Chapter Twenty-one
Chapter Twenty-one:
Cassiopea Nakahara:
"Someday you will realize that this shit where you are right now is just an illusion..."
"Argh! Cassiopea mag-focus ka sa trabaho mo!" Napa-facepalm ako. Bakit hindi mawala wala sa isipan ko ang Zafiel na iyon? Panira siya ng sistema. I can't concentrate in my work.
Zafiel's words kept playing in my mind. Parang sirang plaka. "Argh!" I screamed.
"Miss Nakahara! Anong pong nangyari sa inyo?"
"What illusion is he talking about?" I asked to myself.
"Anong illusion po Miss Nakahara?"
I looked at her. "Do you know who is Mr. Luxembourg is?"
"Opo. We investigated his background before giving him a contract. Bakit niyo po natanong?"
"Can you give me the copy of his information?"
"Ma'am, bakit po?"
"Just give me the copy of his information as soon as possible Miss Fajardo. No more question, okay?" Iritang sabi ko sa secretary ko.
"Makukuha niyo po kaagad ang info, Ma'am." At agad itong umalis ng office ko.
Napa-facepalm ulit ako. Zafiel Luxembourg is like a big mess in my head. Ginugulo na nga niya ako sa mga panaginip ko, pati naman kapag gising ako panggulo pa rin siya. Its unfair to me. I can't do my daily task because of him and I hate it.
Napunta ang atensyon ko sa secretary ko. She's very fast. Maybe because I'm very iritated to her awhile ago. "Ma'am ito na po ang info na kailangan mo." Inabot niya kaagad sa akin ang folder na naglalaman ng information ni Zafiel Luxembourg.
Siguro matatahimik na ang sistema ko kung babasahin ko ang information ni Zafiel. "You go now." Nang lumabas na ang secretary ko ay agad kong binasa ito.
He was turning twenty nine years old this coming October 5. Have a twin offspring. One girl and one boy. Their name is Casiel Maxine Luxembourg and Zild Maxwell Luxembourg.
Hinaplos ko ang picture ng mag-ama. I don't know why I felt missing them so much. This is a big mystery in myself. Who am I really and who are them?
----
"Cassiopea, you must run. Isama mo ang kambal. Dapat ligtas kayo. Doon na lang tayo magkita sa dati nating kitaan."
"Mag-ingat ka Zafiel." At tumakbo ako na kasama ang kambal naming anak. "Huwag muna kayo umiyak ah, para ligtas tayo." Pagsusumaong bulong ko sa kanila at patuloy lang ang pagtakbo ko.
"Miss Nakahara?"
Nang makarating kami sa gubat kung saan palagi kaming nagkikita noon ni Zafiel. Nagtago kami sa isang cave. Agad kong inihiga ang kambal sa sahig kung saan hindi sila mapapansin. Dapat bantayan ko kung ano ang nasa paligid namin baka biglang may dumating na alagad ni Ace.
Pagkaraan ng sampung minuto ay may narinig akong footsteps. Bigla akong sinakluban ng kaba, kaba na baka may mangyaring masama sa dalawa kong anak.
"Siguradong nandito lang si Cassiopea."
Nanlaki ang mata ko nang marinig ko kung kaninong boses iyon. Gumawa ako ng isang harang para maitago ang kambal. Kung sakaling may mangyari masama sa akin siguradong ligtas at hindi madadamay sila. Dahan dahan akong naglakad papalayo sa mga anak ko.
"Nandyan ka lang pala Cassiopea."
Dahan dahan akong humarap sa taong iyon. "A-Ace..."
"Miss Nakahara, gumising po kayo."
"Ace!" Sigaw ko at napabalikwas ako ng bangon.
"Miss Nakahara."
Napatingin ako sa secretary ko.
"Okay lang po ba kayo? Kanina ko pa po kayo ginigising hindi ka po magising gising. Binabangungot po ba kayo?"
Napailing ako. Nakatulog pala ako sa sofa ng office ko. "I'm okay. Bakit ka pala napunta dito?"
"Hindi niyo po kasi sinasagot ang tawag ko po. Tumawag po kasi si Mr. Luxembourg kanina."
Zafiel
Mariin akong pumikit. "You may now go back to your table Miss Fajardo. Call me if Mr. Luxembourg call again."
"Yes Ma'am."
Nang marinig kong nakalabas na ang secretary ko ay unti unti akong dumilat. Bakit tinataguan ko si Ace sa panaginip ko? At may anak kami ni Zafiel na kambal. Lahat ba ng sinasabi ni Zafiel ay totoo?
Sino ba talaga si Ace Lockhart sa buhay ko?
Sobra na akong naguguluhan. Gusto ko na bumalik ang alaala ko para matapos na itong paghihirap ko. Para malaman ko kung sino ba talaga si Zafiel sa buhay ko at palagi siyang nasa panaginip ko.
Bumalik na ako sa table ko at dahan dahang umupo sa swivel chair. I looked at the mini calendar in my table. "November 21." I whispered. I feel that there are something special in this day. Biglang nag-ring ang telephone kaya agad ko itong sinagot "Miss Fajardo, may special occasion ba dito sa company today?"
"Wala po Ma'am. Bakit niyo po natanong?"
Napailing ako. "Nothing."
"Ma'am Mister Luxembourg is in the other line."
Napabuntong hininga the reason why I can't think properly. "Okay connect him here."
"But Ma'am Nakahara."
Napakunotnoo ako. "But what Miss Fajardo? Is there any problem?"
"But Sir Lockhart is in other line too."
Natampal ko ang aking noo. Isa pa itong si Ace. Ayoko muna siya makausap sa ngayon.
"Ma'am do I connect Sir Lockhart to you instead of Mister Luxembourg?"
Geez! I want to decline those calls. They make my head ache.
"Ma'am?"
I calm myself. "Who call first?"
"Sabay po sila Ma'am."
I close my eyes. Paanong nangyaring sabay sila? Iyan ang gusto kong itanong sa secretary ko. But I keep it in my mind because I know she'll gonna answer me na nagkasabay lang talaga yung dalawa. "Connect Mister Luxembourg to me."
"What about Sir Lockhart?"
"Just make an alibi. I don't want to talk him right now."
"Okay Ma'am."
Umayos ako ng upo na para bang pupunta ng opisina ko si Zafiel. My heart beats fast.
"H-Hello?"
Nakahinga ako ng maayos. "Is that you Casiel?"
"Yes M-Mama."
I smiled. Para bang biglang nawala ang problema ko sa mundo. "Its you my little Casiel. Bakit ka napatawag? Is there any problem?"
"Uhmmm."
"Don't be shy, Casiel. Say it."
I chuckled. That was Zild voice.
"Just wait okay! Try mo kaya kausapin si Mama Cassiopea para dama mo yung kaba ko!" I heard she breath like she was calming herself. "Kinakabahan ako Zild!"
Natawa ako ng tuluyan. Alam kong binulong lang iyon ni Casiel kay Zild at rinig na rinig ko 'yon kahit bulong lang iyon.
"Mama Cassiopea."
"Little Casiel sabihin mo na kung anong gusto mo."
"Can you go in our house?"
Bigla akong nag-alala. "Bakit? May nangyari bang masama sa inyo ni Zild?"
"No, no, no Mama. Today is our birthday. Me and Zild invite you in our birthday celebration. Okay lang po ba na pumunta ka?"
"Oh! Sure sure. Anong oras ba ang start ng party niyo?" I feel excited.
"Tonight po. Don't worry po Mama. May magsusundo naman po sa inyo papunta sa amin."
"Okay. I'll wait na lang ah."
"Thank you po Mama. Sige po babye." Then nag-end na ang tawag.
"Oh I need to buy gifts for them." I'm excited to see them and be part of their birthday celebration. Agad kong kinuha ang bag ko para bumili ng regalo para sa kambal.
---
I looked at the two gift box and touch it. Kinakabahan ako sa magiging reaction ng dalawang bata sa regalo ko sa kanila. I don't know what things they like but I follow my instinct say that I should buy this thing to them. It's almost seven in the evening at walang driver na galing sa pamilya Luxembourg ang dumarating. Masyado na atang gabi para sa party ng mga bata.
Napabuntong hininga ako. Baka hindi natuloy ang party ng mga bata o nakalimutan lang nila na ipasundo ako sa sobrang busy sa party. Biglang kumirot ang puso ko. Bakit parang nasaktan ako dahil nakalimutan nila ako? Napailing ako. Baka guni guni lang ito. I will call their father to ask their home address. Ako na lang ang pupunta mag-isa. I get my cellphone and I dial Zafiel's number. Umayos ako ng upo habang hinihintay na sagutin nito ang tawag.
"Ma'am Nakahara."
Napatingin ako sa secretary ko. "You can go home now Miss Fajardo."
"Thank you Ma'am. Nandito po pala 'yung driver ni Mister Luxembourg."
I turned off my phone. "Tell him na maghintay siya sandali, aayusin ko lang ang gamit ko." Kinuha ko kaagad ang bag ko pati na rin ang gift ko kina Zild at Casiel. Huminga muna ako ng malalim bago lumabas ng office ko.
"You must be Mister Luxembourg driver?" nakangiting sabi ko sa lalaking nakatalikod sa akin. Humarap sa akin ang lalaki at nakapaskil sa mukha nila ang isang masayang ngiti.
"Yes Ma'am."
Napaurong ako. I saw this guy in my dream. "Who are you?"
"I am Luis Serafin. Young Master Zild and Young Lady Casiel's butler. Ako ang sinabihan nila na sumundo po sa inyo."
"Luis Serafin?"
"At your service Milady." At nag-slight bow ito. "Pwede na po ba tayo umalis? Kayo na lang po ang hinihintay nila."
Ilang beses akong nag-blink bago tumango. "Yeah. Lets go now." Tangkang kukunin ni Luis ang dala kong regalo sa kambal perI nalayo ko ito kaagad. "No need, gusto ko ako mismo ang magdadala nito para agad kong mabigay kina Casiel at Zild."
Ngumiti naman ito at tumango. "Yes Milady." At nauna na itong maglakad kaya sinundan ko ito kaagad.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top