Fifteen

CALLIA

     

Naglalakad ako ngayon patungo sa classroom nang bigla na lamang may humatak ng kamay ko mula sa likuran at ngayon ay may nakasalikop nang palad sa palad ko.

           

Nag-angat ako ng tingin at nabungaran ko si Aeignn na tila cool na cool lang ang lahat sa kaniya dahil nakatingin lamang siya sa harapan na animo wala lang ang ginawa niya.

               

Hindi ako expressive na tao ngunit hirap na hirap akong itago ngayon ang nararamdaman ko. Para akong..... dalaga na ngayon pa lamang umiibig.

             

"Aeignn, nasa eskwelahan tayo—"

             

"Kahit nasaan pa tayo, Callia, asawa kita," tila wala lang na wika niya at mas hinigpitan pa ang pagkakasalikop ng mga palad namin.

             

"Bawal—" Hindi ko na natapos ang dapat na sasabihin ko dahil bigla na lamang niya akong kinabig at napasubsob ako sa dibdib niya.

            

"My words are the rules. Kung ayaw nilang hinahawakan ko ang asawa ko rito sa eskwelahan, then you should drop out. Ipagtatayo kita ng sarili mong eskwelahan kung saan pwede kitang hawakan.... at halikan," at hindi na ako nagtakha nang mabilis niya akong kinintalan ng halik sa mga labi. Napakasaglit lamang n'on ngunit damang-dama ko ang lubos na gaan at pagmamahal mula roon.

              

"Ang hirap mong pigilan—"

              

"That was our first official kiss as a couple, Callia. No lust, just pure love," aniya at lumitaw ang ngiti niya na animo nahihiya ngunit gusto pa rin magyabang. Hindi ko kayang ipaliwanag ngunit iyon ang nababasa ko sa ngiti niya.

           

"T–Tara na," pag-aya ko sa kaniya dahil tila wala pa siyang balak tumigil bumanat sa akin.

                

"Huwag ka na munang kiligin. Marami pang parating," sagot niya sa akin saka na kami magkapanabay na tumungo sa classroom. Oo, siya ang proctor ko ngayon.

             

Hindi ko alam ang mararamdaman ko nang pumasok kami sa room na hindi niya pa rin binibitawan ang kamay ko. Nakikita ko na ngayon ang mapang-usig na tingin sa akin ng ibamg mga kaklase ko ngunit wala naman akong pakialam hangga't hindi nila ako naiisipang saktan.

                     

"HALA KA!" Sigaw ni Minette.

                

"LEGIT BA!?" Sigaw naman ni Joanna Faye.

             

"GRABE. IBA KA, CALLIA!" Sigaw naman sa akin ni Elyn.

             

Walang emosyon ko silang tinignan ngunit iba ang pintig ng puso ko dahil sa nababasa kong gagawin ni Aeignn. Mukhang binabalak niya na talagang ipangalandakan sa madla ang estado namin.

                   

"Wala naman problema, hindi ba? Graduate school naman ito," mayabang na pahayag ni Aeignn sa kanila at nakita ko ang mga pigil na kilig ng mga kaklase ko.

             

"HALA KA, SIR! NAPAKA MOOOOOO!"

      

"Bago ko pa kayo nakilala at naging estudyante, kasal na kami ni Callia. Maybe there's nothing wrong holding her hands?" Hindi ko alam kung tonong humihingi ng simpatya ang kayabangan niyang iyon, basta ang alam ko lang ay may mga nalaglag ang panga at mga mukhang hindi makapaniwala sa mga kaklase ko.

            

Siguro ay iniisip lamang nila na magkasintahan kami.... where in fact, we're more than that.... we did more than they could ever imagine.

             

"KASAL!!!!!!!?" Halos magkaka-panabay na wika ng mga kaklase ko. "KASAL KAYO!!!?"

                   

Napayuko na lamang ako sa mga pinaggagagawa ni Aeignn. He doesn't know the lowkey relationship.... or maybe he's already fed up hiding in the shadows while wanting to tell the whole world that I am his possession.

               

Hinatak ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya at nahagingan ko siyang napangisi dahil sa ginawa ko. Unti-unti na siyang nagbabago. Nararamdaman ko.

         

"Shukingina, Callia! Ang lantod mo!"

      

Mukhang babahain ako ng katanungan at panunukso.

      

        

       

SANA masaya si Aeignn sa ginagawa niya ngayon. Gusto ko siyang hampasin ng baril sa batok para bigla na lamang siyang makatulog.

           

Sunod-sunod na napailing na lamang ako bago tumayo sa upuan ko. Presentation ko ngayon sa Phyrric, at ang demonyo kong asawa na mula kanina ay tahimik, may masama palang binabalak sa akin. Hindi ko naman iyon napansin dahil natural talaga siyang tahimik at nakatitig lamang sa paligid.... ngunit nagkamali ako ngayon.

                 

"'Tang ina," reaksyon 'yan ni Gyor.

         

"Shutangena, sinasabi ko na nga ba! Nag-nyi-nyingeran kayo no'ng nakaraan sa ilalim ng table!" Si Jice naman ang nagsalitang iyon. Bawat madadaanan ko yatang upuan ay may naririnig akong bulong.

              

Bakit? Ano bang meron?

      

Nakaproject lang naman sa white screen ang wedding picture namin, at ngiting aso si Aeignn habang nakatitig sa akin ngayon. Sadyang pinipikon niya ako, dahil hindi niya naman ako inabisuhan na sasabihin na namin sa lahat ng agents kung ano ba talaga kaming dalawa.

           

Pumwesto ako sa harapan at binuksan ang folder na dala ko. Hindi ko nalang inalintana ang mga nakakalokong ngisi sa akin ng mga agents pati na rin ang mga mata nilang animo binabato ako ng pang-uusig.

                    

"Let's start with my presentation—"

                

"Ayaw. Atitud ka Callia girl. Explain mo muna 'yong picture. Hanep ba? Malaki ba? Jerjeran to the bone ba? Sagad?" Gusto kong salpakan ng nguso ng baril ang bibig ni Jice dahil sa sinabi niya. Siya lang ang naglakas-loob na magtanong sa lahat ng narito ngayon.

                  

"Aeignn is a Freezell. Hindi mo na dapat tinatanong 'yon," singit naman ni Griss na nakangisi rin sa akin.

                

"Bakit, Griss? Malaki ba 'yong kay boss Ayler?" Napa-ismid ako sa itinanong ni Jice na iyon. Kahit kailan wala siyang balak pumreno.

             

"Iyong kay Laeven ba?" Ganting tanong ni Griss kaya't napatikhim na lamang ako. Ang dami namin dito ngayon, ngunit kung mag-usap sila ay animo dalawa lamang sila.

            

Si Aeignn, ako, si Missy, si Gyor, at silang dalawa na animo nagpapayabangan sa mga asawa nila.

                

"I'll proceed—"

           

"Mas malaki ang sa akin kaysa kina kuya Ayler at kuya Laeven," nanglaki ang mga mata ko sa biglaang pagsasalita ni Aeignn. "They are no match to me," dagdag pa niya na ikinahagikgik ni Griss at Jice.

           

"Napahalinghing mo na si Callia—"

         

"Jice!" Hindi ko na napigilan. Nahihiya na 'ko sa totoo lang.

             

"More than you could ever imagine, Jice. More than you could ever imagine..."

                 

"E 'di ikaw na talaga, master Aeignn!" Sigaw ni Jice pabalik dito na tila satisfied sa nakuha niyang sagot.

             

"Matagal na kaming kasal ni Callia. Mas matagal na kaysa sa kasal n'yo ni kuya Laev," aniya rito.

      

"Sabi ko na nga ba. Iba ang tinginan n'yo noong sasagipin natin si Amethyst sa bar. Ramdam ko na talagang mag-jowa kayo, e. Pero mas higit pa pala—"

             

"As I was saying, magpe-present na ako. This is an important matter," wika ko sa kanila at tila napatahimik sila ng kaseryosohan ng tinig ko.

                

"Spill," ani Gyor.

                   

"Eerie has been quiet for more than a year now at nababahala ang ibang senior agents ukol doon. Kailangan malaman natin ang mga binabalak nila. Mas tahimik ang paligid, mas tiyak na mapanganib," panimula ko at tila bumalik ang ka-seryosohan sa kanila.

        

"And according to your research?" Tanong sa akin ni Missy.

              

"According to my research, their illegal transactions are still going. Ang ipinagtatakha ko lang, hindi sila nanggugulo sa Phyrric ngayon—"

               

"Or maybe, dahil hindi rin natin sila ginugulo," putol sa akin ni Aeignn at tila napaisip akong bigla sa iwinika niyang iyon. "Lahat tayo rito ay naghihintay lamang kung kailan tayo lulusubin. Why don't we initiate the first attack? Maybe we could get to their higher heads—"

              

"We are not after the higher heads here, Aeignn. We're after the highest of the highest commander," lahat kami ay napalingon sa nagsalita kasabay no'n ay ang pagtayo naming lahat dahil pumasok bigla si Chief Aeickel at tumungo rito sa harapan kung nasaan ako.

                  

"Chief—"

              

"From now on, no more elite agent will be included about Eerie's case. You have your own cases to handle. Nobel and senior elite agents will handle this case starting today. Wait for my instruction. I'll give you your ruler missions," aniya at dinampot ang folder na inilapag ko sa mesa.

              

Ruler missions are missions longer than the side missions. It requires patience and enough knowledge.

       

Lahat kami ay napatungo sa narinig namin kay Chief. She's plotting something. I could sense it.

             

      

      

       

  

KATATAPOS ko lamang mag-shower, naka bathrobe ako at bumaba ako rito sa kusina upang uminom habang kinukuskos ang buhok ko ng maliit na tuwalya. Binuksan ko ang ref at kumuha ng pitsel at naglagay sa baso.

              

Saktong lalagok na sana ako sa baso nang bigla na lamang may umagaw ng tuwalya na hawak ko.... sa presensya pa lamang nìya ay alam ko na kung sino ito.

               

Marahan niyang sinimulang tuyuin ang buhok ko habang nakatalikod pa rin ako. Uminom ako ng tubig at nang maibaba ko ang baso ay marahan niya akong iniharap sa kaniya.

             

"Saan ka galing?" Tanong ko nang mapagmasdan ko siya. Pawis na pawis siya ngunit ganoon pa rin ang amoy niya.... iyong amoy na nakakahumaling.

              

"I want you to get pregnant now, babe," aniya sa isang nakaka-akit na tono habang titig na titig sa mata ko.

               

"Saan ka kako galing?" Pag-uulit ko ng tanong ko kahit ang totoo ay nagulat ako sa sinabi niya.

                

"Nag-basketball lang. Ilang araw na akong hindi maka-shoot sa pinakapaborito kong pag-shootan," pabulong na wika niya sa akin at hindi ko inaasahan ang sinabi niyang iyon. Totoong mula yata noong nakaraang linggo ay hindi siya gumagawa ng kahit anong aksyon sa akin.

                

"Aakyat na 'ko—"

              

"I'm serious when I told you that I want to have a baby with you," at nakita ko ang pagbabaga ng mga mata niya na animo nang-aakit at nanghahalina.

          

"Seryoso rin naman ako nang sinabi kong anak mo lang ang dadalhin ko," nakangisi kong wika sa kaniya at unti-unting sumilay ang pilyong ngiti sa kaniya.

                

"Do you want to do it here? You on top of the sink? Sounds new and interesting," nabuhay yata bigla ang dugo ko sa narinig kong sinabi niya. Only Aeignn Lev could turn me into pervert agent.

               

"I want you too, but I need a rest. I have a mission this 2am," sagot ko sa kaniya and his face quickly turned into disappointed one.

             

"I want to kiss you, touch you, lick you and make love to you all night. Am I no longer allowed? Should I make you quit as an agent now?" His impatient personality suddenly emerged.

                  

"Aeignn—" I didn't get to finish because he went straight to my exposed neck and quickly bit and sucked it a little before he pulled off.

            

"There. I want to show Missy and Griss that this kiss mark only means one thing..." Napakunot ang noo ko sa narinig kong iyon mula sa kaniya.

                 

"Huh?"

           

"They ruined our sexy moment," aniya at naramdaman ko na lamang na tila tinutukso ako ng mga kamay niya na nagsimulang lumikot sa katawan ko habang siya naman ay titig na titig sa akin habang kitang-kita sa maliit na ngisi ng labi niya na sadyang inaakit niya ako.

                  

"Aeignn...."

             

"Stop moaning if you want me to stop," wika niya sa akin at tila hindi ko alam ang magiging reaksyon o ang gagawin ko.

            

Biglang tumungo ang kaliwa niyang kamay sa kanang puwetan ko habang ang kanang kamay naman niya ay tumungo sa tali ng bathrobe na suot ko.

                

"A–Aeignn.... stop..... damn!" Bigla na lamang kasi niyang nilislis ang bathrobe ko mula sa likuran at naramdaman ko na lamang ang mainit niyang palad na dumakot sa pwetan ko. He's really into it!

                  

"Should I really stop, babe?" Mapang-akit na tanong niya sa akin. Naisandal ko na ang ulo ko sa pintuan ng ref dahil sa ginagawa niya. Binabaliw niya ako.

       

Akala ko ay hihinto na siya ngunit bigla na lamamg niyang nilislis ang kanang manggas ng bathrobe na suot ko at nang ma-expose ang collarbone at balikat ko ay pinasadahan niya ito ng daliri niya na animo tinutukso ako sa pagdampi ng balat niya sa balat ko.

                

"Aeignn....."

          

"You're into it, babe. Do you want me to lick your wetness? Do you want me to penetrate your pussy the way I penetrated your heart?" Walang patid na panunukso niya sa akin kasabay ng pagngisi niya na animo makakamit na niya ang tagumpay.

     

"T–This is a torture—"

             

"Just one quickie here, Callia," bulong niya sa akin at tila unti-unti nang napapatid ang pagtitimpi at pasensya ko.

              

"I'm not into quickie. You knew that. You should be the one getting the punishment because of your impulsive decisions without consulting me but it went the other way around," hirap na hirap akong sabihin ang mga salitang iyan dahil sinimulan na niyang idikit ng kakaunti ang matangos niyang ilong sa leeg ko at baha-bahagya na ng dumadampi ang labi niya sa balat ko na lalong nagbigay init sa akin.

        

"Babe," aniya sa mapang-akit na tono at tila doon na napatid ang dapat mapatid sa akin.

        

"Fuck side mission. Let's do it now!"

--

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top