Epilogue


Epilogue:


115 years ago...



Napahinto ako sa paghahalo ng ingredients ng cake na ibi-bake ko nang bigla akong niyakap ni Zafiel. "Mahal ko baka makita ka ng anak natin."


"So what? Ayaw mo 'yun tayo ang makikita nila na good example of true love?" Napangiti ako sa sinabi ni Zafiel. "Ay kinilig ang reyna ng buhay ko." Hinigpit niya lalo ang yakap sa akin.


"Zafiel."


Napahawak siya sa kamay ko. "Sa tingin ko may bagong baby na tayo."


Tinaasan ko siya ng kilay. "Anong pinagsasabi mo?"


"Nararamdaman ko buntis ka."


Naguluhan ako sa sinabi ni Zafiel. Wala namang nagbabago sa katawan ko. Hindi rin naman ako naglilihi. Hindi ko rin malalaman kung sa monthly period ang pag-uusapan dahil wala namang monthly period ang babaeng bampira.


"Don't you feel our baby? Kunsabagay palaging tatay ang nakakaalam kung buntis ang asawa niya." Then he touched my tummy again.


Napahawak din ako sa tyan ko. Sana nga buntis ako para naman may baby sa family namin.


"Gusto mo papuntahin natin si Eureese ngayon para malaman natin kung buntis ka talaga o hindi?"


"Hmn... Sige." Ang ability ni Eureese bilang bampira ay kaya niya malaman kaagad kung anong nagbubuntis ba ang isang babaeng bampira. May mga prediction din siya na mangyayari in the future.


"Mukhang hindi na natin kailangan na ipatawag si Eureese dahil papunta na siya dito." Napatango ako bilang pagsang-ayon. Rinig na rinig ko ang hakbang nito. Nang mamatay si Selestina mayroon kaagad na umampon kay Eureese na mag-asawang bampira na hindi na magkaanak. Kahit may bagong pamilya na si Eureese ay hindi namin hinayaan na kalimutan niya ang kanyang ate.


"Good day King and Queen!" Agad na lumuhod sa harapan namin si Eureese.


"Hay naku Eureese hindi ba ang sabi ko huwag ka nang luluhod sa amin." Sita ko kaagad sa kanya.


Agad na tumayo si Eureese. "Paumanhin Your Highness."


"Ayos lang iyon."


"Eksakto ang pagpunta mo dito Eureese. Gusto namin malaman ni Cassiopea kung buntis ba siya o hindi."


"Maari ko bang makita ang kanang kamay mo, Mahal na Reyna?"


Tumango ako at agad kong nilahad ang kanang kamay ko. Hinawakan ni Eureese iyon sandali at napangiti siya. "Masaya po akong sasabihin ito na ikaw po ay magdadalawang buwang buntis at isa po siyang babae."


Napangiti ako ng abot tenga at nagkatinginan kami ni Zafiel. Kita sa mata ng asawa ko na sobrang saya niya. Agad niya akong hinalikan sa labi.


"Sobrang saya ko, Cassiopea." Pinagdikit niya ang noo namin. Sabay kaming napalingon kay Eureese nang bigla siyang tumikhim. "Oo nga pala bakit biglaan kang pumunta dito?"


"King Zafiel may nakita po akong pangitain tungkol sa pamilya niyo."


"Ano iyon?" Bigla akong kinabahan sa sinasabing pangitain ni Eureese.


"May isang mamamatay sa pamilya niyo dahil sa isang bawal na pag-ibig."


"S-Sino ang mamamatay at sino ang magkakaroon ng bawal na pag-ibig?"


"Paumanhin po Mahal na Reyna ngunit hindi ko po nakita kung sino sila. Kapag ganito pong pangitain ko ay malaki ang po posibilidad na hindi magkakatotoo."


Napahawak ako sa kamay ni Zafiel. Medyo nanginginig na ako sa naririnig ko. May posibilidad pa rin na may mamatay sa pamilya ko dahil sa isang bawal na pag-ibig.


"Ang alam ko lang po sa pangitaing iyon ay nandito lang po sa palasyo—"


Bigla akong natumba dahil sa sobrang nanlambot ang tuhod ko. Hindi pwede ang pamilya ko.


"Mahal na Reyna—"

"Eureese umuwi ka muna. Hindi nakakabuti sa asawa ko ang mga naririnig niya sa iyo. Makakasama iyon sa dinadala niyang sanggol sa sinapupunan."


Tumango kaagad si Eureese at biglang naglaho.


"S-Sino kaya ang sinasabi ni Eureese?"


"Sssh. Hindi magkakatotoo iyon, maniwala ka sa akin."


----


"Mama, Papa."


"Bakit Zild? May problema ba?" Takang tanong ko sa kanila. Kapag ang kambal ay sabay na pumunta sa kwarto namin ni Zafiel, dalawa lang ang ibig sabihin niyan. May problema silang dalawa o may mahalaga silang sasabihin.


"Wala po Mama. May sasabihin lang po kami."


"Ano iyon?" Tanong ni Zafiel at inalalayan niya akong umupo sa higaan. Puros higa lang ako maghapon dahil medyo maselan ang pagbubuntis ko.


Ngumiti ako. Dama ko na kinakabahan sila. "C'mon pumasok na kayo. Huwag na mahiya."


Nagkatinginan sila. Ganyan sila noong mga bata pa sila at dala-dala pa rin nila sa paglaki nila. Sabay pumasok ang kambal na magkahawak kamay. "A-Anong meron mga anak?" Naguguluhan kong tanong sa kanila.


"Ma, Pa gusto po sana naming sabihin na may relasyon kami ni Casiel."


Lalo akong naguluhan sa sinasabi ni Zild. "Oo naman syempre may relasyon kayo dahil magkapatid kayo." Natatawang sabi ni Zafiel.


Umiling si Casiel. "Hindi Mama. Mahal po namin ang isa't isa."


"Pinaplano po naming magpakasal sa susunod na dekada."


Bigla kaming natahimik ni Zafiel. May espesyal na relasyon ang anak namin. "S-Seryoso ba kayong dalawa?"


"Opo Mama. Wala namang pong masama kung magmahalan kami ni Casiel dahil natural lang po sa mga bampira na magmahalan ang magkapatid." Nakangiting sagot ni Zild.


Oo bampira nga si Casiel at Zild pero may hint pa rin sila ng dugo ng tao at sa mga tao, labag na magmahalan ang magkapatid. Nagkatinginan kami ni Zafiel. Ang kambal ang sinasabi ni Eureese na bawal na pag-ibig.


-The End-

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top