Chapter Four
Chapter Four:
Cassiopea Nakahara:
Napa-facepalm ako. Paano naman kasi kanina pa ako naglalakad at sa tingin ko'y naliligaw na ako sa malakastilyong bahay na ito or should I naliligaw na ako sa kastilyong lugar na ito. Sumasakit na ang binti ko sa kakalakad at kanina pa ako nag-aabang ng makakasalubong ko. Ni wala man lang atang katao-tao sa lugar na ito. Kung meron man, ako lang ata iyon kung sakaling umalis ang Zafiel na iyon.
Napatingin ako sa bintana. Magdidilim na't hindi pa rin ako nakakabalik sa kwartong inilaan sa akin ng lalaking iyon.
Lumiko ako. Mahaba-habang pasilyo rin ito. May mga pintuan at isa-isa ko itong binuksan para malaman kung ito ba ang kwarto ko. Nang pagbukas ko sa pintuang kulay maroon ay may narinig akong footsteps kaya napatingin ako sa hallway. Laking tuwa ko dahil may mga babaeng naglalakad papunta sa direksyon ko. Salamat naman at may tao na akong nakita. Sa tingin ko maid ang mga ito base na rin sa kasuotan nilang mala royal maid at may nakasunod pala sa kanilang mga lalaki na parang butler.
Papalapit sila nang papalapit sa akin hanggang sa huminto sila sa tapat ko at yumuko.
"Magandang araw sa inyo Kamahalan." Sabay sabay nilang sabi.
Ano daw? Kamahalan? Napatingin ako sa likuran ko, baka kasi may tao sa likod ko at hinfi ko lang napansin. Wala naman.
"Kamahalan kanina pa namin kayo hinihintay sa iyong silid." Wika ng isa sa mga butler.
"At mabuti't nakita namin kayo." Dugtong ng isang maid.
Napakamot ako sa ulo. Ako nga ang kausap nila. "Hehe mga ate at kuya hindi ako royalty para tawagin kamahalan chuchu." Nakaka-awkward kayang tawagin akong kamahalan dahil hindi ako kasapi sa royal family.
"Kamahalan, isa pong kabastusan ang hindi namin pagtawag sa inyo na kamahalan."
"Eeeeh?" Napakamot na naman ako sa ulo.
"Kamahalan kasalanan namin na kayo'y hindi ninanap kaagad."
"Eeeeeh." Weird ng mga ito. Gusto ko na talagang umuwi.
"Kamahalan kailangan na po nating bumalik sa inyong silid at nang kayo'y maayusan na." Wika ng sa tingin ko pinaka-leader nila.
Shitzu! Ngayon ko lang naalala ulit na may party 'yung Zafiel na iyon at sasabihin niya na engage na raw kami. "Kailangan na ba talaga akong ayusan?" Tanong ko sa kanila.
"Opo Kamahalan." Sabay sabay nilang sagot.
"Kung ganun..." Bigla akong kumaripas ng takbo. Ayokong magpakasal sa weird na lalaking iyon. Kay Dean nga ayoko magpakasal, sa kanya pa kaya na ngayon ko lang nakilala. Ano sila? Sinuswerte?
"Habulin niyo ang Kamahalan!"
Nararamdaman ko na hinahabol nila ako. Ako naman ay kung saan saan na lumiliko. Kailangan kong makalabas dito. Bakit kasi ngayon ko lang naisip na tumakas sa lalaking iyon. Ang tanga mo talaga Cassiopea.
Natingin ako sa likuran ko. Hay sa wakas wala na sila sa likuran ko. Huminto muna ako sa pagtakbo dahil sobra na akong hinihingal. After siguro ng twenty seconds ay naglakad na ako.
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang ang bumungad sa akin ang isang glass door. Napangiti na ako. Makakabalik na ako sa amin. Nagmamadali akong lumabas. Mukhang nasa isang hardin ako. Nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad. Pulos mga puno na itong nilalakaran ko.
Lumusot ako sa mga baging na nakaharang sa dinadaanan ko.
Habang naglalakad ako ay ngayon ko napagtanto na ako ay nasa loob ng isang labyrinth at ako ay naliligaw na. Puros dead end ang napupuntahan ko. Nagpatuloy akong maglakad at sana makita ko na ang tamang daanan.
"Nakuuu! Paano na ako makakaalis nito?" Napaupo ako sa sahig. Napatingin ako sa langit. Madilim na at hindi ko na masyadong naaaninag ang nasa paligid ko.
Napayakap ako sa sarili ko nang makarinig ako ng tila tumatakbong hayop. Nakadama ako ng takot. Natatakot ako dahil baka isang mabangis na hayop ang nilalang na naririnig kong tumatakbo ng mabilis.
Nakadama ako ng malakas na hangin na dumaan ng mabilis sa likuran ko kaya napalingon ako doon. Napalingon ako sa kaliwa't kanan.
Ano iyon? Parang may tumatakbo ng mabilis sa paligid ko.
"Kumusta magandang dilag?"
Humarap ako sa bumulong sa akin ngunit walang tao.
Nanginginig na ako sa takot. Dapat hindi na lang ako umalis doon sa kastilyo. Tumakbo ako dahil patuloy pa rin ang pagtakbo ng tila invisible na tao.
"Mukhang naligaw ka magandang dilag?"
Nanindig ang balahibo ko sa batok dahil galing sa likuran ko ang nagsalita.
"Ako ba ang hinahanap mo magandang dilag?" biglang lumitaw sa harapan ko ang isang lalaking may mapula ang mata.
Napahakbang ako palayo sa lalaki.
"Magandang dilag, paano ka nakapasok dito?"
Napakunot-noo ako. Ano daw?
"Bakit ba ako nagtatanong sa iyo na isang hamak na tao lang." napahawak ito sa tyan nito. "Mabuti't nakita ko ang isang tulad mo. Siguradong busog ako sa dugo mo."
Busog? Sa dugo ko? Nanlaki ang mata ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top