Chapter 8
TVET Part 8:
New Life, New Identity
"Jasprie!" Bahagyang napaatras si Astin dahil sa nakakarinding sigaw na iyon na nanggagaling sa isang babae.
"Kaaga-aga ang lakas ng tinig mo, binibini." Kunot-noong reklamo pa ng binata na siyang tinawanan ng babae.
"Enebe, kinilig ako sa binibini mo." Nakangiting komento pa nito dahilan para mapaiwas ng tingin ang binata.
"Hindi ka pa ba sanay? Ano ka ba, ang tagal na nating magkaibigan ngayon ka lang magsasabi sa'kin ng ganiyan? Nako, nako. Malakas na talaga boses ko, noon pa man Jasprie." Napabuntong-hininga si Astin dahil sa banat ng dalaga sa kanya.
"Tara na, baka ma-late pa tayo sa klase!" Biglang sigaw na naman ng babae at hinila ulit si Astin papasok sa isang malaking gusali na may nakaukit pang logo na siya namang palatandaan na isa nga itong paaralan.
Pagkapasok nila sa classroom nila'y kaagad sinalubong ng mga babae si Astin at dahil dito'y naipit sila at hindi na makapasok puwera na lang sa babae dahil si Astin lang naman ang dinumog, nakalusot ang dalagang kasama ni Ast dahilan para mapayapa itong nakaupo sa upuan niya.
Samantalang ang walang muang na si Astin ay todo pagtitimpi ang ginawa niya. Sinamaan niya ng tingin ang babaeng nanghila sa kaniya papunta roon. Ang babae nama'y waring walang pakialam na nakangisi pa sa gawi ni Astin.
"Allystasia Krismae Bernardo!"
Mariing napapikit ang babae dahil sa sigaw na iyon ng binata. Batid niyang napikon na niya ito. Kaagad namang napaatras ang mga babaeng sabay-sabay lumapit kay Astin.
"Maaari bang makiraan muna ako?" Malumanay na tanong ng binata sa mga babae at dahil sila'y masunurin, hinayaan nilang makapasok nang matisaway ang binata.
Huminga nang malalim si Astin saka malamig na tumingin sa babaeng palagi na lang siyang sinisigawan.
"Pagkatapos mo akong hilahin papunta rito iiwan mo ko ro'n?" Direkta nitong tanong saka tumabi ng upuan sa babae.
"Sorry na, ang gwapo nga naman kasi ng bestfriend ko eh. Kaya nga ang dami mong fans na sumalubong sa'yo, hahaha!" ani ng dalaga na bahagya pang tumawa sa harap ng binata at dahil dito'y napakalma si Astin.
"Sandali, anong fans?" Salubong ang dalawang kilay na tanong nito na siyang pinandilatan ng babae.
"Shimay ka, hindi mo alam?" Nanlalaki ang mga matang saad pa nito. Tumango lang si Astin bilang tugon.
"Tagahanga, sa tagalog."
"Ah. . . eh, ang bestfriend?" Dagdag tanong muli ng binata, nanliit naman ang mga mata ng babaeng napatitig sa mukha niya.
"Pati ba naman--"
"Sagutin mo na lang," pagpigil ng binata sa dapat na sasabihin sa kanya ng dalaga.
"Matalik na kaibigan kasi, hay nako talaga." Tila'y iritableng wika ng dalaga saka itinuon ang pansin sa harapan.
Hindi na sila nakapag-usap pa sapagkat dumating na ang kanilang guro.
"Tita Gen, Marck!" Nakangiting bati ng isang babae pagkapasok nito sa isang silid-tulugan sa loob ng isang kilalang ospital.
"Ayos ka lang ba? Nakakagalaw ka ba nang maayos? Omo, Marck. Hindi pa rin ako makapaniwalang gising ka na. Sobrang miss na miss na kita," aniya saka humawak sa kamay ng pasyenteng dinalaw nito.
"Tita Gen, kumusta na po siya?" Maaliwalas ang mukhang baling niya sa isang may edad ng ginang na kasalukuyang nagbabantay sa lalaking pasyente ng silid na iyon.
"So far, ayos naman daw sabi ng doctor." Nakangiting tugon ng ginang sa dalagang babae na bisita ng pasyenteng binabantayan niya.
"Tita. . . hi-hindi na po ba siya nakakapagsalita? Bakit nakatitig lang po siya sa'kin?" Nakasimangot na tanong muli ng dalaga sa ginang.
"Ay, nakakapagsalita naman siya hija. Marck anak, kausapin—" Hindi naituloy ng ginang ang nais nitong sambitin nang biglang magsalita ang anak nitong lalaki.
"Sino po siya, M-ma?"
Walang ano-ano'y napawang ang labi ng dalaga sa tanong na iyon ni Marck, ang nobyo niyang pasyente ng ospital na ito at ang tanging dahilan kung bakit siya dumalaw sa silid na ito.
"Siya si Hevis, ang girlfriend mo." Nakangiting sagot ni Geneive sa kaniyang anak. Kaagad namang nagsalubong ang dalawang kilay ni Estel.
"Gi-girlfriend? Ano po 'yon?" Kunot-noong tanong ng binata bago saglit na tinapunan ng tingin ang babaeng sinasabi ng nanay ni Marck na si Hevis.
"Girlfriend 'nak. Kasintahan, nobya, jowa, shota. . . ano pa ba?"
Napunta kay Hevis ang paningin ni Geneive, ang ginang na ina ni Estel na tinatawag na Tita Gen ni Hevis, ang girlfriend naman ni Estel sa buhay niyang 'to.
"Taong mahal mo," bulong ni Hevis na narinig naman ng mag-ina.
Napalunok si Estel at sandaling natahimik, dahil pinoproseso pa niya sa kaniyang isip ang mga bagay na nalalaman niya sa kasalukuyang sitwasyon niya.
"Patawad, hindi kita nakilala." Nasambit na lamang ni Estel na marahan pang nagbigay ng tipid na ngiti.
At dahil sa pagkasabik, napayakap si Hevis kay Estel. Hindi kaagad nakapagsalita ang binata dahil maski ito'y nagulat sa biglaang pagyakap sa kaniya ng babaeng na siyang kasintahan niya.
Napangiti naman si Geneive sa nakitang senaryo ng dalawa. Ang lovebirds na siyang sinuportahan niya mula noong magkakilala ang dalawa hanggang ngayon na naging sila na.
"Masaya akong makita kayong dalawa na magkasama na ulit." Makabuluhang saad ni Geneive na nginitian ng dalawa.
Sa kabilang banda, si Keunji naman ay kasalukuyang nagmumukmok sa gilid ng isang basketball court.
Palaisipan pa rin sa binata kung anong klase ba ng tao itong lalaking sinasabi nilang, Giro.
Habang si Keun bilang Giro ay nag-iisip hindi namalayan ng binata ang paglapit ng isang babae sa kaniya.
"Hi," bungad nito.
Napaatras sa sobrang gulat si Keun nang biglang magpakita ang mukha ng babae sa tapat niya.
"A-anong ginagawa mo?" Takang tanong pa nito bago umiwas ng tingin sa dalaga.
Ngumiti ang babae at sinabing, "Ayos ka lang ba? Mukhang ang lalim ng iniisip natin ah? Nanalo naman kayo. . . oo nga pala, congrats!"
Bahagyang umupo ang babae sa tabi ni Keunji habang ang binata'y napalunok at hindi na mawari ang mukha dahil sa kabang ngayon ay naghahari sa dibdib niya.
"A-anong. . . pangalan mo?" Kunot-noong usisa ni Keun na saglit pang tumingin sa babae.
"Ano ba 'yan, kanina ka pa nauutal. Pangalawa na, ha." Nakangiting komento ng dalagang kausap ng binata na ngayo'y nasa tabi niya nakaupo.
"Sagutin mo na lang." Nasabi na lamang nito habang nakatungo siya't nakatingin sa sementadong bench na ngayon ay inuupuan at inaapakan nilang dalawa no'ng babae.
"Kimel..." Walang pasabi'y napatingin si Keun dahil sa tugon na ito ng babae sa kaniya.
"Iyon na ba ang buong pangalan mo?" Nangunot ang noo ni Keun nang mapagtanto nitong ang ikli lang ng pangalang binigay sa kaniya ng kausap na dalaga.
"Curious ka talaga, eh 'no?" Saglit tumawa ang babae saka bahagyang tumingin sa kisame ng court kung nasaan sila ngayon.
"Khyrimel Thrisa Aidalgo," dagdag pakilala pa ng dalaga.
"Ako? Anong pangalan ko—"
"Ano ba 'yan, pati sarili mo hindi kilala? Grabe. Hello, ikaw si Khinro Giro Mitsumo ang kilalang kong hapon na purong nagtatagalog." Mariing bumungisngis ang babae.
At sa ilang segundo'y nakaramdam ng kakaiba si Keun nang pagmasdan nito ang bawat ngiti at tawang ibinibigay ng babae sa kaniya.
"Bakit ganito ang nararamdaman ko?" Mahinang sabi ng binata sa sarili niya na siyang narinig naman ng babaeng Kimel ang ngalan.
"Bakit, ano bang nararamdaman mo?" Sinserong tanong ni Kimel kay Keun at sa 'di inaasahan ay doon na nagtama ang kanilang mga paningin. Nagkatitigan sila sa isa't isa.
At doo'y napag-alaman ng binatang si Keun na may espesyal na ugnayan ang katauhang niyang si Giro kay Kimel, isang kakaibang dalaga na ngayon lang natunghayan ng binatang prinsipe.
'Kung ganoon, hindi lang sila basta magkaibigan lang ng Giro na ito.' bulong pa ni Keun sa kaniyang sariling isip.
Habang naglalakad ang isa pang binatang prinsipe na si Pao kasama ang bagong kakilalang babae ay napansin nito ang laki ng pinagkaiba ng mundo kung nasaan siya ngayon kumpara ro'n sa mundo kung saan siya lumaki.
Sa paligid niya'y marami sa mga taong ito ay pawang mga nagmamadali sa kanilang mga pupuntahan dahil sa lakad-takbo na kanilang ginagawa.
Kapansin-pansin din ang iba't ibang kasuotan ng mga taong nakakasalubong niya. Hindi nito mawari kung ano-ano ang mga ito dahil ngayon niya lang nakita ang karamihan sa mga istilong ito.
Isa pang pinagtataka niya, bakit ang daming mga naandar sa paligid. Sa pakiwari naman niya'y ito ang mga sasakyan na ginagamit ng mga taong narito sa mundong ito upang makapunta sa mga lugar na nais nilang puntahan. At tama naman siya sa konklusiyon niyang iyon.
At kahit siya'y namamangha na sa kaniyang mga bagong nakikita'y pinilit niyang itago ito upang hindi siya mapansin ng babae na bago lang siya sa mga bagay na ito.
"Narito na po tayo, Mr. Jase. It's your company building," saad ng assistant niyang babae. Patingala pa itong tumingin sa isang mataas na gusali.
Pareho silang huminto sa tapat ng isang building na may nakalagay pang Monofonía bilang logo nito. Takang napatigtig sa simbolo na iyon si Pao.
"Monofonía. . . embrace the warm solitude?" Patanong na sambit ni Pao habang binabasa ang mga nakasulat sa building na siyang nasa tapat nila ngayon ng babae.
"Ang cute ng accent mo," komento ng babae bago umiwas ng tingin sa lalaking kasama nito.
"Ha—" Hindi naituloy ni Pao ang kaniyang nais sambitin nang biglang magsalita ang dalaga.
"Wala," tugon nito.
"Anong ibig sabihin ng sinabi ko?" Saglit nanahimik ang atmospera sa paligid ng dalawa.
Pinakiramdaman naman ni Pao ang kasama niya. Ilang sandali pa'y tumawa ang dalaga sa tanong ng binatang ito.
"Ewan ko sa 'yo, pero sabi ng kapatid mo. Solo raw ang meaning ng salitang nilagay mo r'yan—saglit nga, bakit ba ang daming mong tanong ngayon araw?"
"A-ah? Hindi ko alam." Nagkibit-balikat si Pao sa babaeng kasama niya. Nagkunwaring wala siyang ideya pero sa loob-loob nito'y marami ng tanong ang kasalukuyang gumugulo sa isipan niya.
Nangunot naman ang noo ng dalagang kasama ni Pao na tumingin na lamang sa isang stoplight na nasa gilid lang mismo ng babae.
"Kulay red na, tara tawid tayo." Mariing sabi ng babae na tumuloy na sa paglalakad sa tawiran subalit nang lumingon ito'y naabutan niya si Pao na nasa tabi ng stoplight.
Nasa gitna na ito ng tawiran nang biglang tumakbo ito palapit kay Pao at dagliang hinawakan ang braso nito.
"Anong ginagawa mo—halika na!"
Magkahawak ang kamay nilang tinakbo ang tuwiran upang makapunta sa mismong company building ni Pao na siyang tinukoy naman ng babae na pagmamay-ari ni Zherjune na siyang identity ni Pao ngayon.
"Itong lalaki na 'to talaga, oo." Huminga nang malalim ang dalaga bago nagpunas ng pawis sa kaniyang noo.
"Ang init!" Mariing reklamo pa ng dalaga.
"Salamat, Eria." Sinserong wika ni Pao sa babaeng kasama niya.
Kahit natigilan, ginantihan ni Eria ng ngiti si Pao. "Wala 'yon," dagdag pa nito saka sila pumasok sa gusaling kanilang pinuntahan.
"Mr. Cue, we need to go in another senior's meeting for—"
"Puwede bang magpahinga? Ang dami ko ng pinuntahan na meeting na 'yan at sobrang... nakakabagot sila." Sinserong usal ni Kulen saka sumandal sa de-ikot niyang upuan.
"Okay, Sir. Declined ko na lang po lahat ng schedule niyo for today para magkaroon kayo ng free time." Magalang na tugon ng babaeng kanina niya pa kasama sa paglilibot niya sa buong opisina na sinasabing pagmamay-ari ng pamilya niya.
"Maraming salamat," sambit ni Kulen bago tipid na ngumiti sa dalaga.
"Kung ako sa inyo, Sir. Umuwi na lang muna kayo sa bahay niyo. Mas magandang magpahinga roon." Maaliwalas ang mukhang suhestiyon ng dalaga na sinang-ayunan ng binata.
"Saan?" Direkta nitong tanong. Awtomatik na kumunot ang noo ng babaeng napatingin sa gawi niya.
"Sir, hindi mo alam?" Hindi makapaniwalang tanong pa nito.
"Maaari mo ba akong ihatid doon?" Mababa munit sinserong saad ni Kulen sa babae na sa tingin niya'y makakatulong sa kaniya at sa misyon niya.
"No, Sir. . . pero puwede po kitang ipahatid—" Kaagad pinigilan ni Kulen ang nais sabihin ng dalaga.
"Hindi, gusto ko ikaw." Seryosong napatitig si Kulen sa babaeng nasa tapat ng lamesa niya na kasalukuyang may hawak na mga papel na kalong nito sa kaniyang braso.
"Pero, Sir..." Nais tumanggi ng dalaga ngunit alam niya sa sarili niyang hindi niya puwedeng gawin ito.
Dahil una sa lahat, empleyado lang siya't amo niya ang kausap niya ngayon. Amo niyang nagpapasahod sa kaniya.
"Ihatid mo ko, Athen." Mariing napapikit ang babaeng may pangalang Athen, at dahil no choice na rin siya. . . pumayag na lang din siya kahit alam niyang magiging issue ito sa trabaho niya.
"Sige po, may magagawa pa ba ako? Ikaw itong boss. Tss." Mahinang bulong niya na 'di narinig ni Kulen ngunit batid ito ng binata dahil sa mukha at buka ng bibig nito.
"May nais kang sabihin?"
"Wala, Sir. May gagawin lang po ako sa office ko. Balikan ko po kayo para ipahatid—este ihatid." Dagliang umalis si Athen sa office ni Kulen na mas tinatawag niyang Mr. Cue.
Tug dug. Tug dug.
"Hindi puwede, Athen. Hindi dapat." Napailing ang dalaga sa naisip ng kaniya sarili.
Wala pang isang minuto'y nagpunta na nga sa kaniyang sariling office si Athen at doon hinayaan niyang kumalma ang sarili niya.
At dahil sobrang bagot na si Kulen, siya naman na ngayon ang mismong nagpunta sa opisina ni Athen. Dahil dito'y agaw-pansin sila ng mga taong naroon. Umugong ang bulungan sa paligid nila na siyang 'di napansin ng binatang si Kulen.
"Binibini—"
"S-sir? Anong ginagawa mo rito?" Nakaramdam ng hindi maganda sa paligid kaya minabuti na rin niyang papasukin sa loob ng kuwarto niya si Kulen.
"Sir! Hindi ba't sinabi ko na po sa inyo maghintay kayo—" Kaagad pinutol ni Kulen ang panimulang sermon sa kaniyang babae.
"Nakakabagot na nga, ihatid mo na kasi ako."
"Oo na, ito na nga. Tss." Napilitang usal ng dalaga. Nakaramdam si Kulen ng hindi maganda sa kasalukuyang mood ng babae kaya nilakasan niya ang kaniyang loob na magtanong.
"Patawad, binibini. Nagalit ka ba dahil sa pagpunta ko rito?"
"H-hindi, sadyang 'di ko lang gusto na may mga mata sa paligid." Makabuluhang wika ni Athen.
"Anong ibig mong sabihin?" Takang tanong ng binata.
"Tara na, ihahatid na kita. Sir." Mariing sabi ni Athen na pawang pinagdidiinan pa ang salitang, Sir.
Subalit bago pa man sila makaalis ay may nasagi si Kulen na isang babasaging bagay mula sa lamesa ni Athen. Mabilis niya itong dinampot ngunit hindi siya hinayaan ng babae.
"Sir, ako na." Mariing saad pa nito dahilan para mapahinto si Kulen.
Kasalukuyan na silang nakaupo ngayon at parehong nagdadampot ng mga piraso ng basag na picture frame nang biglang makaramdam ng hindi maipaliwanag na emosyon si Kulen.
"Athen..." Mahinang tawag ni Kulen sa babae at doo'y nakatinginan silang dalawa.
Mariing tinitigan ng binatang prinsipe ang kabuuan ng mukha ni Athen at sinubukang basahin ang mga mata nito subalit bigo siya.
'Masyado siyang. . . misteryoso.'
Mahinang ani Kulen sa kaniyang isip.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top