Chapter Six
Chapter Six
Cassiopea Nakahara:
"Hay ang boring naman!" Bulong ko sa sarili ko habang nakasalong-baba. Kanina pa akong tulala dito sa garden. Wala man lang mapagkakaabalahan dito. Wala man lang television or any gadgets and entertainment appliances. Kanina pa ako naghahanap ng pwede kong gawin dito. Wala rin ata ngayon dito si Zafiel. Ang walanghiyang iyon! Umalis at hinayaan na sobra akong mabagot. "Dumating na ba si Zafiel?" Tanong ko sa butler ko. Yup butler ko. Zafiel hired this butler for me. How sweet. Actually dapat lima sila, nagreklamo lang ako na ayoko ng maraming butler. And he just said that 'ganyan ka pa rin sweetheart.' Like what the! Magkakilala na ba kami noon?
"Your highness wala pa rin siya." Sagot ng butler agad ni hindi man nga lang tumingin sa ako.
"Can we go near at the labyrinth?" tanong ko na naman ulit.
"No Your Highness."
"Eh di pumunta tayo sa mall. Gusto ko mag-shopping tayo or mag-arcade tayo. Treat ko." I give my butler a sweet smile.
"Hindi po pwede Your Highness."
"Then what the heck I'm gonna do in this boring place?" pasigaw kong tanong sa kanya. Napupuno na ako sa butler na ito ah. Parang siya ang amo sa aming dalawa ah! "Bakit ba bawal gawin lahat ng gusto kong gawin?"
"Dahil po iyan ang sabi ni Master Zafiel. Bawal po na umalis tayo, bawal po na pumunta po kayo sa labyrinth o mapalapit doon and so on po."
"Aaaaaaaaaaaargh!" napasabunot ako sa buhok ko. Nakakainis iyang si Zafiel. Lahat pinagbawal. I want to give him a punch. Napakalakas na suntok.
"Your Highness—"
"Shut up! I h—"
"What the hell is that noise?" sigaw ng isang boses babae na galing sa loob ng palasyo. "Bakit ba nag-iingay kayo dyan sa garden?" lumabas ang isang magandang babae galing sa loob.
"Princess!" gulat na sabi ng butler ko sabay bow sa babae.
Ako naman ay napataas ng kilay sa ginagawa ng butler ko at bigla akong napahawak sa sentido ko. May mga blur seen na nag-flash sa mind ko nang matitigan ko nang mabuti ang babae. Para bang nagkita na kami noon. Maybe in some social gathering ko siya nakita. I don't think so.
"What's happening Luis? Bakit nagsisigaw ang babaeng..." napatingin siya sa akin at umawang ang bibig nito. Nabitawan rin nito ang dala dala nitong bag. "Who are you?"
"If ever someone's come here and ask you a question who are you, answer her or him that you are Cassiopea Nakahara and I'm Zafiel's fiancé. It will keep you safe if I'm not here."
Pilit akong ngumiti ako sa babae. "I'm Cassiopea Nakahara. And you?"
"And who are you to ask my name?"
"Because I am Zafiel's fiancé." Sagot ko kaagad sa kanya. Ang taray naman ng babaeng ito. Mukha pang maldita. Patikim ko sa kanya kamalditahan ko eh.
"Oh." Ngumiti siya ng matamis sa akin. "I'm Adelaine Luxembourg. It's nice to meet you Cassiopea." At niyakap niya ako. "I'm happy that you are my brother's soon to be wife."
Napangiwi ako. "I'm happy that I meet my fiancé's sister."
"Alam mo we need to have a sister-in-law bonding." Humarap siya sa butler ko. "Luis if kuya is here tell him that Cassiopea is with me."
"But Princess—"
"Marami akong ikukwento sa iyo Cassiopea." At hinila na niya ako papunta sa kung saan.
------
"You know what Cassiopea."
"What?" tumingin ako sa kanya. Nakaupo kami ngayon sa bench dito sa park. Marami kaming napuntahan ni Adelaine. I think wala na ako sa Pilipinas at nasa ibang bansa na ako. Iba ang pamumuhay dito sa lugar na ito. And every people na nakasalubong namin ni Adelaine ay nagsisi-bow sila sa amin. Its kinda weird for me.
"I think you are a human."
Natawa ako sa sinabi ni Adelaine. "Malamang tao ako. Makasabi ka ng 'I think you are human' parang hindi ka tao eh." Huminga ako ng malalim at tumingin sa mga batang naglalaro. "Actually you look like a vampire because of your pale skin. Maniniwala sana ako na bampira ka kaso kaya mo magbilad sa araw." Humarap ako sa kanya ulit. "Alam mo ba na di talaga ako naniniwala sa bampira? Naniwala lang ako nang may isang lalaking bampira na muntikang kunin ang buhay ko kung di lang ako niligtas ng kuya mo. Your kuya is my hero."
Makikita mo sa mukha ni Adelaine ang pagka-confuse.
"Bakit ganyan mukha mo?" natatawang tanong ko sa kanya.
"I thought you are a v—"
Zafiel Luxembourg:
Where are they? Pagdating ko sa palasyo ay wala na ang kapatid kong si Adelaine at si Cassiopea. Ang sabi ni Luis sa akin ay umalis ang dalawa for girl bonding. "Malalagot ka sa akin Adelaine kapag nakita kita." Bulong ko sa sarili ko.
"Actually you look like a vampire because of your pale skin."
Boses iyon ni Cassiopea. Sinundan ko ang boses niya hanggang sa nakita ko na sila.
"Bakit ganyan ang mukha mo?" natatawang tanong ni Cassiopea kay Adelaine.
Sa wakas nakita ko na rin ang kapatid ko at si Cassiopea.
"I thought you are a v—"
"Sa wakas nakita ko na rin kayo." Pagputol ko sa sinasabi ni Adelaine then I gave her a death glare. Lumapit ako kay Cassiopea and I kiss her at her cheeks. "So how's your bonding, girls?"
"It was great. Adelaine is my best friend from now on." Masayang sagot ni Cassiopea.
"That was good Sweetheart." Dumating na ang kotse na kanina ay nakasunod sa akin. "Sweetheart you need to go back in the castle."
Nalungkot ang mukha niya. "Bakit?"
"May pupuntahan lang kami ni Laine. Sandali lang kami. And look, gabi na."
"Oo nga 'no." Pumasok na siya sa kotse at hinwakan ang kamay ko. "Balik kayo kaagad ah."
Napangiti ako. "Opo."
"Zafiel promise?"
"Promise Sweetheart." At sinara ko na ang pintuan ng kotse. Nang makalayo na ito ay humarap ako kay Adelaine. "At the library now." Madiing utos ko sa kanya at tumakbo ako papunta sa library ng castle. Umupo ako pagkadating ko. Thinking on what Adelaine's gonna say if ever na wala ako doon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top