Chapter Nine
Chapter Nine:
Cassiopea Nakahara:
"Sabi naman kasi sa iyo kuya na kailangan na niyang bumalik sa kanila!"
"Hindi siya pwedeng bumalik doon dahil hindi siya nararapat sa mundo niya lalo na sa pamilya niya."
"Kuya alam mo namang hindi niya kakayaning tumagal dito lalo na't isa siya—"
"Ano ba ang ingay ingay niyo! Natutulog ako oh!" sita ko sa mga nag-iingay sa loob ng kwarto ko. Kasi naman nabulabog ng mga nagsisigawan na iyan ang tulog ko. Hindi man lang naisip na may natutulog dito bago nagsigawan. Mga bastos.
"Sorry sweetheart."
Napadilat ako. "Bakit ba kasi nandito kayo ah?" naiinis kong tanong sa kanila.
Lumapit sa akin si Zafiel at umupo sa tabi ko. "Sweetheart kaya kami nandito dahil ginamot ka ni Adelaine."
"Bakit?" napakunotnoo ako. May nangyari bang masama sa akin kahapon?
"Hindi mo ba naaalala na nagkaroon ka ng allergy kahapon na nag-trigger ng asthma mo?"
Pilit kong inaalala ang sinasabi niya. At nag-flashback naman sa mind ko ang nangyari sa akin. Nagbabasa ako ng libro habang kumakain ng sandwich na hindi ko pala napansin na may palaman na shrimp. "Aaah. Okay, naalala ko na." napatingin ako kay Adelaine. "Thank you."
Ngumiti lang sa akin si Adelaine. "I need to go. I have a meeting in twenty minutes now. Bye!" at umalis na ito.
"Want to sleep again sweetheart?" malambing na tanong sa akin ni Zafiel. Tumango naman ako. Inaantok pa kasi ako. Epekto siguro ng gamut na pinainom sa akin ni Adelaine nung sinusumpong ako ng asthma. "Matulog ka na. Nandito lang ako sa tabi mo."
"Pero may itatanong pala ako—"
"Sleep."
"Eeeeh!" bigla akong nakadama ng antok kaya unti unti akong pumikit.
-------
"Your Highness gumising na po kayo."
Unti unting dumilat ang aking mata. "Anong oras na ba?"
"Your Highness mag-aalas otso na po ng gabi." Sagot ng maid na gumising sa akin.
Napaupo ako. Ang tagal ko naman atang natulog. "Si Zafiel?"
"Nasa kwarto niya po Your Highness."
"Aaaah." Tumango tango ako. "Kumain na siya?"
Tango lang ang sagot niya sa akin.
Tumayo na ako. "Kayo? Kumain na ba kayo?"
"Opo."
"Aaaah ganun ba. Uhm pupunta na lang ako kay Zafiel." Nagmamadali akong lumabas sa kwarto ko at kumatok sa kabilang kwarto dahil sa pagkakaalam ay kwarto iyon ni Zafiel. Sumunod naman kaagad sa akin ang mga maid pati na rin ang butler ko.
"Whoever you are I said I want to be alone right now!" sigaw ni Zafiel.
"Your Highness hindi po pwedeng guluhin ngayon si Master Zafiel."
Nag-sign ako sa kanila na manahimik sila. "Excuse me Mr. Luxembourg, sa pagkakaalam ko tulog ako nang sinabi mo iyan." Ganting sigaw ko sa kanya.
Pagkaraan ng ilang minuto ay bumukas na ang pintuan. "C-Cassiopea!" tila nahihirapan ito na bigkasin ang pangalan ko.
"Okay ka lang ba?" sinalat ko ang kanya leeg. Daig pa ng patay ang lamig ng balat nito.
"Go back to your room if you love your life."
Napakunotnoo ako. "Huh?"
"Mahal kita Cassiopea pero baka hindi ko matiis na—argh!"
"Your Highness halika na po." Hinawakan ako ni Luis sa kamay ko na agad naman akong pumiksi.
"Hindi kita maintindihan, ano bang nangyayari sa iyo?" nag-aalalang tanong ko sa kanya. Nanlaki ang mata ko nang makita ko na nag-iba ang kulay ng mata nito. Kaninang kulay itim ay nagging kulay pula na ang mata nito.
Bigla niya akong pinasok sa loob ng kwarto niya at marahas na sinandal sa dingding. Sobrang sakit ng ginawa niyang iyon. Lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa balikat ko.
"Master! Ilabas niyo po ang Kamahalan!"
"Z-Zafiel nasasaktan ako."
Bigla niyang nilapit ang mukha niya sa leeg ko. Inamoy-amoy ito.
"Z-Zafiel a-anong ginagawa mo?" Nakaramdam ako ng takot sa ginagawa niya sa akin.
Lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa akin. Nagsimula itong halik-halikan ang aking leeg. "Ang bango." Bulong niya akin.
"Zafiel natatakot na ako sa iyo." Nagsimula nang tumulo ang luha ko sa sobrang takot na nararamdaman ko. Parang hindi ito si Zafiel na kilala ko.
"Kuya!"
"Z-Zafiel." May naramdaman akong parang matulis na bagay sa leeg ko. Nakaramdam ako ng takot katulad ng naramdaman ko noong nabiktima ako ng isang bampira.
Nailayo kaagad ni Adelaine sa akin ang Kuya niya. "Lumabas ka na Ate Cassiopea!" Sigaw niya sa akin at agad rin naman akong tumakbo palabas ng kwarto ni Zafiel.
"Your Highness!" Salubong sa akin ni Luis at inalalayan niya ako papalayo sa kwarto ni Zafiel.
"Anong nangyari kay Zafiel? Bakit siya—?"
"Your Highness wala kaming karapatan para sabihin iyan sa iyo."
Adelaine Luxembourg:
"Kuya!" Tinulak ko siya palayo sa akin. "Inumin mo ito." Pinatong ko sa mesa ang bote na puno ng dugo. Agad namang kinuha ni kuya ang bote at nilagok ito. Bumalik na rin ang dating kulay ng mata ni kuya. Napaupo ako sa upuan. "Kuya do you know what you've done a while ago?" Naiinis kong tanong sa kanya.
Napayuko naman si kuya. Obviously nagi-guilty siya sa nagawa niya kanina.
"Muntik mo na siyang ma-rape kuya! Paano kung hindi ako dumating kanina, siguradong nagalaw mo na siya!" Sumigaw na ako sa sobrang inis at galit na nararamdaman. "Siguradong kamumuhian ka niya!"
"Hindi ko alam na magagawa ko iyon." Halos pabulong na sabi ni kuya.
"Yan na nga ang sinasabi ko sa iyo kuya. Delikado ang buhay niya dito. Hindi lang sa mga converted vampire, pati na rin sa iyo!" Napatayo na ako. "Mas lalong delikado na ang buhay niya dahil alam na ni Milosk na nagbalik na ang reyna mo!"
"Ano?"
"Si Milosk, alam na niya na nandito na si Ate Cassiopea." Seryosong sabi ko.
"Paano niya nalaman?"
"Nakita niya si Ate Cassiopea noong nasa mall kami last Wednesday at nagpakilala siya sa ibang katauhan."
Napasigaw ako nang nabasag ni kuya ang boteng hawak niya kaya nagkalat ang bubog at dugo sa sahig. "Hindi niya pwedeng makuha si Cassiopea sa akin." At biglang nawala na lang ito.
Cassiopea Nakahara:
Kanina pa ako lakad ng lakad sa loob ng parang painting museum ang peg. Bakit parang feeling ko ay ako ang gumawa ng painting na iyan. Ano ba iyan? Nakikisabay naman ang painting na iyan sa pag-aalala ko kay Zafiel.
"Your Highness hindi po ba kayo napapagod sa kakalakad?" Tanong sa akin ni Luis. Mukhang nahilo na ito sa kakapanood sa akin.
"No." Nagpatuloy ako sa ginagawa ko.
"Your Highness umupo na po kayo. Kagagaling niyo lang po sa sakit." Nag-aalalang sabi ni Sena. Siya ang maid na palaging kasama ni Luis.
"Sabihin niyo na kasi kung bakit siya nagkaganoon? At saan niyo pala nabili itong mga painting? Parang gawa ko kasi eh."
Nagkatinginan si Luis at Sena.
Napataas ang kilay ko. Anong mali sa tanong ko?
"Your Highness hindi po namin masasagot ang iyong mga katanungan." Nakayukong sagot ni Luis.
"Nakakainis naman kayo eh!" Napapadyak ako sa sahig. Bakit ba ayaw nila sagutin ang mga tanong ko?
"Master!"
Napalingon ako sa likuran ko. Si Zafiel. Lumapit ako sa kanya sabay yakap. "Ano bang nangyari sa iyo? Sobra akong nag-alala sa iyo." Nagsimula na akong umiyak.
"Sssh. Wag ka nang umiyak." Pinunas niya ang luha na naglandas sa pisngi ko. "Wala kang dapat ipag-alala. I'm fine."
"Ano ba kasing nangyari sa iyo?"
Ngumiti siya. "Mahirap ipaliwanag sa ngayon."
"Eh di padaliin mo. Problema ba iyon?"
Tumawa ito ng malakas. "Malalaman mo rin sa tamang panahon Mahal."
Napasimangot ako. "Sa tamang panahon? Ano ito, Kalyeserye? Ikaw si Lola Nidora tapos ako naman si Yaya Dub."
Napakunotnoo ito. "What is Kalyeserye? Who is Lola Nidora and Yaya Dub?"
"Eeeeh. Hindi mo alam?" wala man lang comment. "Tss mahirap ipaliwanag sa ngayon." Ginaya ko ang tono ng pananalita niya kanina.
Tumawa na naman ulit ito. Kinabig niya ako at hinalikan sa labi. Unti unti kong pinikit ang aking mata. Kakaiba itong nararamdaman ko. Ganito ba talaga ang feeling ng first kiss. Parang dinadala ka sa ibang dimension. Ito ba ang sinasabi nilang parang nakarating ka na sa cloud nine?
Dumilat na ako nang humiwalay na sa akin si Zafiel. "I love you."
"I-I love you too."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top