Chapter Fourteen
Chapter Fourteen:
Cassiopea Nakahara:
"Your Highness ano po bang bibilhin natin dito?" Tanong sa akin ni Sena habang patuloy lang kami sa paglalakad dito sa parang market ng lugar nila. Kasama namin si Luis sa paglilibot.
"Basta Sena." Hindi ko rin kasi alam kung bakit ko gustong pumunta dito eh wala naman akong perang dala para bumili ng bagay bagay. Buti na lang may pera sila Luis kaya pwede akong makautang. Saka ko na lang sila babayaran kapag may pera na ako.
"Your Highness baka po hanapin tayo ni Master Zafiel." Nakatungong sabi ni Luis.
"Hindi iyan." Huminto akong maglakad sa harap ng isang art supply shop. "Dito lang kayo." Pumasok ako sa loob. Nilanghap ko ang amoy ng pintura at iba bang pang-art stuff dito sa art supply shop. Na-miss ko ang amoy na ito. Nag-umpisa na akong libutin ang loob ng shop. Kumukuha ako ng painting stuff na wala doon kina Zafiel. Plano ko kasing gumawa ng portrait ni Zafiel at Adelaine. Gift ko sa pagiging mabait nila sa akin.
May mga pang-art craft din akong kinuha ng cross stitch. "Wala bang basket dito para lagyan ng mga bibilhin?"
"Gusto mo ng tulong?"
"Ay jusko po!" Napahawak ako sa dibdib ko. "Grabe ka naman Kuya."
"I'm sorry Lady Cassiopea. Nakita ko kasi na nahihirapan at ayoko naman na mahirapan ang costumer ko." Nag-bow ba sa akin si Kuya Ace
"Wow! You own this shop? Cool."
"Yeah. I own this shop. Mahilig ka pala sa art stuff at lalo na sa pagpinta." Kinuha ni Kuya Ace ang iba kong dala. Mabuti naman dahil nahihirapan na ako magdala.
"Yes. Passion ko ang pagpinta." Napahinto ako sa paglalakad. Kinuha ko ang isang set ng paint brush.
"Mukhang magkakasundo tayo, hilig ko ang pagpinta."
Napangiti ako ng abot tenga. Its good to hear na may makakakilala ako na same sa passion ko. "That's great. Maybe iyan ang reason kung bakit ka may ganitong shop."
"Nope."
Napataas kilay ako. "Bakit nope?" Kumuha naman ako ng oil paint na color Permanent Alizarin Crimson, Ultramarine Blue at Cadmium Yellow Light.
"Kasi itinayo ko ang business na ito para sa babaeng mahal ko when she died."
Nalungkot ako para kay Kuya Ace. Maybe he really love that girl. "Sorry Kuya Ace."
"Its okay. Nandito naman kasi siya."
"Huh?"
"Ano pang materials ang kailangan mo?"
"Wala na Kuya Ace. Sandali lang Kuya ah kukuha lang ako ng pambayad sa mga kasama ko."
Hinawakan ako ni Kuya Ace sa braso. "No need. Its free for you."
"Hala Kuya nakakahiya. Mahal ang ganitong materials."
"Its okay. Friendship gift ko na ang mga ito sa iyo." Hinila niya ako papuntang counter. Agad niyang nilagay sa dalawang paper bag ang mga bibilhin ko dapat. "Ngayon lang ulit ako nagkaroon ng kaibigang babae kaya libre na ito, sa susunod may bayad na."
"Your Highness!" Nasa loob na pala ng shop si Luis at Sena.
"Friend ko sila." Nakangiting bulong ko. "Ganyan lang talaga nila ako tawagin. Utos kasi sa kanila ng fiancee ko."
Nanlaki ang mata ko. "Ikakasal ka na?"
"Yeah."
"I-Its good to hear that. Congrats."
"Your Highness kailangan natin na bumalik. Hinahanap na po kayo sigurado ni Master Zafiel." Nakayukong sabi ni Sena.
"Ah ok. Thanks Kuya Ace." Kinuha kaagad ni Luis ang paper bag.
"You're welcome." Ngumiti ito. "By the way Sena and Luis its nice to see you two again."
"Pwes ako hindi." Cold na sabi ni Luis. "Lets go Your Highness." Hinila ako ni Luis palabas ng shop.
"Tell King Zafiel, congrats!" Iyan ang huli kong narinig bago kami tuluyang nakalabas.
"King Zafiel?" Bulong ko sa sarili ko. "Hari si Zafiel?"
------------
Pagkadating namin ay tinanong ko kaagad sa unang nakasalubong naming maid kung nasaan si Zafiel. I need to talk him. Naguguluhan ako sa sinabi ni Kuya Ace.
Kumatok muna ako sa pintuan ng library bago pumasok. Sabi kasi ng maid ay nandito si Zafiel. Bumungad sa akin ang nagbabasang si Zafiel. "Hi!" Bati ko sa kanya para mabawasan ang kabang nararamdaman ko.
Huminto si Zafiel sa ginagawa niya at tumingin sa akin. Binigyan niya ako ng isang matamis na ngiti. "Bakit ka nandito Sweetheart?"
Lumapit ako sa kanya. "May itatanong kasi ako sa iyo. Kung pwede lang."
"Sure." Hinila niya ako kaya napakandong ako sa kanya. "Kahit ano tanungin mo basta 'yung masasagot ko."
"Uhm." Pinagdikit ko ang ring finger ko. Paano ko ba tatanungin kay Zafiel ito? Kinakabahan ako.
"Wala pa pala sa iyo ang engagement ring mo." May kinuha ito sa drawer ng table na katapat namin. Isang maliit na box at nang buksan niya iyan ay tumanbad sa akin ang isang singsing na ang design ay parang star na may napapalibutan ng diamonds. Kinuha niya iyon at isinuot sa ring finger ko sa kanang kamay. "Perfect."
"Bakit kailangan pa ng ganitong singsing?"
"Ayaw mo?"
Umiling ako. Sa totoo lang ay gusto ko ang singsing na ito. Feeling ko pag-aari ko na ito noon pa. "Gusto ko siya."
"Mabuti naman." Bumalik ang sigla sa mukha nito.
"Pero hindi mo naman kailangang bumili ng ganito?"
"Para talaga sa iyo iyan." Hinawakan niya ang kamay ko. "So ano pala ang itatanong mo?"
Huminga muna ako ng malalim. Oo nga pala may tanong ako sa kanya. Muntik ko na makalimutan. Tumingin ako sa mata niya. "Who are you, King Zafiel?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top