Chapter Ten
Chapter Ten:
Cassiopea Nakahara:
Gulong dito, gulong doon. Iyan lang ang ginawa ko simula nang humiga ako kanina sa higaan ko. Five hours na akong pagulong gulong sa higaan ko. Hindi kasi mawala sa isipan ko ang nangyari kahapon sa Painting room. Napahawak ako sa labi ko. Nararamdam ko pa rin ang labi ni Zafiel. "Argh!" Impit na tili ko. Naiinis ako sa sarili ko. Paano naman kasi parang sirang plaka na patuloy na nsgpi-play sa utak ko ang kissing scene na iyon.
Halik lang iyon pero ang laki ng epekto nun sa akin. Sinabihan ko rin siya ng I love you too. Ano bang nangyayari sa akin ngayon? Tumayo ako. Mukhang hindi naman ako makakatulog sa lagay nito eh. Dahan dahan akong lumabas ng kwarto ko. Shoot! Bakit may mga maid pang gising? Dis oras na kaya ng gabi.
Nang wala ng tao ay lumabas ako ng kwarto ko. Nagmamadali akong naglalakad sa hallway. Baka kasi nandyan lang sa tabi tabi si Zafiel. Nahihiya kasi ako sa kanya. Napahinto ako sa paglalakad. "Saan ako pupunta? Bawal naman akong mag-stay sa garden, baka may bampira na namang pagtripan ako. Ano ba naman iyan!" Ginulo ko ang buhok ko.
Nagsimula ulit akong maglakad. Naku naman kung saan saan na ako napunta at mukhang naligaw ulit ako sa palasyong ito. Kainis ah. Sa susunod magpapa-tour ako kay Luis dito sa loob ng palasyo. Lumiko ako. Teka napuntahan ko na ito ah. Ito yung hallway na pulos portrait tapos sa dulo ay hagdanan papunta sa room na parang nakalaan sa isang tao. Naglakad na ako papunta sa room na iyon. Doon na lang ako tatambay.
Pagpasok ko sa loob ay nakadama ako ng sobrang saya. Wala akong nakasalubong na maid or butler or guard habang papunta sa kwartong ito. Lumapit ako sa mga gamit na nasa loob ng kwarto at isa isa ko itong hinawakan o hinaplos. Hindi ko malaman ang dahilan kung bakit nakadama ako pagka-miss sa mga bagay na ito. Nang nakakita ako ng painting paraphernalia ay nakadama ako ng sabik sa pagpinta. Matagal na rin noong huli kong pagpinta.
Pwede ko naman siguro gamitin ang mga gamit dito. Kinuha ko ang painting materials at humarap ako sa isang canvass. Nag-umpisa na ako sa pagpinta.
"Meow..."
Hindi ko pinansin kung sino man ang ngumingiyaw na iyan. Masyado akong engross sa ginagawa ko dahil na rin siguro na sabik ako sa pagpinta.
"Meow..."
Lumipas siguro ng ilang oras ay patapos na ako sa ginagawa ko. Napatingin ako sa bintana. Madilim pa rin sa labas. Siguro mga alas tres o mag-aalas kwatro na ng madaling araw.
"Meow..."
At kanina pa iyang ngumingiyaw na iyan. Nasaan ba ang pusang iyan at ng makuha ko na? Sa tingin ko gutom na ang pusa kaya ngumingiyaw. Tumayo ako at nilibot ko ang kwarto. Wala namang pusa. Napailing na lang ako. "Baka guni guni mo lang iyan Cassiopea."
"Mukhang na-miss mo kaagad ako ah."
Nalingon ako sa likuran ko at nakita ko si Zafiel na nasa harap ng painting na ginagawa ko. May karga karga itong pusa. "Paano ka nakapasok dito?" lumapit ako sa kanya at kukunin ko sana ang canvass ko nang na-realize ko na ang mukha ni Zafiel ang pinipinta ko kanina pa. "Hindi kita namimiss noh. Assuming ka." naramdaman ko na uminit ang pisngi ko.
Tumawa lang ito ng mahina kaya inirapan ko siya. "Ang galing mo pa rin magpinta."
Napatingin ako sa kanya sabay kunotnoo. "Paano mo nalaman na nagpi-paint ako?"
Nagkibitbalikat lang ito. "Do you remember this cat?" iniharap niya sa akin ang pusang karga niya.
Tinitigan kong mabuti ang pusa at nanlaki ang mata ko. "Akira-chan!" tili ko sabay kuha sa pusa ko. "Saan mo siya nakita?" It's been one year noong nawalay sa akin si Akira. Pagdating ko sa bahay galing sa school ay wala na siya sa kwarto ko. Inisip ko noon na inutusan ni Daddy na iligaw si Akira.
"Sa daan. Muntik nang pagdiskitahan ng mga bata." Ngumiti siya sa akin.
"Paano mo nalaman na pusa ko ito?"
"Kanina pa kasi siya nakasunod sa iyo habang naglalakad ka na parang kilala ka."
So si Akira pala ang kanina pa ngumingiyaw? "Gutom ka na ba Akira-chan?" walang respond sa akin si Akira-chan. Napa-pout ako. "Kelan ka pa naging snobber Akira-chan?"
"Ang aga mo ata nagising sweetheart?"
Napangiwi ako. "Hehehe hindi pa ako natutulog."
"Bakit?"
"Wala lang. Gutom na ako hehehe bye bye!" Tumakbo ako palabas ng kwarto karga karga si Akira-chan. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Gusto ko sabihin sa kanya na kasalanan niya kung bakit hindi pa ako natutulog kaso nakadama ako ng ilang sa kanya. "Akira-chan punta tayo sa kwarto ko. Na-miss kitang pusa ka."
----------
"Iniiwasan mo ba ako Cassiopea?"
Napatingin ako kay Zafiel sabay iwas na rin. Nagi-guilt ako sa pagtrato ko sa kanya. Ilang araw ko na rin kasi siyang iniiwasan dahil sa nangyaring halikan naming dalawa. "Hindi ah. B-Bakit naman kita iiwasan?"
Napabuntong hininga ito. "Sweetheart its obvious."
Napatungo ako.
"May problema ba? May nagawa ba akong masama kaya ka galit sa akin?"
"Wala."
Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. "Then bakit ka umiiwas sa akin?"
"Kasi."
"Kasi ano?"
"Kasi nahihiya ako sa kissing scene natin." Kasi naman bakit pa ako hinalikan ng lalaking ito. Awkward tuloy ako sa kanya.
Tumawa ito ng mahina. "Bakit ka naman mahihiya eh pareho natin ginusto iyon." Ngumti siya sa akin. "Cassiopea look me in my eyes."
Agad naman akong tumingin sa mata niya.
"Simula ngayon ay hindi ka na iiwas sa akin, okay?"
Tumango naman kaagad ako.
"Good." he kiss me at my forehead. "Tonight we will have a dinner date. Be ready." Hinalikan niya ako sa labi at umalis na ito.
Napahawak ako sa labi ko. Sh*t nagpahalik na naman ako sa lalaking iyon!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top