Chapter Eight


Chapter Eight:


Cassiopea Nakahara:



"Siguro pwede naman akong pumunta sa library para makapagbasa?" nakataas ang kilay na tanong ko sa butler ko.


"Of course Your Highness." Naka-bow na sagot ng butler ko.


Napa-palakpak ako ng wala sa oras. "Great! Akala ko bawal din."


"I'm sorry Your Highness kung pinagbabawal ko kayo kahapon. Sinusunod ko lang po ang utos ni Master Zafiel."


"Its okay. Naiintidihan ko naman. Saan pala ang library dito?"


"Follow me Your Highness." Sumunod naman ako sa kanya. Malapit lang pala sa room ko ang library. Sus bakit hindi ko napansin? Pumasok kaagad ako sa library.


"You can go na." nakangiting sabi ko.


"Your Highness may iba pa po ba kayong gusto?"


"Uhm bring some sandwich here."


"Ano pong gusto niyong—"


"Anything." Tumalikod na ako at naglakad papunta sa mga bookshelf. Maghahanap ako ng tungkol sa vampire and paano sila maiiwasan and pangontra rin sa kanila of course.


History of Decentria Kingdom

Royal Family of Decentria Kingdom

Dencentria's King


Pulos about sa Decentria Kingdom naman itong unang bookshelf. Grabe naman ang pagka-fan ng family ni Zafiel sa Dencentria Kingdom. Isang bookshelf ang sinakot. At iba't iba rin ang writer ng tungkol sa kingdom. Ano ito? Long lost kingdom ba iyan dito sa world.


The Long Lost Queen of Decentria


"Hmn kakaiba itong book na ito ah. May long lost queen pala ang Decentria na iyan. Cool." Kinuha ko kaagad ang book.


"Your Highness ito na po ang sandwich mo at nagdala na rin po ako ng inumin mo." Pinatong ng butler ko ang tray ng pagkain ko sa table. "May iba ka pa po bang ipapagawa?"


"Wala na Luis." Natigilan ang butler ko nang sinabi ko ang name niya. Siguro nanibago lang siya. "You may go." Lumabas na kaagad ito.


Umupo kaagad ako at kumuha ako ng sandwich para kainin na. Binuklat ko kaagad ang book at inumpisahan ko ang pagbasa sa book. "Queen Ramona Luxembourg, Princess of Averno Kingdom." Bigla kong nabitawan ang libro. Biglang nanikip ang dibdib ko at hindi ako makahinga. Tinignan ko kaagad kung ano ang palaman ng sandwich. Shrimp. Tumayo ako para makalabas sa library kaso nanghihina na ako. Napaupo ako sa sahig. Lalo akong hindi makahinga.


Napatingin ako sa braso ko. Namamantal na ito. Buong katawan ko nito ay siguradong namamantal na.


Pinilit kong tumayo kaso bumagsak lang ulit ako. "T-Tulong." Mahinang na lang ang boses ko. Unti unti nang bumabagsak ang talukap ng mata ko.


Zafiel Luxembourg:


"Nasaan si Cassiopea?" tanong ko kaagad kay Luis nang makasalubong ko siya. "King nasa library po siya."


Tumango lang ako at nagmamadaling pumunta sa library. Sabik na sabik na akong makita siya. Sa bawat minutong napapalayo ako sa kanya parang oras ang dumadaan. Pagkabukas ko ng pintuan ay walang Cassiopea na nagbabasa. Nakadama ako ng takot na katulad ng naramdaman ko nang muntik na siyang mamatay ng dahil sa lamang sa isang converted vampire. Pumasok kaagad ako sa loob.


Nang nasa harap na ako ng bookshelf tungkol sa Decentria ay nakita kong nakahiga sa sahig si Cassiopea. Nasa dibdib nito ang kamay nito at puno ng pantal ang buong katawan nito. Agad ko siyang nilapitan. "Cassiopea!" ginigising ko siya.


Unti unti niyang minulat ang mata niya. "Z-Zafi-el hi-hindi a-ako maka-h-hi-nga." Hirap na hirap ito magsalita.


Binuhat ko siya. "Huwag kang pipikit." Patakbong lumabas ng palasyo.


"Z-Za-fiel."


"Huwag mo akong iiwan." Ngumiti lang ito at unti unti itong pumikit. Agad agad akong dumaan sa portal papuntang mundo ng tao. Alam kong ang mundong ito lang ang makakatulong kay Cassiopea. Pumunta kaagad akong sa malapit sa portal na hospital at katumbas iyon ng apat na oras na biyahe ng tao.


"Ano pong nangyari sa kanya sir?" tanong kaagad ng nurse na sumalubong sa amin.


"I-I don't know. Basta nakita ko na lang siyang walang malay." Sagot ko. Inihiga ko sa hospital bed si Cassiopea.


Agad naman inassist ng nurse si Cassiopea. Sinuotan siya ng oxygen mask. Dumating naman ang doctor. Kaya lumabas na ako. Pagkaraan ng sampung minuto ay lumabas na ang doctor.


"What happen to her?" nag-aalalang tanong ko sa kanya.


Ngumiti ang doctor sa akin. "She's fine now. Nagkaroon siya ng allergy na nag-trigger sa asthma niya at mabuti na dinala mo siya dito sa hospital kung hindi mo siya agad dinala dito, ang allergy niya ang maaring mag-cause ng kamatayan sa kanya. For now she need to confine for two to three days for observation. Dadalhin na siya sa private room."


"Aaaah. Thank you." tumango lang sa akin ang doctor bago umalis. Sinundan ko ang mga nurse na nagdala kay Cassiopea.


"Sir pwede po bang paki-fill up po ito for imformation ng patient."


"Okay.' finill-up ko ang form. "Heto na."


"Thank you sir." at lumabas na ang nurse sa room.


Lumapit ako kay Cassiopea. "Hey Sweetheart. Wake up. Nasa mundo mo na ikaw."


"Di ba si Cassiopea Nakahara iyon? Yung anak nung owner ng Nakahara Empire?"

Nakuha ng attention ko ang mga nag-uusap sa labas ng room ni Cassiopea. Bakit nila pinag-uusapan si Cassiopea?


"Oo nga. Hinahanap siya ng tatay niya di ba?"


"Kaya nga. Sabihin kaya natin kay Mr. Nakahara para tayo ang makakuha ng award."


"Tama ka girl."


Hindi ko na narinig ang iba pang pinag-uusapan ng mga nurse. Mukhang tatawagin nila ang ama ni Cassiopea. Kapag nagawa nila iyon, siguradong mapapalayo na sa akin si Cassiopea dahil mas pipiliin niyang makasama ang ama niya. Hindi pwede iyon.


Tinanggal ko ang dextrose na nakakonekta kay Cassiopea pati na rin ang oxyggen mask. "Sorry Sweetheart pero ayokong mapalayo ka na sa akin." kinarga ko siya. Tumakbo na ako. Hindi naman kami mapapansin ng mga tao dito sa hospital. "Mapapagaling na naman ni Adelaine kaya hindi mo na kailangan magtagal dito."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top