Chapter Twenty-two
Chapter Twenty-two:
Cassiopea Nakahara:
"Were here Milady."
Agad akong bumaba at bumungad sa akin ang isang mansion. Kulay puti lang ang kulay nito. Nilibot ko ang paningin ko. Parang walang katao tao?
"Milady lets go inside, nasa bakuran po sila."
Tumango lang ako at sumunod kay Luis. Marami kaming dinaanang pasilyo bago kami lumabas sa isang napakagandang bakuran. Para bang nasa ibang lugar na ako sa sobrang ganda nito.
Napatingin ako kay Luis. "Nasaan na sila?"
"Parating na po sila."
"Do you think they will like this?"
Ngumiti ito at tumango. "Siguradong magugustuhan po nila iyan." Bumaling ang tingin nito sa mga halaman kaya tumingin na lang din ako. Mukhang maaga ako para sa party ng kambal. "They're here, Milady."
Lumingon ako at nakita ko ang kambal na tumatakbo papunta sa akin kasunod ang papa nila.
"Mama!" Sabay na sigaw ng dalawa.
Kaya sinalubong ko sila ng yakap. "My twins."
My twins
Why I felt this kind of thing? Parang may warm hand na humaplos sa puso ko. Kumalas ako ng yakap sa kanila at kinuha ko ang dalawang regalo sa tabi ko. Agad kong binigay sa kanila iyan. "Happy birthday My little Casiel and Zild. Ilang taon na kayo?"
"Three!" Sabay nilang sagot habang binubuksan ang regalo ko sa kanila. For Zild I buy painting stuffs like paint brush, water color and small canvas. There's a poster paints too but I have a note that if he will use it dapat kasama niya ang papa niya for safety purpose.
Then to Casiel, a set of beads for her to make a bracelet or necklace.
Kinakabahan ako dahil baka ayaw nila ng gift ko sa kanila. There's a moment of silent after a few seconds.
"Mama thank you po!" At niyakap ako ni Casiel ng mahigpit bago pumunta sa garden table at inumpisa na kunin ang ilang beads ng set.
"Mama Cassiopea."
Napatingin ako kay Zild. "Yes my little Zild?"
"Thank you po." Tumakbo ito papunta kay Casiel.
"Your welcome my angels." Pabulong kong sabi. I don't know why I feel teary right now. I don't know why I feel longing to them. "Bakit ko ba ito nararamdaman?"
"Thanks for coming My Queen."
Bigla akong napalingon. My heart beats fast. As a vampire, alam ko hindi na tumitibok ang puso namin. Bakit tumitibok 'yung sa akin ngayon? "Aaah."
He hold my hands and kissed it. "We really miss you My Queen. When will come back to us?"
Unti unti kong binawi ang kamay ko. "Who are you Zafiel? Bakit ba palagi ka na lang nasa panaginip ko? Alam ko bampira ka at baka kamukha ko lang ang nanay ng kambal mo, but its unfair to me dahil ginugulo mo na ang buhay ko. Bakit mo ba ginugulo buhay ko?"
"I will tell to you just say it."
"Pwes gusto ko na malaman kung bakit mo ginugulo ang buhay ko!"
Umiling ito. "No. Sasabihin ko sayo kapag galing sa puso mo ang request na iyon."
Napa-facepalm ako. "You know what? I really hate you."
"Then I love you Sweetie."
"Urgh!" Lumayo ako sa kanya at pumunta sa kambal. "Hey my little angels, do you like it?"
Tumango lang ang dalawa sa akin. Zild started a landscape painting then Casiel almost finish a bracelet.
I'm happy that they enjoy it.
"Stop it Zild." Kinarga ko ang isang taong gulang na si Zild na may hawak na paint brush.
"Pent! Pent!" Tinuturo nito ang isa sa mga painting ko.
Napahawak ako sa ulo ko. Bakit may ganung memory nag-flash sa mind ko? This time its not a dream. Bigla na lang lumabas.
"They love your gift to them." Nasa tabi ko na pala si Zafiel.
"Akala ko nga hindi nila 'yan magugustuhan." Napangiti ako. I want to take them a photo but I know na hindi sila makikita sa camera.
"They really love it dahil iyan ang gusto nilang ginagawa. Casiel loves making an accessories while Zild loves painting like his mother."
"Do you know I buy some painting stuffs?" Humarapa ako sa kanya. "But I don't paint. Hindi ko alam kung bakit ako bumibili ng ganung bagay basta may nag-u-urge sa akin na bilhin ko iyon at gamitin. Funny right?"
"No Cassiopea. You love painting."
"Mukhang na-miss mo kaagad ako ah."
Nalingon ako sa likuran ko at nakita ko si Zafiel na nasa harap ng painting na ginagawa ko. May karga karga itong pusa. "Paano ka nakapasok dito?" lumapit ako sa kanya at kukunin ko sana ang canvass ko nang na-realize ko na ang mukha ni Zafiel ang pinipinta ko kanina pa. "Hindi kita namimiss noh. Assuming ka." naramdaman ko na uminit ang pisngi ko.
"Nagpinta ka pa na ako ang subject mo."
Napahawak ako sa ulo ko. May nag-flash na naman ulit na alaala at ngayon sumasakit na ang ulo ko.
"Are you okay, Cassiopea?" Tanong sa akin ni Zafiel.
"Okay lang ako. Kailangan ko lang umupo."
"Lets go inside. You need to drink." At inalalayan niya ako papasok sa mansion nila. Nang makarating kami sa sala at inalalayan niya akong umupo. "Just wait here, I'll get you a glass of blood." At umalis na ito kaagad.
Gumala ang paningin ko sa sala at pumukaw sa paningin ko ang isang painting. Bakit feeling ko, ako gumawa nun?
"Your Highness hindi po ba kayo napapagod sa kakalakad?" Tanong sa akin ni Luis. Mukhang nahilo na ito sa kakapanood sa akin.
"No." Nagpatuloy ako sa ginagawa ko.
"Your Highness umupo na po kayo. Kagagaling niyo lang po sa sakit." Nag-aalalang sabi ni Sena. Siya ang maid na palaging kasama ni Luis.
"Sabihin niyo na kasi kung bakit siya nagkaganoon? At saan niyo pala nabili itong mga painting? Parang gawa ko kasi eh."
Nagkatinginan sil Luis at Sena.
Napataas ang kilay ko. Anong mali sa tanong ko?
"Your Highness hindi po namin masasagot ang iyong mga katanungan." Nakayukong sagot ni Luis.
"Nakakainis naman kayo eh!" Napapadyak ako sa sahig. Bakit ba ayaw nila sagutin ang mga tanong ko?
"Master!"
Napalingon ako sa likuran ko. Si Zafiel. Lumapit ako sa kanya sabay yakap. "Ano bang nangyari sa iyo? Sobra akong nag-alala sa iyo." Nagsimula na akong umiyak.
"Sssh. Wag ka nang umiyak." Pinunas niya ang luha na naglandas sa pisngi ko. "Wala kang dapat ipag-alala. I'm fine."
"Ano ba kasing nangyari sa iyo?"
Ngumiti siya. "Mahirap ipaliwanag sa ngayon."
"Eh di padaliin mo. Problema ba iyon?"
Tumawa ito ng malakas. "Malalaman mo rin sa tamang panahon Mahal."
Napasimangot ako. "Sa tamang panahon? Ano ito, Kalyeserye? Ikaw si Lola Nidora tapos ako naman si Yaya Dub."
Napakunotnoo ito. "What is Kalyeserye? Who is Lola Nidora and Yaya Dub?"
"Eeeeh. Hindi mo alam?" wala man lang comment. "Tss mahirap ipaliwanag sa ngayon." Ginaya ko ang tono ng pananalita niya kanina.
Tumawa na naman ulit ito. Kinabig niya ako at hinalikan sa labi. Unti unti kong pinikit ang aking mata. Kakaiba itong nararamdaman ko. Ganito ba talaga ang feeling ng first kiss. Parang dinadala ka sa ibang dimension. Ito ba ang sinasabi nilang parang nakarating ka na sa cloud nine?
Dumilat na ako nang humiwalay na sa akin si Zafiel. "I love you."
"I-I love you too."
Napapikit ako sa sobrang sakit ng ulo ko. Bakit nagpa-flash ang mga ganitong memories sa mind ko ngayon?
"Drink this."
Nasa harapan ko na pala si Zafiel. Kinuha ko kaagad ang isang wine glass na may lamang dugo.
"Drink now. It will ease your pain."
Agad ko namang ininom iyon. I feel a little bit better now. "Thank you."
"Its my own blood."
Nagtataka akong napatingin kay Zafiel. A vampire have its own blood.
"We have blood Cassiopea. You can only drink a blood of a vampire if its meant for you. He or she is your everlasting love one. Your only vampire love one or some called it your red string."
Napatingin ako sa basong hawak ko at napahawak ako sa dibdib ko. Bumilis na naman ang tibok ng puso ko. "Bakit mo ako pinainom ng dugo mo?"
"Because you are my red string." He hold my face and he kissed me. Full of passionate kiss at unti unti akong gumanti sa halik niya na para bang na-miss ko ang halik na iyon. I didn't feel this kind of kiss to Ace.
"Eherm! The kids are watching."
Napahinto kami ni Zafiel sa paghahalikan at agad akong lumayo sa kanya. Napatingin ako sa nagsalitang babae. Nakatakip ang kamay nito sa mata ng kambal. A hint flash in my mind. "You are the lady in the mall."
"Yes I am. Go on kiddos, pumunta na kayo sa mama niyo."
Lumapit sa akin ang kambal at hinihila ako.
"Saan tayo pupunta?"
"Basta po." Sagot ni Zild. Ang tinatahak naming daan ay papunta sa garden. Pagkalabas namin ay puno ng tao ang garden. There's a clown and so many kids. Buti napapunta nila ang mga batang ito at ang bilis magkaroon ng tao dito.
"Mama, gusto ko lapitan ang clown kaso nakakatakot ang mukha niya." At tinuro ni Casiel ang clown na napapalibutan ng mga bata.
I touch Casiel's face. "Don't be scared. I'm here for you. Sasamahan kita, okay?" Tumango naman ito kaagad.
"Mama pupunta lang po ako kay Kuya Luis." At tumakbo na si Zild papalayo sa amin.
Napailing na lang ako. "Let's go." Naglakad na kami ni Casiel papunta sa clown.
"The birthday celebrant is here with her Mama." Masayang bungad sa amin ng clown. "Gusto mo ba ng magic?" Tanong nito kay Casiel.
Si Casiel naman ay agad nagtago sa likuran ko. I chuckled. "Huwag kang matakot my little Casiel. He asking you if you like him to perform a magic for you?"
Unti unting bumalik sa harapan ko si Casiel at tumango ito kaya nag-magic kaagad ang clown.
I touch her hair. Oh my little Casiel.
Masayang nanonood si Casiel sa clown kaya lumayo na ako sa kanila para mag-enjoy pa sila.
I looked around. They are five years old. "Pero ang sabi nila they are only three years old and there body is just a three years old." Napatingin ako kay Casiel at isang five years old na Casiel ang nakita ko. Naguguluhan ako. Lalapitan ko na si Casiel nang may humila sa akin. Pagtingin ko sa taong iyon ay isang galit na Ace ang bumungad sa akin. "A-Ace."
"Sabi na nga't nandito ka eh." Hinila niya ako papunta sa gilid ng mansion.
"Ano ba Ace! Bitiwan mo ako." Hinihila ko ang kamay ko.
"We need to get out here." Huminto kaming maglakad nang nasa harap na kami ng nakaparada niyang kotse.
"Sandali lang. Magpapaalam lang ako sa kambal."
"No need! Get inside the car now."
Wala na akong nagawa kundi sumakay ng kotse dahil alam ko na kapag pinagpilitan ko ang gusto ko ay talo pa rin ako.
"Bakit ba nagmamadali kang umalis tayo doon?" Hindi ko natiis na itanong habang bumabyahe na kami papunta sa bahay ko.
"I told you na layuan mo ang Luxembourg na iyan!"
"Bakit? Wala naman silang ginagawang masama sa akin!" Naiinis kong sabi. He always say na layuan ko ang mga Luxembourg. I-cancel ko na ang contract ko kay Zafiel.
Bigla itong prumeno.
"Ano ba Ace!" Sigaw ko sa kanya.
"Alam mo ba kung bakit ayokong lumapit ka sa kanya? Because he's trying to steal you from me!"
"Ace, may pamilya na 'yung tao."
"No. Inagaw ka na niya sa akin noon, hindi na akong makakapayag na gawin niya ulit iyon ngayon."
"Ano?" Confuse na tanong ko.
"Wala. Pumasok ka na sa bahay niyo."
Ngayon ko lang napansin na nasa tapat na pala kami ng bahay ko. "Ace magsabi ka nga ng totoo sa akin. Sino ba si Zafiel sa buhay natin?"
"Wala. Ngayon lang siya dumating sa buhay natin." Tinanggal niya ang safety belt ko. "Pumasok ka na para makapahinga ka na." At hinalikan niya ako sa noo kaya tumango na lang ako. "By the way Love, do you have a dream or hint about your past? Or a weird dream with some people?"
"No." I lied. Lumabas na ako sa kotse at naglakad papunta sa gate namin. When it automatically open papasok na dapat ako pero lumingon ako ulit kay Ace. Kumaway ito sa akin kaya gumanti rin ako ng kaway bago pumasok.
Ang sabi niya ngayon pa lang dumating sa buhay namin si Zafiel Luxembourg but its still clear in my mind that he say na naagaw na ako noon at hindi siya makakapag na maagaw ulit ako ngayon.
Is that Zafiel he talks about?
PS: Sorry sa typo and wrong grammar. I will edit it soon promise. Feel free to comment and please vote. It will help me na ma-inspire ako sa paggawa ng kwento. Thank you for reading the story ^_^
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top