Chapter 6
TVET Part 6:
The Journey
Pagkapasok ng limang binata sa limang magkakaibang kulay na pinto ay dumaan sila sa iba't ibang pasilyo tungo sa buhay na ibibigay sa kanila ng tinahak nilang pintuan.
Sa kulay pulang pinto, makikita ang pagbabago sa pananamit ni Kulen na siyang ipinagtaka niya. Ang dating makaluma't maharlikang uri ng damit ngayo'y napalitan na ng purong puting t-shirt na may kasama pang asul na coat, isang kulay itim na pantalon at sapatos na hindi ordinaryo para sa paningin niya.
"Mr. Cue?" mahinang tawag ng isang babae na ngayon ay takang nakatingin sa harap ng isang nakatungong lalaki.
"Mr. Cue," tawag pa niya ulit sa lalaking nakatungo.
"Mr. Cue." Sa pangatlong beses na pagtawag ng babae ay kaagad nagising ang diwa ni Kulen. Taka niyang tinitigan ang babae at ang suot nito pagkatapos ay tumingin siya sa paligid.
"Sino ka?" takang tanong pa ng binata.
"Ako po si Athenial Eytinza Korpos. Ms. Athen, secretary niyo po ako Mr. Cue." Maliwanag nitong tugon na direktang tumingin pa sa mata ni Kulen.
"Eh ako? Anong pangalan ko?" dagdag tanong pa ng binata sa nagpakilalang sikretary niya.
"Josua Allen Barveza Cue, nag-iisang tagapagmana ng pamilya Cue sa Cressland Unique Turn Entertainment na ngayon ay kilala na sa tawag na CUTE." paliwanag ng babae sa lalaking nagtanong sa kaniya.
"Ang edad ko? Anong taon ngayon?" tanong muli ng binata, naniniguro sa kung ano ang kaniyang pagkatao sa lugar kung nasaan siya ngayon.
"2015, kaka-birthday niyo lang ho kahapon kaya 22 na po kayo ngayon." Malumanay namang wika ng secretary niya.
"2015? Anong klaseng taon 'yon? Ang taon sa lugar namin ay may BC bakit sa kanila numero lang?" kunot-noong bumulong si Kulen sa kaniyang sarili.
"May problema ba, Sir? Bakit parang ang dami niyo naman pong hindi alam sa sarili niyo?" Nanumbalik ang ulirat ng binata sa tinanong ng dalaga sa kaniya.
Bigla nitong naalala na huwag sabihin ang katauhan nila sa mga makikilala nilang tao sa bagong mundo kung nasaan man sila ngayon, hindi nila pwedeng isiwalat ang totoo nilang pagkatao.
"Ah, wala. May sinadya ka ba rito, binibini?" Direktang tanong ni Kulen dahilan para manliit ang mata ng secretary niya.
"Wala naman po, nakakapanibago lang 'yung binibini mo, Sir. Sige po, una na ako." paalam ng babae na siyang pinigilan agad ng lalaki.
"Sandali, maaari mo ba akong kwentuhan sa kung anong klaseng tao ako?"
"Sir? Anong ibig niyo pong sabihin?" tanong ng babae, napatahimik agad si Kulen dahil dito. Nagdadalawang-isip sa kaniyang tinuran.
"Ah wala, wala. Sige." Tumango na lamang ang dalaga at hindi na nagtanong pa. Si Kulen naman ay naninibago sa lahat ng nakikita at nahahawakan niya. Karamihan kasi sa mga ito ay ngayon niya lang nakita, kaya todo ingat siya mas lalo na kapag hahawakan niya ang mga ito.
Sa kulay itim na pinto, pumasok si Keunji. Noong una'y hindi niya makita ang kaniyang daanan sapagkat sobrang dilim ang loob nito ngunit dahil sa isang kuwintas na siyang dala-dala niya parati ay nagliwanag din ito kinalaunan dahilan para makita niya ng maayos ang pasilyong kaniyang pupuntahan.
Habang patungo siya roon ay may naaninag siyang babae sa loob ng isang malaking kahon, hindi ordinaryong babae na para sa kaniya'y kakaiba dahil sa damit nitong hindi pamilyar para sa kanya.
Lumapit pa siya rito hanggang sa nakita nalang niya ang sarili na naglalaro ng bola. Taka siyang napatingin sa maingay niyang paligid hanggang sa mapako ang paningin niya sa babaeng kawangis ng babaeng nasa pasilyo. Binitawan niya ang hawak na bola at lumapit sa babae.
"Sino ka?" tanong nito dahilan para tawanan siya ng babaeng kausap niya.
"Sira ka talaga, nilapitan mo ako para lang tanungin kung sino ako? Naglalaro kayo ro'n oh, magshoot ka na ulit ng bola!" hikayat ng babae saka ngumiti kay Keun na siyang nagpatigil sandali sa binata.
Bakit parang kakaiba ang naramdaman ko?
Mahinang bulong ni Keun sa kanyang sarili.
"Giro! Tara na, babawi pa tayo!" Kahit nagtataka'y pumasok na ulit sa isang basketball court si Keun saka sumubok na maglaro. Hindi nito akalain na kaya niyang tsumamba ng sapol sa ring ng bola.
Karamihan sa kaniyang kasamahan ay nakangiti sa kanya at mababakas ang pagkatuwa dahil sa sunod-sunod na atake ni Keun na siya namang walang palya sa pagshoot ng bola.
Ilang minuto pa'y natalo nila ang kalaban nila at naging mvp pa si Keun.
"Grabe, wala ka pa ring kupas Giro! Ang galing mo pa rin!" bati ng isa niyang kasamahan na hindi naman niya kilala.
"Oo nga, grabe talaga tres mo!" komento pa ng isa habang nag-aayos ng gamit nito sa bag niya.
"Bilib talaga ako rito, mvp pa rin! Congrats sa ating lahat!" masayang bati ng matangkad na lalaki na kung titingnan ay parang lider nila ito sa grupo.
Samantalang ang walang muang na si Keunji ay hindi alam ang gagawin. Nangangapa siya kung saan siya pwedeng magpatulong upang makilala ang pagkataong ibinigay sa kaniya ng tinahak niyang pintuan. Ang tanging nasa isip niya ay iyong babaeng kamukha ng nasa pasilyo. Maaaring hudyat iyon na ang babaeng 'yun ang tutulong sa kaniya upang makilala ang sariling pagkakakilanlan.
Palihim siyang sumulyap sa babae na siya namang nginitian siya.
Sa loob ng kulay dilaw na pasilyo, makikita si Estel na halos magkaligaw-ligaw na dahil sa dami ng pasikot-sikot sa pasilyong pinuntahan niya. Sa dami ng daan hindi na niya alam kung tama pa ba ang pinupuntahan niya hanggang sa makakita siya ng isang karatulang nagsasabi na naroon na raw siya sa lugar kung saan siya dapat mapadpad. May pinindot siyang buton doon at bigla siyang nakatulog dahil sa usok na nilabas nito.
"Marck, please gumising ka na." Nangiyak-ngiyak na sambit ng isang ginang sa isang binata na ngayon ay nakahilata sa puting kama.
Bakas sa ginang ang pagod at lungkot sa kalagayan ng taong nakahiga sa puting kama. Marahan pa niyang hinawakan ang mga kamay nito at pinipilit na palakasin ang kaniyang loob sa kadahilanang may pag-asa pang gumising ang lalaking pawang natutulog lang sa puting kama.
"Marck, anak ko." Maya-maya pa ay nagising ang diwa ni Estel dahil sa tawag na iyon ng ginang. Sa sobrang pagkabigla ay napatayo ang ginang at nag-aalalang tinitigan ang binatang itinuturing niyang anak.
"Marck, ayos ka lang ba? May masakit ba sa'yo? Dito ka na muna ha? Tatawagin ko lang ang doktor." Natatarantang saad ng ginang bago lumabas ng silid kung saan napadpad si Estel.
Panandaliang napatitig si Estel sa mga kagamitang ngayon niya lang nakita, purong puting kumot, dingding, ilaw, lamesa pati ang suot niyang damit ay puting puti rin.
Marahan niyang iniupo ang sarili upang sana'y makita ng maayos ang paligid kung nasaan siya ngayon subalit agad siyang pinigilan ng ginang.
"Anak, huwag ka masyadong gumalaw baka makasama sa'yo 'yan iho." Mahinahong paalala ng ginang sa kaniya.
"Doc, gising na po siya." ani ng ginang at dahil dito'y agad nilapitan ng isang doktor at nurse si Estel.
Noong una'y napaatras ito dahil sa isip niya'y baka may gawing masama sa kaniya ang doktor at nars pero pinili nalang niya na huwag nalang kumilos baka kasi siya naman ang mapahamak.
"Ayos na po siya, Ma'am Geneive."
"Hay. Maraming salamat sa awa ng Diyos, gumaling ka na anak." buong pasasalamat ng ginang na ngayon ay umiiyak na sa harapan ng binata.
"Kailangan nalang niya ng ilang test muna bago siya ma-discharge rito sa hospital. Konting tiis nalang iho, makakaalis na kayo ng Nanay mo rito." Nakangiting payo ng doktor kay Estel na siyang ikinakunot ng noo ng binata.
Ilang sandali pa'y umalis na rin ang doktor at ang nurse na kasama nito. Naiwan ang ginang pati ang binata sa silid.
"Anak, sabi ng doktor normal lang na magtanong ka sa akin ng mga bagay-bagay tungkol sa'yo. Sa tagal mo ba namang natulog sa kuwartong ito malamang may iba kang hindi na maalala." Nakangiting usal ng ginang sa kausap nitong lalaki na ngayon ay takang-taka pa rin.
"Sino po ako?" Unang tanong na nabigkas ni Estel sa ginang. Kahit hirap dahil sa katawan niya ay pinilit pa rin niyang kumilos ng kaunti.
"Marck Lhester Quintales, Marck ang gusto kong itinatawag sa'yo. Ako pala si Geneive, ang iyong Mama." Nakangiting paliwanag ng ginang na siyang tinanguan ng binata.
"Eh, ano pong lugar ito?" takang tanong ni Estel na bahagya pang inilibot ang paningin sa kabuoan ng kuwarto.
"Hospital ito, anak. Dito ginagamot ang mga maysakit pati mga naaaksidente."
"Bakit? Ano ho pang nangyari sa akin at narito ako?" Napansin ng binatang napatigil sa ginang sa tanong niyang ito. Waring nag-iisip kung ano ang dapat nitong isagot sa katanungan niya.
"Naaksidente ka, kayong dalawa ng Papa mo." Lumungkot ang mukha ng ginang habang nagsasalita.
"Tayong tatlo nalang ang magkasama at hindi ko akalain na dahil sa isang aksidente ay mawawala siya sa atin." Pigil hinagpis ng ginang habang nakayuko sa binatang si Estel.
"Mama," mahinang bulong ng binata na siya namang narinig ng ginang. Tumingin siya rito at ngumiti.
"Huwag ka na pong umiyak, ayos naman po ako. Huwag kayong mag-alala. Hindi ako nawala sa inyo." pagpapalubag-loob nitong saad dahilan para mapangiti na rin ang ginang.
"Maraming salamat anak, nabuhay ka." Dahil sa sobrang kagalakan, napayakap ang ginang sa binata.
Doon nalang muli nakaramdam si Estel ng yakap galing sa isang ina.
Pagkapasok ni Pao sa kulay lilang pinto ay nalula siya sa sobrang daming papel. Iba't ibang klase ng papel na may iba't ibang klase rin ng sulat. Kumuha siya ng isang papel at binasa ang nakasulat roon at nagulat siya dahil may isa na namang pinto ang lumitaw pagkatapos niyang magbasa ng kung ano man ang nakasalaysay sa papel.
Sinubukan niyang buksan ang bagong litaw na pinto ngunit hindi niya ito mabuksan. Tumingin siya muli sa kaniyang paligid. Napansin niyang may kakaibang papel na makikita sa sulok na bahagi ng pasilyo kung nasaan siya ngayon. Naglakad siya patungo roon upang makita ang papel at nagtaka ito dahil wala naman nakasulat.
Babalewalain na niya sana ito nang biglang bumukas ang kulay lilang pinto. Dahil sa kuryosidad ay pinuntahan iyon ni Pao nang walang kaide-ideya sa kung anong mayroon sa pintuang iyon.
Pagkapasok niya'y lumabas siya sa isang lugar na hindi siya pamilyar at may ibang anyo na. Kunot-noo niyang pinagmasdan ang sarili, ibang iba ang kasuotan niya ngayon kaysa sa damit na suot niya bago siya pumasok sa lilang pinto.
Mula sa simpleng kayumangging damit niya na may halong ginto pa ang kulay, ngayon ay napalitan ito ng kulay abong coat na ang pang-ilalim pa ay isang shirt na kulay puti, na pinares pa sa isang kulay kapeng sapatos at itim na pantalon.
Pansin niyang maingay ang paligid dahil sa dami ng tao na nagkukuwentuhan. Nais niya sanang makisalamuha sa mga ito subalit hindi nalang niya itinuloy bagkus ay naglibot na lamang siya sapagkat maganda ang tanawin ng lugar kung saan siya napadpad.
Puno ng iba't ibang klase ng daanan ang lugar, maraming matatayog na gusali, marami ring tao na siya namang abala sa kani-kanilang mga trabaho. May mga tindahan, pamilihan ng mga gamit, may parke rin na makikita rito na binubuo ng iba't ibang klase ng puno't halaman. Doon siya nananatili at sinubukang pakalmahin ang sarili hanggang sa hindi niya namalayan na nakatulog siya sa isang lilim ng puno roon.
Huminga ng malalim ang isang babae at lumapit kay Pao. Marahan niyang ginising ang binata mula sa pagkakatulog nito. Nagising ang diwa ni Pao dahil sa ilang beses na pagkalabit sa kaniya. Nairita siya ngunit nang makita kung sino ang nangalabit ay sinubukan niyang habaan ang kanyang pasensya.
"Mr. Zherjune Pawlou Jase, kanina ka pa po tinatawag sa opisina." Malambing munit seryosong usal ng babaeng gumising kay Pao.
Taka niya itong tinginan at sinabing, "Pakiulit nga ang buong pangalan ko?"
"Hays, Mr. Zherjune Pawlou Jase. Kanina ka pa hinahanap ng kapatid mo sa opisina mo. Naiinis na 'yon kasi ang tagal mo raw." paliwanag ng babae sa kaniya.
"Eh ikaw? Sino ka?"
"It's me your beloved assistant, Mr. Jase." taas kilay nitong tugon dahilan para panliitan siya ng mata ni Pao.
"Anong sinabi mo?"
"Alin, assistant?" tanong ng babae na tinanguan ni Pao.
"Ako lang naman ang babaeng pwede mong utusan ng kahit na ano, parati mo akong kasama kasi nga sabi mo no'n assistant mo ako. Assist kasi ako ang tutulong sa'yo, tant kasi instant mo ako nakuha 'di ba?" mahabang salaysay pa ng babae na siyang nginitian ni Pao.
Sa isip ng binata'y may makakatulong na sa kaniya upang malaman ang galaw ng bagong mundo kung saan siya napadpad ngayon.
"Oh? Bakit nakangiti ka pa r'yan? Alam mo naman siguro paano mairita 'yung kapatid mo kapag pinaghihintay mo siya sa opisina mo." komento muli ng babae kay Pao dahilan para mapilitang tumayo ang binata mula sa pagkakaupo niya mula sa ilalim ng punong pinagtambayan niya ganoon din ang babae, tumayo sa harap ni Pao.
"Anong pangalan mo pala, binibini?" Agad tinitigan ng babae si Pao dahil sa sinabi nito.
"Taray, binibini. Akala ko ba nandidiri ka riyan, tsh." komento ng dalaga na siyang tinawanan naman ng binata.
"Ano nga?" tanong ulit ni Pao.
"Camieriana Xendriano, Eria ang palayaw ko at mas gugustuhin ko pa na iyan ang itawag mo."
"Bakit, ano bang tawag ko sa'yo dati?"
"Hala, hindi mo ba maalala o nagpapanggap ka lang?" nanliliit ang mga matang tanong ni Eria kay Pao.
"Ang ingay mo, bahala ka nga." Iwas tanong namang sambit ni Pao.
"Ito naman, napakamainipin talaga. Rianot lang naman 'yon. Naasar lang ako kasi argh! Basta." waring napilitang kuwento naman ni Eria sa binata.
"Bakit, Rianot?"
"Kasi, payatot?"
"Ah."
"Ang saya mo talaga kausap ano? Tara na nga. Napakabagal mo talagang maglakad, Mr. Jase."
Lihim na ngumiti si Pao sa babaeng kasama niya, sa pakiwari niya'y magiging masaya ang paglalakbay na mangyayari sa kaniya sa bagong mundo.
Huli naman ay ang luntiang kulay, kung saan pumasok si Astin. Pagkapasok niya sa pinto'y kitang kita pa niya ang pagbabago ng pasilyong kaniyang dinadaanan, mula sa mala-gubat nitong paligid naging purong berde nalang.
Habang naglalakad ay hindi niya namalayan ang pagbabago ng kanyang kasuotan, mula sa mayumi nitong damit pang-prinsipe ngayo'y pawang naging estudyante ang itsura niya.
Nagulat nalang siya dahil napadpad siya sa isang lugar na kapareho ng kaniyang damit. Taka niyang pinagmasdan ang ibang mga taong naroroon at nalula siya sapagkat marami nga siyang kaparehong damit mas lalo na sa mga kalalakihan.
Lalapit na sana siya sa isang lalaki nang bigla siyang hilahin ng babae.
"Hoy! Jasprie Jhastin Le Rios! Saan ka pupunta, ha?" Salubong ang kilay na tiningnan ni Ast ang babaeng nanigaw sa kaniya.
Sa isip ng binata'y bakit kilala siya nito gayong ngayon lang naman sila nagkita--teka nasabihan nga pala siyang magiging iba ang katauhan nila sa ibang mundo, baka ito na 'yon?
Wala sa sariling napatango si Astin sa kaniyang naisip. Nawa'y nakatulong sana ang babaeng kausap niya ngayon upang matuklasan niya kung ano ang kaniyang misyon sa bagong mundo kung nasaan siya ngayon.
"Ano nga ulit ang tinawag mo sa'kin?" huminga ng malalim ang babae na para bang pinipilit pakalmahin ang sarili.
"Jasprie Jhastin Le Rios!" sigaw muli ng babae na siyang naging dahilan para mapapikit ng tuluyan si Astin
Kung gayon, itong maingay na 'to ang magiging katuwang ko sa bagong mundo na ito? Gusto ko lang naman ng tahimik na buhay pero--
"Ano? Sabay na tayo umuwi, Jasprie. Tara na!" yaya ng babae na marahas pang hinila si Astin. Kahit labag sa loob ay sumunod nalang si Astin sa babae.
Sana'y makaraos ako sa mundong ito.
-ani Astin sa isip niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top