Chapter 2


TVET Part 2:
The World of Thear


Kasalukuyang naglalakad sa pasilyo ang isang diwatang ginang, patungo sa isang silid. Nagpasya siyang puntahan ang hari sa silid nito kung saan siya ay pansamantalang nagpapahinga.

May mga bagay na nais linawin ang diwata at mabibigyang pansin lamang iyon kung ang mga katanungan sa isip niya'y masagot ng taong nagtulak sa kaniya upang maghanap ng ilang tao na babagay sa misyong nais nilang ipagawa sa mga napiling tao nila.

Nang matunton na ng diwata ang silid ng hari, kumatok siya ng tatlong beses at sa pangatlong beses ng kaniyang pagkatok, naantala ang hari sa kaniyang iniisip.

"Pasok." Walang alinlangang utos ng Hari sa taong nasa labas ngayon ng kaniyang pintuan. Marahang pumasok ang diwata sa silid at hindi nagulat dito ang hari, bagkus inaasahan pa niya ang pagdating nito sa kaniyang silid-tulugan.

"May mga tanong akong nais sambitin sa iyo, mahal na hari." Magalang nitong panimula saka ito yumuko nang bahagya sa harapan ng hari.

"Batid kong naguguluhan ka na sa mga bagay bagay. Hayaan mo kong sagutin ang mga tanong mo subalit, hindi lahat ng tanong ay masasagot ko." Babalang ani ng Hari sa diwata. Tumango lang ang ginang bilang pagsang-ayon at bilang pagrespeto na rin sa hari.

"Maupo ka saka mo simula ang iyong pagtatanong." Maawtoridad na sabi ng hari saka ito nagtungo sa maliit niyang salas na nakapuwesto sa gitnang parte ng kaniyang silid.

Sumunod ang ginang sa hari saka sila parehong umupo sa sala, nakaharap sila sa isa't isa at parehong seryoso ang kanilang mga mukha. Halatang mahalaga ang pag-uusap na ito ng dalawa.

"Ngayon na nahanap na natin ang mga taong kakailanganin natin para sa misyong ayusin ang kakaibang prutas para maibalik ito sa dati, napapaisip ako kung anong susunod mong gagawin, mahal na hari." Panimulang tanong ng diwata, saglit nanahimik ang hari saka niya ito sinagot.

"Sa ngayon, hindi ko pa muna maibibigay sa iyo ang sagot na nais mo mula sa akin dahil hangga't hindi pa umaalis ang limang taong napili natin para sa kanilang misyon, mananatili itong lihim na ako lamang ang nakakaalam." Direktang tugon ng hari na bahagya pang sumandal sa malambot nitong kulay pulang sopa.

"Kung gayon bakit? Yung tungkol sa misyon, ano bang kailangan nilang gawin para mapanumbalik ang dating kulay ng kakaibang prutas na iyon?" Dagdag tanong muli ng diwatang ginang.

"Malalaman lang nila ang misyon kapag napadpad na sila sa lugar kung saan nakasalta ang kakaibang bunga. Doon lang din natin malalaman kung ano iyon kapag sila mismo nakita't nalaman na nila 'yun sa lugar kung saan sila napunta." Makabuluhang sagot muli ng hari.

"Ibig sabihin, hindi mo ipapaalam sa kanila ang tungkol sa prutas, mahal na hari?" Napaayos sa pag-upo ang hari sa tanong na ito ng diwata.

"Gayong naenganyo natin silang pumunta sa ibang lugar, wala na akong dahilan pa para ipaalam sa kanila kung ano ang gagawin nila sa lugar na iyon. Ang tanging hiling ko nalamang ay sana makatulong sila sa paglago muling ng bunga. Dahil kung hindi, kailangan nating maghanda sa magaganap na sakuna sa ating mundo." Puno ng awtoridad ang boses ng hari at ramdam iyon ng diwata, mas lalo siyang namangha sa kapangyarihan ng kanilang Hari.

"Iyon nalang ang naiisip kong paraan upang hindi nila tanggihan itong alok natin para sa kanila, kung kinakailangang maglihim ay gagawin ko para sa mga taong pinapangalagaan ko." Dagdag pa nito.

"Paano kapag nakita na nila yung misyon nila, paano kapag naisip nilang hindi nila kaya? Anong mangyayari? May ideya ka na ba sa ganitong sitwasyon?"

"Naniniwala akong mas magiging malakas sila pagbalik nila rito. Sa ngayon kailangan nating magtiwala na kakayanin nila ang misyon." Wala sa sariling napangiti ang diwata dahilan para magtaka ang hari.

"At bakit ka nakangiti sa akin? Diwata."

"Natutuwa lang ako na may hari kaming ganito mag-isip. Nakakatuwang isipin na ganito kabilis maghanap ng solusyon sa problema ang hari namin at masaya akong tunghayan ito ngayon. Maraming salamat sa pagpuna ng ilang katangunan ko. Hangad kong maging maayos ang nais mong maging takbo ng misyon ng lima at ikinagagalak kong nakatulong ako sa inyo, mahal na hari." Ngumiti muli ang diwata at dahil dito'y naging kalmado ang kaninang nag-aalalang hari.

Dahil sa sinabi ng diwata naibsan ang pag-aalala ng hari para sa mga pwedeng mangyari, maganda man o hindi, mabuti man ito o hindi, mananatili pa rin siyang positibo dahil naniniwala siyang kaya ng lima ang misyong ipapataw sa kanila.

Sana'y sapat ang pagtitiwala kong kaya nila.

---

Sa kabilang banda, ito ang mundong nakasalta sa kakaibang bunga. Ito ang mundo ng Thear, ang pangkaraniwang mundo ng mga normal ng tao.

Tulad ng isa sa mga normal na araw bilang isang normal na tao, si Alisto ay kasalukuyang naghahanda na papasok sa kaniyang trabaho bilang isang digi-artist.

Alam niya kung gaano kahirap magtrabaho pero kahit alam niya ang hirap nito'y nagpapatuloy pa rin siya sapagkat kailangan niyang kumita ng pera.

Oo pera, iyon ang isa sa mga pinakamahalagang bagay sa mga tao na madalas nagiging dahilan kung bakit nagiging sakim ang iba sa kanila.

Sumakay na sa isang pampasaherong jeep si Alisto, kasalukuyang papunta siya sa kompanyang pinagtra-trabauhan niya.

At tulad ng iba, sobrang naging abala siya sa pagguguhit niya, iyon kasi ang trabaho niya. Pagguhit ng mga bagay na magagamit nila para sa market ng kompanya nila.

Masaya naman siya sa ginagawa niya dahil doon naman niya mas nahahasa ang kaniyang talento subalit dumarating pa rin siya sa mga puntong naiinis na siya sa ibang mga klayente niyang hindi makapaghintay na animo'y parang ang dali dali lang iguhit ng mga nais nila para sa kanilang pansariling kagustuhan.

Naiinis si Alisto sa kanila pero mas pinipili niyang umintindi, ganito talaga ang trabaho. Iba't ibang estado, iba't ibang tao ang kailangan mong pakisamahan palagi para lang kumita ka.

Kung hindi mo sila iintindihin, mawawalan ka ng pera, kapag hindi mo sila pinagpasensyahan, mawawalan ka ng kita. Ganoon ang labanan sa sinasabing 'business' ng mga tao at naiintindihan iyon ni Alisto.

Sinasabi nalang niya sa isip niya na, "Balang araw, hindi ko na kailangan ng klayente para lang kumita ako dahil sa susunod, sila na mismo ang maghahanap sa akin at sila naman ang kailangan makisama sa akin."

Pinanghahawakan niya ang balang araw na iyan at hanggang ngayon iyon pa rin ang pagpapalubag-loob niya para sa sarili niya.

Ngayo'y natapos na ang nakakapagod na araw ng trabaho kay Alisto. Kasalukuyang naglalakad na siya papunta sa kalye ng kanilang bahay at sa hindi inaasahang pagkakataon, may biglang humugot ng bag niya. Naalarma siya't agad hinatak pabalik ang bag niya ngunit nakipag-agawan ang magnanakaw.

Buong puwersang kinuha pabalik ni Alisto ang gamit niya at doon sumuko na ang magnanakaw. Agad itong tumakbo palayo bago pa man siya makita ng mga tanod na kasalukuyang naglilibot sa paligid ng kalye kung saan nakatira si Alisto.

Ang araw ng mg tao, parang isang digmaan na kapag hindi mo pinaglaban, ikaw ang talo, ikaw ang kawalan.

Ito ang mundong ginagalawan nila, isa lamang si Alisto sa mga taong hanggang ngayon ay nakikipaglaban sa buhay niya sa mundong pinagmulan niya. This is his world...


















...the world of THEAR.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top