Chapter Three



Chapter Three


Cassiopea Nakahara:


Dahan dahan akong lumabas sa kwartong kinaroroonan ko. More than five hours na akong nasa silid na iyon kung saan ako iniwan ng lalaking bigla biglang naglaho sa harapan ko. Umaasa pa naman ako na babalik siya ngunit hindi na siya bumalik.


Tumingin ako sa kaliwa't kanan ng pasilyo. Walang tao. Naglakad ako kaliwang pasilyo. Para namang nasa palasyo ako dahil sa interior design ng pasilyong ito. Lumiko ako. Bumungad sa akin ang magkakasunod na portrait painting sa dingding ng mga taong tila mga royalty o dugong bughaw. Isa-isa ko silang pinagmasdan na para bang kilala ko sila. Baka nakita ko na sila sa social gathering na dinaluhan namin. Patuloy ko pa ring pinagmamasdan ang mga paintings hanggang sa napunta ako dulo ng pasilyo kung saan may hagdanan.


Pumanik ako at sumalubong sa akin ang isang kwarto na para bang ginawa iyon para sa isang espesyal na tao. Pinagmasdan ko ang paligid ng kwarto. May isang piano, painting materials, gitara, bookshelve na puno ng libro at isang painting. Hindi ako sigurado dahil natatakpan ito ng itim na tela. Tila may nag-uudyok sa akin na hilahin ang telang iyon para makumpirma ko kung ano ang nasa likod nito.


Napailing ako. Ayokong mangialam ng gamit dahil hindi ko ito pagmamay-ari at baka makasira pa ako.


"Bakit hindi mo hilahin ang telang iyan?"


Napaharap ako sa taong nagsalita. "May balak ka bang patayin ako sa gulat?" naiinis kong tanong sa lalaking kanina ko pa hinihintay bumalik.


"I'm sorry if nagulat kita. Pero hindi ko balak na patayin ka."


Inirapan ko siya. "Ewan ko sa'yo. Hoy gusto ko na bumalik sa amin."


"Di ba ang sabi ko sa iyo na hindi ka na makakaalis sa lugar na ito."


"Nagbibiro ka lang 'di ba?"


"No I'm not." Seryosong sagot nito.


Nanlaki ang mata ko. "Are you nuts? Did you know na ang ginagawa mo sa akin ngayon ay kidnapping. Gusto mo ba na ipakulong ka ni Daddy? Ikaw din, kuwawa ka kapag nakulong ka." Pangongonsensya ko sa kanya. Effective 'yun for sure.


"Hindi iyan effective sa akin Cassiopea and believe inme. Hindi kidnapping ang hindi pagpayag na umalis sa lugar ko ang babaeng papakasalan ko."


Biglang nag-init ang ulo. Ibig sabihin ito ay si Dean na sinasabi noon ni Daddy na papakasalan ko. "What the heck are you thinking Dean? Hindi kita papakasalan at huwag na huwag mo akong ikukulong sa lugar na ito dahil hindi kita asawa!"


Bigla niyang hinawak ang balikat ko. Puno ng galit ang kanyang mata. "Who the heck is Dean, lady?"


Nakadama ako ng takot. "I-Ikaw. 'Di ba ikaw ang sinasabi ni Daddy na papakasalan ko at next two weeks ang engagement natin."


"I'm not Dean. I am Zafiel Luxembourg at ako ang papakasalan mo. Hindi 'yang lintik na Dean na 'yan. Wala nang hahadlang sa atin. Remember that Cassiopea." Humigpit ang pagkahawak niya sa balikat ko.


"Nasasaktan ako!" pumiglas ako sa pagkakahawak niya sa balikat ko. "Baliw ka na talaga 'no? Ikaw papakasalan ko? Kapal mo rin 'no? Ayaw ko ngang pakasalan sa Dean na iyan tapos ngayon ikaw naman. Ni hindi nga kita kilala tapos sasabihin mo pa na walang hahadlang sa ating dalawa. Wow! Dude lakas din ng trip mo."


"Hindi mo ba talaga ako natatandaan?"


Napa-facepalm na ako. Naiinis na ako ng sobra sa lalaki ito. "Ang kulit mo rin 'no? Ilang beses ko na sinabi na hindi kita kilala. At kahit kailan hindi pa kita na-meet. Gets mo na ba?"


Buntong hininga ito. "Siguro nga hindi mo ako naaalala."


Nakita ko sa mata niya ang sobrang lungkot. May halo rin itong pain. Ewan ko ba kung bakit nakadama ako ng lungkot at sakit sa puso ko na ngayon ko lang naramdaman. Hindi ko rin malaman kung bakit nakadama rin ako ng pagka-miss? Pagka-miss sa kanya. Napailing na lang ako. Mukhang nahawa ako sa kabaliwan ng lalaking ito. Tumingin ulit ako sa kanya. "Ikaw ba 'yung nagligtas sa akin?"


"Oo."


"So nasaan ako ngayon?"


Nag-eye to eye contact kami. "Sa mundo namin."


Napakunot-noo ako. "Huh?" Nabingi ata ako sa sagot niya. Sa mundo daw ba nila? "Saan ulit?"


"Sa mundo namin."


Natawa ako. Joker pala itong lalaking ito. "Hay naku. Kalurkey ka talaga. Lakas ng trip mo dude man. Ibalik mo na nga ako kay Daddy. For sure nag-aalala na sa akin si Daddy."


Tinalikuran lang ako ng lalaking ito. "Like what I've said hindi ka na makakaalis dito. Go back to your room. Nandoon na ang mag-aasist sa iyo. Prepare for tonight. We will have a welcome party at ia-announce ko na rin ang engagement natin. And remember my name"


"What—" bigla na lang nawala ang lalaki sa harapan ko. Where am I now? And what his name again? Zafiel Luxembourg?


_____________


Pronounciation of their names:


Cassiopea - Ka-Syo-Pe-Ya

Zafiel - Za-Fi-Yel

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top