Chapter Twenty-six


Chapter 26:



"Hija, maayos ba ang pakiramdam mo?" Tanong ni Daddy sa akin habang inaasikaso niya ang alagang halaman.


Napahinto naman ako sa binabasa ko. "Maayos naman po ako, bakit Daddy?"


Huminto ito sa ginagawa at humarap sa akin. "Nag-aalala lang naman ako at baka makadama ka sa ng uhaw, naku wala pa naman tayong stock ng dugo dito sa bahay."


Napangiti ako sa sinasabi ni Daddy ngayon. Naging ganyan siya simula nang nalaman niya na bampira ako.


"Ano bang blood type ang paborito mong inumin?"


"Daddy, huwag kang mag-alala. I can handle my thirst." Hindi ko akalaing magiging ganito si Daddy sa akin. Noong isang araw pa ako bumalik dito sa bahay. Pinagtapat ko kaagad kay Daddy na bampira ako at kung ano ba ang nangyari talaga sa akin noon. Expected ko na hindi niya ako matatanggap at palalayasin niya ako sa bahay pero iba ang ginawa ni Daddy. He hugged me very tight and sinabi niya na tanggap niya ako kahit ano pa ako. Na kahit anong mangyari ay nasa tabi ko lang siya.


"Pero maganda na rin na may stock tayo sa bahay para hindi ka mamroblema."


"Daddy ayokong maabala ka pa."


Ngumiti si Daddy. "Wala iyon anak, dapat lang na mag-stock tayo ng dugo para kapag nandito na ang asawa mo pati ang apo ko ay ayos na ang lahat."


Lumapit ako kay Daddy at niyakap ko siya. "Daddy thanks for accepting who I am."


"Basta anak kahit anong mangyari ay nandito lang ako para sa iyo. Mahal na mahal kita anak."


"Mahal na Mahal rin kita Daddy."


"O s'ya. I'll go inside now. Magpapalit na ako dahil pupunta na ako ng office." Hinawakan muna ni Daddy ang pisngi ko bago pumasok sa loob ng bahay.


Huminga ako ng malalim. I'm glad na umaayos na ulit ang buhay ko. Biglang nag-ring ang cellphone ko at nakasulat doon ang name ni Ace. Nawala ang ngiti ko. Sinagot ko kaagad ang tawag. "Hello."


"Love sa wakas sinagot mo na rin ang tawag ko!"


Napatiimbagang ako. Ayokong marinig ang boses ng taong naging dahilan kung bakit nagulo ang buhay namin. "What do you want Ace?"


"Hanggang ngayon galit ka pa rin sa akin? I'm sorry Love. Please talk to me I really miss you so much."


"Let's meet, sa favorite kong coffee shop..." Tumingin ako sa wristwatch ko. "At 5pm don't be late."


"Copy! See you there Love, I love you."


Basta ko na lang pinindot ang end call. Ito na ang time para maayos ko na ang lahat. I get my car key para makapunta na kaagad ako sa coffee shop.


After twenty minutes ay nakarating na ako sa coffee shop at nandoon na si Ace. Biglang kumulo ang dugo ko nang makita ko siya.


Tumayo ito at binigyan niya ako ng matamis na ngiti. "I'm happy to see you, Love!" Tangkang hahalikan niya ako sa pisngi kaya umiwas kaagad ako.


"Umupo na tayo." Agad akong umupo kaya umupo na si Ace.


He hold my hands. "I missed you so much Love. Ang sabi sa akin ni Tito umalis ka raw dahil sobrang galit ka sa akin." Napabuntong hininga ito. "I'm sorry Love. I can't live without you."


Umiwas ako ng tingin sa kanya. "Let's end this relationship."


"Ano?"


"Ayoko na Ace. Maghiwalay na tayo."


"No! Kung dahil sa inakto ko noong birthday ng anak ng Luxembourg na iyon kaya gusto mong maghiwalay tayo, hindi na kita pipigilan na makipagkita sa mga bata basta huwag mo lang ako iwan."


"Hindi ko na kaya Ace. We're not meant for each other, may iba pang nararapat para sa'yo. Please, respect my decision." Tumayo ako. "Ayokong makita ka ulit Ace." At naglakad na ako papalabas ng coffee shop. Sa wakas nakahinga rin ako ng maayos. Hindi naman niya alam na nakakaalala na ako.


---


"What's on your mind Sweetheart?"


Umiling ako. "Nothing."


"I know you Sweetheart. There's something bothering you in your mind. C'mon tell it now."


Huminga ako ng malalim. Pinapanood namin ang kambal na maglaro. "What will happen if nalaman na ni Ace na naaalala ko na ang lahat? Baka madamay ang anak natin."


Umiling si Zafiel. "No, hindi tayo makakapayag na mangyari ulit iyon."


"But you know Ace, gagawin niya ang lahat para mabalik lang ako sa kanya."


"At hindi ako makakapayag na kunin ka niya ulit sa akin." He touches my face. "I will do anything para maprotektahan ko kayo ng anak natin." Then he kiss my forehead.


Kahit papaano ay nabawasan ang pag-aalinlangan ko na mangyari ulit ang nangyari noon at ang masaklap ay baka madamay pa 'yung mga bata. Ngumiti ako nang papalapit sa amin si Casiel. "Yes Casiel?"


"Mama I'll go inside because I feel sleepy right now."


Lumapit din sa amin si Zild at obvious rin na inaantok na ito. "Mama me too."


Kinarga ni Zafiel si Zild kaya kinarga ko naman si Casiel. "Okay! Let's go all inside. Lahat tayo matulog ng tabi." Then he pinched his son's nose. "And si Papa ay mag-ii-storytelling sa inyo!"


Napapalakpak si Casiel. "Yehey!"


Napa-yehey na rin ako. Sa ngayon lulubusin ko na kasama ko ang aking anak at asawa. Saka ko na siguro iisipin ang tungkol kay Ace kapag nalaman niya nakakaalaala na ako.


---


"Mommy do you see Casiel?"


Napahinto ako sa paghihiwa ng carrots. I am preparing food sa pagdating ni Daddy. Ngayon ang usapan na meet up ng mag-ama ko at si Daddy. "Kasama mo lang siya kanina 'di ba?"


"Bigla na lang po siyang nawala Mama."


Bigla akong nakadama ng takot sa dibdib. "Halika, hanapin natin siya." Nagmamadali kaming lumabas ng bahay ni Zild dahil wala sa loob ng bahay si Casiel. Wala pa naman dito si Zafiel. I try to contact him pero hindi niya sinasagot ang tawag ko.p "Saan kayo kanina ni Casiel?"


"Sa veranda po kasi po mainit kanina tapos umalis po siya sabi niya kukuha po siya ng flower sa likod ng bahay."


Bumilis ang tibok ng puso ko. "Wala namang bulaklak dito Zild."


"Mama nasaan na si Casiel?" Nag-umpisa na itong umiyak.


"No, no. Don't cry hijo, dito ka lang. Huwag kang aalis dito. Naiintidihan mo ba ako?" Pinunas ko ang luha sa pisngi ni Zild. "Dito ka lang." At nagmadali akong pumunta sa likod ng bahay. Wala si Casiel doon pero ngayon ko lang nakita na may mga bulaklak nga dito.


"Mama!"


Sabay ng sigaw ni Zild ay kumalat sa paligid ang amoy ng dugo. Dugo ni Zild at Casiel. "My God!" Tumakbo ako papunta sa veranda at nakita ko doong may sugat si Zild sa braso niya. "Zild anak!"


"M-Mama."


Agad kong pinunasan ang sugat ni Zild. Nakahinga ako nang unti-unting gumagaling ang sugat ni Zild. Kinarga ko siya at sinundan kung saan papunta ang amoy ng dugo ni Casiel. Papunta iyon sa kwarto ng kambal. "Bakit ba 'to nangyayari?" Nanlaki ang mata ko nang makita kong duguan si Casiel. "Casiel!" Halos mawalan ako ng hininga sa nakita ko. Lalong lumakas ang iyak ni Zild.


Agad kong binaba si Zild at nilapitan kaagad si Casiel. I don't know what to do. Hindi gumagaling ang sugat ni Casiel. "Anak, wake up." I tap her cheeks. Hindi siya dumidilat. Nag-uumpisa na tumulo ang luha ko.


"Mama what happen to her?"


Humarap ako kay Zild. "Naaalala mo pa ba kung sino ang dahilan kung bakita may sugat ka kanina?" Kung sinuman ang nanakit kay Zild kanina, malamang 'yun din ang gumawa nito kay Casiel.


Umiling si Zild. "I can't see their face Mama."


"Their face?"


"Yes Mama—I feel sleepy right now Ma—" Bigla na lang natumba si Zild buti na lang nasalo ko siya.


Oh no! Bakit ito nangyayari. "Zild, anak wake up!"


"M-Mama."


Napalingon ako kay Casiel. "Anak!"


She smiled at me. "Mama."


Naramdaman ko na lang na parang may pumisil sa leeg ko sabay ng biglang pagkaantok. Bumagsak na lang ako sa tabi ng anak ko.


---


"Cassiopea wake up."


Napabalikwas ako ng bangon. Nasa kwarto pa rin ako ng kambal at wala ang anak ko dito sa loob. "Na-nasaan si Zild at Casiel?"


"Nasa baba si—"


"Okay lang ba sila? Sobrang dami ng sugat kanina ni Casiel, hindi gumagaling Zafiel!"


"Sssh, they are fine sweetie. Walang kang dapat ipag-alala. Kasama nila ang Daddy mo sa baba and they are playing."


"Pero kanina bigla na lang nawala si Casiel. Nakita namin na sugatan si Casiel d'yan." Tinuro ko kung saan nakapwesto kanina si Casiel. "Pati si Zild nagkasugat din kanina. Gumaling kaagad ang sugat niya pero kay Casiel hindi. I don't know what happen basta bigla na lang kaming nakadama ni Zild ng pagkaantok."


"Maybe you're dreaming Cassiopea. Tinawagan ang ni Zild kania at nakita ka kanina ng anak natin dito sa kwarto nila na walang malay. Hindi ka nila magising-gising at iyak ng iyak ang anak natin."


"Pero—"


"Do you want to see them? Paaakyatin ko sila dito." Biglang naging kulay pula ang mata ni Zafiel pero sandali lang iyon. After a few minutes ay dumating na ang kambal kasama nila si Daddy.


"Mama!" Sigaw ng kambal sabay yakap sa akin.


"You're Mama got a bad dream." The he touch my hair.


"Totoo po Mama?" Tanong ni Casiel sa akin.


Tumango ako at niyakap ko sila ng mahigpit sabay ng pagtulo ng luha ko. Tama, baka panaginip lang iyon. Panaginip na kahit kailan ayokong mangyari.


"Baka sobrang pagod ka lang hija. You need to take rest. Ako na ang bahala sa apo ko." Kinuha na ni Daddy ang kambal. "Hijo ihatid mo na si Cassiopea sa kwarto niyo. Lets go Zild and Casiel."


Nang makalabas na sila Daddy, kinarga ako ni Zafiel. "You heard what your daddy say, take a rest. Maybe you're overthinking about him."


"Pero—"


"Sleep now my Queen." Pagkasabi nun ni Zafiel ay unti-unti na akong nilamon ng antok. "I will do my best to protect you and our children."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top