Chapter Sixteen
Chapter Sixteen
Adelaine Luxembourg:
"Princess Adelaine..."
Huminto ako sa paglalakad. Salamat at dumating na si Luis dahil kanina pa ako hindi mapalagay. Kanina ko pa siya hinihintay. "Mabuti't dumating ka na." Umupo ako sa couch.
"Pasensya na po dahil may pinagawa sa akin ang Queen kaya natagalan ako."
"Okay lang iyon. Ano ba ang pinipinta ni Ate Cassy?"
Napangiti ito. "Kayo po. Tapos na po iyon, sinisiguro lang niya kung may kulang pa sa painting."
Para saan naman at ako ang subject ni Ate Cassy? Napailing ako. Saka ko na lang iyan iisipin. Tumayo ako. "May nakuha ka bang ibang impormasyon tungkol sa reincarnation ng Avernos?" Si Luis ang katulong ko sa pagri-research ko tungkol sa reincarnation nila Ate Cassy.
Napayuko ito. "Wala na po."
"Other thing para maligtas si Ate Cassy?"
"Wala na pong iba pa. Maliligtas lang siya kung siya ay magiging bampira o werewolf at dapat sa loob ng isa't kalahating buwan ay dapat ma-convert na siya bago matuluyang bumalik ang alaala niya."
Napa-face palm ako. This is not good. "Ilang araw na lang ba ang natitira?"
"Dalawang linggo na lang po ang natitira."
"Oh my..." This is not good. Two weeks is too short para mapapayag ni Kuya Zafiel si Ate Cassy na magpakasal. She really need to convert into a vampire. "Si Kuya nasaan?"
Napatingin ito sa relong suot nito. "Princess sa tingin ko po ay papunta na dito ang Queen."
"Adelaine?" Kasabay nun ay marahang pagkatok.
Huminga muna ako ng malalim bago ko buksan ang pintuan. "Hi Ate Cassy!"
Cassiopea Nakahara:
"Hi!" I gave her a sweet smile.
"Bakit ka napunta dito?"
"Uhm..." Magugustuhan kaya ni Adelaine ang portrait painting na ginawa ko para sa kanya?
"Uhm?"
"Para sa iyo." Binigay ko sa kanya ang hawak hawak kong canvass. "A gift from me, sorry if pangit." Lalo akong kinakabahan habang pinagmamasdan ni Adelaine ang painting.
"No Ate! Its beautiful, I love it. I cant believe you can paint like this. Professional ka siguro?"
"No. Its just my hobby." Nakahinga na ako ng maayos. I'm glad na nagustuhan niya.
"Ate Cassy bakit mo ako ginawan ng ganito?"
"A thank you gift because you are my friend and being so nice to me."
"Oh you are so sweet Ate. No need to give this to me." Pinagmasdan niya ulit ang painting. "Idi-display ko ito dito sa room ko. Thank you Ate."
"Adelaine..."
"Yes Ate?"
"Nasaan ba ako?"
Nawala ang ngiti sa labi nito. "Nasa bahay namin hahaha!" Bumalik na rin ang ngiti nito. "Naku naman Ate Cassy kaloka ka ah. Sige matutulog muna ako. Bye!"
Nanlaki ang mata ko. Pinagsarhan ako ng pintuan. Grabe siya!
"Sweetheart bakit nandito ka?"
Napalingon ako sa nagsalita. "Zafiel!" At niyakap ko siya. Nakakasanayan ko na sa tuwing nagkikita kami ay niyayakap ko siya. Ayokong masanay na ginagawa ko ito kaso hindi ko mapigilan ang sarili ko na yakapin si Zafiel.
"Hahaha, mukhang na-miss mo ako."
Tinampal ko siya sa pisngi. "Kapal nito oh."
Natawa ito ulit at marahang pinisil ang ilong ko. "Ikaw talaga. Gusto mo bang sumama sa akin?"
"Saan?"
"Sa labas. Mamamasyal tayong dalawa, a date." He entertwined our hands. "Ano gusto mo?"
Tumango agad ako. Nakadama ako ng excitement dahil ito ang unang beses na lalabas kami sa palasyong ito."Sige!"
----
"Saan mo gustong pumunta?"
"Uhm..." Nag-isip ako kung saan kami pupunta. Hindi naman kasi ako familiar sa lugar nila Zafiel kaya wala akong maisip na gugustuhin kong puntahan namin. "Ang hirap naman mag-isip."
He chuckled. "Ano bang place or shop ang pumasok sa isipan mo?"
"Coffee shop? Meron ba dito nun?"
"Meron. Malapit lang iyon dito." Hinila niya ako papunta sa isang shop na mala-Harry Potter ang theme.
"Welcome to the Lotharione Café, King and Queen!" Bungad na bati sa amin ng isang babaeng naka-costume na Hermione Granger. Gara ng tawag nila sa amin. King and Queen.
Nginitian lang ito ni Zafiel. Umupo kami sa bandang bintana ng cafe.
"King!" Slight itong nag-bow kay Zafiel. "What's your order Your Highness?"
Napatingin ako sa waiter.
"Queen, choco frappucino?" He asked on me.
"Syempre naman Jio!"
"Choco frappucino for the lovely queen coming up!"
Napahawak ako sa sentido ko. Another senario. Nagka-amnesia ba ako kaya maraming senario akong naaalala o baka totoo lang ang reincarnation? Geez! Hindi naman totoo iyang reincarnation na 'yan.
"Are you okay, Queen?" Nag-aalalang tanong sa akin ng waiter.
"Yes. I want choco frappucino, please."
"Are you sure that you are okay?"
"Oo naman Zafiel." Nginitian ko siya kahit ang totoo ay masakit ang ulo ko. May mga senario na pumapasok sa isipan ko.
"Choco frappucino for the lovely queen, coming up!" Umalis na ang waiter.
Minasahe ko ang sentido ko. Kahit papaano ay nawawala ang sakit.
"Ako na..." Si Zafiel na ang nagpatuloy sa pag-massage sa ulo ko. "Kulang ka siguro sa tulog."
"Maybe."
"Let me kiss you para mawala ang sakit." At hinalikan niya ako sa forehead. He's right. Hindi na masakit ang ulo ko.
"Wow ang galing mo naman Zafiel!"
Hinawakan niya ang kamay ko. "Cassiopea may kailangan kang malaman."
Napakunotnoo ako. Ano naman kaya ang sasabihin niya? "Ano 'yun?" Nanlaki ang mata ko. "Kuya Ace!"
"Lady Cassiopea!" Lumapit kaagad si Kuya sa amin. "Zafiel."
Tinanguhan lang ito ni Zafiel. Naramdaman ko ang tensyon sa pagitan nilang dalawa.
"Uhm Kuya Ace, long time no see." Kuha ko sa atensyon ni Kuya kaso hindi niya ako pinansin. "Zafiel?" Hindi rin niya ako pinansin. Ano bang problema ng dalawang ito? Kinakabahan ako sa titigan nila. Napapikit ako. Totoo ba itong nakikita ko? Parehong nag-iba ang kulay ng mata nila! "Zafiel?" Hinawakan ko ang kamay niya.
Tumayo si Zafiel. "Layuan mo ang asawa ko."
"Asawa mo? Nagpapatawa ka ba? Hindi pa nga kayo kasal, inaasawa mo na kaagad."
Tumayo na rin ako at hinawakan ko sa braso si Zafiel. "Halika na Zafiel." Bulong ko sa kanya. Baka kung saan mapunta ang nag-uumpisang bangayan nila.
"Wala kang paki kung asawa na ang tawag ko kay Cassiopea dahil alam mong simula pa noon AKIN siya!"
"Mawawala rin siya sa iyo, lalo na kapag nalaman niya kung sino ka."
"Ano ba ang pinag-uusapan niyo?" Naguguluhang tanong ko sa kanila.
"Lets go Sweetie!" At hinila ako ni Zafiel paalis ng Café.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top