Chapter Twenty-five



Chapter 25:



"I miss you so much." Zafiel hugs me so tight. Oh! I miss this hug. Lalo na ang moment na ito na kasama ko si Zafiel sa garden na ito.


I hug him too. "I miss you too My King."


We keep dancing waltz kahit walang music. Sapat na ang tibok ng puso naming nagmamahal para maging tugtog sa sayaw namin.


"I'm sorry kung hindi kita naligtas nang araw na iyon. I'm too late to save you."


Napatingin ako kay Zafiel. "No Zafiel, like what you say it's not our fault kaya nangyari ito sa atin. Kasalanan ito ni Ace." Dumaloy sa isipan ko ang mga alaala ng gabing iyon.


Biglang sumugod sa palasyo ng Decentria sila Ace. Maraming kawal na ang namamatay sa loob at labas ng palasyo. Ganun na rin sa mga alagad ni Ace. Iisa lang habol nila kung bakit sila lumusob dito. Walang iba kundi ako. Nasa loob kami ng kwarto ng anak namin. I don't know what would happen kung sakaling makapasok ang mga alagad ni Ace dito.


"Z-Zafiel, natatakot ako para sa anak natin." Naiiyak kong sabi sa kanya. Nang dahil sa akin, madadamay pa ang anak namin.


He hug me. "Sssshh My Queen. Hangga't nandito ako, walang mangyayari sa inyo ng anak natin." Humiwalay sa akin si Zafiel nang may pumipilit buksan ang pintuan ng kwarto. "Cassiopea, you must run. Isama mo ang kambal. Dapat ligtas kayo. Doon na lang tayo magkita sa dati nating kitaan."


"Mag-ingat ka Zafiel."


Bigla akong hinalikan ni Zafiel sa labi. "Mag-ingat rin kayo."


Tumango ako at tumakbo ako na kasama ang anak namin papunta sa secret passage ng kwarto ng kambal. "Huwag muna kayo umiyak ah, para ligtas tayo." Pagsusumaong bulong ko sa kanila at patuloy lang ang pagtakbo ko papunta sa gubat.


Nang makarating kami sa gubat kung saan palagi kaming nagkikita noon ni Zafiel. Nagtago kami sa isang cave. Agad kong inihiga ang kambal sa sahig kung saan hindi sila mapapansin. Dapat bantayan ko kung ano ang nasa paligid namin baka biglang may dumating na alagad ni Ace.


Pagkaraan ng sampung minuto ay may narinig akong footsteps. Bigla akong sinakluban ng kaba, kaba na baka may mangyaring masama sa dalawa kong anak.


"Siguradong nandito lang si Cassiopea."


Nanlaki ang mata ko nang marinig ko kung kaninong boses iyon. Gumawa ako ng isang harang para maitago ang kambal. Kung sakaling may mangyari masama sa akin siguradong ligtas at hindi madadamay sila. Dahan dahan akong naglakad papalayo sa mga anak ko. Para hindi malaman ng kunsino man 'yun na nandito rin ang anak ko.


"Nandyan ka lang pala Cassiopea."


Dahan dahan akong humarap sa taong iyon. "A-Ace..." Pinagsakluban ako ng kaba. Nasa harapan ko ang dahilan kung bakit nagkakagulo sa palasyo ng Decentria ngayon.


"Sabi na nga't nandito ka lang. Nakalimutan niyo ata ni Zafiel na alam ko ang lugar na ito kung saan palagi kayong nagkikita." Lumapit siya sa akin. Hindi ako makakilos sa kinatatayuan ko ngayon.


"Ace Milosk hayaan mo na kami. Maawa ka sa anak ko." Pagsusumao ko sa kanya.


He hold my chin. "Anak sana natin kung ako ang pinili mo! Kung ako ang mamahalin mo wala ang gulong ito."


Umiling ako. "Kahit anong gawin mo, hinding hindi kita mamahalin. Si Zafiel ang mahal ko!" Sigaw ko sa kanya. "Kaya itigil mo na ito!"


Bumaha ang galit sa mukha ni Ace. "Gagawin ko ang lahat para mapasaakin ka." Lumayo siya sa akin. "Selestina alam mo na ang gagawin mo." Lumapit sa akin ang isang babaeng nakangisi pa.


"A-Anong Gagawin mo?" Pinipilit kong gumalaw pero mukhang sobrang lakas ng spell na nakadikit sa akin. "Itigil mo na ito Ace!"


Tumalikod sa amin Si Ace. "Gawin mo na bago pa dumating sila Zafiel. Kapag tapos ka na saka mo hanapin ang kambal at patayin mo."


Nanlaki ang mata ko. "Huwag mong idamay-" Nawalan ako ng boses. Ang mga baby ko.


"Ayoko ng maingay." Bulong ng babae. Inangat niya ang wand na hawak niya at nag-umpisa na itong lumiwanag. "Pagkagising, magsisimula muli sa umpisa. Taong nakilala sa nakaraan ay makakalimutan. Sa taong unang makikita paggising lamang magtitiwala at mamahalin. Kaya ikaw ay matutulog na at magigising lang sa pagkaraan ng isang linggo."


Pinipilit kong hindi pumikit para makontra ko ang spell na nilagay sa akin.


"Tapos ka na ba?" Lumapit na sa amin si Ace.


Tumango ito. "Master Milosk, dapat na ilayo niyo ang queen dito para hindi na magbalik ang alaala niya tungkol sa Decentria."


He nod and they look at me.


Bigla akong nakadama ng sobrang sakit sa ulo ko. "Aaaaaaaaaaah!"


"Anong nangyayari sa kanya?"


"Pinipilit niyang kumontra sa spell kaya inuuna nang tanggalin ang alaala niya. Dapat na matulog siya para hindi niya maranasan ang sobrang sakit ng ulo."


Gusto kong hawakan ang ulo ko ngunit hindi ko magawa.


"Sleep now Cassiopea."


Unti-unting pumikit ang mata ko. Hindi ako dapat matulog.


"Do your best para maisip nilang patay na si Cassiopea."


Iyan lang ang huling narinig ko bago tuluyang natulog ang diwa ko.


"Ang mahalaga ngayon ay bumalik na ang alaala mo." He kissed my forehead. "Matutuwa ang kambal kapag nalaman nilang bumalik ka na."


"Sa tingin mo?"


Tumango siya. "For now, lets celebrate sa pagbalik mo." Then he kiss me on my lips kaya gumanti rin ako ng halik.


-------


"What we'll gonna do to Ace?" Tanong ni Zafiel sa akin.


"Makikipaghiwalay ako sa kanya." Sagot ko kaagad.


Nandilim ang aura ni Zafiel sa narinig sa akin. "Hindi ko talaga matanggap na nagkaroon ka ng relasyon sa lalaking iyon at nahalikan ka pa niya!"


Inirapan ko siya at pinagpatuloy ang pagahalo sa ingredients ng cookies. Snacks ito ng kambal pagdating nila dito. Sana magustuhan nila itong gawa ko. Dito sa villa ko magkikita kami as a whole family. "As if alam ko nung time na 'yon na kung sino ako."


Niyakap ako ni Zafiel. "I'm Sorry Sweetheart, nagselos lang naman ako tuwing nakikita kong magkasama kayo ng lalaking iyon!"


Gumanti naman ako ng yakap sa kanya. "O ayan, panimula sa pagbabawas ng selos list mo."


"Gusto ko ng ganito." Humigpit ang yakap niya sa akin.


"Ako rin naman kaso nagbi-bake pa ako ng cookies kaya mamaya na lang ito." Humiwalay ako sa kanya at nag-umpisa nang i-roll into balls ang dough then flatten slightly. Nilagay ko ang mga dough ng cookies sa baking pan.


"Bakit ka kasi nag-bake? Attention mo ang need ko ngayon." At niyakap na naman niya ako.


"Para kina Casiel at Zild ito. 'Wag kang ano d'yan!"


"Ganun ba? Sabi ko nga dapat lang mag-bake ka kasi siguradong gutom na ang dalawang bampirang 'yun." Tinulungan na niya ako sa ginagawa ko which is nakaka-touch. Dahil sa ginawa niya ay napabilis napabilis ako sa ginagawa ko. Pagkatapos namin ay nilagay ko na sa oven ang baking pan at i-s-in-et ko sa 12 minutes ang time.


"They are coming."


Naramdaman ko rin ang paparating na presence ng kambal namin. "Kinakabahan ako."


"Ssh, They will accept you." Napatingin ito sa suot na wristwatch. "Maybe thirty minutes pa bago sila dumating."


"Ang tagal pa nila." Napakagat ako sa daliri ko.


Umiwas ng tingin sa akin si Zafiel. "Stop doing that thing baka iba ang maabutan ng kambal."


Napakunotnoo ako. "Huh?"


"Hindi naman kinakagat ang daliri Sweetheart. Hindi 'yan pagkain at baka masugatan mo pa sarili mo."


Tumigil ako sa ginagawa kong pagkagat sa daliri ko. "Pasensya na, kinakabahan ako."


"I know one thing para matanggal ang kaba mo." Hinila niya ako at hinawakan niya ang pisngi ko sabay halik sa labi ko. Unti-unti akong pumikit at gumanti halik sa kanya. I put my arm at around his neck. Palalim ng Palalim ang halikan namin.


Ting


Bigla kong tinulak si Zafiel. "Luto na pala ang cookies." Kinuha ko ang cookies at pinatong iyon sa mesa sabay ng pag-doorbell.


"Ang bilis nila ah." Si Zafiel na mismo ang nagtanggal ng suot kong apron. Ngumiti siya sa akin. "Smile Sweetheart."


Napangiti naman ako. Magkahawak kamay kaming pumunta sa main door. Si Zafiel na ang bumukas ng pintuan at bumungad sa harapan namin si Adelaine hawak hawak niya sa magkabilaang kamay si Casiel at Zild.


"Hi guys! This kiddos really want to go here kaya pinag-drive ko ng super bilis si Luis tutal nasa highway lang din naman kami at private lane naman ang part ng bahay na ito."


"Come in." Sabi ni Zafiel kaya pumasok kaagad sila at umupo sa sofa. Kami naman ni Zafiel nakatayo lang.


"Hi Princess Adelaine!" Bati ko kay Adelaine.


Nanlaki ang mata nito at kitang kita sa mata nito na nagtatanong kung nakakaalala na ba ako. I nod kaya sinugod ako ng ni Adelaine. "Welcome back Ate Cassie!"


"Tita Adelaine! Kami dapat kayakap ni Mama Cassiopea!" Biglang sigaw ni Casiel.


"Sssh! Ang ingay mo Casiel."


"Kasi eh! Tayo ang pinapunta dito tapos si Tita Adelaine unang yayakap kay Mama Cassiopea tapos nauna pala dito si Papa kaya walang nag-bedtime storytelling sa atin. Unfair 'yun sa atin!"


Natawa kami sa sinabi ni Casiel at binatukan ko si Zafiel. "Bakit hindi ka kasi nag-bedtime story sa kanila?" Inirapan ko si Zafiel kaya no comment na siya. After a few minute ay tumahimik na ang paligid. Nakadama naman ako ng kaba. What if hindi ako tanggapin ng dalawa dahil palagi ko silang tinanggi na anak ko sila?


"Casiel, Zild there's something we need to say."


Napatingin ako kay Zafiel. Humigpit ang hawak niya sa kamay, sign na huwag akong kabahan.


"You and Mama Cassiopea are getting marry?" Inosenteng tanong ni Zild sa ama niya.


Umiling ito. "We are already married son."


"Hala bakit hindi kami invited?" Nakasimangot na tanong Casiel. Natawa naman si Adelaine while kami ni Zild ay ngumiti lang. "What's funny?"


"Casiel and Zild, Me and your Mama Cassiopea are married months bago kayo maipanganak ng Mama Cassiopea niyo." Paglilinaw ni Zafiel sa kambal.


"So Papa, ikaw at Mama ay kasal then therefore si Mama Cassiopea ang real Mama namin?" Curious na sabi ni Zild.


Tumango ako bilang sagot sa tanong ni Zild.


"Eh bakit sabi mo po hindi kayo ang Mama namin?"


Nagsimula na tumulo ang luha ko. Bakit feeling ko, hindi ako tanggap ni Zild? "Kasi may nangyaring masama sa akin kaya nawala ang alaala ko. May isang bad guy na nagtanggal ng memories ko kaya hindi ko kayo naaalala."


Lumapit sa akin si Casiel. "Kelan po bumalik ang alaala mo, Mama Cassiopea?" Tanong ni Casiel sa akin.


"Kahapon lang tayo naalala ng Mama niyo." Si Zafiel na ang sumagot. "Di ba its good na bumalik na sa atin si Mama?" Tumango ang kambal sa ama nila. "So ano ang dapat niyo gawin?"


"Mama!" Sigaw ni Casiel sabay yakap sa akin. Ganun rin ang ginawa ni Zild na lalong nagpaiyak sa akin. Iyak ng kaligayahan.


"My twins." Niyakap ko sila ng mahigpit. Ngayon ko masasabing may karapatan na akong maging nanay ng kambal. Yumakap rin sa amin si Zafiel. Naramdaman ko na buo na ang pagkatao ko ngayon.


"Ano ba 'yan naiiyak ako. Sali ako sa inyo."


"Heh! Mag-asawa ka na rin!" Tinulak ni Zafiel si Adelaine.


"Grabe ka naman kuya!"


"Doon ka kay Luis, pakasalan mo na 'yung tao!"


"Heh!"


Natawa ako sa inakto ng magkapatid. Hay, I missed this feeling.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top