang iba," paalam nito saka na naunang umalis.
Naglakad si Aeignn patungo sa pang-apatan na mesa at nakasunod lamang ako sa kaniya. Nang naupo siya ay naupo lamang rin ako.
Nakatitig lang kami sa mga nag-sasayaw at nag-uusap-usap na mga tao nang tila hindi na kayang tiisin ni Aeignn ang pagkainip.
"Let's go," aniya sa akin.
"Kaya mo ba ako sinama dahil ramdam mong maiinip ka lang dito—"
"No. My fucking friends always arrive late. Mamaya pa sila. I will enjoy by myself first hangga't wala pa sila," aniya saka ako hinatak patayo.
Naglalakad kami papasok sa tila bulwagan. Pakaunti na rin nang pakaunti ang tao sa bandang ito.
Nanglaki ang mga mata ko nang biglaan na lamang kaming punasok sa banyo ng mga lalaki. Laking pasalamat ko na walang tao sa loob ng banyo dahil kung nagkataon ay higit pa sa salitang nakakahiya ang mararanasan ko.
"Aano tayo—"
Bigla na lamang niya akong itinulak papasok ng isang cubicle at saka marahas na sinagibsib ng halik. Damang-dama ko ang gigil na nararamdaman niya sa mga labi ko sa paraan ng paghalik niya.
Pinaglaruan niya ang mga labi ko na wari bang kung maaari niya lamang akong kainin ng buong-buo ay ginawa na niya.
Nai-angkla ko ang mga kamay ko sa batok niya dahil sa nakakadrang na halik na ibinibigay niya. Nakakapanglambot ang sensasyon.
Tinugon ko ang halik na kasing rahas ng halik na iginagawad niya sa akin.
Saglit siyang lumayo sa akin saka ako nginisian. "You're such a fucking expert too, Callia," aniya saka ako muling hinalikan. This time, wilder and more aggressively.
Ito sa palagay ko ang 'enjoy by myself' na tinitukoy niya.
Nagsisimula nang maglumikot nag kamay niya sa katawan ko nang bigla kaming makarinig ng mga papalapit na mga tinig na nag-uusap.
Tila hindi naman apektado si Aeignn dahil patuloy lamang siya sa pagsagibsib ng labi ko.
"Yes, dude. He's really here at may kasama siyang babae, and guess what Paulo," pabitin na wika ng lalaking sa palagay ko ay si Russell dahil sa tinig niya.
"What Russ? Pwede bang tigilan mo 'yang kaululan mong cliff hanger? Alam nating pareho kung gaano kalakas si Aeignn sa babae. Hindi na nakakapagtakha na may kasama siyang babae," sagot naman ng lalaking kausap niya saka bumukas ang gripo ng banyo.
"No, dude! He's with her!" Tila excited na wika nitong si Russell. Hindi ko mai-focus ang atensyon ko sa mga halik ni Aeignn dahilsa kyuryosidad na nararamdaman ko.
"With her— What the fuck!? You mean her!?" Sigaw pabalik no'ng Paulo.
"Yes, dude. Her. The one and only Callia Gonzales," mayabang na pahayag ni Russell.
Naramdaman kong sandaling segundong nanigas si Aeignn dahil sa narinig namin ngunit bigla na lamang niyang hinatak pababa ang suot kong damit at na-expose ang kaliwang dibdib ko na mabilis naman niyang dinakot at pinisil..... gusto kong umungol! Gustong-gusto kong umungol!
"Callia Gonzales......
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...
...Aeignn's greatest love."
--
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top