Chapter 3

TVET Part 3:
A life as a Prince
(Knowing The Five Part 1)





"Prinsipe Pao! Magandang pagbati sa inyo. Narito po ngayon ang iyong ama, kasalukuyan po siyang naghihintay sa'yong pagdating." Bati ng isa sa mga katulong sa kanilang malaking villa mansion.

"Ah ganoon ba? Sige, pasabi na papunta na ako. Kailangan ko munang maglinis ng katawan." Mahinahong saad naman ng maginoong Prinsipe na si Zepau.

"Kung mamarapatin niyo po akong magtanong, nais ko po sanang malaman kung saan kayo galing, ginoo." Biglang pagtatanong ng katulong sa kaniyang amo, dahilan para lingunin siya ni Prince Pao.

"Galing ako sa gubat." Direktang tugon nito sa katulong nila saka siya ngumiti rito dahilan para mapatitig ang babaeng katulong sa prinsipe.

"Sige na, mauna na ako." Paalam niya muli saka nagtungo sa kaniyang kuwarto upang maligo't makapagbihis ng bagong damit.

Pagkatapos nito'y agad siyang nagpunta sa kanilang silid kung saan sila kumakain.

"Kamusta ang pangangaso, Zepau?" Bungad na tanong ng kaniyang amang nasa gitnang parte ng upuan nakaupo.

"Maayos naman ho. Nakakahuli pa rin kahit papaano." Magalang nitong tugon, marahan siyang umupo sa gitna ng dalawa niyang nakababatang kapatid na mga babae.

"Mahal, bakit hindi mo sabihin sa kaniya?" Tanong ng ina ni Pao na kasalukuyang nasa tabi ng kaniyang ama, na katapat naman nilang magkakapatid.

Hindi pa man nakakakuha ng pagkain si Zepau ay agad na siyang naipasok sa usapan ng kaniyang mga magulang, kahit nagtataka siya ay binalewala na lamang niya ito saka siya kumuha ng pagkain niya.

Pare-pareho na silang kumakain ngayon. Hinintay muna ni Ginoong Teide na matapos ang kanilang pagkain bago niya simulan ang pag-uusap nilang magkakapamilya.

"May ipapakilala ako sa iyo Zepau at nais kong maging maayos ka sa harapan niya." Agad nagsalubong ang dalawang kilay ni Zepau sa sinabi ng kaniyang ama.

"Bakit Pa? Sino ba itong ipapakilala mo't hiniling mo pa akong maging maayos sa harapan niya." Takang saad ni Pao.

"Dahil isa siyang prinsesa." Hindi nakaimik si Zepau sa kaniyang nalaman. Batid ng kaniyang ama na biglaan itong pagbanggit niya ng ganito sa anak na lalaki pero dahil ito'y isang tradition, kailangan itong sundin ng buong pamilya.

"Prinsesa? Papa sino siya?" Takang tanong ni Ilex sa kanilang ama.

"Makikilala niyo rin siya, mga munti kong prinsesa." Ngumiti ng bahagya si Ginoong Teide sa dalawang batang babae na katabi ngayon ni Zepau.

"Parang gusto ko rin po siyang makilala, Pa." Natutuwang komento ni Deneisa saka siya nakangiting bumaling sa Ate niyang si Ilex at Kuya Pao.

Tila'y 'di alintana kay Zepau ang pag-uusap sa paligid niya. Alam niyang tungkol pa rin ito sa prinsesang tinutukoy ng kaniyang ama subalit imbis na doon siya tumutok ay mas itinuon niya pa ang pokus niya sa kung paano siya sasagot o kung sa paanong paraan ba dapat siya umakto gayong ito ang ipinaalam sa kanya ng kaniyang ama.

Biglang pagpapakilala sa prinsesa? Hindi na ako magtataka kung kasunod nito'y kasalan na. -Ani ni Pao sa kaniyang isip.

Balak na sanang umalis ni Prince Zepau sa kanilang silid-kainan nang bigla siyang binalingan ng kaniyang ama.

"Zepau, isipin mo muna nang maigi ang gagawin mong desisyon dahil dalawa lang ang pwedeng mangyari, ito ay kung maganda ba o masama ang resultang kakalabasan ng isang pagpapasya." Makabuluhang payo sa kaniya ni Ginoong Teide dahilan para mas lalong mapaisip si Zepau.

Hinayaan nilang makaalis sa silid ang nag-iisang prinsipe at dahil dito'y nagpasya siyang pumunta sa munti nilang hardin na nasa likod ng kanilang malaking villa.

"Sino naman kaya itong prinsesang nais ipakilala ni Papa? Baka mamaya hindi ko siya magustuhan o baka siya ang hindi magkagusto sa akin? Kapag hindi naman ako sumang-ayon ay paniguradong hindi magiging maganda ang epekto nito sa pamilya namin." Huminga ng malalim si Pao tsaka niya ginulo ang kabuoan ng buhok niya.

Ilang minuto pa ang lumipas ay marahan niyang sinandal ang buong likuran niya sa bangkong inuupuan niya. Ipikit ni Pao ang mga mata niya saka niya dinamdam ang hanging ngayon ay naglalaro kasabay ng paghampas nito sa mga bulaklak na nakapaligid sa kanilang maliit munit magandang hardin.

Ilang minuto pa ang lumipas ay nagising si Pao mula sa pagkakaidlip niya dahil sa isang kaluskos na nanggagaling sa likurang bahagi ng bangkong inuupuan niya.

Dahan dahan siyang lumingon at hindi siya nag-atubiling puntahan agad ang isang babaeng nakaupo sa kanilang hardin.

"Binibini ayos ka lang ba? Anong nangyari sayo't nakaupo ka riyan."

"Ah... Ah!" Wala sa sariling ani ng babae saka may kinuha sa ilalim ng bulaklak.

Sandaling napatahimik si Zepau dahil sa biglang paglingon nito at dahan dahang ngumiti sa harapan niya. Hindi alam ng babae ang naging epekto niya sa prinsipe ganoon din ang prinsipe sa babae.

"Pagpasensyahan mo sana ako ginoo kung nanghimasok ako rito sa hardin ninyo. Nagalak lamang ako sa bulaklak na ito, teka maaari ba akong pumitas ng isa?" Ang babae na ang naglakas-loob na kausapin ang prinsipe dahil mukhang wala naman balak magsalita si Pao.

Marahang tumango ang binatang prinsipe sa naitanong sa kaniya ng babae at dahil sa tuwa ay pumitas ng tatlong bulaklak ang hindi kilalang babae saka ito tumayo't lumapit sa prinsipe.

"Anong tawag sa bulaklak na ito? Ang ganda." Ani muli ng babae saka pinagmasdan ang mga bulaklak na hawak nito.

"Pamela..." Wala sa sariling naisagot ni Pao sa dalagang nasa harapan niya.

"Ha? Pangalan ko iyon ginoo, teka kung gayon... Totoo ngang galing sa bulaklak ang aking ngalan? Nakakamangha naman!" Natutuwang komento ng babae dahilan para mas mamangha pa lalo si Pao sa kaniya.

Sandali nga, bakit ba ako napatitig sa babaeng ito eh dayo lang naman siya rito pero teka, paano pala siya napadpad dito? Kunot-noong tanong ni Zepau sa kaniyang sarili dahilan para magtaka sa kaniya ang babaeng kasalukuyang harapan niya.

"Saan ka galing?" Sa wakas, naibalik na ni Pao ang ulirat niya dahil saglit nawala iyon nang makita niya itong dalagang nagngangalang, Pamela.

"Sa bahay?"

"Saang bahay?" Mahinahong tanong muli ng binatang prinsipe.

"Dito?" Patanong nitong sabi tsaka tinuro ang villa mansion na pagmamay-ari ng pamilya ni Zepau.

"Ang bahay na tinutukoy mo, kung saan ka nanggaling ay tahanan ko."

"Ha!?" Hindi makapaniwalang bulalas ni Pamela habang si Zepau ay napasapo sa kaniyang noo.

***

"Kuya Estel, hindi ka po ba napapagod kakasanay sa sibat mo?" Takang tanong ng isang batang babae sa isang binatang kasalukuyang pinag-aaralan kung paano gamitin ang kaniyang bagong klase ng sibat.

"Bakit mo naman naitanong, Monna?" Tanong pabalik ni Estel sa batang babae na may pangalang, Monna.

"Eh kasi po, kanina pa kita nakikitang ginagamit iyang sibat mo. Kaya napaisip po ako kung napapagod ka po ba..." Ani Monna na bahagya pang ngumuso sa harapan ni Estel. Natawa naman ang binata sa itsura ng bata.

Hindi muna sumagot si Estel sa sinabi sa kanya ng bata bagkus ay isinandal niya sa kaniyang tabi ang sibat na kanina lang ay iwinawasiwas niya tsaka siya tumabi kay Monna.

"Alam mo ikaw, ang hilig hilig mo akong kulitin. Pasalamat ka maganda kang bata, naku!" May halong panggigil ang paggulo ni Estel sa buhok ng bata samantalang si Monna ay pawang nasanay na sa ganitong trato sa kanya ng kaniyang Kuya Estel.

"Maganda ako kasi mana ako kay Ate, hindi ba kuya Estel gusto mo si Ate ko?" Napalunok ng laway ang binata. Napaisip siya kung sa paanong paraan nalaman ni Monna ang mga bagay na gaya nito.

"Oo, gusto ko si--" Naantala ang pag-uusap ng dalawa sapagkat may biglang dumating upang sunduin ang bata.

"Monna! Halika rito, kailangan mo ng umuwi!"

"Ate Mina!" Sigaw pabalik ng bata saka ito tumayo mula sa pagkakaupo nito sa damuhan, agad sinalubong ni Monna ang kaniyang Ate Mina, na siyang gusto naman ng binatang prinsipe.

Napatulala ang binatang si Estel sa taong biglang dumating upang tawagin ang batang si Monna. Hindi na nagtaka rito ang batang babae dahil batid nitong may gusto ang Kuya niyang prinsipe sa kaniyang Ate Mina.

Oo. Magkapatid sina Mina at Monna at madalas na dinadalaw ng batang si Monna ang kaniyang kuya Estel para usisain sa mga bagay bagay. Gustong gusto kasi ni Monna na maging kuya si Estel dahil sa ugali nitong ubod ng bait subalit hindi ito pwede sapagkat si Estel ay isang prinsipe at ang prinsepe ay mananatiling prinsipe hangga't nabubuhay siya sa isang palasyo at ang dugong nananalaytay sa kanya ay dugong maharlika na kaniyang minana sa kaniyang mga ninuno.

Sandaling pinagmasdan ni Estel ang gandang mayroon si Mina ngunit nawala ito nang bigla niyang makita si Gigi na katabi ng taong gusto niya.

"Prince Vhester? Hindi ba't kailangan kayo sa inyong tahanan? Kanina pa namin kayo hinahanap, mahal na prinsipe." Agad nabaling ang atensyon ng lahat sa biglang pagdating ni Gigi.

"Pinsan..." Mahinang sambit ni Mina sa kaniyang pinsang babae.

"Ay, Mina ikaw pala. Oh Monna bakit--" Agad pinutol ni Mina ang dapat na sasabihin ni Gigi.

"Mamaya na tayo mag-usap, tara na Monna." Napalunok nalang si Gigi sa inakto sa kaniya ni Mina. Alam ng dalaga na nainis ito sapagkat hindi nito sinabi na katulong na siya sa lugar kung saan namamahala si Vhester.

Nang umalis na ang magkapatid ay naiwan sila Gigi at Estel sa lugar kung saan madalas tambayan ni Monna at kung saan madalas siya magsanay. Agad naglinis ng kalat si Estel at nagtungo sa kanilang malawak na hacienda, kasabay niyang magpunta roon ang katulong nila na si Gigi, na pinsan naman ni Mina na kapatid ni Monna.

"Bakit ba raw ako hinahanap, Gigi?" Takang tanong ng prinsipe pagkapasok nila sa kanilang malapalasyong tahanan.

"May bisita raw ho kayo mula sa ibang lugar. Nais daw kayong makita kaya kanina ka pa namin hinahanap." Direktang paliwanag ni Gigi saka tinulungan ang prinsipeng ayusin ang ilang gamit nito. Inilagay nila sa tamang lagayan ng mga ito.

"Ah ganoon ba, sige sala--"

"Vhester!" Agad napahinto si Estel sa kaniyang dapat na sasabihin, napaisip siya sa kaniyang narinig. Pamilyar na tinig ng isang babae na matagal na rin niyang hindi nakasama.

"Oy! Hindi mo na ba ako kilala ha? Ano? Ganiyan ka na ba sa akin? Ha iyakin!?" Awtomatik na napangiti si Estel sa kaniyang nakita.

Siya si Lexi Stellar, ang babaeng simula palang ay naging kaibigan na niya. Kababata ng binatang prinsipe na si Vhester na kay tagal na rin niyang hindi nakita't nakausap.

Patakbo niyang nilapitan si Lexi tsaka niya ito niyakap ng mahigpit. "Lexi! Bakit ngayon ka lang dumating ha?" Malambing na saad ng prinsipe saka siya humiwalay ng yakap.

Marahan pa niyang ginulo ang buhok ng dating kaibigan, dahilan para mainis si Lexi kay Estel.

"Nakakainis ka! Hanggang ngayon nanggugulo ka pa rin ng buhok!" Tinawanan lang siya ni Prince Vhester na siyang dahilan para mas lalong mapikon ang kababata niyang isa rin namang prinsesa.

"Nakita ka na ba nila Ama't Ina?" Tumango lamang si Lexi bilang tugon sa tanong ni Vhester sa kaniya.

"Sandali nga, saan ka pala galing? Maligo ka nga muna. Ang baho mo." Pagtataboy ng dalaga sa kaibigan nitong binata ngunit imbis na mainis ito ay mas ginulo pa muli ni Vhester ang buhok ni Lexi.

"Ano ba!?" Inis na komento ng babae sa kaniyang kababatang prinsipe.

"Ang liit mo pa rin." Awtomatik na nanliit ang mga mata ni Lexi Stellar sa sinabi sa kanya ni Prince Vhester.

Mapang-asar ka pa rin ts. -komento ni Lexi saka siya nag-isip ng isasagot sa kaibigan.

"Ano ngayon? Bakit mo ba pinapakialaman itong tangkad ko ha?" Palabang saad ng maliit ng prinsesa na tinawanan lang ng prinsipe.

"O siya sige na, maliligo na ako mahal na prinsesa Stellar, na may pangalan pang Lexi." Kahit maliit ay nakabuwelo si Lexi sa tangkad ni Vhester at agad itong tumalon at binatukan ang prinsipe.

"Aray!" Agad tumakbo si Lexi palayo kay Estel dahilan para mapabugtong hininga ang prinsipe.

"Nakaganti na ako!" Masayang sabi ni Princess Stellar na pinandilatan pa ang kababatang prinsipe.

Wala ng nagawa pa si Estel, hinimas nalamang niya ang ulo nitong nasaktan dahil sa brutal niyang kaibigan.

Kay gandang binibini, prinsesa pa pero mapanakit, hayst. -Nasabi nalang ni Estel sa isip niya saka nagtungo sa kaniyang silid.

Samantala, ang katulong naman na si Gigi ay napansin ang samahan ng dalawang maharlika. Kahit na nagtataka siya sa kung paano itrato ni Estel ang bagong dating na babae na si Prinsesa Stellar ay isa lamang ang nasa isip ni Gigi.

Nararamdaman niyang may lihim na pagtingin ang isa sa kanila, at dahil imposibleng si Prinsipe Vhester iyon malamang ang prinsesa. Sa ngayon ay hinula pa lamang niya ang naiisip niyang ito at pwedeng hindi naman ito yung totoo.

Hanggang sa hinayaan nalang ng baguhang katulong ang hula ng kaniyang isip bagkus ay nagpunta nalamang siya sa kung nasaan ang matandang babae na namumuno sa lahat ng katulong ng pamilya ni Vhester.

"Mawalang galang na ho pero maaari po bang makahingi ako ng ilang segundo sa inyo?" Magalang na panimula ni Gigi sa matanda na ngayon ay naghahanda na ng kanilang magiging hapunan kasama ang ibang trabahador.

At kahit abala ang matanda'y pinahintulutan naman nito ang nais ng baguhang dalagita.

"Bakit iha?" Mahinahong tanong pa nito saka nagpagpag ng kaniyang apron.

"Maaari po bang bukas na lamang po ako magpatuloy magtrabaho rito? Medyo masama po kasi pakiramdam ko ngayon." Waring nanlalamyang paalam ni Gigi sa matandang babae.

"Ganoon ba? Sige. Basta bukas kailangan maging maayos ka ha? Magpahinga ka na sa inyo't para mabilis ang iyong paggaling." Payo pa ng matanda sa baguhan nilang katulong.

"Maraming salamat po." Tumango ang dalaga tsaka ngumiti sa matanda.

"Walang anuman." Ngumiti pabalik ang matanda kay Gigi.

Yumuko siyang muli saka dahan dahang naglakad palabas ng bahay na pagmamay-ari ng pamilya ni Estel. Agad siyang nagtungo sa tahanan ng kaniyang pinsan.

Malamang nagtatampo pa rin iyon dahil hindi ko man lang nasabi sa kanya. -Nasabi ni Gigi sa kanyang isipan.

Pagkapasok niya sa kanilang tahanan ay hindi na kataka-takang makitang naglalaro sa salas si Monna habang si Mina ay kasalukuyang naghahanda ng kanilang makakain.

Huminga ng malalim si Gigi saka naglakas-loob na magsalita. "Mina--" subalit naputol ang dapat niyang sasabihin nang biglang magsalita ang pinsan niyang si Mina.

"Bakit hindi mo sinabi na katulong na pala ang bago mong trabaho ha? At talagang sa pamilya pa nila Estel?!" Tanong pa nito na waring gustong sermonan si Gigi.

"Pinsan, huwag ka ng magalit sa akin. Patawad kung hindi ko nasabi sa iyo't tanging kila Itay at Inay ko lang nasabi. Pangako hindi ko na uulitin." Malambing na tugon ng pinsan nitong si Gigi.

"O siya. Wala naman akong magagawa kung iyan na ang iyong desisyon. Sandali, dito ka ba maghahapunan?"

"Kung iyong mamarapatin binibini." Ngumisi si Gigi, huminga naman ng malalim si Mina.

"Sinasabi ko na nga ba't--" Inambangan ng hampas ni Mina ang pinsan niya subalit umatras ito't ginamit ang braso niya bilang panangga.

"O hinay hinay lang, sandok iyang hawak mo." Dagdag ani pa nito.

"Ay may ikukuwento pala ako sa iyo, Mina." Pag-iiba ni Gigi ng usapan nila ng pinsan niya.

"Ano naman 'yan." Ani Mina.

"Kanina bago ako umalis sa bahay nila Estel. May bagong dating na babae. Prinsesa yata siya? Ewan siguro."

"Bakit hindi ka sigurado?" Tumawa si Mina habang naghahain ng pagkain nila sa malapad nilang lamesa na nakapuwesto sa gitnang parte ng kanilang tirahan.

"Eh kasi sa pananamit lang siya mukhang prinsesa, sa kung paano siya umarte sa harapan ni Estel para may kakaiba." Nangalumbaba si Gigi sa harapan ni Mina.

"Anong kakaiba?" Kunot-noong saad ni Mina.

"Parang..." Saglit pinutol ni Gigi ang kuwento niya.

"May gusto siya kay Estel?" Agad nabilaukan si Mina sa kaniyang narinig mula sa pinsan niya.

"O bakit ka ganiyan, akala ko ba walang pag-asa sa'yo ang prinsipe ha? Ikaw Mina ah." Pang-aasar pa ni Gigi sa pinsan nitong napupusuan ng prinsipe.

"Nakakagulat kasi iyang mga pinagsasabi mo. Panigurado akong hinula mo lamang ang mga bagay na 'yan." Waring siguradong ani Mina.

"Totoo." Nakangiting tugon ni Gigi, saka sila sabay na tumawa.

"Sabi ko na eh." Ngumisi si Mina saka siya umupo sa upuan niyang katapat lang ng upuan ni Gigi. Lumapit si Monna sa kanila at pumuwesto na rin sa kaniyang upuan.

"Oy pero anong malay natin 'di ba?" Tinawanan lang ni Mina ang sinabing ito ng pinsan niya.

"Chismosa ka talaga, iyon 'yun pinsan. Itigil mo na 'yan." Natatawang saad ni Mina saka sila nagsimulang kumain.

"Eh bakit ba? Nakakapagtaka kaya at isa pa, nakita at narinig ko lang naman yung pag-uusap nila kasi nasa harapan nila ako noon kaya hindi ko naman sinadya na malaman ang mga bagay bagay kagaya ng mga ganoon." Mariing depensa ni Gigi dahilan para mas matawa sina Monna at Mina.

"O siya, sige na." Nasabi nalang ni Mina sa paliwanag ng pinsan.

Sa kabilang dako, magpunta muli tayo sa tahanan ng pamilya ni Vhester.

Nagpunta sina Princess Stellar at Prince Vhester sa munti nilang tambayan. Puno ng iba't ibang bulaklak at damo ang kabuoan ng paligid nila. Malamig ang simoy ng hangin at ilang oras nalang ay palubog na naman ang araw.

Umupo silang dalawa sa bangkong nasa tabi lang ng matandang puno ng narra. Nakapuwesto ang punong ito sa gitnang parte ng malawak na hardin na pagmamay-ari lang ni Estel.

Sabay silang huminga ng malalim at parehong napatingin sa isa't isa at saka sila tumawa.

"Ang tagal na rin pala mula noong huli tayong nagpunta rito." Nakangiting usal ni Lexi, nakatingin lang siya sa palubog ng araw sa langit.

"...tapos naalala ko pa noon, sabay lang nating pagmamasdan itong paglubog ng araw." Nakangiting ani Estel.

"Sandali nga, bakit parang may kakaiba sayo ngayong araw? May nangyari ba?" Nanliliit ang mga matang tanong ni Princess Stellar.

"Wala naman. Napagtanto ko lang na ang hirap palang maging prinsipe. Parang ang bigat ng responsibilidad na kailangan mong gawin." Nakangusong kuwento ni Prince Vhester.

"Sa totoo lang, ramdam kita. Alam ko rin ang hirap, syempre prinsesa rin ako at ang masaklap pa wala akong ibang pagpipilian." Tumango si Estel bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Lexi.

"Minsan nga, napapaisip ako. Aanhin mo ang titulong mayroon ka, kung ikaw mismo hindi mo magawa yung mga bagay na gusto mo." Wala sa sariling kuwento ng binatang prinsipe. Napatingin naman sa kaniya si Lexi.

"...at higit sa lahat, aanhin ko ang pagiging prinsipe ko kung hindi ko rin naman magagawang prinsesa yung taong gusto ko." Dagdag pa ng prinsipe. Saglit nanahimik ang prinsesang kasama niya.

Nakikiramdam ang dalaga sa kung ano ang nais iparating ng kaniyang dating kababatang kaibigan.

"Binata ka na talaga." Mapait siyang ngumiti kay Estel.

"Malamang. Ikaw nga e. Ang ganda mo na. Dalagang dalaga na rin hindi gaya ng dati na uhugin." Pamimilosopo ng binatang prinsipe sa kaibigan niya.

"Alam mo ikaw? Nakakainis ka. Sa ating dalawa ikaw yung uhugin eh. Iyakin ka nga." Hindi makaganting nasabi nalang ng prinsesa.

Nagtawanan sila pagkatapos ng linyang iyon ni Lexi.

"Pero seryoso Estel? May nagugustuhan ka ng babae?" Napalunok ng laway si Estel sa naging tanong ni Lexi. Napaisip siya kung dapat ba niyang sabihin sa kaibigan ang kuwento ng pag-ibig niya.

"Oo, subalit hindi kami pwede." Sinserong saad ng prinsipe.

"Ha? Bakit naman?" Takang tanong ng prinsesa.

"Hindi siya katulad ko."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Hindi siya kagaya ko na may katayuan sa lugar natin. Prinsipe ako at siya? Isang hamak na tagapanahi lamang ng mga damit." Napatahimik si Lexi, alam na ng dalaga kung saan patungo ang usapan nilang dalawa ng kababata niyang prinsipe.

"Ah... Kung ganon, hindi pwede ang relasyon niyo?" Tumango si Estel kay Lexi saka ito malungkot na tumingin sa nagdidilim ng langit.

"Hindi ko na ipipilit pa na maging kami, hindi ko na ipipilit dahil alam kong hindi na mangyayari iyon. Isa pa, ayaw niya sakin." Malungkot pang saad ni Estel.

"Paano ka naman nakakasiguradong ayaw niya sa iyo? Alam mo, Vhester? Kung totoong mahal mo yung tao ipaglalaban mo siya. Gagawin mo lahat ng paraan para makuha siya kaysa namang sumuko ka agad." Payo ni Princess Stellar sa kaibigan.

"Hindi natin alam kung anong pwedeng mangyari kapag naisip mong magpatuloy at isa pa, hindi naman masama ang magmahal." Dagdag pa ng dalagang prinsesa.

"Paano ko siya ipaglalaban kung umpisa palang alam kong talo na ako?" Huminga ng malalim si Lexi.

Sinasabi ko na nga ba't napanghihinaan na naman siya ng loob. Ani Lexi sa kaniyang isip.

"Nasubukan mo na ba?" Umiling ang binata sa tanong ng dalagang kasama niya.

"Oh? Hindi pa pala, tapos nasasabi mo na iyan? Gawin mo muna bago mo pangunahan ang magiging resulta." Sermon ni Lexi kay Estel. Napangiti naman ang binata sa payo ng kaniyang kaibigan.

Mapalad ako dahil may kaibigan akong kagaya niya. Ngumiti si Prince Vhester saka tumitig sa langit.

Bakit kung sino pa yung palaging nariyan para sa'yo siya pang hindi mo makita, ano bang dapat kong gawin para maipaalam sa iyo itong nararamdaman ko, Estel.

Malungkot na ngumiti ang prinsesa sapagkat hindi maialis sa isip niya na ang taong unang itinatanggi ng puso niya ay may iba na palang napupusuan at hindi siya.

***

"Zane Pamela, ang nag-iisang tagapagmana ng pamilya nila Haring Cours." Pagpapakilala ni Ginoong Teide sa babaeng nakita ni Prince Zepau sa kanilang hardin.

"Isang magandang araw sa inyong lahat." Nakangiting pagbati ni Pamela sa lahat ng tao na nasa salas ngayon ng villa mansion nila Zepau.

"Pinakilala ko siya sa inyo dahil simula ngayon, dito na siya mananatili."

"Ano!?" Si Ilex na halatang nabigla sa binalita ng kanilang ama.

"Hala talaga po, Pa?" Ani Deneisa na para bang natutuwa pa sapagkat sa isip niya'y may panibago na naman siyang Ate sa bahay nila.

Samantalang si Zepau ay nanatili lamang na tahimik na para bang nakatulala sa kawalan habang ang mga kasama niya'y may kaniya kaniya ng bulungan dahilan para umingay ang paligid nila.

"Pao. May nais ka bang sabihin sa prinsesa?" Baling ni Ginoong Teide sa anak na lalaki. Agad napatingin si Zepau sa kaniyang Ama at tumango.

"Ikinagagalak kong makilala ka, mahal na prinsesa." Nakangiting saad pa nito na bahagya pang lumapit sa harapan ng dalagang prinsesa at saka siya yumuko sa harap nito.

"Ako rin ginoo, salamat pala kanina." Nakangiting usal ng dalagang si Pamela.

Tumayong muli si Zepau saka bumalik sa puwesto niya. Nakangiti ang Ama niya sa kaniya pati ang Ina niya. Kaagad nagpaanyaya si Ginoong Teide sa bisita nila na sa kanila nalang ito maghapunan at pumayag naman ito.

At dahil tapos na ang pagpapakilala ng dalawa, muli silang nagpunta sa lugar kung saan nila unang nakita ang isa't isa, sa hardin ng villa mansion ng pamilya ni Zepau.

"Ahm, may nais lang sana akong tanungin sayo binibini. Maaari ba?" Lumunok muna ng laway si Pao bago tuluyang naglakas ng loob na kausapin ang dalagang kasama niya.

Tumango si Pamela at sabay sabing, "Oo, maaari naman. Ano ba iyon?" aniya na bahagya pang lumapit sa isa sa mga bulaklak na mayroon sa hardin.

"Hindi ka ba nagtataka kung bakit ipinakilala ka sa amin ng aking ama?" Kunot-noong tanong ni Pao, inaalam niya kung alam ba ng prinsesang kasama niya ang mga posibleng mangyari pagkatapos ng simpleng pagpapakilalang iyon.

"Siguro, hindi, oo." Pinanliitan ni Prince Zepau ang dalagang tumugon sa tanong niya.

Ang gulo namang kausap ito. -Ani pa niya sa sarili niya.

"Alam mo ikaw, kulang ka lang sa pasyal kaya kung ano ano na naiisip mo. Napansin ko rin na kanina ka pa nakatulala na para bang ang lalim lalim ng iniisip mo, ginoong Pao." Marahang lumapit si Princess Zane Pamela sa prinsipe saka niya ito nginitian.

"Tara! Samahan mo akong mamasyal sa ibang bahagi ng mundong ito." Yaya pa ng prinsesa saka niya hinawakan ang palapulsuhan ng binatang kasama niya, hinila niya ito papunta sa labas ng kanilang tinutuluyang tahanan.

"Ang ganda kaya, bagay ba sa akin 'to Pao?" Nakangiting tanong ng dalaga kay Pao. Tumango lang ang binata at nag-iwas ng tingin.

Isinuot na ni Pamela ang pulseras sa kaniyang palapulsuan saka nito inabot ang kaniyang pambayad sa tindahang pinagbilhan niya.

Ilang minuto pa ang lumipas ay napansin ng prinsesa ang pananahimik ng kaniyang kasama. Taka siyang napaisip dahil dito.

"Mahiyain ka pa rin ba? O sadyang ayaw mo lang ako kausap?" Tanong pa ulit ni Pamela na inilingan ni Pao.

"Hindi naman sa ganoon, hindi lang ako sanay na..."

"Na ano?"

"Babae kasama ko sa pamamasyal." Dahilan ni Pao at dahil dito'y takang napatingin sa kaniya ang prinsesa.

"Ha? Bakit, hindi mo ba naipapasyal mga kapatid mo sa mga ganitong lugar?"

"Naipasyal ko na sila, dati. Ang ibig kong sabihin, binibini. Hindi ako sanay na may ipinapasyal akong prinsesa na kapareho ko lamang ng edad." Paliwanag ni Pao na tinawanan ni Pamela.

"Ah. Kaya pala. Sige sige, dahil dyan mas mamasyal pa tayo!" Napabugtong-hininga si Zepau sa inakto ng kaniyang kasamang dalaga na si Princess Zane Pamela.

Walang magawa ang prinsipe kundi samahan ang dalaga. Kung saan saan sila nagpunta, mula sa mga tindihan ng kung ano ano, napadpad sila sa iba't ibang klase ng mga tahanan, pasyalan at hardin, hanggang sa makapunta sila sa isang mataong lugar na sa pakiwari nila'y kilalang mundo para sa mga taong madalas magpakasaya sa kanilang mga buhay, mga ordinaryong tao na hindi kagaya nila na may ranggo sa kanilang kinalakihang lipunan.

Nagpatuloy sila sa paglalakad sa lugar na iyon hanggang sa may makita silang pamilyar na mga mukha...

"Vhester?" -Pao

"Kulen! Keun, Astin!" -Pam

Nagkatingin sila sa isa't isa pagkatapos nilang magbanggit ng mga pangalan, sabay sabing, "kilala mo sila?"


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top